LALAKI INAARESTO SA RAPE, PUMALAG,  SUGATAN

(NI KEVIN COLLANTES)

ISANG lalaki ang sugatan nang mabaril ng pulis matapos na tangkaing manlaban habang sinisilbihan ng warrant of arrest sa kasong rape sa loob mismo ng isang sanitary landfill sa Rodriguez, Rizal nitong Lunes.

Ang suspek na si Juan Bueno, ay naka-confine at nilalapatan ng lunas sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center dahil sa tama ng bala sa katawan.

Dakong alas-11:00 ng umaga nang magtungo ang mga tauhan ng warrant and subpoena section ng PS-6 sa loob ng Rizal Provincial Sanitary Landfill, sa Sitio Pintor, San Isidro, Rodriguez upang silbihan ng warrant of arrest sa kasong rape si Bueno.

Gayunman, sa halip na sumama nang matiwasay sa mga awtoridad ay nanlaban ang suspek, at tinangkang saksakin ang isa sa mga pulis.

Nakaramdam ng panganib sa kanyang buhay, napilitan namang magbunot ng baril ang alagad ng batas at planong paputukan sana ang suspek sa paa, ngunit sa beywang ito tinamaan.

Kaagad namang isinugod ng mga awtoridad sa Ynares Hospital ngunit malaunan ay inilipat rin sa Amang Rodriguez Hospital sa Marikina ang suspek upang malunasan.

 

Please follow and like us:
Read More

P 1.3-M SHABU KUMPISKADO; 6 ARESTADO

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

HALOS P1.3 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska habang anim ang arestado sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan City, Sabado ng hapon.

Alas-5:00 ng hapon nang isagawa ang unang operasyon sa isang bahay sa 1024 Interior 6, Barangay 33, Maypajo, Caloocan City kung saan nadakip sina Kevin Gacer, 20; at Rica Mariano,31.

Gamit ang P1,000 marked money ay nakipagtransaksyon ang poseur-buyer sa mga suspek at nakakuha dalawang sachet ng shabu.

Pagsensyas ng undercover ay dinamba na ang dalawa at nakumpiska ang dalawang sachet ng shabu, marked money at 98 gramo pa ng shabu na nakalagay sa plastic ng yelo na may tinatayang halagang P 667, 000.

Dakong alas-6:30 naman nang isagawa ang ikalawang operasyon sa Kapak St., Barangay 12, Caloocan City kung saan nadakip ang mga target ng operasyon na sina Mylene Torres, alyas Biday, 43; at Jerry Camposano, alyas Jervy, 45, matapos bentahan ng isang sachet ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng P1,000 buy-bust money.

Nakuha kay Biday ang marked money at ang ibebentang shabu sa pulis habang nakumpiska kay Jervy ang isang plastic na naglalaman ng shabu.

Sa nasabi ring operasyon ay nadakip sina Jinalyn Viogela, 27; na nakunan ng isang plastic na naglalaman ng shabu; at Marvin Vergel, 26, na nakunan din ng isang plastic ng shabu.

May kabuuang 92 gramo ng shabu na may tinatayang halagang P 625,600.00 ang nakumpiska sa nasabing operasyon.

Kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga dinakip.

 

Please follow and like us:
Read More

14-ANYOS TINANGAY; RAPIST KULONG

huli

(Ni FRANCIS SORIANO)

REHAS naman na bakal ang hinihimas ngayon ng isang 33-anyos na cook,  matapos maaresto sa follow-up operation ng Malabon City Police ang umano’y tumangay at nanghalay sa 14-anyos na Grade 8 student, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Col. Jessie Tamayao, hepe ng Malabon City Police Station, ang suspek na si Kenneth Odie Gabriel, ng 52 D. Crispin St., Brgy. Tinajeros na naaresto sa Gov. Pascual Avenue, sa harap ng Robinson’s Town Mall bandang ala-1:45, Miyerkoles ng ng madaling araw.

Ayon kay Tamayao, naganap ang insidente noong nakaraang buwan subalit, nitong Lunes lamang ipinagtapat ng biktimang itinago sa pangalang “Norma” sa kanyang ate ang nangyari sa kanya na naging dahilan upang magsampa ang mga ito ng reklamo.

Sa pahayag sa pulisya ng biktima at ate nito na dalawang beses siyang hinalay ng suspek na tumangay umano sa kanya noong nakaraang buwan at dinala siya sa Astrotel Motel sa Samson Road.

Sinabi pa ng biktima sa kanyang nakatatandang kapatid na pinagbantaan siya ng suspek na papatayin kung sasabihin nito kahit kanino ang nangyari sa pagitan nila.

Please follow and like us:
Read More

LALAKI NAN-RAPE SA UTOL NG GF, ARESTADO

arrested124

(NI NICK ECHEVARRI)

HULI ang isang  19-anyos na teenager na gumahasa umano sa dalagitang kapatid ng kanyang kasintahan sa pinagtataguan nito sa Gen. San Luis St. Brgy. Tibagan, San Juan City, Sabado, alas-4:00 ng hapon.

Sa report na nakarating sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) director P/BGen. Nolasco Bathan, nakilala ang suspek na si Geoffrey Javillo, ng Purok 6, Brgy. Sto. Rosario, Hagonoy, Bulacan.

Ayon kay San Juan City Police Office Chief P/Col. Ariel Fulo, ang suspek na si Javillo ay wanted sa kasong panggagahasa makaraang ireklamo ng isang grade 10 student na 16-anyos at kapatid ng kanyang girlfriend noong Februay 15, 2017  na nan-rape sa kanya sa loob ng bahay mismo ng suspek sa Hagonoy.

Sa rekord ng kaso, nagtungo umano ang dalagitang biktima sa bahay ng suspek para hanapin ang kanyang kapatid na kasintahan nito, nang malamang wala doon ang kapatid paalis na sana ang biktima nang bigla na lamang siyang hatakin ng suspek papasok at pwersahang pinagsamantalahan.

Matapos ang panghahalay, binantaan pa umano ni Javillo ang biktima na papatayin kapag nagsumbong siya.

Napilitan lamang umanong ipagtapat ng biktima sa kanyang pamilya ang panggagahasa nang ipagkalat ng suspek sa kanilang mga kapitbahay na nakatalik na niya ang dalawang magkapatid.

Dahil dito agad nagtungo  ang ama ng biktima sa mga awtoridad para ireklamo ng kasong rape ang suspek na mabilis namang umalis sa kanilang lugar para magtago.

Si Javillo ay nadakip ng mga elemento ng San Juan City at Hagonoy Police Station sa bisa ng warrant of arrest mula sa Malolos, Bulacan RTC branch 9 makaraang makatanggap ng impormasyon na nagtatrabaho ang suspek bilang ice delivery boy sa lungsod.

Agad inilipat sa Hagonoy Police Station ang pangangalaga sa suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 7610 o ang Anti-Child Abuse Law habang  wala namang inirekomendang piyansa ang korte.

Please follow and like us:
Read More

PEÑA BROTHERS SA MAKATI, 1 BEBOT TIMBOG SA DROGA

arrested88

(NI DAVE MEDINA)

PINAGDADAMPOT ng mga pulis-Makati City ang tatlong notorious na magkakapatid na lalaki at isang babae sa isinagawang drug buy bust operation Lunes ng alas 5:25 ng hapon sa Gabaldon St., Bgy. Poblacion, Makati City.

Ayon kay Makati City Police Col. Rogelio Simon, dati nang nakulong dahil sa ipinagbabawal na droga  ang Peña brothers na sina Sundy Frilles, 47; at Alfredo, empleyado sa Barangay; at Wilfredo, 50, pero nakalaya at nagbalik-operasyon sa droga.
Kasama ring dinakip ng mga pulis ang babaeng suspek na si Cinderela Hipolito Togere makaraang magpositibo sa pagbebenta ng shabu sa halagang P300 ang apat  sa police poseur buyer.

Umaabot sa 35 sachet ng shabu at paraphernalia ang nakumpiska mula sa grupo.

Ang lahat ng nakumpiskang droga ay tinatayang may street value na P5,000.

Ang mga suspek ay pawang nasa drug watchlist dahil sa kasong kinakaharap na paglabag sa RA 9165.

Panibagong kaso ng paglabag sa Section 5, 13, 14 at 26 ng RA 9165 ang kakaharapin ng apat na suspek sa Makati City Prosecutors’ Office makaraang maisaayos ang kaukulang dokumento laban sa kanila ni PCpl. Tingpee Merdeguia.

Please follow and like us:
Read More

BAHAY NG ROOKIE COP NILOOBAN NG MGA ‘BATANG HAMOG’

arested12

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

LIMANG kabataan ang nasakote, kabilang ang apat na menor-de-edad, matapos looban ang bahay ng isang bagitong pulis at tangayin ang salapi nito sa Valenzuela City, Martes ng gabi.

Arestado si Jomel Ibabao, 18, ng 2144 Angeles St., habang nasa pangangalaga na ng Social Welfare ang nahuling 14-anyos na nene at tatlong totoy nasa nasa edad 16 at 17 matapos pasukin ang  bahay ni Patrolman Emerson Magallon, 23, nakatalaga sa District Mobile Force ng ­ Northern Police District (NPD) at nakatira sa 453 H. Maple Residence, Rambotan, Brgy. Gen. T. De Leon.

Bumangon mula sa pagkakahimbing ang pulis para umihi ala-1:50 ng madaling-araw at nagulat nang makita sa loob ng kanyang bahay ang nene at isa sa mga totoy sa loob ng kanyang bahay at nagpulasan nang makita ang parak.

Nang suriin ng pulis ang kanyang mga gamit ay natuklasan niyang wala na ang kanyang Samsung cellular phone at P3,000 salapi kaya’t humingi ng tulong ang pulis sa mga tanod nagresulta sa pagkakasakote kay Ibabao at sa dalawang totoy.

Sa follow-up operation ay nasakote ang nene at isa pang totoy sa Beta Computer shop sa  Francisco St., Brgy. Gen. T. De Leon

Narekober ang nawawalang cellular phone at P500 sa sinikwat na P3,000 sa mga nadakip habang ang P2,500 ay nasa lider na nagngangalang John Axel Pallares, ayon sa mga nadakip.

 

 

Please follow and like us:
Read More

14-ANYOS ‘CARNAPPER’ ARESTADO

arrested12

(NI MAC CABREROS)
LALONG tumindi ang kahilingan na ibaba ang minimum age of criminal liability ng menor de edad.

Ito’y matapos maaresto ng awtoridad ang 14-anyos na itinago sa pangalang ‘CP’ na nangarnap ng isang motorsiklo sa Pasig City.

Narekober naman ang motorsiklo ni Dariush Maneses, 40, ng 15 M B Tanangco St. Brgy. Buting, nasabing lungsod.

Alas-2:45 ng madaling araw ng Linggo nang maaresto si ‘CP’ sa Brgy. Buting at umaming siya ang nagnakaw sa motor ni Meneses at dinala sa J.P. Rizal, Makati.

 

Please follow and like us:
Read More

GURO NAKALIGTAS SA RAPE; MANYAK ARESTADO

arrested124

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

GINULPI ng isang lasing na vendor ang isang 23-anyos na guro makaraang manlaban matapos hubaran at tangkaing halayin sa loob ng isang abandonadong bahay, Linggo ng gabi sa Valenzuela City.

Nailigtas ng isang nagmalasakit na tricycle driver at mga maagap na opisyal at tanod ng barangay ang puri ng guro na itinago sa pangalang Anna, ng isang subdivision sa Brgy. Gen. T. De Leon mula sa sa manyakis na si Romnick Padua, 30, ng Jeremias St. Pag-asa, Brgy. Karuhatan na nahaharap ngayon sa kasong attempted rape at physical injuries sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

Naglalakad pauwi ang guro dakong alas-11:40 ng gabi nang hablutin mula sa likuran at puwersahang kinaladkad ng suspek papasok sa isang abandonadong bahay sa Tamaraw Hills, Brgy. Marulas.

Nagpumiglas si Anna subalit nangibabaw ang lakas ng suspek hanggang maipasok siya sa loob ng bahay at sinimulang hubaran habang nakasubsob ang mukha sa sahig.

Sa takot na mailugso ang puri, itinodo ng biktima ang lakas dahilan para lalo siyang bugbugin ng suspect.

Hindi pa rin pinanghinayaan ng loob ang biktima at nagsisisigawa kaya’t napukaw ang atensyon ng dumaraang tricycle driver na si Eugenio Guzman, Jr.

Pinuntahan niya ang loob ng abandonadong bahay at nakita niya ang ginagawang pag-gulpi ng suspek sa halos nakahubad nang biktima.

Humingi ng tulong sa mga tanod ng barangay Marulas ang testigo na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

PAMILYA ‘BONDING’ ANG DROGA, ARESTADO

family

(PHOTO BY JULIUS CARBO)

ARESTADO ang tatlong magkakaanak matapos mahuli sa isang drug session sa loob ng kanilang bahay sa Tandang Sora, Quezon City.

Hindi na nakaporma pa ang mag-aawang Randy Cirera, 43, at Marita Cirera, 42, gayundin ang kaanak na si Manuel Reguindin, 29, nang salakayin ng mga pulis ang lugar matapos makatanggap ng report na nagtutulak ang mag-asawang suspek.

Nag-iinuman ang mga ito habang bumabatak ng umano’y shabu.

Nag test buy umano ang mga tauhan ni Supt Alex Alberto CDP Station-3 SDEU sa mag-asawa Huwebes ng hapon sa Brgy, Tandang Sora Quezon City at nang maggabi ay bumalik ang operatiba at doon na naaktuhan ang magkakamag-anak.

Please follow and like us:
Read More

LALAKI NAPATAY ANG KA-LIVE-IN, ARESTADO

arrest500

INARESTO ng pulisya ang isang lalaking itinuturong pumatay sa ka-live in sa Makati City.

Sinabi ng pamilya ng babae na dalawang araw na pala itong patay ngunit hindi man lamang sila inabisuhan ng kinakasama na si Florentino Ordinario. Sinabi nito na namatay ang biktima dahil sa kakulangan sa dugo.

“Nagduda kami sa sanhi ng pagkamatay kaya pina-autopsy namin ang bangkay. Doon naming natuklasan na namatay pala ang kaanak namin sa sakal,” sabi ng  ka-pamilya ng biktima.

Si Ordinario ay inaresto Martes ng hapon at mahigpit nitong itinanggi ang bintang na siya ang pumatay sa biktima. “Hindi ko po magagawa ‘yan. Mukha lang akong nananakit pero di ko kaya ‘yan,” sabi nito.

Please follow and like us:
Read More

3 DAY CHECKPOINT: 45 HULI, 47 ARMAS, 311 PATALIM NABAWI

CHECKPOINT by RAFAEL TABOY

(NI CARL REFORSADO/PHOTO BY RAFAEL TABOY)

UMAABOT na sa 45 katao ang naaresto habang 47 ibat ibang kalibre ng baril ang nasamsam sa unang tatlong araw mula ng simulan ang implemantasyon ng Commission on Election (Comelec) gun ban ng Philippine National Police para sa 2019 mid-term election simula noong Enero 1.

Base sa datos na ibinigay ng PNP National Election Monitoring and Action center (NEMAC), umaabot sa 6,264 na mga checkpoints ang inilatag sa iba’t ibang strategic area  sa buong bansa simula noong Martes ng madaling araw kung saan nakakumpiska din ng 311 mga patalim.

Nakapagtala naman ang PNP ng walong insidente ng election related violence na subject pa sa validation, anim sa mga ito ay sa Region 4-A (Calabarzon) habang dalawa naman sa  Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Nauna ng sinabi ng PNP Chief Director General Oscar Albayalde na ipagpatuloy lang ang pagpapadala ng mga resulta ng checkpoints sa mga Regional Officers.

Bukod sa checkpoints ay trabaho din ng PNP ang pagbuwag ng mga private armed groups, magbigay ng security sa mga kandidatong may mga banta sa buhay at pagsamsam ng mga loose firearms gayundin ang pagbuwag ng mga gun for hire groups.

Please follow and like us:
Read More