4 KATAO ARESTADO SA ARMAS AT SHABU

DROGA-BARIL

NADAKIP ang apat na kataong pawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga, makaraang mahulihan ng umano’y shabu, pampasabog, baril at bala sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Miyerkoles ng madaling araw sa nasabing lungsod. Kinilala ni QCPD Director, P/Brig. Gen. Ronnie Montejo ang mga suspek na sina Michael Meneses alyas “Warlito”, 38-anyos,  ng Caloocan City; Marineil Santos alyas “Robert”, 35; Angel Retiro, 18, kapwa ng Malabon City, at Von Edgar Barrientos, 27, ng  Pandacan, Manila. Base sa ulat, dakong 2:30 ng madaling…

Read More

TSERMAN HULI SA SHABU, ARMAS

(NI ANNIE PINEDA) INARESTO ang isang punong barangay nang makuhan umano ito ng mga armas at shabu sa loob ng kanyang bahay sa ng awtoridad sa pamamagitan ng search warrant, Biyernes ng hapon sa Surigao del Norte. Kinilala ang suspek na si Loel Joy Mesias , ng P-1, Brgy. Lipata, Surigao City. Batay sa report ng Surigao-PNP, dakong alas 5:30 ng hapon nang isilbi ang search warrant laban sa suspek na ipinalabas ni Judge Dante Corminal, ng MCTC Tubod, ng naturang lungsod. Nakuha ng mga awtoridad sa bahay ng suspek…

Read More

MAG-ASAWA KULONG SA BENTAHAN NG ARMAS

arrested12

(NI FRANCIS SORIANO) KASONG illegal possession of firearms ang haharaping kaso ng isang 34 anyos na mister habang ang kanyang asawa naman ay obstruction of justice matapos magbenta ng hindi lisensyadong baril sa pulis sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas City. Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas ang mga naarestong sina Michael Cardenas, 34, at kanyang asawa nasi Jonalyn, 34, kapwa ng 301D Reyes St. Brgy. Bangkulasi. Ayon kay Balasabas, dakong alas- 11:40 ng gabi nitong Biyernes nang ikasa ng mga operatiba ng Northern Police District (NPD) District Special Operation…

Read More

4 TIMBOG SA ARMAS, PAMPASABOG

maguindanao map12

(NI BONG PAULO) ARESTADO ang apat katao, dalawa dito mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ng Moro Islamic Liberation Front matapos makuhanan ng mga baril, pampasabog at bala sa magkakahiwalay na checkpoint sa Cotabato City at Maguindanao, nitong Huwebes. Kinilala ni Sultan Kudarat PNP Chief, Police Major Julhamin Asdani ang mga nadakip na sina Datu Ebrahim Egal, 23, at Ali Mama Unting, 32, mga miyembro ng MILF-BIAF pawang mga magsasaka at mga residente  ng Barangay Rebuken, Sultan Kudarat, Maguindanao. Ang nabanggit ay nahuli sa checkpoint sa barangay  Dalumangcob, Sultan Kudarat, Maguindanao,…

Read More

VICE MAYOR HULI SA P1.3-M SHABU, ARMAS

maguindanao map12

(NI BONG PAULO) ARESTADO ang vice mayor ng Datu Unsay, Maguindanao sa inilunsad na Law Enforcement Operation ng pinagsanib na pwersa ng AFP, CIDG-BARMM, PNP at PDEA-ARMM sa tahanan ng dating opisyal ng Autonomous Region in Muslim Mindanao sa Sitio Ameril, Barangay Manggay, Talitay Maguindanao, Lunes ng madaling araw. Kinilala ni PDEA BARMM Director Juvenal Azurin, ang nadakip na si Datu Unsay Vice Mayor Bai Janine Ameril. Nabatid na target sana ng ikinasang operasyon si Mike Sittie, alyas Kumander Mike, na nahaharap sa patong-patong na mga kasong kriminal at may warrant of arrest. Unang pinasok ng…

Read More

PROMDI HULI SA ARMAS

(NI DAVE MEDINA) ARESTADO ang notoryus na lalaking promdi na umiiwas sa batas sa Mindoro dahil sa pag-iingat ng mga iligal na baril at armas habang palakad-lakad sa mataong lugar sa Makati City Miyerkoles ng hapon. Dakong alas-3:00 ng hapon nitong Huwebes ay ipinatupad ang Search Warrant sa suspek na si Jose Gozar Samala, residente ng 2551 Cabanillas St., La Paz, Makati City , base sa ipinalabas na  kautusan ni Judge Rosario Ester B. Orda Caise ng Makati Branch 234 RTC para sa paglabag sa RA 10591. Inabutan pa ng…

Read More

MILF MEMBER ARESTADO SA BARIL

arrested76

(NI FRANCIS SORIANO) HINDI na nakapalag pa ang isang umano’y miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos arestuhin ng Station Intelligence Branch (SIB) at Special Weapons and Tactics (SWAT) dahil sa iligal na pag-iingat ng armas sa Phase 12, Brgy 188, Tala, Caloocan City, nitong Sabado. Ayon sa ulat na nakarating kay PCOL Carlito Gaces, hepe ng Caloocan City Police Station, naaresto ang suspek  na si Gamal Guitum, 41, at residente sa Phase 12, Riverside, Brgy. 188, Tala, Caloocan City, habang nagsasagawa ng Anti-Criminality campaign against all forms of illegal activity sa nabangit…

Read More

SPORTS CONSULTANT ARESTADO SA ILEGAL NA ARMAS

arested12

(NI NICK ECHEVARRIA) KALOBOSO ang isang sports consultant matapos mahulihan sa loob ng kanyang bahay ng mga ilegal na armas at bala sa Pangasinan, Huwebes ng umaga. Nakilala ang suspek na si Angelito Gumarang, 55, may-asawa, sports at barangay affairs consultant ng Dagupan City at ng Brgy. Bonoan Gueset, sa nasabing lungsod sa Pangasinan. Naaresto ang suspek bandang alas-6:30 ng umaga makaraang isilbi ng  mga tauhan ng Criminal Investigaton and Detection Group (CIDG)-Pangasinan ang isang search warrant mula sa sala ni Judge Caridad V. Galvez ng RTC Branch 43 ng Dagupan…

Read More

ARMAS ‘DI PA ISINUSUKO NI ERWIN TULFO

ERWIN12

(NI JG TUMBADO) HINDI pa rin isinusuko ng Radyo Pilipinas anchor na si Erwin Tulfo ang kanyang mga baril sa pulisya sa kabila ng pag-atas ng Philippine National Police (PNP) na isuko ang mga ito. Ito ang nabatid mismo sa press briefing ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde batay na rin sa report sa kanya ng PNP-Firearms and Explosives Office. Nitong buwan ng Marso nang mapaso na ang License To Own And Possess (LTOPF) ni Tulfo. Babala ni Albayalde, hindi na dapat paabutin ni Tulfo na gumawa pa ng…

Read More

ARMAS NA GAGAMITIN SA ELEKSIYON NABAWI, OFW ARESTADO

lanao12

(NI NICK ECHEVARRIA) INARESTO ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang dating overseas Filipino worker (OFW) matapos matagpuan sa bahay nito ang isang arms cache na naglalaman ng iba’t ibang uri ng matataas na kalibre ng mga baril at  bala sa Lanao del Norte, Biyernes ng hapon. Kinilala ang dating OFW na si Marry Ann Canoy, 36,  na dinakip bandang alas-4:00  matapos halughugin ng mga detectives ng CIDG sa bisa ng isang search warrant ang bahay na tinutuluyan nito sa Brgy. Labuay, Maigo, ng nasabing…

Read More

ISA PATAY, GYM INSTRUCTOR ARESTADO SA ARMAS, DROGA

SHABU121

(NI DAVE MEDINA/PHOTO BY RAFAEL TABOY) NAPATAY sa mismong lugar ng krimen  ang isang lalaki makaraang mauwi sa engkwentro ang pagsisilbi ng search warrant sa Flores Compound Brgy. 176 Malibay,  Pasay City, Huwebes ng umaga. Nabaril ng mga pulis ang suspek na kinilalang si Ferdinand Lerit makaraang piliin nitong makipagbarilan sa mga Intelligence Operatives ng Pasay City Police sa halip na sumuko na lamang. Samantala, arestado rin ang dalawang suspek, sina Ernie Tulta at kapatid ng suspek na si Dwight Lerit na isang gym instructor Nag-ugat ang police operation laban…

Read More

BGY CAPT TIMBOG SA BUY-BUST NG ARMAS

LIGAW NA BALA

(NI NICK ECHEVARRIA) ARESTADO ang isang barangay chair na nakumpiskahan ng mga bala at armas sa ikinasang buy-bust operation sa Masbate, Miyerkoles ng umaga. Sa report na natanggap ng Police Regional Office (PRO) 5, kinilala ang nadakip na  si Dioscoro Dickyam Sy, 64, ng Brgy. Nagarao, Placer, Masbate. Nadakip ang suspek sa isang buy-bust sa Barangay Daanglungsod ng nabanggit na lugar ng mga tauhan ng Regional Intelligence Division (RID) 5 at Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 5 bandang alas-7:00 sa pangunguna ni P/Major Aldin Orquita. Nakumpiska sa suspek ang (1)…

Read More

ARMAS, BALA ‘KOLEKSIYON’ LANG; LALAKI KINASUHAN

baril12

(NI FRANCIS SORIANO) PORMAL nang sinampahan ng kasong illegal possession of fire arms and ammunation (Violation of R.A. 10591) sa city prosecutors office ang  isang drug surrenderer matapos makumpiskahan ng samot-saring  baril at bala sa kanyang tahanan. Ayon kay  PSSUPT David Nicolas Poklay,  Chief of Police ng Valenzuela PNP,  pinasok ng operatiba na armando ng search warrant ang bahay ng suspek na si Ariel R. Alberto, 48, sa 7-E Roberto St., Sitio Sto. Rosario, Barangay Maysan, Valenzuela City. Dito ay nakumpiska ang isang 12 gauge armscor shotgun, isang cal. 22 rifle, apat na cal. 38…

Read More

ARMAS NAKUMPISKA SA BAHAY NG TSERMAN

batangas1

(NI NILOU DEL CARMEN) TATLONG matataas na kalibreng baril ang nakumpiska sa bahay ng isang barangay chair  sa Lipa City, Batangas, nitong Huwebes. Batay sa report ng Lipa City police, sa bisa ng seach warrant mula sa RTC, Sta. Cruz, Laguna, isinagawa ng mga tauhan ng Batangas Provincial Police Office at mga operatiba ng Provincial Intelligence Branch ang raid sa bahay ni Barangay Chairman Carlito Latayan sa Bulacnin dakong alas-5:00 ng hapon. Nakumpiska sa paghahalughog sa tahanan nito ang isang M16 rifle, isang kalibre .45, at isang M14 rifle. Wala…

Read More

3 DAY CHECKPOINT: 45 HULI, 47 ARMAS, 311 PATALIM NABAWI

CHECKPOINT by RAFAEL TABOY

(NI CARL REFORSADO/PHOTO BY RAFAEL TABOY) UMAABOT na sa 45 katao ang naaresto habang 47 ibat ibang kalibre ng baril ang nasamsam sa unang tatlong araw mula ng simulan ang implemantasyon ng Commission on Election (Comelec) gun ban ng Philippine National Police para sa 2019 mid-term election simula noong Enero 1. Base sa datos na ibinigay ng PNP National Election Monitoring and Action center (NEMAC), umaabot sa 6,264 na mga checkpoints ang inilatag sa iba’t ibang strategic area  sa buong bansa simula noong Martes ng madaling araw kung saan nakakumpiska…

Read More