DATING BANK MANAGER TINAMBANGAN PATAY

crime32

(NI JESSE KABEL)

PATAY ang isang dating bank manager nang tambangan ito sa harap mismo ng kanilang tahanan  ng dalawang hindi nakikilalang suspek, Martes ng umaga, ayon sa ulat ng pulisya sa Davao City.

Sa report ng Davao City Police Office, nasawi sa pamamaril si Eduardo Te, 50, ng Jade Valley Subdivision, Barangay Buhangin ng nasabing lungsod.

Base sa imbestigasyon, sakay ng  kanyang kotse at paalis na sana ang biktima nang tabihan ng isang puting kotse na may lulang dalawang suspek at pinagbabaril.

“Nakita ko talaga ang nangyari, tinabihan siya ng isang sasakyan at binaril dalawang beses, tapos sumigaw siya, tapos bumaba ang isang lalaki sa backseat ng kotse at binaril pa siya ng  tatlong beses,” ayon sa kapithbahay na nagsilbing saksi sa krimen.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung may kinalaman sa droga ang naganap na pamamaslang dahil dati na umano itong sumailalim sa drug rehabilitation.

Sinasabing  sumasailalim sa community-based drug rehabilitation ang biktima sa Barangay Tigatto may limang taon na ang nakalilipas.

Apat na basyo ng kalibre 45 na baril ang nakuha sa crime scene.

Samantala, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa insidente.

Please follow and like us:
Read More

UTOL SINUNDAN SA HUKAY

suicide

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

ISANG retiradong  manager ng banko ang nagkaroon umano ng depresyon nang mamatay ang kanyang kuya kaya’t nagdesisyon itong sundan sa kabilang-buhay ang kapatid, sa Valenzuela City, nitong Biyernes.

Nadiskubre ang bangkay ni Glenn Brecio Ruiz, 61, ng kanyang pamangkin na si Laarni Jeanne Ruiz, alas-10:00 ng umaga, na nakabitin sa comfort room  ng kanilang bahay sa 35 Sabino Alley Compound, Brgy. Maysan.

Kable ng kuryente na ipinulupot sa leeg ang ginamit nito sa pagpapakamatay.

Kukuha sana ng damit si Laarni sa gilid ng kanilang bahay nang mapansin ang suicide note ng biktima kung saan nakasaad na sa banyo matatagpuan ang kanyang bangkay.

Humahangos na sinabi ni Laarni sa isang tiyahin ang nalaman at inutusan siya nitong humingi ng tulong sa barangay.

Sa  tulong ng mga tanod ay pinuwersa ang pinto ng banyo at bumulaga sa kanila ang bangkay ng biktima.

Diabetic ang biktima at dumanas ng  depresyon  mula nang mamatay ang kanyang kuya.

 

Please follow and like us:
Read More