SANGGOL NA LALAKI NI-RAPE, PINATAY NG LABORER

(NI ROSE PULGAR)

HINIHINALANG inabuso muna bago pinaslang ang isang taong gulang na sanggol na lalaki ng isang construction worker na umano’y pinasok ng suspect ang kanyang ari sa bahagi ng puwitan ng biktima Miyerkoles ng madaling araw sa Makati City.

Naisugod pa sa Sta. Ana Hospital ang biktima na itinago sa pangalang Jimboy ng Barangay San Antonio subalit wala na itong buhay sanhi ng mga tinamong pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad naman naaresto ng mga awtoridad ang suspect na nakilalang si Gerald Reparip, 27, binata, laborer stay-in sa barracks sa Cabulusan St., Muntinlupa City, na sinasabing huling kasama ng biktima.

Base sa isinumiteng report ni Police Major Gideon Ines, hepe  ng Station Investigation and Detective Management Branch ng Makati City Police, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang matagpuan ang biktima sa ikapitong palapag ng abandonadong gusali sa building 143 Yakal St. Barangay San Antonio na nakahiga sa isang malaking tabla na walang saplot na pang-ibaba, ng isang nagngangalang Genelyn Lopez, 36, naninirahan din sa nasabing lungsod.

Agad naman ipinagbigay alam ni Lopez sa mga barangay tanod at pulis ang insidente na kung saan agad naman isinugod ang biktima sa nasabing pagamutan.

Sinabi ni Ines, huling nakitang kasama ng biktima ang suspect sa isang tindahan na kung saan bumili pa ito ng waferstick at ibinigay sa sanggol.

Matapos magduda ang mga pulis, dahil  nang matagpuan ang sanggol ay wala itong suot na underwear at nang suriin ay deteriorated na at may natagpuang mga sperm cell dito.

Dito na nagsasagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad kung saan naabutan ang suspect na natutulog sa barracks na kanyang pinagtatrabahuan.

Nang pahubarin ng mga pulis ang suot na shorts at brief ay nakitang may bahid ng dugo ang brief nito.

Agad dinala sa nasabing himpilan ng pulisya ang suspect na umamin na lasing na lasing siya at hindi niya alam ang ginawa niya sa sanggol.

Subalit sinabi ni Ines sa bandang huli ay inamin sa kanya ng suspect na isinama niya ang biktima sa barracks at inabuso umano niya ito na kung saan pinasok niya ang ari nito sa puwitan ng sanggol.

Inamin din ng suspect na sinakal at binugbog niya ang biktima nang magdilim ang kanyang paningin.          Sambit pa ni Ines, sa ginawang pag-amin ng suspect ay kanila na itong sasampahan ng kasong homicide at rape o Republic Act 76 10.

Patuloy pa ring nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil sa insidente.

Please follow and like us:
Read More

KRIS BERNAL GUSTO NANG MAG-ASAWA AT MAGKA-BABY

ang kulit ni Lolit(NI LOLIT SOLIS)

THIRTY years old na pala si Kris Bernal at ngayon daw ay pinag-iisipan na

niyang mag-asawa para magkaroon na raw siya ng baby.

Sabi niya sa mediacon ng bagong afternoon drama niya sa GMA 7 na Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko, gusto na raw niya magkapamilya sa edad na 32 o 33.

Pero gusto pa rin niyang mag-artista dahil gustung-gusto niya ang trabahong ito.

Kaya ngayon ay medyo namimili na raw siya ng mga project na ginagawa niya dahil marami pa raw siyang gustong gawin, hindi yung paulit-ulit na ginagawa niya.

Kaya gusto niya ang role niya rito bilang multo na gustong ituloy pa rin ang pakikipagrelasyon sa dating boyfriend na ginampanan naman ni Rayver Cruz.

Lagi raw niya kasing ginagawa yung role na ginampanan ni Megan Young, kaya kahit mukhang support siya rito, gusto niya ang role dahil challenging sa kanya.

Gusto na raw niyang gumawa ng iba pang kakaibang project dahil  baka two o three years from now, mag-aasawa na siya at magkaanak.

“Lagi kong sinasabi na more on the character na ako eh…on the role. Sinasabi ko nga na nasa point na ako  kung babalikan ko yung role ni Megan (Young) na laging inaapi, feeling ko ang boring lang ulit for me.

“Maganda naman yung role ni Megan, pero ilang beses ko nang ginagawa na ako lagi yung takot, yung kimi. Sabi ko mas gusto ko nang gawin yung iba,” sabi ni Kris.

Hindi pa naman daw nila pinag-uusapan ng non-showbiz boyfriend niya ang magpakasal, at hindi pa naman daw nag-propose sa kanya. Pero kung sakaling tatanungin na siya, ready naman daw siya anytime.

“Three more years feel ko for family. Pero siguro yung getting married, siguro two years. Gusto ko na kasi ng maraming anak,” pahayag ng Kapuso actress.

Magti-three years na rin pala sila ng non-showbiz boyfriend niya, kaya sa ngayon okay na raw siya kung ito ang makakasama niya forever at magkapamilya.

Sa totoo lang, kaya na ni Kris na mag-settle down kasi nakapag-ipon naman siya.

Nakapag-negosyo siya at kumikita na siya.

Di ba nakabili na nga siya ng bahay sa Amerika, kaya puwede na.

 

 

Please follow and like us:
Read More

HEART AYAW I-PRESSURE ANG SARILI NA MAGKA-BABY

heart22

(NI GORGY RULA)

AYAW na muna ni Heart Evangelista na i-pressure ang sarili na magka-baby.

Aminado siyang na-trauma raw siya talaga sa pinagdaanan niyang

miscarriage kaya sinabi na nga niya noon na kung sakaling mabuntis siya uli, hindi na lang daw niya isi-share muna. Saka na raw kapag makapanganak na.

Pero sa ngayon ay hindi na lang daw iniisip. Kung ibibigay daw ng Diyos, malaking pasasalamat daw nilang mag-asawa.

Pero tingin daw niya, malabo pa sa ngayon dahil sa dami ng ginagawa niya.

Bukod sa Starstruck na kung saan kasama siya sa council, tatapusin pa niya ang pelikulang ginagawa niya sa China na talagang naga-aksyon daw siya nang bonggang-bongga.

May mga endorsement pa siya kagaya nitong kalu-launch lang na Thiocell Glutathione Lozenges na matagal na pala niyang tini-take.

Kaya hintayin na lang daw niya ang perfect time na ibibigay sa kanya ng Diyos ang matagal na nilang hinihinging baby.

Pero sa ngayong work nang work na lang daw muna siya.

“You really have to embrace what is now. Ayoko naman tanggihan ang trabaho.

“Maybe without pressure, if when it happens by next year, then it happens. When it doesn’t, I have nothing to complain about. I’m very happy. I have two kids at home. I’m very hands-on and whatever God gives me I don’t want to question. I’m very content. Kung ibibigay Niya, ibibigay Niya,” pahayag ni Heart sa press launch ng Thiocell Glutathione Lozenges.

Regular naman daw siyang nagpapa-check up sa kanyang doktor at napapag-usapan na rin nga ang magpapa-harvest eggs at ipapa-freeze.

Tingin naman daw ni Heart hindi pa raw dahil okay na okay pa raw talaga siya.

“Technically, I don’t need to do that. I’m very okay anytime,” pakli ng Kapuso actress.

Pero kung talagang kailangan daw, hindi naman ito problema ito sa kanya.

“I have no qualms whatsoever to try other alternatives pa,” pakli niya.

Pagkatapos ng promo sa bago niyang endorsement nitong Thiocell, aalis si heart patungong Paris para sa Fashion week, at babalik siya agad dahil may Starstruck pa siya.

Kailangan din niyang tapusin ang pelikula niya sa China na maaring matapos daw  niya ang pelikula bago matapos ang taong ito.

 

 

Please follow and like us:
Read More

SANGGOL NALUNOD SA BALDE NG TUBIG; 1 NA-HOSTAGE

baby feet12

(NI JESSE KABEL)

PATAY na nang iahon ang isang anim na buwang gulang na sanggol matapos umanong malunod sa balde ng tubig, Lunes ng umaga sa lungsod ng Bacolod.

Lumitaw sa pagsisiyasat na hindi namalayan ng mag-asawang Liana Mae Aloro na nagising ang kanilang anak at sa paglalaro nito ay nakarating sa kanilang kusina at  gumapang patungong balde na puno ng tubig.
Nagawa pang dalhin sa hospital ang sanggol subalit idineklarang dead on arrival na ito.

Samantala nalagay naman sa bingit ng kamatayan ang isang pitong buwang gulang na sanggol nang tangayin ito at gawing hostage ng isang 60-anyos na lolo nitong nakalipas na lingo sa bayan ng Ampatuan sa Maguindanao.

Ayon kay P/Maj. Guilbert Aporbo, hepe ng Ampatuan PNP, inilapag umano ng kanyang lola ang baby dahil may bumili sa kanilang tindahan, at saka ito binuhat ng suspek na pinsan ng lolo ng sanggol .

Bitbit ang sangol at armado ng itak ay umalis ang suspek subalit naharang ito sa  national highway na buhat ang sanggol.

Hinihinalang may sayad ang matanda nang itapat nito sa leeg ng sanggol ang hawak na itak.

Mabuti na lamang at makaraan ang ilang minuto, nakumbinsi rin ang suspek at nakuha ang sanggol na masuwerteng nakaligtas.

Nang bitawan ang sanggol ay agad kinuyog ng galit na taumbayan ang suspect.

 

Please follow and like us:
Read More

IZA AT HUBBY SA DECEMBER GUSTONG MAKABUO NG BABY

iza12

(NI KC GUERRERO)

SA December na balak ni Iza Calzado na magka-baby. Iyun naman daw ang

promise niya sa asawa niyang si Ben Wintle dahil kailangan na raw talaga.

Hindi lang siya sure kung keri pa niya pero puwede pa naman daw sabi ng doktor. Just to be safe, nagpa-fertilize na siya ng eggs niya para kung sakaling hindi na talaga puwede, matiyak lang na magkaroon sila ng anak ni Ben.

Pero gusto raw niyang sa unang baby nila ay nasa normal na proseso at talagang siya ang magdadala.

Gusto naman niyang ma-experience ang mabuntis siyempre dahil sabi nga, iyun talaga ang ‘essence of a woman’.

Kaya ngayon pa lang ay todo kayod na siya para pagdating ng December ay magpapahinga na siya bilang paghahanda sa kanyang pagbubuntis.

Bukod sa Cinemalaya movie na gagawin niya, meron siyang pang iWant TV na kung mala-May-December love affair ang kuwento kasama si Jameson Blake.

Sa kanilang pictorial at look test pa lang ay bigay na bigay na si Iza sa sweetness niya kay Jameson na parang in love talaga siya.

Doon na rin ini-reveal ni Jameson na mas older pala sa kanya ang first experience niya sa sex. Iyun naman yata ang karamihang karanasan ng mga kalalakihan nung bagets sila. Mas type nila ang mga babaeng mas matanda sa kanila.

Sabi ni Jameson, walang problema sa kanya ang maghubad sa pelikulang ito at todo daring. Nagawa naman daw niya noon sa unang movie pa lang niya.

Hihigitan pa raw niya ang pagka-daring ni Tony Larusca.

Reaksyon tuloy ng mga vaklush; si Tony Labrusca talaga ang gusto niyang tapatan!

So, Jameson versus Tony ang labanan ganun?

Ang title pala ng gagawing movie nina Iza at Jameson ay 400 Miles, dahil Maynila hanggang Tuguegarao daw ang itinakbo ng kanilang love affair. Kaya aabot hanggang Tuguegarao ang shooting nila.

 

Please follow and like us:
Read More

COOLEST COUPLE GUSTO NANG MAGKA-BABY

solenn12

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

EVER since, sinasabi ng maganda, sexy at napaka-talented Kapuso star na si Solenn Heusaff na enjoy at gusto niyang ginagawa ang mga romcom o comedy sa telebisyon, while sa movies naman, okay siya sa mga drama o seryoso ang tema.

Kaya happy si Solenn dahil kasama na siya ngayon sa top-rating romcom serye ng GMA-7 na “Love You Two” bilang si Lianne at magkakaroon ng kaugnayan kay Gabby Concepcion.

Si Solenn na rin ang nag-incorporate ng look niya sa serye na may pagka-boho (bohemian) kaya nang kausap namin ‘to, may nose ring.

Nabasa naman namin ang post ni Solenn sa Instagram account na 3rdyear wedding anniversary pala nila ng mister na si Nico Bolzico, pero totoong ni hindi niya ito naalala.

Katwiran niya, “Nag-post ako ng photos with Nico noong umaga, for the sake of kasi, nakita ko na four days ago yung post ko sa Instagram.

“Maraming naglagay na happy anniv, ha? Anong sabi ng mga tao? Picture lang ng photos, happy anniv agad. Hindi pa ko nag-react, tapos, nung gabi, nag-text sa akin yung friend ko na nagpunta sa wedding ko sa France. Kaya, oh my god, day of my wedding pala!”

Natatawa ito dahil hindi raw talaga siya nagse-celebrate at kahit birthday. Even si Nico raw, hindi rin nito naalalang wedding anniversary nila nang tawagan niya.

Pero sabi ni Solenn, “Mabait siya, joker siya pero hindi romantic.”

Wala raw silang paki sa mga ganung date kaya siguro talagang nagki-click sila. Bago ikasal, 6 years na rin kasing living-in together ang dalawa.

But just the same, sina Nico at Solenn pa rin ang masasabing coolest couple in social media.

Sey nga niya, “It’s not fun to be serious. Parang we’re just friends talaga.”

At kung dati, talagang siya raw ang tumatanggi pa na magka-baby na sila, now that they have their own house at 34 na rin siya, anytime raw ay ready na rin siya na magkaroon sila ng anak ng mister niya.

Please follow and like us:
Read More

BABY NADAGANAN NG KUTSON, PATAY!

crime

(NI KEVIN COLLANTES)

ISANG 1-taong gulang na sanggol ang binawian ng buhay nang madaganan ng isang malaking kutson habang natutulog sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City, nitong Huwebes.

Dead on arrival na sa Pasig City General Hospital ang biktimang si Austine Tesorero, 1 and 3 months old, dahil sa supokasyon.

Batay sa ulat ng Pasig City Police, naganap ang insidente sa tahanan ng pamilya Tesorero sa Block 1, Lot 7, Masbate Street, Mangga 2, Nagpayong,  Barangay Pinagbuhatan, dakong alas-12:30 ng tanghali.

Ayon sa ama ng biktima na si Joey, natutulog ang sanggol kaya’t panatag ang loob na iniwan nila ito sa kanilang silid habang sila naman ng asawa at iba pang kaanak ay nasa dining area at nanananghalian.

Nagulat na lamang umano sila nang pagpasok ng asawa niya sa silid ay nakitang nabagsakan na pala ang bata ng kanilang queen size bed foam na nakasandal sa kanilang dingding, sanhi upang ma-suffocate ito.

Kaagad nilang isinugod sa pagamutan ang sanggol ngunit idineklara na itong patay ng mga doktor.

 

Please follow and like us:
Read More

BABY NATUSTA SA SUNOG

fire

(NI DAVE MEDINA)

INUNA ng isang nagmamahal na ama ang kalam ng tiyan ng dalawang anak , pero pagsisisi ang hatid nito dahil natusta sa sunog ang kanyang iniwang bunsong sanggol na si Alexa.

Tigalgal sa kanyang pagbabalik sa kanilang dalawang palapag na bahay sa Bgy.178, Zone 19, Maricaban sa Pasay City, ang padre de pamilya na si Jonathan Madrid, nang abutang tinutupok ng apoy ang kanilang tinitirhan na pinag-iwanan niya sa apat na buwang sanggol.

Suwerte namang nakalabas ng bahay at nakaligtas ang dalawa pang anak ni Madrid na ibinili nito ng ulam upang makakain.

Sa pagkataranta at takot ng dalawang bata, naiwan nila ang bunsong kapatid sa loob ng bahay.
Sa ulat na nakuha kay Bureau of Fire Protection (BFP)  Fire Marshall , Supt Paul Pili, iniwan sa bahay ang sanggol gayundin ang kanyang dalawa pang kapatid, dahil bumili ng ulam ang kanilang ama, habang nasa trabaho naman ang kanilang ina.

Dagdag sa dalawang nakakatandang kapatid, nasugatan din sa insidente ang ama ng mga bata matapos tangkaing sagipin ang kanyang bunso. Halos tatlong oras ang inabot ng sunog na nagsimula pasado alas 5:00 ng hapon at idineklarang third alarm bago ang fire under control situation pasado alas-9 ng gabi.

Inabot ng anim na bahay ang natupok sa sunog samantalang 27 pamilya ang naapektuhan sa sunog na tinataya sa P200,000 ang napinsalang ari-arian.

 

Please follow and like us:
Read More

4-BUWAN BABY SINAKAL, NANAY BINUGBOG

arrest

(NI ALAIN AJERO)

SA selda humantongang isang pedicab driver makaraang sakalin ang kanyang sanggol na anak na lalaki na pinagdududahan ng suspek na hindi niya anak at bugbugin ang kanyang kinakasalma, sa Navotas City Lunes ng gabi.

Kinilala ang dinakip na si William Puno,  31, ng Blk 11, Lot ,5 Market 3, Brgy North Bay Boulevard North.

Ayon sa biktimang si Mary Grace Florse, 25 alas-8:45 ng gabi nang magtalo sila ng kinakasama  dahil duda ang suspek na hindi siya ang tunay na ama ng kanilang apat na buwang gulang na anak na lalaki.

Sa galit ng suspek, sinakal nito ang sanggol at sinuntok sa ulo ang live-in partner kaya humingi ng tulong ang biktima sa pulisya.

Dagling dumating ang mga pulis at dinampot si Puno na nakumpiskahan pa ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Sinampahan ng kasong physical injury in relation to RA 9262 Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 at paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Navotas City Prosecutor’s Office.

 

Please follow and like us:
Read More

RAPIST NG BABY NANG-AGAW NG BARIL, NAPATAY

baby

(NI HARVEY PEREZ)

NAPATAY ng station commander ng Manila Police District-Police Station 9,ang rapist na inakusahang gumahasa  sa isang walong  buwan na baby matapos nitong agawin ang service firearms ng duty jailer na nag-alis ng kanyang posas ,Huwebes ng gabi sa Malate,Maynila.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa dibdib ang detainee na si Benedicto Dizon, alyas ‘Jumong’, 22, construction worker at residente ng 2288 Leveriza St. Malate,Maynila na idineklarang dead on arrival sa Ospital ng Maynila .

Sa imbestigasyon ng Manila Police District-homicide section,naganap  umano ang insidente  dakong alas 9:30 ng gabi sa loob mismo ng tanggapan ni  PS Supt. Bobby Glenn Ganipac ,nang dalhin ang suspek para magkape ng duty jailer na si PO1 Dennis Javier.

Nalaman na una umanong nagreklamo ng  pananakit ng ulo at nahirapang huminga si Dizon matapos na bugbugin ng mga kamag-anak ng 8 buwan na baby na kanyang ginahasa.

Ipinaalam umano ni John Gilbert , mayor ng mga detainees kay Javier ang nangyari kay Dizon ,kaya inilabas ito ng kulungan para dalhin sana sa hospital.

Bago dalhin,dinala muna ito sa tanggapan ni Ganipac para pagkapehin at nang tanggalan ng posas,bigla nitong dinakma ang baril ni Javier at saka  pinutukan ang pulis pero nagmintis.

Nakita ni Ganipac ang nangyari at dahil sa pangamba na mabaril siya ng suspek ay pinaputukan niya ito ng dalawang beses dahilan para tamaan sa dibdib.

Una nang inireklamo ni Ana ,16 matapos na molestiyahin ang kanyang anak na 8 buwan ,noongLinggo ng alas 5 ng umaga habang natutulog ang sanggol.samalate,Maynila.

Si Dizon ay idineklarang dead on arrival dakong alas 10:15 ng gabi ni Dr. Ramses Villero ng OSMA.

Please follow and like us:
Read More

AMA NG GINILITANG BABY NABALIW 

mental

Nawala na umano sa kanyang katinuan ang ama ng 8-buwan g sanggol na ginilitan sa leeg ng kanyang sariling ina sa Sitio Alang-alang, Brgy. California, Barotac Viejo, Iloilo.

Ayon sa saksing si Toto, nakita raw niyang pagala-gala si Ramil Florentino, 33-anyos, sa lungsod ng Iloilo.

Sinabi niyang hinarangan ni Florentino ang prusisyon ng isang simbahan sa Rizal Pala-Pala II, City Proper.

Bukod dito, sinuntok ni Florentino ang isang barangay tanod kung kaya’t doon na nagsimula ang rambol.

Napag-alaman na hindi na umuuwi sa kanilang bahay ang nasabing ama mula nang pinatay ng kanyang misis ang kanilang anak. (ARDEE DELLOMAS)

 

Please follow and like us:
Read More