BONG PIKON NA SA BASHERS; MAGDEDEMANDA

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

MUKHANG napikon na rin si Senador Bong Revilla at nagsabi ngayong idedemanda niya ang mga bashers at sino mang magsabi na may pera siyang kailangang isauli sa gobyerno.

Pinanindigan ng senador na wala siyang ninakaw at wala siyang kailangang isauli.

Actually, hindi nga maliwanag eh, kung ano ang nangyari at siya ay i-nacquit ng Sandigang Bayan sa kaso niyang plunder pero may halagang gustong ipasauli sa kanya. Iyon ang dahilan kung bakit ang desisyong iyon ay iniapela nila sa mas mataas sa hukuman.

Siguro nga kung minsan ay inaabot na rin ng pagka-pikon si Senador Bong kaya ganyan na ang kanyang reaksiyon sa kanyang mga bashers.

MAS MAHAL NANG 200 TIMES KAYSA SA WAGYU BEEF  ANG EMBUTIDO NI MALE STAR

Ang isang kilo ng karneng wagyu ay mahigit lamang 400 piso ang halaga. Iyong malaking embutido naman sa supermarket na isang kilo ang timbang, nasa mga ganoong presyo lang din. Bakit ka naman magbabayad ng P80,000 sa karneng ang bigat ay mga dalawang guhit lamang at halos isang karaniwang embutido lang ang sukat. “Hoy hindi ninyo kami mapapaikot, discrimination iyan, “ sigaw ng isang bading habang papalabas sa studio ang isang male star.

Iniisip din namin, ano kaya ang kinalaman ng male star sa wagyu beef at jumbo embutido? May ganoon nga kaya siyang business, at bakit sinasabing 80 libo ang halaga. Ano iyon, may kasamang special sauce?

Linawin nga ninyo kung ano ang negosyo ninyo.

 

 

Please follow and like us:
Read More

BASHERS NI JULIA BINALAK HANTINGIN NI DENNIS

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

BILANG isang ama ay talagang nakasuporta si Dennis Padilla sa mga kontrobersiyang kinasangkutan ni Julia Barretto. Kamakailan ay pumutok ang tungkol sa relasyon diumano ng aktres at Gerald Anderson na posibleng dahilan daw ng hiwalayan ng aktor at Bea Alonzo. “’Yung huli naming usap ang sabi ko sa kanya hayaan mo na lang muna ‘yan anak. Tutal pagod ka sa pagtatrabaho, bakit hindi ka muna magbakasyon. ‘Wag ka na muna maging active sa social media. ‘Wag ka na muna mag-react kung ano ang mga mababasa mo. Tapos ‘wag ka na ring sumagot muna,” pahayag ni Dennis.

Ayon sa komedyante ay talagang nakararamdam siya ng galit sa tuwing may masasamang salitang ibinabato ang netizens sa social media tungkol kay Julia. “Siyempre ‘pag bina-bash si Julia nagagalit ako. May mga pagkakataon na ‘yung mga namba-bash kay Julia, gusto kong isa-isa puntahan sa bahay at gulpihin, oo totoo ‘yon. Minsan may mga taong hindi ako nauunawaan. Ang basa nila, ‘Oh, sumasakay ka pa sa gulo ng anak mo.’ Anak ko ‘yon, di ko kailangang sumakay,” pagtatapat ng aktor.

Ilang text messages na rin ang naipadala ni Dennis kay Gerald pero hindi raw kailan man sumagot ang binata. “Parang nakaapat na text na ako do’n, hindi sinasagot eh. Dapat sagutin mo naman ‘yung text ko,” pakiusap ni Dennis sa aktor.

Bago pa nag-text ay una nang nakapag-usap sina Gerald at Dennis pero ayaw nang ibahagi ng komedyante sa publiko ang detalye nito. “’Yung nilalaman ng pinag-usapan namin hindi ko pwedeng ibahagi. Sabi ko lang, ‘Anak ko ‘yan eh,’ ‘yun lang gusto ko malaman mo na pinapaalala ko na anak ko si Julia Barretto,” giit pa niya.

Samantala, mayroon namang mensahe si Dennis para sa dating kasintahan ng anak na si Joshua Garcia. “Nakilala kita and pormal kang humarap sa akin, kaya iginagalang kita. Kung paano mo ako nirespeto, gano’n din kita nirerespeto,” makahulugang pahayag ng aktor.  -Reports from JCC-

 

Please follow and like us:
Read More

VICE: TATANDANG MAGINHAWA ANG BUHAY NG NANAY KO

vicenanay12

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

KAPAG ina o ang nanay na ang topic sa mga social media post, lalo na ng mga artista, walang hindi nata-touch.

Pagkatapos na mang-asar ( sa mga sabi nga ni Vice e, #PaWoke) habang kami ay aliw na aliw dahil sa naging issue (muntik pa yatang maging national issue) ang shopping tweet niya na pinanindigan niya with all conviction at talaga namang may punto naman siya, heto’t nag-post sa kanyang Instagram account si Vice.

Ipinost niya ang larawan ng ina na nakaupo sa business class ng eroplano kunsaan, pauwi na sila ng bansa mula sa treat niya sa ina from America to Canada.

Ang dating sa amin ng IG post ni Vice, parang o sige, ang daming hanash sa shopping tweet ko, yung isakay ko kaya ng business class ang Nanay ko, may hanash pa rin ang netizens o mga #pawoke, huh!

Sabi ni Vice, “Pauwi na kami galing ng Amerika at Canada.
Naaalala ko pa noong bata pa ako lagi akong bitbit ng nanay ko kung saan man sya pupunta. Kung kayang lakarin maglalakad lang kami. Kung di naman magta-tricycle kami o sasakay ng jeep. At tuwing sasakay kami ng tricycle o ng jeep lagi nya akong kinakandong. Yun ay para isa lang ang bayad. Kasi nga kapos sa pera. Mainit, masikip at masakit sa binti. Kawawa. Pero tinitiis nya yun. Pero masaya din naman siguro sya kasi nakayakap lang sya sa bunso nyang si Tutoy habang bumabyahe. Malinaw sa isip ko bata pa lang ako na hindi madali ang buhay namin. Kaya nagsumikap ako. Nagsakripisyo. Nag ipon. Di ko pinalampas ang mga pagkakataon. Kaya naman ngayon na nakakaluwag luwag na ko naka BUSINESS CLASS na sya. Gumastos man ako ng malaki sisiguraduhin kong komportable ang Nanay ko. Walang ngalay. Walang ngawit. Walang init. Hanggang sa huling sentimo ng naipon ko gugugulin ko sa Nanay ko. Tapos na ang mga panahon ng pagdurusa nya. Isinusumpa ko tatanda syang maginhawa.

May reaction na naman kaya ang mga #PaWoke? Huh!

Please follow and like us:
Read More

MOIRA: IT HURTS AND IT’S NOT OKAY!

moira12

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

MULA nang makumpirang isa si Moira dela Torre sa mga judges ng ‘Search for the Idol Philippines’ ay umani ng mga mapanirang salita ang singer sa social media. Ngayon ay patuloy na nakararanas si Moira ng pamba-bash mula sa netizens kapag napapanood sa episodes ng nasabing programa.

“They are always entitled to their own opinion. For me, alam ko po sa sarili ko na Fremantle and ABS management chose me and gave me this position. But at the end of the day, it was my listeners who placed me in this kind of position. There are people who don’t like me but I know there are people who still love me so as long as I know people who love me know I’m credible to be there. At least nagva-viral,” natatawang pahayag ni Moira.

Aminado ang singer na nasasaktan siya sa lahat ng masasakit na salitang ibinabato sa kanya ng online bashers. “Siyempre masakit. But this isn’t my first time being bashed. It hurts honestly and it’s not okay. I want to say (sa sarili) na, kebs lang. i-ignore mo lang,” pagtatapat niya.

Tanggap naman ni Moira na marami pang mga bagay ang kailangan niyang matutunan pagdating sa pagiging hurado ng isang competition. “Kasi may constructive criticism at may mga criticism na tinatago nila sa constructive criticism. But at the end of the day, constructive criticism should build people up and inspire not bring them down. There are so many unnecessary comments. I take the constructive criticism to heart and aminado naman ako that I have so much to improve. As a judge sobrang mahiyain ko po kasi. So ‘pag may energy ako sa stage, nagmumukha akong OA (over acting). Kasi hindi ako ‘yon eh, but I’m improving, I know I’ll get better but I know that in the last eleven years in the industry, I deserve this spot,” paliwanag ni Moira.  -Reports from JCC-

 

Please follow and like us:
Read More