MAS BATANG GILAS PINABORAN NG SBP

PBA-SBP

MAYROONG 11 PBA players at 13 collegiate at rookies ang kasama sa 24-man Gilas Pilipinas pool na maghahanda para sa first window ng qualifiers para sa 2021 FIBA Asia Cup.

Nagkasundo ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at Philippine Basketball Association (PBA) na mula rito ay pipili ng Final 12 na kakatawan sa Pilipinas na lalaban sa Indonesia at Thailand sa Pebrero.

Kabilang sa PBA stars sina Japeth Aguilar, Kiefer Ravena, CJ Perez, Fil-German Chirstian Standhardinger, Ray Parks, Poy Erram, Roger Pogoy,  Mac Belo, Matthew Wright, Troy Rosario at Marc Pingris.

Kasama rin sa pool sina Isaac Go, Rey Suerte, Matt at Mike Nieto at Allyn Bulanadi na hinugot mula sa special Gilas draft noong Disyembre.

Bukod sa mga nabanggit, nasa listahan din sina Thirdy Ravena, Kobe Paras, Fil-American Dwight Ramos, Jaydee Tungcab, Javi Gomez de Liano at Justine Baltazar.

Sa unang pagkakataon ay magkakasama sa isang koponan ang magkapatid na Thirdy at Kiefer, gayundin ang kambal na sina Mike at Matt.

Sa pulong nina PBA commissioner Willie Marcial at SBP president Al Panlilio, hindi pa rin napag-usapan ang uupong interim coach ng koponan sa pagsabak kontra Thailand sa Pebrero 20 at Indonesia sa Pebrero 23.

Kaliwa’ kanang batikos naman mula sa netizens ang inabot ng SBP sa hindi pagsama sa pool kina five-time Most Valuable Player June Mar Fajardo at two-time Asia’s Best Guard Jayson Castro.

Nagpahayag din sila ng pagkadismaya sa pagkakasama kay Marc Pingris, na matagal na hindi nakapaglaro at kababalik pa lamang mula sa isang matinding injury.

“Junemar, Kai sotto, Edu?? Ang liliit ng nasa line up,” komento ni marvin montealegre@benthought12.

“Marc Pingris???? 💀 Could’ve just gotten him to be an assistant coach,” ayon kay McBlur💨@GilasTNT.

“Would love@JAlapag3 to coach this group..and @MPingris15 shud be there to be honored!!! nasabi naman ni Dan Decena@maciel333.  (VT TOMANO, ANN ENCARNACION)

Please follow and like us:
Read More

BATANG GILAS SA QATAR: HULING TRAINING SA FIBA U-19

batang gilas12

DUMATING na sa Doha, Qatar ang Gilas Pilipinas youth team para sa kanilang final training  bago ang 2019 FIBA Under-19 World Cup.

Nakatakdang sumalang ang Batang Gilas sa exhibition games sa dalawang club teams sa Qatar upang mapalakas ang kanilang defense at team chemistry bilang paghahanda sa World Cup.

Sa Facebook post ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), sinabi ni U-19 Philippine team head coach Sandy Arespacochaga na sasamantalahin nila ang friendly games sa nasabing bansa upang hasain ang defensive schemes at rotations ng Batang Gilas.

Sasabak sa World Cup sa June 29 hanggang July 7 sa Heraklion, Greece ang Batang Gilas sa pangunguna nina Kai Sotto at AJ Edu.

Makakasama din nila sina National University stalwarts Gerry Abadiano, Terrence Fortea, Dave Ildefonso, Carl Tamayo, Bismarck Lina, Geo Chiu, Rhayyan Amsali, Joshua Ramirez, Migs Oczon, James Spencer, at Dalph Panopio.

Mula Qatar ay lilipad ang Arespacochaga-mentored squad sa Greece sa June 27.   Photo credit: FIBA / www.fiba.basketball

Please follow and like us:
Read More