BRGY CAPTAIN  SA LUMBAN, NIRATRAT SA LOOB NG  VAN

lumban12

(NI NILOU DEL CARMEN)

WALA nang buhay nang datnan ng mga pulis sa loob ng kanyang minamanehong van ang isang barangay captain na pinagbabaril ng hindi nakilalang salarin sa Sta Cruz, Laguna, Martes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Rommel “Toktok” Pandakila, residente at chairman ng Barangay Bagong Silang, bayan ng Lumban.

Batay sa report ng Sta Cruz police, sakay ng kanyang ipinapaarkilang   van, kasama ang barangay tanod ng Barangay Bubukal na si Mario de Lima, pupuntahan sana ng kapitan ang umarkilang  pasahero sa nasabing barangay nang makita ng mga ito ang nag-aabang na suspek na nakatayo sa gilid ng highway, alas 11:30 ng gabi.

Sa suspek pa mismo nagtanong ng direksyon ang biktima, subalit apat na bala ang isinagot nito sa kapitan. Pinilit pa ng biktima na patakbuhin ang sasakyan subalit hinabol pa ito ng suspek at muli pang binaril ng tatlong beses.

Agad ding tumakas ang salarin matapos ang pamamaril habang nahulog naman ang sasakyan sa irrigation canal na nasa gilid ng highway.

Ligtas naman ang barangay tanod na kasama nito na nakatalon habang pinuputukan ang sasakyan.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang pangyayari at inaalam kung sino ang salarin at ano ang motibo sa krimen.

Si Pandakila ang ikalawang barangay captain ng Lumban na napatay sa pamamaril ngayong taon.

Noong Pebrero 10 nang  pagbabarilin din ng hindi nakilalang mga riding in tandem suspect  ang barangay captain ng Maytalang 1 na si Ramir Evangelista habang ito ay nakahinto sa isang ginagawang tulay sa bayan ng Lumban.

Please follow and like us:
Read More

EX-US MARINE NAG-AMOK, 2 PATAY; SARILI SINILABAN

talisay12

(NI JG TUMBADO)

PATAY sa pakikipagbarilan sa pulisya ang isang retiradong US Marine ilang sandaling mapatay naman nito ang kanilang barangay captain at anak-anakan nang mag-amok ito sa Talisay City, Cebu.

Pero bago pa mapatay ng mga awtoridad ay nagawa munang silaban ng suspek na si Dean Torrefranca ang kanilang bahay sa Barangay Lawaan Dos alas-11:00 ng umaga ng Huwebes.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, bago ang pag aamok ni Torrefranca ay huli itong nakitang nakikipag talo sa anak ng kanyang dating asawa na si Jedd Ybanez sa harap ng kanilang bahay.

Hatian umano sa mga ari –arian, partikular ng bahay at dalawang sasakyan, ang sinasabing dahilan ng pagtatalo ng dalawa simula nang pumanaw si Delia Ybanez Torrefranca may isang buwan na ang nakalilipas.

Agad umanong pumagitna ang kapatid ni Ybanez na si Boboy Omana at nagkasundong pag-usapan na lamang sa barangay hall ang kanilang hindi pinagkakaunawaan.

Pero mabilis din namang umalis si Torrefranca sa barangay hall dahil nabigo umano ang dalawa sa kasunduan.

Dito na nagpasya ang kanilang kapitan na si Jimmy Bartilic na samahan ang dalawang magkapatid para magtungo sa kanilang bahay at doon na lamang ipagpatuloy ang pag-uusap subalit laking gulat na lamang nila nang makita nang nakasuot ng vest si Torrefranca at may hawak na itong baril.

Sa takot umano ay tumakbong palabas ng bahay sina Bartilic at Ybanez subalit hinabol sila ng suspek hanggang sa labas at doon sila pinagbabaril nito.

Matapos ang pamamaril ay bumalik umano si Torrefranca sa bahay at doon nagkulong hanggang rumesponde na ang pulisya sa pangyayari.

Nagkaroon umano ng maikling negosasyon para sa pagsuko ni Torrefranca subalit maging ang mga pulis ay pinagbabaril nito.

Nagkaroon na umano ng palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig hanggang silaban na ni Torrefranca ang bahay nito.

Narekober ng pulisya ang sunog na bangkay ni Torrefranca matapos ang isang oras na shootout.

 

Please follow and like us:
Read More

2 BGY CAPTAIN TIMBOG SA VOTE BUYING

north cotabato 12

(NI JG TUMBADO)

NATIMBOG ng mga awtoridad ang dalawang kapitan ng barangay sa North Cotabato dahil sa kapwa  pagkakasangkot ng mga ito sa pagbili ng boto sa ilang mga residenteng kanilang sinasakupan.

Walang palag nang dakmain ang mga suspek na sina Alfredo Losbañez, kapitan ng Barangay Baynosa at Richard Pandacan, kapitan ng Barangay Caridad, sa bayan ng Tulunan sa nasabing lalawigan.

Batay sa impormasyon, ang dalawa ay naharang ng mga pulis sa isang check point habang sakay ang mga ito ng sasakyan na may government plates patungo sa bayan ng Mlang.

Ang mga sasakyan ay puno ng mga bigas, election campaign materials at nakuhanan din ang dalawang kapitan ng sobre na may mga pera.

Maaari umanong galing sa isang political gathering ang dalawa kung saan nila nakuha ang mga sako ng bigas at pera.

Maghahain ang pulisya ng kaso laban sa dalawang kapitan ng barangay.

Please follow and like us:
Read More

1,000 TSERMAN PINAGPAPALIWANAG SA MANILA BAY REHAB

manilabay rehab12

(NI JEDI PIA REYES)

PAGPAPALIWANAGIN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang may 1,000 mga kapitan ng barangay dahil sa kapabayaan sa paglilinis sa Manila Bay.

Ayon kay DILG Undersecretary Martin Dino, inihahanda na ang paglabas ng show cause order para sa mga barangay chair sa Region 3, 4-A, at National Capital Region (NCR) matapos na mabigong kumilos at makiisa sa clean-up campaign ng gobyerno sa ilog.

“Right now we have prepared for the issuance of show cause order to barangay captains in Regions 3, 4A, and NCR who failed to comply with the mentioned circular,” ani dino.

Ang tinutukoy ni Dino ay ang DILG Memorandum Circular No. 2019-09 na ipinalabas noong Enero na nag-aatas sa may 178 city at municipal mayors at sa 5, 714 na barangay captain na mag-organisa ng clean-up drive sa mga baybayin at iba pang inland water system sa kanilang nasasakupan para tumulong sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

“Despite this pronouncement, meron pa ring sasabihin natin na matitigas ang ulo. Our rough estimate is around 1,000 punong barangay out of 5,714 remain to be indifferent to our cause, making a complete mockery of our overall campaign,” ayon sa opiyal.

Sinabi naman ni DILG Undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya, ang show cause order ay magbibigay ng pagkakataon sa mga opisyal ng barangay na ipaliwanag ang sinasabing kapabayaan ng mga ito.

Sakaling hindi pa rin tumugon sa atas ng DILG, mahaharap sa mga kasong administratibo tulad ng misconduct at negligence ang mga barangay official.

“Kahit anong linis ang gawin natin sa Manila Bay, kung patuloy naman ang pagtapon at pagdaloy ng basura sa estero, kanal, ilog patungo sa Manila Bay ay wala rin magandang mangyayari,” paliwanag ni Dino.

Please follow and like us:
Read More

PAGPASLANG SA KAPITAN INAKO NG NPA

npa

BUTUAN CITY – Inako ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang pag-ambush at patay sa barangay captain sa bayan ng San Luis, Agusan Del Sur Huwebes ng tanghali.

Ayon sa nagpakilalang spokesperson ng NPA na si Ka Omar Ibarra, sinabi nito na sila ang pumaslangkay Rodencio Salamurin, barangay captain ng Barangay San Pedro.

Tinambangan umano ng grupo ang biktima matapos makarating sa kanila ang umano’y pang-eespiya nito sa makakaliwang kilusan gayundin ang pagpatay sa mga sibilyan at paggamit umano ng posisyon upang makakolekta ng buwis para umano sa NPA.

Tatlo raw ang mga dahilan kung bakit pinaslang si Salamurin at kabilang dito ang pang-ingispiya daw nito sa makaliwang kilusan, pagpatay sa mga sibilyan at ang paggamit daw nito sa NPA sa pangongolekta ng buwis.

Ngunit sinabi naman ni Police Senior Insp. Emerson Bajao, hepe ng San Luis Municipal Police Station, hindi ambush ang nangyari.

Galing umano sa kanyang bahay ang biktima at patungo sa bayan para dumalo sana sa isang pagpupulong.

Subalit pinara raw ito ng tatlong armadong lalaking naka-bonnet at saka pinagbabaril.

Share

Please follow and like us:
Read More

GUNMAN NG ABC PREXY, HULI

huli

ARESTADO na ang sinasabing bumaril at nakapatay sa barangay chair at presidente ng Association of Barangay Captains (ABC) sa Lipa City. Hindi pa inilalabas ang pangalan ng suspect na ngayon ay nasa pangangalaga ng Batangas Police.

Si Marlon Luancing, barangay captain ng Barangay Antipolo del Sur ay nasa Lipa Games and Amusement Complex at nagsasabong nang barilin bandang alas-8 ng gabi. Naisugod pa sya sa ospital ngunit patay na nang idating. Iniimbestigahan pa ang motibo sa pagpatay kay Luancing.

Si Luancing ay ikalawang barangay official mula Batangas na napatay ngayong linggo. Sa Balayan, nakitang patay si Dindo Legaspi, village treasurer ng Barangay Sampaga, noong December 27. May tama ng bala sa ulo ang biktima.

Please follow and like us:
Read More