DRAYBER, PAHINANTE NAKALIGTAS SA TRAK NA NAHULOG SA BANGIN

(NI DONDON DINOY) DAVAO CITY- Masuwerteng nakaligtas ang driver at pahinante ng 10-wheeler truck matapos mahulog sa bangin sa Kisolon, Sumilao,Bukidnon, Biyernes ng umaga. Mula Nayan ng Maramag, papunta sana sa bayan ng Baungon ang truck na minamaneho ni Raymart Briones nang nawalan ng kontrol sa manibela pagtawid sa Alalum Bridge. Dumiretso ang truck sa pangpang na 50 metro ang lalim. Agad na rumesponde ang rescue team ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office para iligtas ang driver at pahinante nitong si Romulo Briones. Nagtamo ng minor injuries ang…

Read More

21 SUGATAN SA NAHULOG NA BUS SA BANGIN

(NI KIKO CUETO) KIDAPAWAN City — Hindi bababa sa 21 ang sugatan nang mahulog ang isang pampasaherong bus sa isang pailalim na lugar dito, ayon sa Cotabato police. Sinabi ni Police Lieutenant Colonel Bernard Tayong,  tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office, nawalan ng kontrol ang driver ng Mindanao Star habang nasa madulas na bahagi ng national highway sa Barangay Amas. Sinabi nI Tayong na madulas ang mga kalsada sa oras na mga iyun kaya’t dumulas ang bus. Dalawa sa mga sugatang pasahero ang seryoso ang kondisyon, pero walang namatay. Lahat…

Read More

BUS NAHULOG SA BANGIN; 20 SUGATAN 

cebu200

(NI NICK ECHEVARRIA) SUGATAN ang 20 pasahero makaraang mahulog sa bangin ang isang pampasaherong  bus  sa kahabaan ng national highway sa bayan ng Catmon sa northern Cebu, Linggo ng umaga. Naganap ang insidente pasado alas-8:00 habang nilalakbay ng Ceres bus ang national highway na sakop ng Brgy. Panalipan sa nabanggit na bayan lulan ang 28 sakay nito kasama na ang driver, inspector at konduktor. Halos isang oras pa lamang umano ang nakalilipas mula nang umalis ang Ceres bus sa bayan ng Tabogon patungo sa kanilang North bus terminal sa Mandaue City nang mangyari…

Read More

VAN NAHULOG SA ILOG, FOREIGNER TODAS, MISIS SUGATAN

(NI NILOU DEL CARMEN) NAMATAY ang isang 65-anyos na dayuhan nang ang minamaneho nitong van ay mahulog sa ilog sa Alaminos, Laguna Sabado ng hapon. Kinilala ng Alaminos police ang namatay na si Dirk Francois, Belgian national at naninirahan sa Bay, Laguna. Ginagamot naman sa San Pablo City Medical Center ang misis nito na si Babyliza Fancois. Batay sa report, minamaneho ng biktima ang Delica van sa Calabarzon road patungo sa direksyon ng Lipa City nang pagsapit sa tulay sa Barangay San Miguel ay mapadaan ang sasakyan sa hindi pantay…

Read More

AMBULANSIYA NAHULOG SA BANGIN, DRIVER SUGATAN

accident121

(NI JG TUMBADO) SUGATAN ang isang driver makaraan mahulog sa bangin ang minamaneho nitong ambulansiya sa Imelda, Zamboanga Sibugay Huwebes ng gabi. Nagtamo ng mga galos sa katawan ang hindi na pinangalanang driver na nasa ligtas nang kondisyon. Sa inisyal na ulat, nabatid na pabalik na mula Zamboanga City ang ambulansiya matapos maghatid ng pasyente. Pero pagsapit sa bahagi ng national road ng Barangay Lower Baluran ay nahulog ito sa bangin na may lalim na 30 metro. Dahilan umano ng pagkahulog ng ambulansya sa bangin ay ang pagkakaidlip sa driver.…

Read More

20 PATAY SA ROAD MISHAP; SWIMMING TULOY SA LAMAY

(3rd UPDATE) (NINA JESSE KABEL, AMIHAN SABILLO, JG TUMBADO) MULA sa beach party  napunta sa lamay ang masayang outing nang mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang Isuzu elf truck sa Tboli, South Cotabato, Martes ng umaga. Ayon kay Police Maj. Bernie Faldas, ng Tboli Municipal Police Station, nasa 20 ang unag report na itinawag sa kanya na nasawi sa sakuna . Nabatid na galing sa beach sa General Santos City ang elf truck, na may lulan na 34 na magkakamag-anak at pauwi na nang mawalan ng preno ang sasakyan pagsapit…

Read More

MGA GURO, IBA PA, SUGATAN SA JEEP NA NAHULOG SA BANGIN

accident12

(NI JG TUMBADO) NASA may 20 indibidwal, karamihan ay mga guro, ang sugatan sa jeep na nahulog sa bangin sa Barangay Cagbulacao, sa bayan ng Bacacay, lalawigan ng Albay. Patuloy na inoobserbahan sa iba’t ibang ospital ang mga pasahero na karamihan ay pawang mga pampublikong guro dahil sa grabeng pinsala na tinamong sugat bunga ng aksidente na naganap Lunes ng umaga. Ayon sa tagapagsalita ng Albay Provincial Police Office (APPO) na si Major Dexter Panganiban, patungo sa paaralan ang mga biktima na nasa isla sakop ng Barangay Cagbulacao nang maganap…

Read More

MOTOR NAHULOG SA BANGIN: MAGPIPINSAN, PATAY 

accident121

(NI ANNIE PINEDA) PATAY ang magpipinsan habang nakaligtas ang 5-anyos na bata nang mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyan motorsiklo, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng General Santos City. Kinilala ng mga namatay na sina Joseph Salawa, Adrien Salawa at Mingtingaw Flang, habang nagpapagaling naman sa ospital ang bata at kapwa mga residente ng Bgy. San Jose, ng nasabing lungsod. Batay sa report ng pulisya, dakong ala 1:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa Datal Salban Bridge sa Barangay San Jose, General Santos City. Lumabas sa imbestigasyon ng Traffic…

Read More

BUS NAHULOG SA BANGIN: 15 SUGATAN

(NI BONG PAULO) SUGATAN ang 15 mga pasahero ng isang pampasaherong bus matapos mawalan ng preno at nahulog sa bangin na nasa national highway ng Purok 3, barangay De Oro, Butuan City, Biyernes ng tanghali. Ayon kay Police Senior Master Sergeant Jigger Ugalino, imbestigador ng Butuan City PNP traffic section, naganap ang aksidente alas-12:30 ng tanghali kungsaan 15 mga pasahero ang sugatan mula sa 30 sakay nito. Ito matapos na mahulog sa 50 metro na lalim ng bangin ang Davao Metro Shuttle bus na minamaneho ni Merlo Fuentes Cutara, 43-anyos…

Read More

MULTICAB, NAHULOG SA BANGIN, 10 SUGATAN

accident135

(NI NICK ECHEVARRIA) SAMPU katao ang sugatan makaraangg mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang pickup-type na multicab sa North Cotabato, Linggo ng umaga. Naganap ang insidente sa Brgy. Pontevedra, Antipas ng nabanggit na lalawigan bandang alas-9:00, habang himala namang nakaligtas at bahagya lamang nasugatan ang sakay nang nahulog na multicab. Ayon kay P/Capt. Bernard Abarquez, hepe ng Antipas Municipal Police station, nakilala ang mga sugatan na sina: Virgilio Amandoron; Heber Caahao, 59,; Mary Luiz Digal, 35; Glenda Dejesica, 39; Flordeliza Pacultan; Aser Guanzon, 48; Catherine Canete,46; Flordeliza Pacultad at Jolly…

Read More

JEEP NAHULOG SA BANGIN, 6 PATAY

accidentsign1

(NI NICK ECHEVARRIA) PATAY ang anim anim na pasahero habang 18 pa ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang isang kulay dilaw na pampasaherong jeepney sa Albay, Martes ng hapon. Sa paunang imbestigasyon, binabaybay ng nasabing PUJ, (EVF 366) sakay ang 30 mga pasahero nito na minamaneho ni Rolando Olade, ang Brgy. Caguscos, Libon, Albay nang mawalan ng preno pagsapit sa Sitio Hulandig, Barangay San Jose na nagresulta sa pagkahulog nito sa bangin. Naganap ang insidente bandang alas-3:00 ng hapon, base sa report ni Bgy. Captain Benjur Solomo, ng Brgy. San Jose…

Read More