FANS NI BARBIE AYAW TIGILAN SI JM

(NI GORGY RULA)

MUKHANG ayaw pa ring tigilan ng mga fans ni Barbie Imperial si JM de Guzman, dahil nga kaya kay Ria Atayde?

Hindi lang ako sure kung mga fans lahat ni Barbie ang nagku-comment nang di maganda sa mga pinu-post ni JM. Pero di na nakapagpigil ang Kapamilya actor at sinagot na niya ang ibang masyadong personal na ang kinukomento sa kanya.

Napansin ko nung nakaraang Sabado na kung saan may ipinost si JM na ‘bottle cap challenge’ na ginagawa rin ng ilang celebrities.

Nakatuwaan nila itong ‘bottle cap challenge’ na kung saan kanya-kanya silang gimik kung paano nila nabubuksan ang takip ng isang bote.

Merong sinisipa o bina-back flip ang pagbukas bottle cap gaya nang ginawa ni Martin del Rosario.

Nakiuso rin si JM dito, na akala mo meron siyang kakaibang gagawin, pero madrama ang ginawa niyang pagbukas ng kamay niya at saka nag-muwestrang mag-karate.

Natuwa naman ang karamihang nag-comment na mga kaibigan niya gaya nina Joross Gamboa, Billy Crawford at marami pa.

Pero may mga ilang followers na tila nagdududa kung ano na naman daw ang natira nito.

Sa mga komento nila, pinapalabas na hindi pa rin nakaalis ang aktor sa dating bisyo.

Meron pang nagku-comment ng “bog na bog ka na naman”.

Dito na nag-react si JM at sinagot niya ng “judgemental”.

Nung nakaraang Lunes ng umaga ay nag-post uli si JM ng isang prayer na ikinatuwa ng mga netizens at nagbibigay ng mga inspiring messages sa kanya.

Pero meron pa ring nagni-nega na obvious mga fans sila ni Barbie Imperial.

Pati si Ria ay nagba-bash, pero meron ding nagtatanggol at natutuwa sa kanila ni JM.

Ewan ko lang kung sila na ngayon, pero nung huli naming nakatsikahan si Sylvia Sanchez, tingin daw niya nanliligaw si JM kay Ria.

Hindi naman daw siya nakikialam sa lovelife ng mga anak niya, pero tinanong daw niya minsan si JM kung balak ba nitong ligawan si Ria.

Napangiti lang daw ang aktor at sasabihin naman daw sa kanya.

Close naman si Sylvia kay JM at wala naman siyang kontra kung magkaroon ng relasyon ang dalawa.

Please follow and like us:
Read More

BARBIE NAPUNO KAY JM KAYA NAWALA ANG LOVE

barbiejm12

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

AMINADO si Barbie Imperial na talagang napamahal siya noon kay JM de Guzman. Nagkamabutihan ang dalawa mula nang magkatambal sa teleseryeng ‘Araw-Gabi.’ “Oo naman po. Totoong in love naman talaga kaso wala, nagpe-fade siya eh, pag may mga nangyayari. Hindi talaga ako naniniwala na bigla-bigla na lang nagpi-fade ‘yung love, pero totoo pala talaga ‘yon kasi nangyari siya sa akin. ‘Pag napuno ka pala talaga sa tao, bigla na lang wala na,” makahulugang pahayag ni Barbie.

Kontrobersyal ang naging paghihiwalay ng landas ng dalawa at hindi malinaw kung ano talaga ang totoong dahilan nito. “Kahit naman sabihin niya na ready siya, ako naman, hindi naman ako ‘yung iisipin ko lang ang sarili ko na, siyempre bilang babae gusto natin ng label, di ba? Pero ako naman po, hindi ako ‘yung klase ng tao na parang alam ko eh, na hindi siya ready. So hindi ko naman ipipilit dahil lang babae ako at gusto ng label,” giit ng dalaga.

Masalimuot ang mga pinagdaanan ni JM bago pa nakilala at napamahal kay Barbie. Naramdaman naman ng aktres na talagang ibinigay din sa kanya ang lahat ng binata noon. “Alam ko rin naman ‘yung pinagdaanan ng tao at alam ko kung paano siya ma-inlove, na ibibigay niya talaga ‘yung mundo. Kaso hindi pwede ‘yung gano’n, eh. Kahit ako po mismo, sinasabi ko sa kanya na ‘Huwag mong ibigay sa akin ang mundo.’ Sabi ko, ibigay mo sa sarili mo,” paglalahad ng aktres. -Reports from JCC- 

 

 

Please follow and like us:
Read More

JM TINABLA NI BARBIE MAKASAMA SA MOVIE

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

SA presscon ng pelikulang Finding You ng Regal Films, inamin ni Barbie Imperial na hindi pa siya ready ulit na makatrabaho si JM de Guzman dahil hindi pa raw talaga sila okay ngayon.

“Dapat meron kaming gagawin, kay ate Ara Mina, kasi parang gustong mag-produce ni kuya Patrick Menesis ng movie for me and JM, pero sinabi ko na hindi pa time.

“Sinabi ko rin po na “feeling ko, maiistorbo lang namin ‘yung mga makakatrabaho namin kung hindi pa kami okay sa isa’t isa.” So, ako po, parang mas pipiliin ko na lang na “wait lang muna, huwag nating madaliin.” Kasi usually po, pag sinabing “hindi, work lang naman, tara na, okay lang ‘yan, work na. So, ako, ayoko nang makadamay ng ibang tao and gusto ko na pareho kaming healed na bago kami mag-work ulit,” pahayag ni Barbie.

Nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang dalawa matapos ang guesting ni JM sa Tonight with Boy Abunda kamakailan kung saan sinabi ng aktor na nag-date lang sila for less than a month. Pagkatapos nito ay nag-tweet ang young actress na “once a liar, always a liar” at inamin niya sa guesting niya rin sa TWBA na ang aktor nga ang kanyang tinutukoy tungkol dito.

Ayon kay Barbie, kapag daw siya ang tinatanong about JM in the past ay hindi raw niya sinasagot.

“Ang ano ko lang, hindi ko na nga ino-open-up, eh, kahit kanino. So, sana, hindi na rin siya nagsalita sa TWBA. Napa-tweet tuloy ako, the day after.”

When asked kung hindi ba siya nagkaroon ng feeling na pinaasa lang siya ni JM, ani Barbie ay hindi naman daw dahil talaga naman daw na hindi naging sila.

Sa TWBA ay sinabi ni Barbie na more than one month naman daw sila nag-date ni JM kaya ang ikinaka-hurt niya ay kung bakit kailangan pang magsinungaling ng aktor plus the fact na sa aktor pa nanggaling ang mga ganitong linya.

“Natapos siya ng okay, so alam mo ‘yun, sana huwag nang magsalita. Para okay na tayo. So, ang nakasakit lang sa akin, parang why do you have to lie about us. May pinagsamahan naman tayo,” she said.

Dagdag pa ng young actress, “do’n lang ako na-trigger, na parang ‘yung ba’t ka naman magsisinungaling? Minahal mo naman ako.” And ako, hindi ako magsisinungaling about him. Alam ko, minahal ko siya.”

Matatandaang nagkasama sina Barbie at JM sa seryeng Araw Gabi at dito nga rin sila nagsimulang maging close at ma-develop sa isa’t isa.

Samantala, ang pelikulang Finding You ang first movie ni Barbie na marami siyang dialogue. Sa mga past movies daw niya ay dinadaanan lang siya ng camera at wala siyang linya.

Pero malayo raw ang role niya sa pelikula sa karakter niya in real life dahil sa movie ay heartbreaker daw siya samantalang sa totoong buhay ay siya raw ang nabe-break ang heart. Tatlong beses na raw siyang na-heartbroken kasama na rito ang ex-boyfriend niyang si Paul Salas.

Kasama rin sa Finding You sina Jane Oineza at Jerome Ponce bilang isa rin sa mga bida. Showing na ang movie sa May 29 mula sa direksyon sa Easy Ferrer hatid ng Regal Entertainment.

 

 

Please follow and like us:
Read More

BARBIE, PAUL FRIENDS NA ULIT

KAMAKAILAN  ay nagkitang muli ang dating magkasintahan na sina Barbie Imperial at Paul Salas. Ayon sa aktres , hindi nila inasahan ng aktor na muli silang magkikita at magkakausap pagkatapos ng kanilang kontrobersyal na hiwalayan ilang buwan na ang nakalilipas.

“May event kasi na nandoon ako, tapos nando’n din si Paul. Tapos nagkasalubong lang kami, ang daming tao. Tapos na-stuck kami na magkatabi kami. So parang wala na kaming choice tapos parang tumingin ako sa kanya tapos tumingin rin siya sa akin. Nag-smile naman siya so nag-smile na rin ako. Tapos ayun, parang ‘yung mga tao sa event na ‘yon parang sabi nila, ‘Uy! Christmas na magbati na kayo.’

So ayun, nag-usap naman kami. Do’n pa lang kami nag-usap after six months no’ng nag-break kami,” nakangiting kwento ni Barbie. Para sa dalaga ay maraming bagay ang kanyang mga natutunan mula sa naging relasyon nila ni Paul.

“Nasabi namin, ‘Grabe ang tagal na ‘no?’ Tapos sabi namin, ‘Okay na ‘yon.’ Tutal sabi namin tapos na ‘yon kalimutan na natin ‘yon. ‘Grabe ‘yung nangyari sa atin, parang blessing siya kasi ang dami kong natutunan sa buhay, sa love life.’ Tapos siya din naman sinabi niya na, ‘Oo ako din maraming natutunan.’ Ayun, so okay na kami. As in sobrang okay na, friends kami,” pagdedetalye ng aktres.

Please follow and like us:
Read More