5 ASG PATAY SA ENGKWENTRO

ABU SAYYAF-3

SULU- Limang miyembro ng Abu Sayyaf Group ang nasawi matapos makaengkwentro ang Marine Battalion Landing Team 6 at 64th Marine Company sa  magkahiwalay na insidente sa Barangay Lakit-lakit, Sapa-Sapa at Sulare, sa bayang ng Parang kapwa sa lalawigan. Ayon kay Major Arvin Encinas, tagapagsalita ng Western Mindanao Command (Wesmincom), alas-5 ng umaga nang unang matiyempuhan ng pinagsanib na puwersa ng militar ang may sampung kataong grupo ng ASG. Nagkapalitan ng putok kung saan apat sa mga bandido ang napatay habang isang sundalo ang nasugatan. Kinilala ang mga nasawing ASG na…

Read More

BRITISH NATIONAL, MISIS NA PINAY NA DINUKOT NG ASG NASAGIP NG MILITAR

(NI AMIHAN SABILLO) MATAPOS ang halos dalawang  buwan na pagkakabihag sa mag asawang British at Pinay sa Parang, Sulu, ay nasagip ang mga ito ng mga tauhan ng Armed forces of the Philippines (AFP), Lunes ng umaga. Ayon kay Lt Gen Cirilito Sobejana, commander ng Western Mindanao Command, Oktubre 4 nang dukutin ng anim na armadong lalaking pinaniniwalaang mga miyembro ng Abu Sayyaf (ASG) ang mga biktima sa Tukuran. Ang mag asawa ay may-ari ng resort at Hyron College sa Zamboanga del Sur. WALANG RANSOM Iginiit naman ni Lt. Commander…

Read More

10 ASG MEMBERS SUMUKO

(NI JG TUMBADO) PORMAL na sumuko sa militar ang nasa 10 miyembro ng ISIS terror-linked Abu Sayyaf Group sa Ungkaya Pukan, Basilan. Ayon kay Western Mindanao Command (WestMinCom) spokesperson Major Arvin Encinas ang 10 sumuko ay pawang mga tauhan ni Abu Sayyaf leader Furuji Indama. Ang mga teroristang nagbalik-loob  sa gobyerno ay nakilalang sina: • Masbil Hoben • Haidal Tadling • Tong Sarunan • Said Kapon • Atung Ajallun • Samatin Matindo • Mulhakim Alabin • Asanuddin Dailon • Andoy Pingli • Sanny Arasain Isinuko rin nila ang matataas na…

Read More

BOMB EXPERT NG SUICIDE BOMBERS PATAY SA ENCOUNTER

(NI JESSE KABEL) NAPATAY ng militar ang isang Abu Sayyaf bomb expert na sinasabing gumagawa ng mga bombang ginamit sa serye ng mga pagpapasabog sa Mindanao at kapatid ni ASG leader Hajan Sawadjaan, sa Patikul Sulu . Ayon kay Maj Arvin Encinas, ng AFP 6th Infantry Division, napatay sa sagupaan ang kapatid ni Hajan Sawadjaan matapos ang ilang minutong bakbakan sa pagitan ng  ASG at Philippine Army 41st Infantry Batallion sa Sitio Tubig Pansol, Barangay Langhub, sa bayan ng  Patikul. Sa ulat ng Western Mindanao Command (Wesmincom), kinilala ang nasawing bandido…

Read More

2 BATA BIKTIMA NG GIYERA SA SULU; 6 ASG PATAY DIN

patikul sulu12

(NI JG TUMBADO) NAPATAY ang dalawang bata makaraang maipit sa giyera ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Patikul, Sulu,  Sabado ng hapon. Ayon sa impormasyong ipinarating ng Joint Task Force Sulu, nagsasagawa ng community support program activities sa Barangay Igasan ang mga miyembro ng 6th Special Forces Battalion dakong alas-5:00 ng hapon nang umatake umano ang tinatayang 30 miyembro ng bandidong grupo. Namatay sa kalahating oras na bakbakan ang mga biktimang may edad isa at 12 habang nasugatan naman…

Read More

4 ASAWA NG MGA ASG LEADERS NADAKIP NG CIDG

abuwife12

(NI NICK ECHEVARRIA) NAARESTO ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at mga intelligence units ng pamahalaan  sa Region 9, ang apat na babaeng umano’y asawa ng mga Abu Sayaff Group (ASG) leaders matapos isilbi ang isang search warrant sa Barangay Talabaan, Zamboanga City, Martes ng umaga. Nakilala ang mga suspek na miyembro umano ng ASG na sina Jainab Ibrahim, na gumagamit ng mga na alyas Aswajun, Mutahhara at Almaida Marani; Khadeeja Tawasil Jainal; Abdurarafi Jalas Danial at Fatima Musa Narimen. Ang pagkakadakip sa apat ng bandang…

Read More

PINSAN NI SAHIRON, 8 IBA PA, PATAY SA ENGKWENTRO SA SULU

patikul sulu12

(NI NICK ECHEVARRIA) PATAY ang isang Abu Sayaff Group (ASG) sub-leader na pinsan at kanang kamay ni Radullan Sahiron kasama ang walong iba pa sa apat na magkakasunod na engkwentro laban sa militar sa dalawang magkalapit na barangay sa Patikul, Sulu. Nakilala ang napatay na sub-leader na si Julie Ikit makaraang makasagupa ang pwersa ng mga tauhan ng 32nd Infantry Battalion (32IB) nitong Huwebes ng alas-10:37 ng umaga. Nabatid na nasa 120 mga miyembro ng ASG, sa pamumuno ni Sahiron at Hatib Hajan Sawadjaan, ang nakaengkwentro ng militar sa Sitio…

Read More