50 BABOY IPINAMIGAY NG EX-MAYOR SA EVACUEES

pig12

BATANGAS – Ipinamigay ng isang dating mayor ang kanyang mahigit na 50 alagang baboy upang maging pagkain ng mga biktima ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal, sa iba’t ibang evacuation centers sa lalawigang ito.

Noong Huwebes ng umaga nang mag-post sa Facebook si dating San Nicolas Mayor William Enriquez at iniaalok ang kanyang mga baboy sa mga taong nasa evacuation centers.

Bago magtanghali ay nasimot lahat ang kanyang mga alaga na nasa isang farm sa San Nicolas na isa rin sa matinding naapektuhan ng pagsabog ng bulkan.

Ayon sa 57-anyos na dating alkalde, nakita niya ang matinding kakulangan sa pagkain ng evacuees sa kanyang tatlong araw na pagsilong sa As-is Elementary School na ginamit na evacuation center sa bayan ng Bauan, matapos na lumikas mula sa kanilang bahay sa Poblacion ng San Nicolas.

Matapos silang magkatay ng dalawang baboy na kanyang ipinakuha sa kanyang farm, doon niya naisip na ipamigay na ang lahat ng kanyang mga alaga.

Aniya, hindi naman eksklusibo sa mga taga San Nicolas ang kanyang ipinamigay at ipinamahagi rin ito sa evacuees mula sa mga bayan ng Agoncillo, Lurel, Lemery at Taal.

Si Enriquez ay dalawang terminong naging vice mayor at isang termino bilang mayor ng San Nicolas mula 2016 hanggang 2019. (NILOU DEL CARMEN)

Please follow and like us:
Read More

3 PATAY NA BABOY SA  SAPA POSIBLENG MAY ASF

(NI PAOLO SANTOS/PHOTO BY CJ CASTILLO)

BUNSOD ng masangsang na amoy, tatlong  patay na baboy ang nadiskubre matapos itapon sa isang creek sa Brgy. Bagong Silangan, Quezon City, Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District station 6 Batasan, dakong alas 11:30 ng umaga nang madiskubre ang mga patay na baboy sa isang creek sa kahabaan ng Lingayen St., Area 5 Sitio Veterans, Brgy. Bagong Silangan.

Sinabi sa ulat ng pulisya na isang Arnold Llantino, 51, ng Brgy. Silangan, ang nag-report sa mga awtoridad sa natagpuang patay na baboy sa naturang creek.

Agad naman rumesponde ang mga tauhan ng Batasan police, sa pangunguna nina PMajor Sandie Caparroso, PCapt. Francisco Lucena at pinuntahan ang naturang lugar.

Kaugnay nito, bago ang pagkakadiskubre sa mga patay na baboy, ilang residente sa lugar ang nakaamoy nang masangsang na nagmumula sa naturang creek.

Dumating din sa naturang lugar ang doctor ng Bureau of Animal Industry, sa pangunguna ni Dr. Oscar John Cabanayan, kasama ang limang iba pa sa lugar, para kumuha ng sample sa specimen ng mga naturang baboy na natagpuan.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung ang mga naturang baboy ay namatay dahil sa hinihinalang African Swine Flu virus.

Nakatakdang sunugin ang mga naturang patay na baboy matapos i-turn over sa Bueau of Animal Industry ang mga ito.

Please follow and like us:
Read More