GRADE 11 STUDENT NAGBARIL SA SARILI

(NI TJ DELOS REYES)

TILA mas pinili na lamang ng isang grade 11 student na magbaril  sa sarili upang tapusin ang kanyang buhay kesa tumalon sa tinitirhan na condo unit nito sa lungsod ng Quezon.

Kinilala ang biktima na si Wylls Ian Vallo, 17, residente ng 38flr Unit 3809, Grass Residence Tower 4, Barangay Sto. Cristo, Bago Bantay ng nasabing siyudad.

Ayon sa imbestigasyon, pasado alas-6:00 ng umaga nang matuklasan ang duguang katawan ng biktima sa loob ng condo unit.

Lumalabas na dumating ang ama ng biktima na si Jose William Vallo at nang buksan nito ang pintuan ng kanilang unit ay dito na niya nakita ang anak na nakahiga sa kanyang kama at wala nang buhay.

Agad na ipinagbigay ni Jose sa duty security guard ang pangyayari na siya namang tumawag sa kapulisan.

Sa eksaminasyon lumalabas na nagtamo ng tama ng bala sa sentido si Wylls na siyang dahilan ng agaran na kamatayan nito.

Narekober mula sa crime scene ang isang Glock 9mm na siyang ginamit na baril sa pagpapatiwakal ng biktima at isang papel na suicide note na nakasaad na ‘Paalam Tatalon na ako’.

 

Please follow and like us:
Read More

AWAY-KAPITBAHAY TINAPOS SA BALA; MISIS PATAY

crime43

(NI ANNIE PINEDA)

BATO sabay baril ang sumalubong sa mag-asawa na ikinamatay ng misis sa kapitbahay nilang matagal na umanong may galit sa mga una, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Pangasinan.

Kinilala ang namatay na si Elvira Sobremonte, 42, habang sugatan ang kanyang mister na si Warlito Sobremonte, kapwa residente ng Barangay Calitlitan sa bayan ng Umingan, Pangasinan.

Nadakip naman sa ginawang follow-up operation ng pulisya ang suspek na kinilalang si Pebesito Mostairo, at residente ng nasabing lugar.

Batay sa report ng pulisya, napalabas ng kanilang bahay ang mag-asawang Sobremonte dahil sa mga kalabog ng bato sa labas ng kanilang bahay.

Subalit, pagbukas ng kanilang pinto ay sinalubong sila ng putok ng mga baril ng suspek at tinamaan ng tatlong beses sa iba’t ibang parte ng katawan ang misis na agad nitong ikinamatay samantalang dinala naman sa ospital para lapatan ng lunas ng mister nito na nagtamo ng sugat.

Matapos ang pamamaril mabilis na tumakas ang suspek pero kalaunan ay nadakip din ng mga awtoridad sa follow-up operation.

Sa pagresponde ng mga pulis, nakapulot sila ng mga basyo ng M16 rifle na pinaniniwalaan ginamit ng suspek sa pamamaril.

Nabatid, na matagal na umanong may alitan ang pamilya ng mga biktima at suspek.

Nahaharap ngayon sa kasong murder at physical injuries ang suspek.

Please follow and like us:
Read More

DALAGITA BINISTAY NG BALA

crimeshooting12

(NI JG TUMBADO)

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ang isang dalagita sa bayan ng Sison, Pangasinan.

Wala nang buhay na bumulagta sa pinangyarihan ng krimen ang biktima na wala pang pagkakakilanlan at nasa edad 15 hanggang 18 anyos.

Base sa inisyal na imbestigasyon, isang lalaki ang bumaril sa biktima habang ito ay naglalakad pauwi sa kanyang bahay sa Barangay Poblacion Sur bandang alas-9:30 ng gabi ng Huwebes.

Nagtamo ng apat na tama ng bala mula sa hindi pa mabatid na baril ang biktima.

Nabatid na wala sa drug watchlist ang biktima kung kaya’t ipinalalagay ng mga imbestigador na iba ang dahilan ng nangyaring pagpatay sa biktima.

Patuloy ang imbestigasyon sa nasabing kaso.

Please follow and like us:
Read More

BARIL NILARO, KAINUMAN BUMULAGTA

crime55

(NI FRANCIS SORIANO)

PATAY noon din ang isang 26 -anyos habang tumatagay ito,  makaraan aksidenteng mabaril sa dibdib ng kanyang kainuman matapos na paglaruan ang gatilyo ng baril sa Caloocan  City, Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ni P/Col. Noel Flores, hepe ng Caloocan City Police Station, ang biktima na si Aries Bulaon, 26,  habang ang suspek naman na tumakas ay kinilalang si Edison Calima, ng Phase 7B, Package 8, Brgy. 176, Bagong Silang.

Ayon sa imbestigasyon,  tumatagay sina Bulaon, Calima at iba pang kalugar sa Phase 7B, Brgy. 176  dakong alas 9:30 ng gabi nang bumunot ng boga si Calima at pinaglaruan ito sa harap ng mga kainuman.

Dito ay pabiro umanong itinutok ng suspek sa biktima ang baril subalit dahil sa kalasingan ay nakalabit nito ang gatilyo kaya’t pumutok at nasapul ng bala sa dibdib si Bulaon na nagresulta sa kanyang kamatayan.

 

Please follow and like us:
Read More

‘JOURNALIST’ ARESTADO SA BARIL

huli

(NI JG TUMBADO)

ISANG 28-anyos na babae ang dinakip ng mga awtoridad dahil sa pagtatangka nitong magpuslit ng hindi lisensyadong baril habang papasok sa Coron Port sa Palawan, araw ng Huwebes.

Nakilala ang suspek na si Jennifer Figalan Maquilan, residente ng Don Bosco sa Paranaque City at nagpakilala bilang journalist ng umanoy local newspaper na Private Manila Hotline (PMH).

Ayon kay Police Lt. Col. Socrates Faltado, tagapagsalita ng Police Regional Office 4B (Mimaropa), si Maquilan ay pinigilan ng mga security personnel ng Coron Port sa Barangay Tagumpay ilang sandaling ma-detect ng x-ray machine ang bag nito na naglalaman ng isang baril dakong alas-2:30 ng hapon.

Nakatakda sanang bumalik pa Maynila si Maquilan mula sa ilang araw na pananatili nito sa Coron nang siya ay mapigilan ng mga awtoridad na makasakay ng MV June Aster passenger vessel.

Sinabi ni Faltado na hindi na inihayag ni Maquilan kung saan nanggaling ang caliber .22 berretta na may walong bala na kanyang dala-dala habang patuloy pa itong isinasailalim sa interogasyon ng Coron Municipal Police Station (CMPS).

Nakadetine na si Maquilan sa CMPS habang inihahanda na ang kaso sa paglabag nito sa ilalim ng RA 10591 o mas kilala sa comprehensive firearms and ammunition regulation act.

 

Please follow and like us:
Read More

MATATAAS NA KALIBRE NG BARIL, BALA, ISINUKO NG BEBOT

baril 21

(NI KOI HIPOLITO)

BOLUNTARYONG isinuko ng isang babaeng residente ang mga baril at bala na nasa pag-iingat ng kanyang namayapang ama, sa mga operatiba ng Pasay City Police Station Explosive Ordnance Division (EOD), Warrant Section, Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) at mga miyembro ng Maricaban Police Community Precinct sa ilalim ng direktiba ni acting Chief of Police P/Col. Bernard M. Yang nitong hapon ng Huwebes.

Base sa panayam ng Diaryo Bomba kay Colonel Yang, nakipag-ugnayan umano ang hindi na pinangalanan na babae sa Pasay City Police Station para sa gagawin na pagsasauli ng mga baril at bala na dating pagmamay-ari umano ng kanyang ama. Mabilis naman nirespondehan ng mga otoridad ang ibinigay na impormasyon ng babae at tinungo ang bahay nito sa lugar ng Maricaban sa Pasay.

Narekober sa ginawang kusang pagsasauli ay ang mga sumusunod; one pc. ng Para- Ordnance, cal.45 na may tatlong magazine, 2 pcs.ng Colt 1911, cal.45 at seven pcs. ng magazine, Arminius revolver cal.22, Smith and Wesson revolver cal.357, cal. 5.57 revolver, cal.22 revolver, Single shot cal.22, tatlong piraso ng Air gun pistol, 3 pcs. ng Air gun rifle, cal.22 rifle, seven pcs. ng M16 short magazine, 350 pcs.cal.5.57 live ammunitions, 141 pcs. ng super cal.38 live ammunitions, 397 pcs.ng Special cal.38 live ammunitions, 61 pcs.ng cal.22 live ammunitions, 334 pcs.ng cal.45 live ammunitions, 22 pcs. ng cal.50 live ammunitions at 245 pcs.cal.60 live ammunitions.

 

Please follow and like us:
Read More

STUNTMAN NAGPAKILALANG NBI AGENT HULI SA BARIL

arrested12

(NI JG TUMBADO)

SA loob na ng piitan magpapakitang-gilas ang isang stuntman ng malaking television network makaraang madakip ito ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Investigation Group (CIDG) dahil sa pagdadala ng baril at pagpapakilala pa bilang tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Rizal.

Sa himpilan na ng CIDG nakilala ang suspek na si Martin Cabanas, 38, na inaresto sa kanyang tinutuluyang bahay sa San Andres, Cainta, sa pamamagitan ng warrant of arrest sa kaso nitong illegal recruitment.

Napag-alaman mula kay Police Lt Col. Domingo Soriano, hepe ng CIDG Detective and Special Operations Unit, halos mapuno ang kanilang tanggapan ng mga dumagsang nabiktima ni Cabanas na humihingi ng kanilang tulong.

Naabutan ng raiding team si Cabanes sa kanyang tirahan nitong Lunes kung saan sa paghalughog ng pulisya ay nakuha ang iba’t ibang baril at bala kabilang ang .22 caliber rifle na lahat ay walang lisensya.

Nakumpiska rin mula sa suspek ang isang ID at badge ng NBI at nagpapakilala ito ay tauhan ng NBI.

Dagdag na kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Law at usurpation of authority ang kakaharapin ng suspek.

Please follow and like us:
Read More

8 ARESTADO SA ILEGAL NA BARIL, DROGA

arrested12

(NI NICK ECHEVARRIA)

ARESTADO ang walo katao sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa Cordillera nitong Huwebes.

Sa kanyang report nitong Biyernes, sinabi ni P/Major Carolina Lacuata, tagapagsalita ng Police Regional Office Cordillera (PROCOR), ang pag-aresto ay bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad.

Unang naaresto ang lima katao na sina Deogracias Astudillo, alyas “Iniol”, 32, tricycle driver, ng Zone 7, Bangued Abra; Allen Palangeo Saleo-an, 53, nakatira sa Camp 8, Kennon Road, Baguio City; Kenneth Talines Bustamante, 28, ng Middle Quirino Hill, Baguio City; Yull Bryner Carbonel, 21, ng San Juan Tabuk City at kasama nitong si Ferdinand Guillermo, 27, ng Magsaysay, Tabuk City, Kalinga.

Ang lima ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 makaraang makumpiskahan ng mga hinihinalang shabu at buy bust money.

Tatlo pa ang inaresto sa nasabing rehiyon matapos mahulihan ng mga ilegal na bala at baril.

Si Arcadio Biyoc ay inaresto ng Abra police nang magpaputok ng baril sa harap ng kanilang bahay matapos silang magtalo ng kanyang ama.

Dinakip naman sa Baguio City ng pinagsanib na pwersa ng Benguet Police at Criminal investigation and Detection Group (CIDG) si Roderick Lalata Mejia, 42, matapos makumpiskahan sa kanyang bahay sa Brgy. Lourdes Proper ng dalawang kalibre .38 baril at 13 bala.

Samantala, si Alfredo Diyawan Balac, 55, ay inaresto naman sa aktong nagpuputol ng ilegal na kahoy sa kanyang “kaingin” malapit sa tinitirhan nito sa Sitio San isidro, Cudal, Tabuk City sa Kalinga habang isang .45 caliber pistol ang nakuha sa kanyang bag.

Dinala ang walong naaresto, kasama ang mga nakumpiskang ebidensya, sa kustodiya ng pulisya sa kanilang mga lugar.

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKI SA INVESTMENT COMPANY NAHULIHAN NG BARIL

ARRESTEDHAND12

(NI KIKO CUETO)

GENERAL SANTOS CITY– Pinasok ng mga pulis, Huwebes ng gabi, ang isang bahay ng empleyado ng investment group sa Barangay San Isidro, General Santos City.

Sa bisa ng search warrant laban sa target nilusob ang bahay ng suspect na sinasabing may itinatagong matataas na kalibre ng baril.

Pero ayon sa report, pagpasok pa lang ng raiding team, agad nang isinuko ng target ang kalibre .45 na baril na nakalagay sa isang sling bag.

Nakita rin sa loob nito ang mga bala.

Sinabi naman ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 12, na may nagsumbong sa kanila na may hawak na baril ang target.

Mayroon namang ipinakitang dokumento ang target, pero hindi umano ito lisensiya at rehistro kaya ilegal ang baril nito.

Hinalughog ng mga pulis ang bahay ng target, pero wala nang makita pa.

Depensa ng target, ibinigay lang umano sa kanya ang baril. Inakala raw niyang ang hawak niyang dokumento ay sapat na.

Gayunman, nakahanda siyang harapin ang isasampang kaso na illegal possession of firearm and ammunitions.

 

Please follow and like us:
Read More

TSERMAN NANUTOK NG BARIL SA PARTY, ARESTADO

ARRESTED-9

(NI NICK ECHEVARRIA)

ARESTADO ang isang barangay captain makaraang manutok ng baril sa isang birthday party sa Camarines Norte.

Nakilala ang suspek na si Arnel Bayani, 57, ng barangay Hinampacan, Basud ng naturang lalawigan, habang ang biktimang tinutukan ng baril ay si Melchor Felomino, 49, residente ng nasabing barangay.

Ayon sa report ng Basud Municipal Police Station (MPS), nairita umano ang nasabing kapitan ng barangay sa ingay ng  selebrasyon ng kaarawan ng nanay ng biktima matapos itong komprontahin na nagtulak sa suspek para bunutin ang kanyang 9mm snub nose na baril at saka itinutok sa mukha ni Felomino.

Agad namang nagresponde ang mga tauhan ng Basud MPS makaraang humingi ng tulong ang mga kaanak ng biktima na nagresulta sa pagkakadakip ng punong barangay.

Nahaharap ngayon ang barangay captain sa kasong grave threats at paglabag sa RA 10591 in relation to Omnibus Election Code.

 

Please follow and like us:
Read More

MOTOR SUMALPOK SA JEEP; BARIL, BALA, SHABU BUKING

bala12

(TEKSTO/ PHOTO BY NI JAY-CZAR LA TORRE)

ZAMBALES- Sumambulat sa kalsada ang isang baril na kargado ng mga bala at isang ‘coin purse’ matapos sumalpok ang isang lalaking nagmamaneho ng motor sa isang pampasadang jeep sa kahabaan ng National Highway sa Bayan ng Subic

Ayon sa pulisya dakong alas-8:30 ng umaga nitong Martes nang isang driver ng pampublikong sasakyan ang nagtungo sa Subic Municipal Police Station upang i-report ang banggaan na nagpakilalang si Esmeraldo Agustin Recio, 53. Bitbit nito ang 9 mm. calibre pistol na ayon sa kanya ay humagis mula sa isang lalaking naka single na motorsiklo na bumangga sa kanyang minamanehong sasakyan.

Ayon pa kay Recio, sugatan ang naturang lalaki na binabantayan ng mga tanod ng Barangay Mangan-Vaca na nagkataong nakadestino sa lugar.
Agad naman rumisponde ang mga pulis na tinawagan ang SPOSO rescue team sa naturang bayan upang mabigyan ng paunang lunas ang sugatang driver na nakikalang si John Carlo Maigue , 22, residente ng Barangay Calapacuan.

Sinabi ni PCI Jude Bryan Maguddayao, hepe sa naturang istasyon, nakakitaan din umano ng isang itim na ‘coin purse’ si Maigue na naglalaman ng aabot sa 15 gramo ng shabu.

Aminado naman ni Maigue na sa kanya nga nakuha subalit itinangging sya ang nagmamay-ari ng mga ito sapagkat ayon sa kanya ay napag-utusan lamang sya na dalhin ang baril at droga sa isang tao sa karatig na bayan.

Napag-alamang dati na nakulong si Maigue sa kasong may kinalaman din droga at Ilang buwan pa lamang ang nakakaraan ng ito’y lumaya.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 at Omnibus Election Code at reckless imprudence resulting to damage of property ang arestadong suspek.

Please follow and like us:
Read More

CHIEF TANOD NAHULIHAN NG SHABU, BARIL, BALA

bala14

DAGUPAN CITY – Matagal nang minamanman sa illegal na transaksiyon ang isang chief tanod sa San Carlos City, Pangasinan hanggang makorner ito sa loob ng kanyang bahay kung saan nakuha ang hinihinalang shabu, baril at mga bala.

Sa bisa ng search warrant ay hinalughog ang tahanan ng suspek na si Roger Valdez, residente ng Barangay Guelew sa San Carlos City, na umano’y miyembro ng Paed crime group na responsable sa mga insidente ng nakawan at kalakalan ng iligal na droga.

Nakulong na ang suspek noong 2016 dahil sa kasong may kaugnayan sa illegal drugs.

Nakuha naman sa pagkakataong ito sa pangangalaga nito ang anim na sachet ng hinihinalang shabu, calibre 38 na baril, at mga bala.

Nakatakdang isailalim sa ballistic examination ang baril na nakuha rito upang malaman kung nagamit ito sa krimen.

Mariin namang itinanggi ng suspek na sangkot ito sa anumang krimen at ang mga nakuhang ebidensiya sa loob ng tahanan nito ay hindi raw niya pag-aari.

Please follow and like us:
Read More

SUMBONG SA TEXT; MISIS BINOGA NI MISTER

text

(NI JG TUMBADO)

DAHIL lamang sa naisumbong sa pamamagitan ng text message sa cellphone sa umanoy may ibang ‘lover’ si misis ay binaril ito ng kanyang mister bago nagbaril din sa sarili sa bayan ng Tuburan, Cebu gabi ng Sabado.

Kapwa nakaligtas sa insidente ang mag-asawa na unang inobserbahan sa Cebu City hospital subalit dahil sa kritikal na kondisyon ng mister ay inilipat ito sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) dahil sa tama ng bala sa kanyang ulo.

Ayon kay Tuburan municipal police station commander Senior Insp. Landy Divina Gracia, nananatiling nagpapagaling ang misis dahil sa tama ng bala sa kanyang kanang braso.

Lumalabas sa imbestigasyon na nakatanggap umano ng isang mensahe sa text sa cellphone ang mister mula sa hindi kilalang sender habang ito ay nagpapahinga sa kanilang bahay, na umanoy may ibang karelasyon ang kanyang misis.

Agad kinompronta ni mister ang kanyang misis na nooy nasa gitna ng paglalaba ng kanilang mga damit.

Subalit hindi umano sinagot ni misis ang tanong kaya naman galit umanong umalis si mister at pagbalik nito ay may dala na itong baril at agad binaril ang kanyang asawa.

Sa hinalang napatay nito si misis ay agad naman na itinutok ni mister ang baril sa kanyang ulo at ipinutok.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso kaugnay ng insidente.

Please follow and like us:
Read More

KONSEHAL, 4 PA ARESTADO SA MGA BARIL, GRANADA

granada

(NI CARL REFORSADO)

HIMAS-rehas ang isang barangay councilor at apat nitong kasama matapos masabat sa checkpoint na may dalang mga baril at granada kamakalawa ng gabi sa Calinan District,Davao City.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Analiza Jalapon Arquilano, barangay councilor sa bayan ng Magpet sa North Cotabato, George Mahinay Arquillano, residente din ng  nabatid na bayan, Reynan Lover Adame, Arnel Repollo, at Renier Pedroso, miyembro ng Cafgu na tumatayong escort ng grupo.

Ayon kay Sr. Supt. Alexander Tagum, Hepe ng Davao City Police Office, nasabat ang mga suspek sakay ng isang pick-up sa checkpoint na inilatag ng Task Force Davao sa Barangay Lacson sa Calinan District ng lungsod na ito.

Nakuhanan ng ibat ibang kalibre ng baril at dalawang granada ang mga suspek kaya agad itong dinala sa himpilan ng pulisya ng awtoridad.

Base sa imbestigasyon, patungo umano ng Davao airport ang apat

Habang si Pedroso naman ang siyang kanilang escort patungo doon, hindi naman maipaliwanag ng mga suspek kung bakit sila mayroong dalang mga baril at granada kung sa paliparan sila pupunta kaya agad sinampahan ang lima ng illegal possession of firearms in relation to Comelec gun ban.

 

Please follow and like us:
Read More

MAG-ASAWANG SUPPLIER NG BALA, BARIL ARESTADO

guns

DALAWANG sinasabing bigtime gunrunners na nagsusupply ng matataas na kalibre ng baril at bala sa teroristang Maute group, Abu Sayyaf at mga tiwalaing politiko ang naaresto sa entrapment operation sa Valenzuela City.

Sina Edgardo Medel, 46, at asawang si Rosemari Medel, 34, ay sinasabing nagbebenta ng mga hindi lisensiyadong baril.

Nabawi sa mga ito ang tatlong baril at mahigit sa 13,000 piraso ng iba’t ibang piraso ng bala.

Please follow and like us:
Read More

ENGKWENTRO SA QUARRY SITE: 2 PULIS, 2 PA PARE-PAREHONG TIGOK

BARIL-8

CAPAS, Tarlac – Patay ang dalawang pulis, barangay tanod at isang sibilyan nang mauwi sa barilan ang komprontasyon ng mga ito sa quarry site sa lalawigang ito.

Ayon kay Chief Supt. Joel Napoleon Coronel, acting Police Regional Office-3 director, ang mga biktima ay nakilalang sina SPO2 Jason Garcia, ng Brgy. Cutcut 1st, Capas, Tarlac, PO3 Vincent Baluyot Lugtu, kapatid nitong si Clint Donald Baluyot Lugtu at Renato Mercado, pawang mga taga-Brgy. Sta. Lucia, Capas.

Batay sa ulat, si SPO2 Garcia ay pumunta sa quarry site sa Sitio Suarez sakay ng dump truck nang parahin ito ni Clint.

Ikinapikon umano ito ni Garcia, kaya bumaba sa trak at kinompronta nito ang tanod.

Nagkataon naman naroon din ang kapatid ni Clint na si PO3 Lugtu, nakatalaga sa Regional Intelligence Division ng Police Regional Office 3, kung saan nakita ang komprontasyon.

Nakisawsaw sa away ang nasabing pulis hanggang bumunot at nagbarilan ang dalawa.

Minalas namang tamaan ng ligaw na bala si Renato Mercado na nagkataong nakatambay malapit sa lugar ng insidente.

Agad binawian ng buhay si SPO2 Garcia, ngunit nang makita ng kaibigan na si Bernie Pabalan Hernandez ang sinapit nito, hinabol nito ang magkapatid at kapwa pinaputukan saka tumakas.

Nasakote si Hernandez sa follow-up operation ng mga awtoridad sa bahay ng isang Engr. Marvin Mariano sa Brgy. Balutu, Conception, Tarlac.

Please follow and like us:
Read More