ISKO DISMAYADO; VENDORS SA YLAYA, BAWAL NA

(NI DAHLIA S. ANIN)

LABIS na nadismaya si Manila Mayor Isko Moreno sa surprise inspection na kanyang ginawa sa kalsada ng Ylaya sa Binondo, Maynila, kung saan tumambad ang tambak na basura.

“Kayo ba’y hindi nahihiya? Hindi ba kayo nahihiya nya’n? O talagang baboy lang kayo sa bahay?,” tanong ni Isko sa mga tindero sa kanyang pag-iinspeksyon.

Wala umanong kusa ang vendors na patuloy sa pag-iiwan ng mga basura sa lugar. Kooperasyon lamang umano ang kanyang hinihingi sa mga ito na ito nang payagan niyang makapagtinda basta susunod sa mga patakaran tulad ng paglilinis sa kanilang kapaligiran.

Agad niyang ipinagbawal ang pagtitinda sa nasabing lugar.

Ani Isko, kung patuloy lang ang pagkalalat ng mga vendor ay tumigil na lamang sila sa pagtitinda.

Lahat ng basura sa umaga at gabi ay nagsasama kaya naman nagiging bundok ng basura ang hinahakot araw-araw sa Divisoria.

Una nang pinaalis ni Isko ang mga vendor sa Recto Avenue at Juan Luna St. at inilipat ang mga ito sa Carmen Planas, Ylaya, Zamora at Santo Cristo St.

Mula ng umupo bilang mayor ay pinangarap ni Isko na isulong ang kalinisan at disiplina sa lungsod, kaya inalis ang lahat ng obstruction sa mga pangunahing kalsada sa Maynila.

Please follow and like us:
Read More

TINGIN SA TINGI (2)

DUMPSITE

Kulang sa political will o nabahiran ng katiwalaan

(Ni Mac Cabreros)

NOON pa mang 2000, gumawa na nang hakbang ang pamahalaan upang mapigilan ang paglaki ng problema sa basura lalo na sa plastic kaya’t naipasa ang Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste na nag-aatas sa mga lokal na pamahalaan upang gumawa ng  tamang hakbang upang mapigilan ang paglaki at pagtambak ng mga problema sa basura kabilang na rito ang pagpapasara sa mga open dumpsite. Naitatag din ang National Solid Waste Management Commission na magtitiyak maipatupad ang nasabing batas.

Napapaloob sa RA 9003 ang pagre-recycle, pagse-se­gregate at pagpapasara sa mga dump sites.

“Many secondary cities do not have waste collection at all,” pahayag Froilan Grate, executive director Global Alliance for Incinerator Alternatives – Philippines.

Sinabi naman ni Von Hernandez, global coordinator ng Break Free From Plastic Movement, bagaman bahagi ng mandato ng RA 9003 ang recycling, segregating, closure of dump sites, nananatili pa rin ang mga ito at ang masaklap ay malapit pa sila sa mga katawang tubig tulad ng Manila Bay at Laguna de Bay.

“It is common sense that these should be shut down – yet there they are, still existing,” ayon kay Hernandez na nagpahayag din na  kakulangan sa political will o posibleng nababahiran ng katiwalian ang implementasyon kaya hindi ito ganap nakakamit ang adhikain ng naturang batas.

Pumutok ang plastic waste sa Filipinas noong 1970’s nang simulan ng mga manufacturer ang paggamit ng single use plastic gaya ng shampoo, toothpaste, creams, soaps, crackers, nuts at iba pang foodstuffs. Lumaganap ang ‘tingi culture’ sa buhay Pinoy kung saan inaakalang makatitipid ito sa gastusin.

“Waste management is just a small part of the solution,” diin Grate. “Yes, cities should do their part in waste management through collection, composting, recycling … but even if all cities comply with RA 9003, there will be residual waste. So companies should start using alternatives that are manageable for communities,” dugtong nito.

Sinabi pa nina Hernandez at Grate na dapat sumunod ang mga kompanya lalo ang mga manufacturer sa batas at maki­bahagi sa extended producer responsibility strategy para mabawasan o maibsan ang problema sa basurang plastik.

“We have RA 9003; what we don’t have is a law that mandates producers to be res­ponsible for the products and packaging that they are bringing to the market,” diin Hernandez.

“These companies have made the decision to make these materials, knowing full well there is no infrastructure to dispose of them. So it’s not a consumer problem but a corporate problem.”

“Single-use plastic is ubi­quitous, but it lasts forever. Recycling cannot be the answer, so we need to change the system,” pahayag Dianna Cohen, co-founder at CEO ng Plastic Pollution Coalition.

“Until large companies take responsibility for their actions, plastics will continue to blight the natural environment. Instead of relying on [local governments] and the efforts of environmental organizations, these companies, which are making a lot of money from consumers, should invest in their own long-term solutions,” dugtong Grate.

“Metro Manila alone spends seven billion pesos [US$130 million] a year to dispose of waste – garbage that big corporations are making money with. It is not right for them to pass the burden to the government and communities.” Pagtatapos  ni Grate.­

Please follow and like us:
Read More

TINGIN SA TINGI (1)

PLASTIC-3

Gabundok na problema ngayon at bukas?

(Ni Mac Cabreros)

ANG basura lalo na ang plastic ay hindi nawawala sa isang iglap lang tulad ng iniisip natin kung gamitan ito ng madyik. Dahil batid natin na taon ang binibilang bago ito malusaw kahit pa ibaon sa lupa. At batid din natin na mapakalaki ng masamang epekto nito sa kalikasan, kalusugan at ekonomiya na kapag nagtagal pa ay mananatiling problema lalo na kapag hindi pinansin at maagapan.

Sa madaling salita, ang ina­akala nating simpleng problema sa basura ngayon ay magi­ging tone-tonelada at gabundok na problemang kakaharapin natin bukas.

Bilyon-bilyong plastik at styrofoam ang natatambak sa mga landfill gayundin naanod sa ilog patungo sa karagatan kung saan nasisira ang marine ecosystem. Noong 2016, naiulat na abot sa 40,000 metriko tonelada ang basura kada araw ang nakokolekta.

Naalarma ang mga eks­perto dahil walong toneladang basura ang natatapon sa mga karagatan bawat araw at ang masaklap dito, base sa ulat, pangatlo ang Pilipinas bilang ocean polluter.

Ayon sa mga mananaliksi, pakonti nang pakonte ang mga pagkaing nakukuha sa karagatan bunsod nang pagkasira sa marine ecosystem kung saan nalalason at namamatay ang mga isda at iba pang lamang dagat. Katunayan, may mga isdang basta na lamang napadpad sa dalampasigan at nang suriin ay plastik ang laman ng bituka. Naiulat din na nagtataglay ngayon ng micro-plastik ang mga isdang nahuhuli at siyang nahahatag sa hapag-kainan.

Umaalingasaw din ang problemang dulot ng masangsang na amoy mula sa basura kung saan pinagmumulan ng iba’t ibang sakit lalo sa upper respiratory system ng tao. Nakaamba rin ang panganib sa kalusugan mula sa toxic waste dahil maaring pagmulan ito ng lason at kemikal para magkasakit ang tao. Nakapagdudulot din ng matinding pagbaha dahil nababarahan ng plastic ang mga daluyan ng tubig at siyempre aapaw sa kalsada ang tubig-ulan.

Alam natin na malakas na economic driver ang turismo. Marami ang nagkatrabaho bilang tourist guide gayundin sa serbisyo sa mga establishment sa tourist spots gaya ng beach. Malaki rin ang ambag nito sa kabuhayan ng mga gumagawa ng handicrafts gaya ng souvenir items. Pero paano kung matataboy ang mga turista dahil umaalingasaw ang nakasusulasok na amoy mula sa gabundok na basura na nagsisilbing ‘eye sore’ kung saan imbes na gaganahan ang pagbisita at pag­liwaliw sa magagan­dang tanawin sa bansa?

Kasabay nang pagsusulong sa turismo, ilang hakbang ang dapat itaguyod para mapanga­lagaan ang kalikasan. Kabilang dito ang pag-promote sa farm-to-market restaurant kung saan higpitan ang pagpasok sa imported at nakapaketeng preserved food. Sa pamamagitan nito, maengganyo rin ang mga magsasaka upang magtanim ng maraming high value crops. Ipinupursige rin ang paagbabawal sa pagdadala ng bottled water bagkus ay reusable water bottle o pitcher sa mga beach at camping areas. Dapat din bigyan ng insentibo ang sinumang mag-uulat na may turistang lumalabag sa batas-kalikasan.

Noong 2000, naipasa ang Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste kung saan inatasan ang mga lokal na pamahalaan upang gumawa ng karampatang hakbang para maagapan ang problema sa basura kabilang na rito ang pagpapasara sa mga open dumpsite. Naitatag din ang National Solid Waste Management Commission na magtitiyak maipatupad ang nasabing batas.

Bagama’t ganito, pagkaraan ng labingwalong taon, nakita ng mga environmental protector group na hindi ganap naipapatupad ang nabanggit na batas dahil daang open dump sites pa rin ang nag-ooperate.

Please follow and like us:
Read More

4 DRIVER HULI SA ILLEGAL NA PAGTATAPON NG BASURA

basura3

(NI SIGFRED ADSUARA)

INARESTO ng Cavite police ang apat na  driver habang nasa kustodiya  ng Cavite Police ang  apat  na dump truck na ginamit matapos na illegal na nagtapon ng basura sa Gen. Trias City, Cavite.

Kasong paglabag sa Sec. 48, Para 13RA 9003 o Ecological Solid Waste Managemnet Act of 2000 ang isinampang kaso laban sa mga naarestong suspek na sina Gilbert Natural, 37, ng Summercrest Subd, Brgy Sahud Ulan, Tanza Cavite;  Rafael Zandro Dacir, 29, ng Sahud Ulan Tanza Cavite; Christian Himawas, 23, ng  Remulla Drive, Sahud Ulan Tanza Cavite at Jobert Natural, 44, ng  Remulla Drive, Sahud Ulan Tanza Cavite.

Sa ulat  ng Gen Trias City Police Station, dakong alas-12:00 ng tanghali nang  arestuhin  ng Bantay Bayan ang mga driver matapos na magtapon ng mga solid waste materials sa Brgy Alingaro, Gen Trias City, Cavite.

Paliwanang ng Bantay Bayan na wala sa listahan ang Brgy Alingaro sa pinagtatapunan ng mga basura.

 

 

Please follow and like us:
Read More