MATINEE IDOL MASUGID NA SUITOR NI POGING CAGER

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

SUS ginoo, ano ba naman iyang matinee idol na iyan na ‘nanliligaw’ naman ngayon sa isang poging basketball player. Kung sa bagay, marami talaga ang may crush sa poging basketball player kahit na noong araw na nasa varsity league pa lang siya, eh di lalo na nga ngayon.

Ang sinasabi daw ng bading na matinee idol, “basta makalusot iyong SOGIE bill, pakakasalan ko siya agad kung gusto niya”. Sus, eh papatulan ba naman siya ng poging cager. Baka hindi rin tapos hahagulgol lang siya ng iyak pagdating ng araw.

Alam naman ninyo ang key word sa mga bading ngayon, ‘hagulgol’.

 

Please follow and like us:
Read More

ROMANSAHAN SA JEEP: BADING, LOVER DINAMPOT

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

HULI sa akto ang isang bading at lover nito habang nagroromansahan sa loob ng nakaparadang jeep, Martes ng madaling araw sa Malabon City.

Hindi na nakapalag ang 20-anyos na lover, ng Brgy Tangos, Navotas City habang nagpaparaos sa umano’y bading na isa ring 20-anyos ng Brgy. Dampalit, Malabon, nang arestuhin ng mga barangay tanod.

Nabatid na  nagpapatrulya sa naturang lugar sina Jason Ramos at Edison Amboyon, kapwa tanod ng Barangay Hulong Duhat,  nang makarinig ng halinghing mula sa loob ng isang nakaparadang jeep sa Marlon St., sa naturang barangay, dakong ala-1:30 ng madaling araw.

Pagdungaw ng mga tanod sa jeep ay naaktuhan ng mga ito ang dalawa habang nakahubad pang-ibaba ang lover.

Hindi rin umano napansin ng dalawa na nasa harap na nila ang mga barangay tanod.

Agad na dinamba ng mga tanod ang dalawa dinala sa Malabon police headquarters upang masampahan ng kasong grave scandal sa piskalya.

 

Please follow and like us:
Read More

BADING NANABOY NG ASIDO SA GF NG EX-BF, ARESTADO

arrested

(NI ROSE PULGAR)

“PASENSIYA na nagmahal lang ako. Hindi ko rin gusto ang nangyari sa ‘yo.”

Ito ang humahagulhol na pahayag ng arestadong suspect na nagsaboy ng asido sa mukha hanggang sa mabulag na saleslady sa follow-up operation ng mga tauhan ng Pasay City Police, Biyernes ng tanghali sa Tabaco City, Albay.

Kinilala ni Police Colonel Bernard Yang, hepe  ng Pasay City Police ang nadakip na suspect na si Ramon Culada Jr. y Montallana, alyas “Mona” 30, beautician at naninirahan sa Barangay Sto Cristo, Purok 3 Tabaco City, Albay.

Dakong alas-12:30 ng tanghali kahapon nang maaresto ang suspect sa tindahan ng ina nito sa Tabaco City Albay na kung saan nagsagawa ng follow-up operation sa pangunguna ni Police Major Wifredo Sangel, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch.

Ayon kay Yang, natunton ng kanyang mga tauhan ang suspect matapos sabuyan ng asido si Glory Cris  Cuera, 27, dalaga, ng San Antonio St. Tondo Manila.

Nabulag ang dalawang mata ng dalawa at nangangailangan ng agarang operasyon.

Naganap ang insidente noong Hulyo 15 araw ng Lunes ng alas-10:30 ng umaga sa ika-apat na palapag ng 3F Trade  Center Mart , Two Shopping  Center na sa  Taft Avenue Extension  corner  Cuneta Avenue.

Nagselos umano ang suspect sa biktima matapos ipagpalit siya ng kanyang nobyo na kasintahan ngayon ng biktima.

Sasampahan ng kasong serious physical injury ang suspect sa Pasay City Prosecutors Office.

Please follow and like us:
Read More

GF, SUGAR MOMMY NG BF NA MAY SIDELINE SA MGA BADING

(NI ED DE LEON)

USAP-USAPAN ang katotohanan na sa ngayon pala, si girlfriend pa ang nagtutustos ng mga pangangailangan ng boyfriend niyang ka-live in at wala namang masyadong trabaho.

May pera man daw itinatago naman iyon ng boyfriend sa girlfriend niya, dahil selosa si girl at alam niyang maaaring galing iyon sa mga “sideline” ng kanyang boyfriend.

Kahit naman kasi live in na sila, alam ni girlfriend na may mga bading pa ring nagkaka-interest sa kanyang boyfriend.

Minsan nahuhuli pa niya ang text ng mga iyon sa phone ng boyfriend niya. Kaya kung may sideline man, itinatago na lang iyon ni boyfriend sa girlfriend niya.

Please follow and like us:
Read More

PARLORISTANG BADING, PAROKYANO HULI SA DROGA

ARRESTEDHAND12

(NI FRANCIS SORIANO

HINDI na himas buhok kundi himas rehas naman ngayon ang isang hairstylist at kasama nito, matapos maaktuhan ng mga pulis na nag-aabutan ng droga sa Valenzuela City.

Kininilala P/Col. Carlito Gaces, bagong hepe ng Valenzuela City Police Station ang naarestong mga suspek na si Jordan Tanaun, alyas “JM”, ng 28 ng Blk 3 Bukid Malinta at Jeffrey Gadi alyas “Paula”, 29, ng Phase 1, Bagbaguin Caloocan City.

Ayon kay Gaces, dakong alas-4:25 ng madaling araw nang maaktuhan nina PSSg Rolando Magno Jr. at PCpl Mario Martin III ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang mga suspek na nag-aabutan ng hinihinalang shabu na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

 

Please follow and like us:
Read More

MALE STAR ATRAS SA REQUIREMENT NG PRODU PARA SA LEAD ROLE

malestar silhouette

(NI ED DE LEON)

TOTOO iyon Tito KC, isang dating male star talaga ang nagsabi sa amin. Tinawagan daw siya ng isang film producer, bago pa natapos ang unang pelikulang kanyang ginagawa. Sinabi sa kanya, sa susunod niyang pelikula ay bida na siya, solong bida at bibigyan ng malaking build up. Pelikula iyon tungkol sa isang macho dancer. Pero ang kapalit, kailangang maging syota siya ng bading na film producer.

Natakot daw siya, at nang umalis sa opisina ng producer ay hindi na nagbalik pa, kahit na may ilan pang eksenang hindi nakukunan sa ginawa niyang pelikula. Siyempre siniraan siya, sinabing unprofessional, at sinabing inuna pang itinanan ang girlfriend niya kaysa sa kanyang career. Pero hindi naman totoo iyon. Hindi siya nagtanan. Nag-aral siyang muli.

Pero kagaya nga noon, may kaso ng sexual harassment, pero ang katuwiran ay “wala namang nangyari eh”. May isang kasong napagsamantalahan “pero kung magdedemanda ako, sabi ni attorney para din daw rape iyan, kailangang ikuwento ng detalyado kung papaano ako inabuso ng bakla. Ano naman ang mangyayari sa akin pagkatapos, malalaman lang ng mga tao ang nangyari sa akin”.

At saka mahal ang attorney’s fees. Mabuti ngayon nag-aalok si Jimmy Bondoc ng legal assistance, kung hindi, aba sa acceptance fee pa lang ng kaso, patay ka na sa pagbabayad.

 

Please follow and like us:
Read More

BADING HULI SA SEXTORTION

sextortion

(NI SIGFRED ADSUARA)

MATAPOS pagpantasyahan ng isang 30-anyos na miyembro ng LGBT ang mga video at hubad na larawan ng kanyang FB friend, gusto pa nitong huthutan at binantaan ilalabas  ang mga litrato nito kung hindi siya magpapadala ng pera sa GMA, Cavite.

Gayunman,  hindi umubra ang kagustuhan ng suspek na si Gerome Malicdim, alias “Gerome Celda”, ng Block 6 Excess Lot, Brgy.  Poblacion 5 GMA, Cavite, matapos itong arestuhin sa isang entrapment operation dahil sa reklamo ni Edmond Salomon, 30, binata, isang negosyante  ng Block 10 Lot 77 Mayors Drive Brgy Ramon Cruz, GMA, Cavite.

Sa reklamo ni Salamon kay  PSSgt Bobbie Balazo ng GMA Municipal Police Station, nagkakilala sila ng suspek sa pamagitan ng social media (Facebook)  kung saan inakala nito na isang babae.

Lumawig pa ang kanilang pagkakaibigan hanggang sa nagkapalagayan ng loob na humantong sa pagpapadala ng hubad na larawan si Malicdim na isang babae hanggang sa nahikayat din nito ang biktima na magpadala ng video na hubad nitong larawan hanggang sa lumaon ay humingi na ito ng pera at nagbanta na kung  hindi ito magbibigay ay ilalabas nito sa Facebook ang mga hubad nitong larawan at mga videos.

Noong una ay nagpadala ng halagang P2,000  ang biktima subalit muling humingi  at nagbanta at dahil alam na niya kung saan kinukuha ng suspek ang pera ay nagsumbong ang biktima sa pulisya kung saan ikinasa ang entrapment operation at sa aktong inilalabas nito ang ipinadalang cash ng biktima sa isang pera padala center sa Brgy Dacon , GMA, Cavite  ay naaresto ang suspek dakong alas-6:30, Huwebes ng gabi.

 

Please follow and like us:
Read More

BADING NATAGPUANG  PATAY

sta12

(NI JULIE DUIGAN)

WALANG saplot nang matagpuang patay ang isang bading na pinaniniwalaang na heat stroke, Lunes ng umaga sa Sta.Cruz,Manila.

Nakilala ang  biktimang si Nell Dawn Sanchez, nasa 55 hanggang 60 anyos , sinasabing miyembro ng  LGBT,hair dresser sa Chams Salon and SPA at nangungupahan sa Rm 403 NDR Building  sa 2207 Oroqueta St. Sta.Cruz,Manila.

Batay sa ulat na nakarating kay P/Capt. Henry Navarro , hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas- 6:30 ng umaga nang madiskubreng patay ang biktima ng isang  kasambahay at naninirahan sa roof top ng gusali.

Huling nakitang buhay ang bading noong Abril 5 sa loob ng parlor.

Gayunman, malaki ang hinalang na heat stroke ang biktima dahil wala naman anumang sugat na nakita sa katawan nito.

Nabatid kay Jimmy Torres, sekyu ng gusali , nakaamoy umano siya ng masangsang sa tinutuluyang silid ng bading  , kaya  agad nitong ipinagbigay alam sa  may ari ng salon  dahilan para atasan nito ang kasambahay na si Roman na tingnan ang kuwarto ng biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

PAMANGKIN NG SIKAT NA SINGER, NAGPA-‘BOYLET’ NA SA BADING

boylet12

(NI SHALALA)

DAHIL wala sila help mula sa tita niyang sikat na singer, ang boylet na  jumangkin  ay working too hard para helping ang mudra at lowla nya.

Crew ng isang hamburger chain si boylet. Churang inaabot na siya nang madaling araw hanggang na-sight siya ng isang bading na regular  customer sa burger store na ‘yon.

Give love pa ng tip ang nyokla tuwing lumalafang siya doon.

Naging close  sila at nang  minsan nagipit ito at  ‘di niya alam kung paano siya makabibili ng gamot ng kanyang lowla dearest.

Doon niya naisip ang standing offer ni vaklush. Tinext nya ito at nang makalabas sa work dumeretso na sa housing ni bakla.  Doon niya na sinurender ang kanyang junjun kay vaklang wrangler. Binigyan niya si boylet ng P1,000.

Sana naman si sikat na singer ay  tulungan niya na ‘yung kapatid niya, nanay at mga pamangkin. Kung may isyu o away, pwede naman nilang pag-usapan.

Wag niyang hayaang maging callboy ang gwaping na pamangkin tuwing may health emergency ang mother dearest ng sikat na sikat na singer.

Please follow and like us:
Read More

BADING PINATAY, IBINAON NG 2 BAGETS 

bading1

(NI JV TRINIDAD)

GUINAYANGAN, Quezon – Isang binatilyo ang dinakip habang ang isa niyang kasamahan ay hinahanting pa ng mga awtoridad matapos na matuklasan ng pulisya ang umano’y karumal-dumal na pagpatay ng mga suspek sa isang bakla sa bayang ito.

Sa ulat ni Senior Supt. Osmundo de Guzman, Quezon police director, inaresto ng lokal na pulisya si Godofredo Sales Jr., 18, residente ng Barangay Calimpak dakong madaling-araw ng Martes.

Ang katropa niyang si KC Einstein de la Concepcion alias “Lover Boy”, walang edad sa report, na hinihinalang may kinalaman din sa krimen ay pinaghahanap pa ng pulisya.

Sa imbestigasyon, bandang 12:30 ng madaling araw ng Martes ay nagreport sa istasyon ng pulisya sina May-Ann Gonzales at Laiza Cericos at inilahad ang natuklasan nilang bangkay ni Gregorio Rocha, 32, na nakabaon sa tabi ng bahay ni Sales.

Agad nagpunta ang mga pulis sa lugar na sinabi ng dalawang impormante at pagkatapos ng paghuhukay ay lumantad ang nakalibing na bangkay ni Rocha.

Sa follow-up operation ay mabilis na nadakip si Sales.

Sa report ng pulisya, nalaman ng dalawang impormante ang tungkol sa nakalibing na bangkay nang pumunta sila sa bahay ni Sales noong Feb 12. Nadatnan din ng dalawa si Concepcion sa nasabing bahay.

Sa hindi pa malamang kadahilanan ay ipinagtapat ng dalawang suspek sa kanilang bisita na pareho nilang kaibigan, ang tungkol sa ibinaon nilang bangkay ni Rocha noong February 7 dakong alas-tres ng madaling-araw.

At bilang patunay sa katotohanan ng kanilang kuwento ay niyaya nila Sales at Concepcion ang kanilang bisita sa lugar na kanilang pinaglibingan. Humukay ng isang bahagi ng kanilang pinagbaunan ang dalawang suspek hanggang sa mapalantad sa mga bisita ang paa ng biktima.

Hindi sinabi sa ulat kung ano ang nagtulak sa dalawang impormante para ireport sa pulisya ang krimen pagkatapos nila itong matuklasan pagkalipas nang mahigit tatlong linggo.

Ayon sa isang batikang imbestigador sa siyudad, na “posibleng nakukunsiyensya na ang mga impormante. At naliwanagan siguro nila na puwede silang sumabit sa krimen kung hindi nila ito ibubulgar.”

Ayon kay Senior Insp. Ginalyn de Leon, Guinayangan police chief, ang biktima ay kilalang bading sa nasabing bayan.

“Base sa initial investigation, may ipinangako ang biktima sa mga suspek. Ngunit hindi niya tinupad ang pangako,” ang pahayag ni De Leon sa panayam sa mobile phone phone.

Hindi na ipinaliwanag ni De Leon kung ano ang umano’y pangakong hindi tinupad ng biktima na siyang naging dahilan ng kanyang kamatayan dahil patuloy pa aniyang nagsasagawa sila ng imbestigasyon.

Nagsusuri pa rin ng mga eksperto kung paano pinatay at ano ang ginamit sa pagpatay sa nakabaong bangkay ni Rocha. Inaalam pa rin ng pulisya kung ang dalawang suspek ay nasa impluwensiya ng alak o anumang ipinagbabawal na droga nang gawin ang krimen.

Si Sales ay nakakulong sa Guinayangan police jail.

 

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

BADING NAGPASAKSAK NG COLLAGEN SA DIBDIB, PATAY

bora200

KALIBO, Aklan – INAALAM ngayon ng awtoridad kung ang isinaksak sa dibdib ng lalaking nagpalaki ng dibdib ang dahilan ng pagkamatay nito sa isla ng Boracay.

Sinabi na ang biktimang si Aldwin Esperanzilla, 31, ng Nara, Palawan at pansamantalang nakatira sa isang resort sa Barangay Balabag, Boracay, ay lumapit sa isang kaibigan na kinilalang si Dave Nacar, alyas ‘Marga’ para magpa-inject ng collagen sa dibdib.

Sa report, tinurukan umano ni Marga si Aldwin ng collagen ngunit makalipas ang ilang minuto ay nagreklamo na ito ng pananakit ng dibdib. Agad nang isinugod sa ospital si Aldwin nang hindi na ito makahinga.

Sinabi ni SPO1 Rogelio Tiongson ng Malay-Philippine National Police Sub-Station, na sa pamamagitan ng autopsy ay matutukoy ang sanhi ng pagkamatay ng biktima. Agad tumakas si Marga nang malamang namatay na ang kanyang kaibigan kagabi ng alas-6:45 pagkatapos ng halos limang oras sa ospital.

Please follow and like us:
Read More