AGAWAN NG LUPANG SAKAHAN: 3 PATAY

crime

(NI BONG PAULO)

NASAWI ang tatlo katao makaraang sumiklab ang labanan sa pagitan ng Islamic Liberation Front (MILF) at mga armadong sekyu ng isang plantasyon ng saging sa Barangay Tukanalugong sa Datu Abdullah Sangki (DAS), Maguindanao, Lunesng hapon.

Sinabi ni Maguindanao PNP Director, Police Col. Ronald Briones, nagkasagupa ang grupo nina Kumander Tommy at Adrex Cali sa plantasyon ng saging sa Barangay Tukanalugong ng naturang bayan, alas-2:30 ng hapon.

Ang mga nasawi sa panig ng MILF ay kinilalang sina Datu Ila Mohammad at Toy Taha, habang ang nasawi sa panig ng mga armadong security na pinamumunuan ni alias Kali ay hindi pa tukoy.

Sugatan naman ang isang Tanto Abdul, isang civilian security volunteer, na dinala sa Isulan Provincial Hospital sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat.

Nabatid na personal na alitan sa pamilya dahil sa pinag-aagawang lupang sakahan at plantasyon ang dahilan ng bakbakan.

Tumagal ng mahigit isang oras ang palitan ng putok ng magkabilang panig kaya naman daan-daang mga sibilyan ang lumikas patungo sa mas ligtas na lugar.

Humupa lamang ang engkwentro nang dumating ang mga pulis at sundalo.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang mapayapang negosasyon ng mga lokal na opisyal sa bayan para resolbahin ang gulo ng dalawang grupo.

Please follow and like us:
Read More

EROPLANO SUMABIT SA HIGH TENSION WIRE, PILOTO PATAY

sprayplane12

(NI NICK ECHEVARRIA)

PATAY ang isang piloto makaraang sumabit ang eroplano na kanyang pinalilipad sa isang high tension electrical wirings na naging sanhi ng pagbagsak nito sa Davao del Norte, Sabado ng umaga.

Sa paunang imbestigasyon ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), nahagip umano ng   piloto na isang “agricultural pilot” ang isang live wire habang nagsasagawa ng aerial spraying sa isang Banana plantation na sakop  ng mga Barangay ng Kasilak at Mangalcal mula sa mga bayan ng Carmen at Panabo ng nasabing lalawigan ganap na alas-6:53.

Samantala ayaw pang ibunyag ng CAAP ang pangalan ng nasabing agricultural pilot haggang hindi pa nasasabihan ang pamilya nito kaugnay sa insidente.

Sa imbestigasyon ng CAAP, maaari umanong nasilaw ang piloto sa sikat ng araw kung kaya hindi nito napansin ang high tension wire sa nasabing plantasyon ng saging na naging sanhi ng pagbagsak ng Grumman G-164 Ag Cat single engine biplane agricultural aircraft na may body no. na RP-R5388.

Pinaiimbestigahan na ni CAAP Director General Captain Jim C. Sydionco sa naatasang aircraft accident at incident inquiry board ang pangyayari para lubusang i-assess ang insidente.

Please follow and like us:
Read More