3 PANG BAKWIT NAMATAY SA EVACUATION CENTER

CANDLES FOR DEAD

QUEZON – Tatlo pang biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal ang naitalang namatay sa evacuation cen-ters sa San Pascual, Batangas at sa lalawigan ng Quezon. Ayon kay Rowena Dalangin, MSWD officer ng Bayan ng San Pascual,  magkasunod na binawian ng buhay sina Felina de Roxas, 57, residente ng Barangay Bangin, San Nicolas, at Violeta Reyes, 84, resi-dente ng Barangay Mahabang Ludlod,  Taal. Si Roxas ay nalagutan ng hininga matapos isugod sa St. Pascual de Baylon Hospital  dahil sa pagtaas ng blood pressure noong Sabado. Binawian naman ng buhay si Reyes…

Read More

11 EVACUEES NALASON SA SPAGHETTI 

(NI DONDON DINOY) MATANAO, Davao del Sur-Nasa 11 evacuees sa Barangay Mangga ang nailigtas matapos malason sa kinaing spaghetti noong Disyembre 22. Halos mga biktima ay mga bata na nag-edad isang taon hanggang 16 anyos. Kasali sa dinala sa pagamutan ang 35-anyos na si Hazel Gabin, na nakaranas ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagdudumi ilang minuto matapos kumain ng pasta. Agad dinala sa Davao del Sur Provincial Hospital ang mga biktima ngunit sa makeshift emergency shelter lamang sila nilapatan ng gamot dahil may mga tension crack na rin ang…

Read More

SENIOR CITIZEN NA BAKWIT PATAY SA EVACUATION CENTER

north cotabato 12

(NI DONDON DINOY) MAKILALA, North Cotabato  – Binawian ng buhay ang isang senior citizen na bakwit matapos hindi kayanin ang pabago-bagong panahon sa loob ng evacuation center sa Barangay Bulakanon, nitong bayan, Huwebes Ayon sa ulat, kinilala ang nasawi na si Evie Damali, 60, ng Purok 1, Barangay Bato sa lugar, na isa rin sa mga lugar na ideneklarang high risk area at pinagbawalan pa silang bumalik sa lugar. Sinasabing nagkasakit na noon ang matanda pero mas lumala lamang dahil na rin sa pabago-bagong panahon na kanilang nararanasan sa evacuation…

Read More

HIGIT 800 BAKWIT NAGKAKASAKIT NA SA EVACUATION CENTERS

(NI DONDON DINOY) DAVAO CITY— Mahigit sa 800 na mga bakwit ang nagkasakit sa mga evacuation centers sa tatlong bayan ng Davao del Sur. Dahil dito, inabisuhan na ng Department of Health (DoH) ang mga lokal na gobyerno na maglagay ng mga nurse sa mga evacuation center. Sa datos mula sa Provincial Health Office (PHO) ng lalawigan, aabot na sa 524 ang nilalagnat, may ubo at sipon, 123 ang may lagnat lang at 118 ang tumaas ang ang blood pressure, mula sa mga bayan ng Matanao, Magsaysay at Digos City.…

Read More

DONASYON NA PAGKAIN SA BAKWIT HINIGPITAN

(NI DONDON DINOY) MAKILALA, North Cotabato — Nagpatupad ng mahigpit na seguridad at ilang panuntunan ang lokal na gobyerno sa pagbibigay ng pagkain sa mga evacuation centers. Ito’y matapos malason ang 30 katao sa pagkain na dinala sa evacuation center. Nasa mabuting kalagayan na umano ang mga biktima matapos makaranas ng pananakit ng tiyan makaraang kumain ng pastil. Maliban sa pananakit ng tiyan, nagsusuka rin ang mga biktima kasabay ng kanilang loose bowel movement (LBM). Pawang mga residente ng Barangay Patulangon at Malabuan nitong bayan ang nakaranas ng pagkalason na…

Read More

MAS MALAKING PINSALA NAITALA SA 6.5 LINDOL

(NI DONDON DINOY) MAGSAYSAY, Davao del Sur–Lalo pang nadagdagan ang bilang ng mga sugatan at halaga ng pinsala matapos muling yanigin ng lindol ang lalawigan, Huwebes ng umaga. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVocs), alas 9:15 ng umaga, naramdaman ang magnitude 6.5, dalawang araw matapos tumama ang magnitude 6.6 na lindol sa katulad na epicenter sa Tulunan, North Cotabato. Base sa Phivolcs bulletin, tectonic pa rin ang pagyanig na may 2-kilometrong lalim at nasa 28 kilometro norteast ng Tulunan. Dito sa karatig bayan, sugatan din sa noo…

Read More