2 BATA SHOOT SA BUTAS, TODAS, 2 SUGATAN

(NI ANNIE PINEDA)

MISTULANG hinigop ang apat na bata na ikinasawi ng dalawa makaraan mahulog ang mga ito sa butas na daluyan ng tubig habang nanghuhuli ng ibon, Linggo ng hapon sa ng Bacolod City.

Kinilala ang namatay na sina Adrian Bagundol, 10, at Robert Porcino, 6, habang dinala naman sa ospital sina Edgardo Monserati Jr., 6, at Paul Soquiño, 8, pawang mga residente ng Purok Star Apple, Barangay 27.

Batay sa report ng Police Station 4-Bacolod, dakong alas 4:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng Murcia Milling Corporation habang patuloy ang konstruksiyon ng Mega World property Development, na sakop ng Bgy. 41 ng nasabing bayan.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, nagtatakbo ang mga biktima para manghuli ng ibon hanggang sa mapadpad sila sa loob ng compound ng Mega World kasama ang isa pang bata na si Prince Justine.

Sinaway umano ng guwardiya ang mga bata na lumabas ng compound dahil delikado subalit hindi umano nakinig ang mga ito.

Dito, lumusot ang apat na biktima sa malaking butas dahilan para mahulog ang mga ito sa daluyan ng tubig ng may lalim na 6 hanggang 7 talampakan.

Tuluyan nang inanod sina Bagundol at Porcino na agad nilang ikinamatay habang masuwerte naman nakakapit sa puno ng kahoy sina Monserati Jr., at Soquiño,  na agad dinala sa ospital habang si Justine ay hindi na sumunod pa sa apat.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

 

Please follow and like us:
Read More

2 ESTUDYANTE HULI SA PINAGNAKAWANG ISKUL

crime robber12

(NI KIKO CUETO)

BACOLOD, Negros Occidental: Timbog ang dalawang estudyante, kabilang ang menor de edad, na nagnakaw umano sa mismong eskwelahan na pinapasukan nila.

Kinilala ang dalawa na sina Alyas ‘Jun,’ 18, at Alyas ‘Paul’, 16.

Sa report, nagnakaw umano ang dalawa ng gamit mula sa kanilang paaralan sa lungsod na ito, Linggo ng madaling-araw.

Mismong ang security guard ng eskwelahan ang nakahuli sa dalawang bata.

Tinatangay sana nila ang tatlong electric fan, 2 bluetooth speaker, shorts, pabango at iba pang kagamitan, mula sa isang classroom.

Sinabi ng pulis na nakiusap na huwag pangalanan ang paaralan.

Iginiit naman ng isa sa mga teenager na nagawa lang nila ito dahil kapos sila sa pera.

Gayunman, kakasuhan ng robbery ng paaralan ang kanilang dalawang  estudyante.

 

Please follow and like us:
Read More

13 SAKSAK IBINAON NG MISTER SA GRO NA MISIS

(NI KIKO CUETO)

NEGROS OCCIDENTAL — Pinagsasaksak ng isang lalaki ang kanyang asawa sa loob ng kanilang bahay sa Victorias.

Napag-alaman na sinaksak din ng lalaki ang sarili pagkatapos ng insidente.

Sinabi sa imbestigasyon ng pulis, narinig ng mga kapitbahay na humihingi ng tulong ang 40-anyos na biktima.

Nang puntahan ng isang kapitbahay, nadatnan nito na may tama na ng saksak ang biktima.

Sa report, nagbanta umano ang suspek na huwag makialam sa kanila kaya agad siyang humingi ng tulong sa iba.

Makalipas naman ang ilang minuto ay nagdatingan na ang ibang kapitbahay at nakita na wala nang buhay ang biktima dahil sa tinamong 13 saksak sa katawan.

Sinaksak naman ng suspek ang kanyang tiyan.

Dinala pa siya sa ospital, pero binawian ng buhay.

Ayon sa mga pulis, nagtatrabaho sa isang night club ang biktima habang magsasaka ang suspek.

Selos ang nakikitang motibo ng pulisya sa insidente dahil nagdududa ang suspek na may ibang lalaki ang biktima.

Dalawang araw nang hindi nakauwi sa kanilang bahay ang suspek matapos makakuha ng barangay protection order ang biktima.

Hinintay pa umano ng suspek na pumasok sa paaralan ang kanilang mga anak bago gawin ang krimen.

Ayon sa panganay ng mag-asawa, matagal na umanong nag-aaway ang kanilang mga magulang.

 

Please follow and like us:
Read More

BATANG MAY DENGUE DINALA SA ALBULARYO, PATAY

bacolod city12

(NI ANNIE PINEDA)

SA pag-aakalang maligno ang may kagagawan sa madalas na paglalagnat ng apat na taong gulang na paslit na babae ay dinala ito ng kanyang mga magulang sa albularyo para ipatawas sa Bacolod City.

Subalit ilang araw lang ay binawian ng buhay ang bata at lumabas sa kanyang katawan ang mga sintomas ng sakit na dengue.

Ang hindi na pinangalanang paslit ay mula sa Barangay Mansilingan at pinakahuling nadagdag sa mga namatay dahil sa dengue sa Bacolod ngayong taon na umabot na sa apat.

Batay sa datos mula sa Bacolod City Health Office, namatay ang bata nitong Hulyo 5.

Ayon sa ulat, tatlong araw na umanong nilalagnat ang biktima kaya’t dinala ito ng kanyang mga magulang sa albularyo para ipatawas sa pag-aakalang nabati ito ng mga engkanto. Ngunit lalong lumala ang lagnat ng bata hanggang magkumbulsiyon ito kaya dinala na ng mga magulang sa ospital.

Gayunman, hindi na naisalba ang biktima dahil malala na ito.

Ayon sa mga awtoridad, mula Enero 1 hanggang Hulyo 6 ng taong ito, umabot na sa 561 ang kabuuang dengue cases sa siyudad.

Ito ay mas mataas ng 57 percent kumpara sa 353 cases na narekord sa parehong period nakaraang taon kung saan tatlo ang patay.

Mula sa 61 barangay sa lungsod, ang Estefania pa rin ang may pinakamaraming kaso na umabot sa 67, sinusundan ng Tangub at Pahanocoy na may tig-39, habang pangatlo naman ang Taculing na may 38.

Please follow and like us:
Read More

21 STUDENTS SA ILOCOS NORTE; 10 SA BACOLOD, ‘SINAPIAN’

(NI KIKO CUETO)

AABOT sa 21 na estudyante ang pinaniniwalaang sinaniban umano ng masamang espiritu sa Ilocos Norte.

Sa report, nagwawala at sumisigaw ang mga estudyante ng Marcos National High School.

Dinadasalan pa ng mga guro at kakalse ang mga estudyante na sinaniban umano.

May ilang estudyante din ang sumisigaw tapos ay biglang tumatawa.

Ang iba na nahimasmasaman ng mas maaga, niyakap ang magulang na umiiyak.

Kwento ng principal ng eskwelahan, pagkatapos ng blessing ng bagong gusali ng kanilang paaralan na Marcos National High School, saka nangyari ang naturang pagwawala ng mga estudyante.

“One by one they fell down. Hindi namin alam kung sino uunahin namin,” sinabi ni Principal Paciano Cid.

Itinakbo ang nga estudyante sa malapit na simbahan para dasalan.

“Nagseizure, meron nagsabi sa pinagtayuang building may tanim na mangga kasi nga pinutol,” dagdag ni Cid.

Pero para sa pari na pinagdalahang simabahan, posibleng ibang kaso ang nangyari.

“They should not think na they were influenced by evil spirits we just pray to help that God will help them,” sinabi ni Fr. Victor Calma, Parish priest ng St. Anthony Padua Parish.

“We need experts to determine,” sinabi naman ni Vilma Eda, superintendent ng DepEd Ilocos Norte.

Samantala, sa Bacolod, mabibilang ang mga estudyante na pumasok sa Father Gratian Murray Integrated, na nagkaroon din ng kaso ng umanoy mga siniban na estudyante.

Sa report, Martes ito nangyari kung saan 10 na estudyante ang sinasabing sinaniban.

Kwento ng guro na si Jocelyn Salamanes, Grade 2 teacher, ni isa na estudyante sa kanang classroom ay walang pumasok.

“Zero. Walang pumasok,” sabi ni Salamanes.

Dagdag niya, naintindihan naman niya ang takot ng mga magulang at estudyante.

Sinuspinde ang klase noong Martes dahil sa insidente ng mga sinapian na Grade 8 at 9 students.

Ang iba sa kanila nagwala at may nagsisigawan.

“Sabi ng pari i-try din namin investigate ang mga pamilya at background ng mga apektadong bata. Hindi pa naman natin masabi kung ano talaga, pero parang mass hysteria. May interview ako na bata wala naman silang nakita. May naramdaman lang daw,” kwento naman ni Dionisio Lindugan, Principal ng eskwelahan.

 

Please follow and like us:
Read More

SANGGOL NALUNOD SA BALDE NG TUBIG; 1 NA-HOSTAGE

baby feet12

(NI JESSE KABEL)

PATAY na nang iahon ang isang anim na buwang gulang na sanggol matapos umanong malunod sa balde ng tubig, Lunes ng umaga sa lungsod ng Bacolod.

Lumitaw sa pagsisiyasat na hindi namalayan ng mag-asawang Liana Mae Aloro na nagising ang kanilang anak at sa paglalaro nito ay nakarating sa kanilang kusina at  gumapang patungong balde na puno ng tubig.
Nagawa pang dalhin sa hospital ang sanggol subalit idineklarang dead on arrival na ito.

Samantala nalagay naman sa bingit ng kamatayan ang isang pitong buwang gulang na sanggol nang tangayin ito at gawing hostage ng isang 60-anyos na lolo nitong nakalipas na lingo sa bayan ng Ampatuan sa Maguindanao.

Ayon kay P/Maj. Guilbert Aporbo, hepe ng Ampatuan PNP, inilapag umano ng kanyang lola ang baby dahil may bumili sa kanilang tindahan, at saka ito binuhat ng suspek na pinsan ng lolo ng sanggol .

Bitbit ang sangol at armado ng itak ay umalis ang suspek subalit naharang ito sa  national highway na buhat ang sanggol.

Hinihinalang may sayad ang matanda nang itapat nito sa leeg ng sanggol ang hawak na itak.

Mabuti na lamang at makaraan ang ilang minuto, nakumbinsi rin ang suspek at nakuha ang sanggol na masuwerteng nakaligtas.

Nang bitawan ang sanggol ay agad kinuyog ng galit na taumbayan ang suspect.

 

Please follow and like us:
Read More

PARI KINASUHAN SA PANGMOMOLESTIYA SA 4-ANYOS

cadiz

BACOLOD CITY — Tinanggal sa kanyang parokya ang isang Catholic priest sa Cadiz City, Negros Occidental matapos kasuhan dahil sa umano’y pang-momolestiya sa isang 4-anyos na batang babae.

Nangako na si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, may sakop sa insindete, na hindi makikialam ang simbahan sa imbestigasyon upang lumabas ang katotohanan.

Tumanggi naman kilalanin ni Alminaza, maging ng kapulisan, na kilalanin ang pari gayundin kung saang parokya ito nakatalaga.

Isinampa na ang reklamo sa the Cadiz City prosecutor’s office dahil sa paglabag sa Republic Act No. 7610 (Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act).

Inireport ng magulang ng bata ang umano’y pagmolestiya sa anak noong Sabado. Sinabi ni Chief Insp. Robert Mansueto, acting Cadiz police chief, na nagreklamo umano ang bata sa panghahalik at paghipo sa maselang bahagi ng katawan sa maraming okasyon.

Itinanggi naman umano ng pari kay Alminaza ang akusasyon laban sa kanya.

Please follow and like us:
Read More