SI MATTEO ANG NAUNA; GAYA-GAYA BA SINA BINOE, DIET AT GERALD?

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

DATI, sinasabing pulitika lamang ang pinapasok ng mga artista. Ngayon pati military service na. Nasimulan lang iyan ni Matteo Guidicelli, na sumailalim naman talaga ng ilang buwang training sa special action force, at tumira talaga sa kampo. Nakita rin siguro ng military na magandang impluwensiya iyon sa mga kabataan, at ang pagsali ni Matteo ay ginamit na nilang bahagi ng promotion ng military service.

Si Matteo, officially ay binigyan nila ng 2nd Lieutenant rank.

Aba hindi nagtagal, kasama na rin daw si Robin Padilla sa reserve force ng Philippine Army. Si Gerald Anderson na nag-train lamang ng tatlong araw sa kampo, at maliwanag na para lang naman iyon sa isang seryeng kanyang gagawin ay kasali na rin daw. Si Diether Ocampo ang huli, kasama na siya sa reserves ng Coast Guard. Mukhang iyan na naman ang nauuso ngayon?

Pero minsan dapat nating linawin iyan. Totoo ba na talagang kasali sila roon? Kasi mayroong mga organisasyon na nagbibigay ng military uniform at military rank pa na hindi naman talagang authorized para gawin iyon. Hindi nga ba kahit na si DILG Undersecretary Martin Dino ay nasita pa dahil sa pagsu-suot ng military uniform.

May umiiral na batas laban sa pagsusuot ng military uniform kung hindi ka talaga authorized na magsuot noon. Maski iyang mga artista sa pelikula at sa telebisyon, ikinukuha pa ng permit ang pagsusuot nila ng military o police unform kahit na sabihin mong para sa show lamang iyon.

Hindi ninyo masisisi ang militar kung maghigpit. Maraming mga nahuling NPA na ang gamit ay military colors. Marami ring kaso ng mga bank robbery na ang mga kriminal ay naka-suot ng military fatigue uniform. Kahit na nga ang mga sasakyan, bawal na pinturahan na kakulay ng sa pulis o military. Kaya iyang mga artista, o hindi man artista na sali nang sali, siguruhin muna ninyo ang sinasalihan ninyo.

Magbabago na raw si Gerald Anderson, at inaamin niyang may natutuhan din siyang leksiyon dahil sa nangyaring controversy sa kanilang dalawa ni Bea Alonzo. Naging aware siya na naging napaka-negative ng kanyang image dahil doon.

Pero naniniwala nga ba kayo na ganoon kabilis ang pagbabago?

Siguro dapat na maging maingat din ang mga nililigawan niya, at tanggapin na nila ang katotohanan na baka hindi pa siya talagang seryoso at kung magkaroon ng problema, iwanan na lang niya silang bigla. Huwag nang magtaka kung “ma-Bea” rin kayo. Talagang ganoon eh.

 

 

Please follow and like us:
Read More

ROAD RAGE: 40-TAON KULONG SA ARMY RESERVIST

cell

(NI HARVEY PEREZ)

BUBUNUIN ng isang army reservist na nakapatay ng isang siklista sa isang road rage  noong 2016 ,sa Quiapo, Maynila, ang parusang  Reclusion Perpetua o  40-taon pagkabilanggo matapos mapatunayang guilty sa kasong murder .

Ayon sa desisyon na ipinalabas  ni Judge Albert Tenorio, ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 14 , napatunayang nagkasala nang walang pag-aalinlangan si Vhon Martin Tanto, reservist ng Philippine Army, sa pagpatay sa biktimang si Mark Vincent Garalde.

Nalaman na inatasan din ng korte  si Tanto na bayaran ang pamilya ni Garalde ng P1.048 milyon bilang actual damages; P100,000 bilang civil indemnity; P100,000 bilang moral damages, at panibagong P100,000 bilang exemplary damages.

“All damages awarded shall be subject to the rate of six percent per annum from finality of this decision until its full satisfaction in line,” base sa desisyon.

Ayon sa record ng  hukuman, naganap ang insidente dakong alas-9:36 ng gabi, noong Hulyo 25, 2016 sa P. Casal Street sa Quiapo.

Nasagi umamo ng kotse ni Tanto ang bisikleta ni Garadel hanggang  mauwi sa pagtatalo ang dalawa at binaril ni Tanto si Garalde ng apat na beses habang ito ay paalis na.

Sa naturang insidente, nadamay sa pamamaril ni Tanto si Rocel Bondoc, 18,  estudyante ng Unibersidad de Manila, na tinamaan ng ligaw na bala, habang nagtatapon ng basura   sa P. Casal Street.

Please follow and like us:
Read More

MATTEO SASABAK NA SA MILITARY TRAINING

matteo12

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

KAMAKAILAN ay sumali si Matteo Guidicelli sa Philippine Army bilang Army Reservist. Ngayon ay pinaghahandaan na ng aktor ang gagawing 45-day training program bilang isang Scout Ranger ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Mangyayari ang nasabing military training sa Camp Tecson sa Bulacan.

“I’ll be gone for one month. I’m entering the military. I’ll be in the military for one month. I’m entering on May 27 then I’ll be out July 1. It’s not normal military, it’s a scout ranger school,” pagbabahagi ni Matteo.

Hindi raw inakala ng binata na matutupad ang mga pinapangarap lamang niya noon. “Actually hindi ko naman plano talaga eh. It was never planned na ito na gusto ko na talaga. but back when I was in college, I was always walking to my dorm. Sa Amerika kasi mayroong mga booth na parang ‘Join the Military’ and I was tempted to go inside. But I never had the courage to do so. Few months back, the people of sky diving were rangers. People from the military and I got close with them. Sabi ko, ‘How can I be like you?’” natatawang kwento ng aktor.

Ayon kay Matteo ay talagang malaki ang paghanga niya sa mga sundalong laging nakahandang makipaglaban at itaya ang sariling buhay para sa bayan.

“These people are all heroes. People know about their efforts but not really… These guys are heroes of our country, these guys serve our country. We have hundreds of soldiers who die for our country and sabi ko a civilian like me, how can I help? How can I show importance to soldiers? How can I show importance to Filipino soldiers? So ayun, dahan-dahan everyday a new opportunity came,” paglalahad ng binata.

Hinihikayat din ng aktor ang iba pang mga kabataan na sumubok at magkaroon ng interes na pumasok sa military. “This is my advocacy on reminding the Filipino youth to be proud to be Filipino. To look at the flag and say, ‘I’m Pinoy and proud to be Filipino,” pagtatapos niya. -Reports from JCC-  

Please follow and like us:
Read More