METRO BANK HINOLDAP; P1-M PABUYA VS ROBBERS IBIBIGAY NI ISKO

armed robbery12

(NI JULIE DUIGAN)

PAGBUKAS  pa lang ng banko, Huwebes ng umaga nang looban ng dalawang nakasuot ng uniporme ng security guard ang isang sangay ng Metro Bank habang umano’y may iba pang lookout sa labas at kulimbatin ang hindi pa batid na halaga sa Binondo, Manila.

Hinalang inside job ang isa sa anggulong binubusisi ng Manila Police District -Theft and Robbery Section, makaraang makitaan ng dalawang nakasuot ng security guard at mabilis na sumakay sa motorsiklo.

Batay sa ulat ng pulisya, bandang alas-9:00 ng umaga, nang pasukin ang nasabing banko sa Sto. Cristo St., sakop ng Binondo.

Iginapos at saka kinuha ang service firearm ng sekyu sa loob ng banko.

Hinalang nasa pito katao ang nanloob sa banko, ayon sa ilang saksi.

Gayunman,mabilis naman umanong nakapagresponde ang pinagsanib na puwersa ng MPD,sa pangunguna ni Brigadier General Vicente Danao Jr, kasunod naman si Manila Mayor Isko Moreno.

Nabatid na hindi muna pinapasok ang mga pulis sa hindi pa malamang kadahilanan, pero kalaunan ay pinayagan nang mag imbestiga sa insidente.

Kaugnay nito, magbibgay ng pabuyang isang milyon piso si Mayor Isko, kung sinu-sino ang dapat managot.

Please follow and like us:
Read More