DALAGITA NABUNTIS NI LOLO

(NI ANNIE PINEDA)

SA edad na 15, magiging isang ina na ANG dalagitang nabuntis umano ng sariling lolo matapos paulit-ulit na gahasain, iniulat kaninang umaga sa Baguio City.

Pormal na nagtungo sa himpilan ng Baguio City-PNP ang biktima na itinago sa pangalanh Cora, kasama ang kanyang ina, para magsampa ng kasong rape laban sa 64-anyos na suspek at lolo nito.

Batay sa reklamo ni Cora, una siyang ginahasa ng kanyang lolo habang naliligo at nasundan pa ito ng makailang beses habang wala sa kanilang bahay ang mga magulang.

Nabuko na lamang ang panggagahasa ng suspek nang makaramdam ng kakaiba sa katawan ang biktima at nagdududa na rin ang ina nito kung bakit tumataba at lumalaki ang tiyan.

Kaagad na dinala sa doktor ang biktima ng kanyang ina at lumabas sa pagsusuri na higit apat na buwan na itong buntis.

Hinihintay na lamang ang arrest warrant laban sa suspek para sa pag-aresto.

Please follow and like us:
Read More

PMA CADET PATAY SA BARRACKS

crimescene12

(NI KIKO CUETO)

BAGUIO City — Iniimbestigahan ngayon ang pagkamatay ng isang 20-taong gulang na kadete ng Philippine Military Academy mula Cagayan De Oro City.

Sa paunang imbestigasyon, lumalabas na nagsuka ang kadete habang nasa loob ng kanilang barracks sa PMA Academy sa Fort Del Pilar, Miyerkoles ng umaga.

Nauna na rito ay inirereklamo umano ng kadete ang labis na pananakit ng tiyan.

Nakuha pang dalhin ang kadete sa ospital at doon namatay.

Sinabi naman ng PMA na iniimbestigahan nila ang insidente at nangakong maglalagabas ng update sa lalong madaling panahon.

 

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKI WALANG AMBAG SA ALAK, TINUBO

(NI ANNIE PINEDA)

DAHIL umano sa mahilig sa libre, patay ang isang obrero makaraan hatawin ito ng tubo sa ulo ng kainuman nang umano nag ambag sa alak, iniulat kaninang umaga sa Baguio City.

Kinilala ang biktimang si Chistopher Balanni, tubong Banaue, Ifugao at residente ng Itogon, Benguet, habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Kazy Binuhe Nahuyaman, 25, binata, tubong Hingyon, Ifugao at residente ng Ucab, Itogon, Benguet.

Batay sa report ng pulisya, naganap ang insidente sa loob ng kubo na tinutulugan ng bitkima at suspek sa First Gate, Ucab, Itogon, Benguet.

Lumabas sa imbestigasyon, bago ang insidente nag-iinuman ang biktima at suspek sa kubo hanggang sa maubos ang alak.

Nabitin umano si Nahuyaman kaya sinabihan nito si Balanni na bumili naman ng alak pero tumanggi umano ang huli na nauwi sa pagtatalo.

Dito, kumuha ng tubo ang suspek at hinataw sa ulo ang biktima saka tumakas.

Dinala naman ng iba nilang kasamahan si Balanni sa Baguio General Hospital and Medical Center, pero idineklara na rin itong patay. Nakonsensiya naman ang suspek at kalaunan ay sumuko ito sa mga awtoridad at nakatakdang sampahan ng kasong pagpatay.

Please follow and like us:
Read More

LOLA PATAY SA GUHO, APO SUGATAN

(NI ANNIE PINEDA)

NALIBING nang buhay ang isang lola habang sugatan ang kanyang apo nang gumuho ang lupa sanhi ng walang patid na buhos ng ulan kagabi sa probinsya ng Benguet.

Kinilala ang nasawi na si Gloria Rolando Langawan, 72,  habang sugatan ang kanyang apo na si Ben Rafael Langawan,10, kapwa residente ng Barangay Bangao, Buguias, Benguet.

Batay sa report ng Buguias Municipal Police Station, bandang alas 10:00 ng gabi ng Linggo, natutulog ang maglola sa loob ng kanilang bahay nang bigla na lamang gumuho ang lupa.

Halos natabunan ng lupa ang lola na agad nitong ikinamatay habang dinala naman sa Lutheran Hospital ang apo para lapatan ng lunas ang tinamong sugat.

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKI PATAY SA NAHULOG NA BATO SA MARCOS HWAY

crime145

BAGUIO City — KUNG oras mo, oras mo na.

Ito ang nangyari sa isang lalaki na namatay nang mahulugan ng bato mula sa bundok habang sakay sa pampasaherong bus sa Marcos Highway, Sabado ng gabi.

Ang biktima ay pauwi na sa Pangasinan nang maganap ang insidente.

Nahulog umano ang bato  na kasing laki ng ulo ng tao at eksaktong bumagsak sa kinauupuan ng biktima.

Isinugod sa ospital ang biktima ngunit namatay din ito.

Nangako naman ang bus company na sasagutin lahat ang gastos sa sinapit ng biktima.

Sinabi ni Police Lt. James Acod, Hepe ng Tuba Municipal Police Station, na maglalagay na ng signage sa lugar upang magabayan ang mga motoristang dumaraan.

 

Please follow and like us:
Read More

2 EKTARYANG BUNDOK SA BENGUET NASUNOG

sunog

NASUNOG ang dalawang ektaryang bahagi ng bundok Yangbew sa bayan ng La Trinidad, Benguet, Sabado ng hapon.

Dalawang oras bago naapula ang apoy na nagsimula ng alas-2 ng hapon. Nahirapan din umano ang mga bumbero na apulahin agad ang sunog dahil matarik ang daan sa bundok at may kalakasan ang hangin. Hindi rin umano nakalapit nang husto ang mga bumbero. Ilang residente naman ang tumulong sa pamamagitan ng pagtabon ng lupa sa apoy.

Sinabi sa unang imbestigasyon na isang residente ang naglinis ng damo at sinunog ito dahilan para mabilis na kumalat ang apoy.

Please follow and like us:
Read More

TRAHEDYA SA TEAM BUILDING

TEAM BUILDING

(TEKSTO/PHOTO BY JG TUMBADO)

PATAY ang apat na indibidwal, kabilang ang tatlong barangay officials, habang nasa mahigit 40 ang sugatan nang sumalpok ang kanilang sinasakyang bus sa isang 18-wheeler trailer truck sa bahagi ng Subic-Clark-Tarlac-Expressway (SCTEX) sa Conception, Tarlac , Huwebes ng umaga.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang apat na pasahero ng tourist bus bunsod ng grabeng tinamong pinsala sa kanilang ulo at katawan habang ang iba pang mga pasahero ay isinugod sa ibat ibang pagamutan sa Concepcion District Hospital At sa Tarlac Provincial Hospital, kabilang na ang bus driver na nakilalang si Michael Sarcajo.

Nakilala ang mga nasawi na sina Lizette Misacola, Secretary ng Barangay Sapa; Isidora Bravante, Kagawad ng Barangay Central at Ricardo Alidia, Kagawad ng Barangay Dostres.

Nasawi din sa aksidente ang kanilang barangay coordinator at event planner na si Joel Bertillo.

Batay sa inisyal na ulat ng Concepcion police, nangyari ang trahedya sa southbound lane sa tapat ng isang gasolinahan pasado alas 5:00 ng umaga kung saan ayon sa ilang mga nakasaksi ay mabilis umano ang pagpapatakbo ng driver ng bus bago pa man ito sumalpok sa likuran ng trailer truck.

Isa sa mga sinasabing dahilan ng insidente ay ang pagkaka idlip umano habang nagmamaneho ng bus ang driver na si Sarcajo.

Pawang mga empleyado at Barangay local officials sa Naic, Cavite ang sakay sa tourist bus na Jambo bus line at nakatakda sanang magtungo sa Baguio City para sa kanilang team building seminar.

Nagdulot naman ng matinding trapiko ang bahagi ng southbound lane sa lugar bunsod ng naganap na trahedya.

Please follow and like us:
Read More