BEBOT TINODAS SA APARTELLE

crime08

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

ISANG hindi nakilalang bebot  ang na pinatay ng lalaking kasama niyang nag-check-in sa isang apartelle, Huwebes ng madaling araw sa Caloocan City.

Umaagos pa ang dugo mula sa ilong nang matagpuan ang bebot sa isang kwarto ng HSIRI Apartelle sa 208 A. Mabini St., Maypajo alas-3 ng madaling araw.

Nabatid na alas -12:04 ng hatinggabi nang mag-check in ang biktima at kasamang lalaki sa naturang apartelle at pumasok sa room no. 220.

Makalipas ang tatlong oras, nakita ng desk personnel na si Jesica Edquilang ang paglabas ng lalaki sa silid at tinangka niyang harangin upang singilin at tanungin na rin kung nasaan ang kanyang kasamang bebot.

Sa halip na huminto ay kumaripas ang lalaki patakas kaya’t agad na nagpasama si Edquilang sa dalawang roomboy na sina Jhonny Pombo at Reu Ben Bantilo sa room 220 at kinalabog ang pintuan subalit walang sumasagot.

Sa tagpong ito ay kinuha na ang duplicate key ng silid ang nang buksan ay bumulaga ang nakatihayang bangkay na biktima.

Nirerebisa na ang kuha ng CCTV ng apartelle upang makilala ang lalaking kasamang nag-check in ng biktima habang isasaailalim sa auwtopsya ang bangkay upang alamin ang dahilan ng kanyang kamatayan.

 

Please follow and like us:
Read More