WALA AKONG DAPAT IPALIWANAG SA KANILA — ARJO

arjomaine12

ang kulit ni Lolit(NI LOLIT SOLIS)

SPECIAL guest pala namin ni Cristy Fermin si Sylvia Sanchez sa online show

namin kahapon at base sa mga sagot niya parang sina Arjo Atayde at Maine Mendoza na nga talaga.

Masaya raw siya para sa anak niya dahil nakikita niyang masayang-masaya ito kapag kasama si Maine.

Ipinakilala na nga raw sa kanya si Maine at magaaan daw ang loob niya. Mabait na bata raw si Maine at magalang, kaya gusto niya ito para sa kanyang anak.

Ang laki raw nang ipinagbago ni Arjo magmula nang dumating si Maine sa buhay niya.

Nakikita raw niyang good influence talaga si Maine kay Arjo kaya botong-boto siya rito.

May mangilang-ngilan pa ring namba-bash sa kanila, pero bilib daw siya kung paano ito dedmahin ni Arjo.

“Bilib nga ako diyan sa anak ko eh. King of deadma siya talaga. Hindi siya apektado at hindi na lang niya ito pinapansin.

“Sabi niya kasi, ‘wala akong dapat ipaliwanag sa kanila, dahil buhay ko to. Ako ang magdi-decide para sa buhay ko. Choice ko to,” sabi raw ni Arjo sa kanya.

“Kaya yun ang gusto kong ituro sa akin ni Arjo, kung paano man-deadma sa mga bashers talaga.  “Malaking bagay din kasing masaya siya sa relasyon nila ni Maine,” sabi pa ni Sylvia.

 

Please follow and like us:
Read More

MAY ‘SOMETHING’ NA KINA MAINE, ARJO

maine245

ang kulit ni Lolit(NI LOLIT SOLIS)

ALAM n’yo, ang bongga na talaga ng mga fans ngayon!

Noong kapanahunan nina Nora Aunor at Vilma Santos, hanggang sa pagtili sa mga idol nila, pagbantay sa shooting at sa lahat na mga lakad nila.

Minsan, nagtitiyagang maghintay sa labas ng bahay nila at sunud-sunuran sila sa mga artistang hinahangaan nila.

‘Di ba nung nakatira pa si Nora sa bahay niya sa Valencia, hindi talaga nawawala ang tao sa labas ng bahay dahil nagtitiyagang maghintay sa paglabas ng aktres at pag-uwi naman niya galing sa shooting o ano mang lakad niya.

Ngayon iba na talaga!

Ang yayaman ng mga fans at sila na ang sinusunod ng mga artistang hinahangaan nila.

Nanibago ako at parang di ako sanay na ganito na ang kalakaran!

Itong kaso lang ng AlDub nation na talagang gumagastos sila nang bonggang-bongga para kina Alden Richards at Maine Mendoza.

‘Di ba nitong nakaraang weekend lang magkasunod na nagpa-party ang mga fans ni Maine    na hindi lang basta simpleng party ha?

May banda, bongga ang catering at pati cakes ang bubongga.

Two months ago pa ang birthday ni Maine, pero hanggang ngayon panay ang pa-party nila.

Noong nakaraang Biyernes, May 3 sa Sequioa Hotel sila at doon nga medyo emotional si Maine na nagpasalamat sa mga fans niya kahit alam niyang marami na raw sa mga fans niya ang tumalikod sa kanya.

Nag-trending yun dahil sa marami pa rin naman talagang mga fans si Maine at Alden na tanggap na kahit marami na ang nabago sa kanila.

Noong Sabado naman ay may pa-party uli kay Maine na ginanap naman sa Cities Events Place sa Quezon City din.

Bongga rin ang party na yun na Havana night ang theme na mala-boho ang motif.

Ang saya-saya ni Maine dun kasi kasama niya si Arjo Atayde.

Tanggap naman ng mga fans si Arjo na nagpaunlak pa nga ng kanta sa bandang nag-perform dun.

Nagtitilian pa rin mga fans nang nakita nilang  sweet ng dalawa.

‘Di ba nag-trending ang kuha nilang video na umalis silang nakaakbay si Arjo at nakahawak naman si Maine sa baywang ni Arjo.

Diyos ko day! Hindi na ‘exclusively dating’ yun ha?

May something na talaga at masaya silang dalawa.

Kaya tanggap naman ng mga fans ang piniling relasyon ni Maine at sabi nga niya, marami na raw na bago sa kanilang personal na buhay, nagpapasalamat siyang nandiyan ang mga fans na patuloy na sumusuporta sa kanya.

Kaya masaya na tayo para kay Maine at kay Alden na rin siyempre na tapos na ang shooting nila sa Hongkong ng pelikula nila ni Kathryn Bernardo na Hello, Love Goodbye.

SUPER TEKLA TINABLAN KAY KIM

Marami pa rin pala ang tumataas ang kilay sa desisyon ni Kim Domingo na

titigil na siya sa pagpapa-sexy.

Kasi ang sabi ng mga bakla, hindi pa nga siya nakilala nang husto, hindi pa nga bumongga ang career niya, tumigil na sa pagpapa-sexy.

Kumbaga, wala pa siyang napatuatunayan sa pagiging aktres, nag-iinarte na raw.

Sabi naman ni Kim, hindi na raw siya talaga masaya kaya kahit ano pang gusto nilang sabihin, kung hindi man sila kumbinsido sa desisyon niyang iyun, okay lang.

Mabuti naman at nirespeto ng GMA 7 ang desisyon niya at hindi na siya pinilit na magpa-sexy sa Bubble Gang.

Siya ang pinaka-sexy sa lahat dun sa Bubble Gang, pero naka-one piece lang ang puwede niyang gawin sa summer episode nila.

Tapos kahit underwear ang ini-endorse niya sa Bench, rumampa siyang naka-one piece din at may takip pa yung bandang taas niya.

Natatawa nga si Kim na kinuwento sa mga reporters na magmula nang mag-decide siyang tumigil sa pagpapa-sexy, nabawasan na raw ang mga indecent proposals sa kanya.

Sabi naman niya kahit nung nagmu-model pa lang siya ang dami nang offers sa kanya, at lalo nang naging artista siya. Pero ngayong pa-wholesome na siya, nabawasan na raw.

Gusto na lang daw niyang mag-focus sa acting at talagang nag-aaral daw siya ng tamang acting para ipakita sa lahat na isa siyang aktres, hindi sexy star!

Deadma na lang daw siya sa ibang di naniniwala sa desisyon niyang iyun. Basta magpaka-aktres na raw siya at hindi na ilantad ang maganda niyang katawan.

Partner si Kim ni Super Tekla sa pelikula nilang Kiko en Lala ng Backyard Productions.

Eh di ba hindi naman bading si Super Tekla? Hindi maiwasang nag-iinit pa rin siya sa kaseksihan ni Kim.

Tinatablan nga siya sa mga intimate scenes nila ni Kim, kasi lalaki siya ang isang karakter na ginagampanan niya sa pelikulang iyun.

Laugh na lang nang laugh si Kim!

Please follow and like us:
Read More

ARJO ‘NO COMMENT’ ‘PAG SI MAINE ANG TOPIC; FAM SOBRANG BLESSED

ARJO10

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

DAHIL isa nga si Maine Mendoza sa nangunguna sa listahan ng netizens para gumanap na Darna, nahingan namin si Arjo Atayde ng reaksyon tungkol dito sa thanksgiving lunch with the press ng kanyang pamilya last Tuesday.

Isang maikling “no comment” lang ang sagot ni Arjo.

Actually, lahat ng itanong na personal matters sa aktor ay puro “no comment” ang sagot niya.

Ayaw din niyang mag-comment sa pagkaka-link ni Ria kay JM de Guzman pero when asked kung gusto niya itong makasama sa isang pelikula, mabilis naman siyang umoo.

“Oo, pinag-uusapan namin ‘yun,” sey niya.

Ka-batchmate raw niya si JM and mataas daw ang respeto niya sa aktor.

Hindi pa raw sila nagkakasama ever, at aniya, “pero we talked recently and we’re actually thinking of being together in a film. Why not?”

Samantala, sobrang thankful ng pamilya Atayde sa mga sunod-sunod na blessings na dumadating sa kanila lalo na nga sa mga showbiz career ngayon nina Sylvia, Arjo and Ria.

Si Arjo, showing na kahapon ang Stranded movie nila ni Jessy Mendiola kung saan ay siya ang lead actor. Bida rin siya sa digital series ng Dreamscape Digital na Bagman na napapanood naman sa iWant at kasama rin siya sa The General’s Daughter drama series with Angel Locsin.

Si Sylvia naman ay kapapanalo lang ng Best Actress sa recently-concluded 5th Sinag Maynila Film Festival’s Gabi ng Parangal para sa pelikula niyang Jesusa. May upcoming drama series din siya sa ABS-CBN, ang Project Kapalaran with JM and Arci Munos.

Si Ria ay kasama naman sa pinag-uusapang teleseryeng Halik with Jericho Rosales, Sam Milby, Yen Santos and Yam Concepcion na malapit nang magtapos.

 

 

‘DI DISQUALIFIED KAHIT “GUILTY”

 

Nagpatawag ng presscon si action star and former Laguna Governor na si EJ Ejercito para linawing hindi siya disqualified na tumakbo bilang Gobernador muli ng probinsiya sa darating na eleksyon ngayong Mayo.

Ito ay sa kabila ng “guilty” ruling sa kanya ng Sandiganbayan sa kasong graft kaugnay ng pinasok niyang insurance deal in 2009 noong panahong Mayor pa siya ng Pagsanjan, Laguna.

“Former Laguna governor Emilio Ramon ‘ER’ Ejercito can run for governor of Laguna this 2019. He is not disqualified to run because the decision of the Sandiganbayan is not final and executory,” pahayag ng abogado ni ER na si Larry Gadon.

Ayon kay ER, fake news ang lumabas na disqualified siyang tumakbo.

Sa kasalukuyan ay naghain na ng motion for reconsideration ang kampo ng aktor sa Sandiganbayan at nagpiyansa na nagkakahalaga ng P30,600.00.

Pahayag pa ni ER ang Supreme Court ang makapagsasabi kung hindi na siya pwedeng tumakbo sa May elections.

Pagdidiin pa ni ER, wala siyang ginawang corruption at ang sinasabing insurance deal na pinasok niya ay accident protection para sa mga turista at namamangka sa Pagsanjan Falls. Isa raw itong magandang intensyon on his end at wala raw itong anomalya.

Ayon pa kay ER, tuloy na tuloy ang kanyang pagtakbo as Laguna Govenor at suportado raw ni Pres. Rodrigo Duterte at anak nitong si Mayor Sara.

Please follow and like us:
Read More

MAY HIT MOVIE NA BA ANG BOYFRIEND NI MAINE?

arjo12

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

MAY nagtatanong sa amin, “may nagawa na bang hit movie ang boyfriend ni Maine Mendoza”?

Admitted naman iyon. Maaaring may nagsasabi ngang mahusay namang artista si Arjo Atayde, pero mukhang wala pa nga yatang pelikulang kumikita na siya ang bida. Iyon namang huli niyang ginawa, hindi naman inilabas sa sinehan eh, dina-download lang sa cellphone at computers. Kailangan pa ngang makagawa si Arjo ng isang hit movie na masasabi niyang kanya.

Puwede naman siguro iyon. Iyon nga lang, kailangang hanapin muna nila ang listahan ni KC Guerrero ng mga director na wala pang kumitang pelikula para maiwasan nila, baka matangay pa siya sa kamalasan.

 

 SI JM DE GUZMAN NAGPAREHAB NAGBAGO; PAANO NA ANG IBA?

Nakakainis na iyang ilang araw nang paulit-ulit na naririnig namin iyang sinasabing 31 mga artistang gumagamit at posibleng nagtutulak din daw ng droga. Eh bakit nga ba hindi pa ilabas kung sino man iyang 31 na iyan para matapos na. Una, matatapos na iyong hulaan kung totoo nga bang mayroong ganyang listahan o wala.

May nagdududa na ngayon na iyang listahan na iyan ay suntok lang sa buwan. Sinasabi nila may 31 sila sa listahan pero hindi nila mailabas kung sino? Ano ang kaibahan niyang 31 artistang iyan doon sa listahan ng 46 na narco politicians na inilabas nila? Naghihintay ba sila na si Presidente Digong pa ang mag-announce niyan para makapagtago sila sa likod ng “presidential immunity”?

Hindi na bago iyang listahang iyan, natatandaan namin late eighties pa sinasabi na noon ni Senador Tito Sotto, na noon ay vice mayor pa lang ng Quezon City, na may listahan siya ng 51 mga artistang gumagamit ng droga. Noon pa man, sinasabi na nila kakausapin muna ang mga artista para magbago, at kung hindi at saka gagawan ng aksiyong legal, eh ilan bang artista ang nagpa-rehab nang kusa?

Iyang si JM de Guzman, nagpa-rehab nang kusa, pero nasaan na iyong iba?

Bakit parang takot na takot sila sa mga artistang addict kung talagang mayroon nga silang listahan. Natakot sila sa mga artistang addict, hindi sila natakot doon sa mga mayor at governor na inakusahan nila. Kung talagang lalabanan natin ang droga, wala na tayong pipiliin, artista man, pulitiko, negosyante at kahit na sino ka pang pilato.

Ang sinasabi ni director Aaron Aquino ng PDEA ngayon, “tumigil na kayo sa bisyo”. Para bang sinasabi, hindi namin kayo mahuli, magpahuli na lang kayo. Hindi ganoon. Kung may listahan kayo, siguruhin ninyo ang bintang ninyo at sampahan na ng kaso iyang mga addict na iyan.

Problema rin ng industriya iyang mga iyan. Darating sa taping bangag, makakapagtrabaho pa ba iyan? Pagdating ng gabi bangag at laklak, ano mangyayari?

 

MABILI ANG SEX VIDEO NG MALE ATHLETE NA “CLOSE TO YOU” KAHIT P500 PER KOPYA

 

Tito KC,  naging hit pala ang sex video ng isang model athlete na kumalat sa internet. Ngayon daw ang bentahan noon ay 500 piso ang kopya, sa iyo pa ang gagamiting flashdrive.

Kung iisipin mahal naman iyon dahil 25 minutes lang ang full video. Pero dahil sumali nga siya sa isang tv show, aba eh may nagda-download na nga raw noon sa isang mall, pero 500 ang bayad. Ang mahal naman.

Pero ganoon talaga ang pinoy eh. Hindi naman iyong sex video ang hinahabol nila roon kung di iyong masabi nila sa tsismis na napanood nila iyon. May alam kaming may clear copy.

 

Please follow and like us:
Read More

MAINE ABSENT SA EB DAHIL KAY ARJO?

arjomaine12

(NI ED DE LEON)

AYAW sana naming diretsahin Tito Kc dahil paniwala namin, noong masalubong namin sina Maine Mendoza at Arjo Atayde doon sa Star City, private moments naman nila iyon. Pero mayroon silang mga fans, na ang tawag sa sarili nila ay ArMaine, na nag-post din sa social media na nakita sila.

May issue nga kasi na hindi nakakasipot si Maine maski na sa Eat Bulaga “dahil masyado siyang busy” eh tapos nga kung makikitang ganoon na panay lang pala ang pasyal, baka masama ang isipin ng mga tao.

In fairness naman, kung minsan at ganoon na lang nang ganoon ang ginagawa mo araw-araw, nagsasawa ka rin. Naghahanap ka rin ng diversion kaya kailangan mamasyal naman. Maglakwatsa rin naman. Maski kami nararanasan namin iyang ganyan eh, iyon pa kayang gaya nina Maine at Arjo na mga bata pa at natural na naghahanap ng kasayahan.

 

Please follow and like us:
Read More

EVERYTHING IS SO OVERWHELMING –ARJO

arjo123

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

ARJO Atayde is having the best of both worlds nowadays dahil ang gaganda ng nangyayari ngayon sa buhay niya, mapa-personal man o mapa-career.
Sa kanyang career, heto’t after 7 years na pagsusuporta sa mga lead stars, finally ay nabigyan na siya ng pagkakataong magbida sa digital series na Bagman ng Iwant, Dreamscape Digital at Rein Entertainment.

Sa kanyang love life naman, well, hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na masaya silang nagmamahalan ni Maine Mendoza na recently nga ay very proud na ring umamin sa buong mundo that they’re
dating at inisa-isa pa ang mga dahilan kung bakit siya nagustuhan.

Sa presscon nga ng Bagman ay natanong si Arjo kung ano ang feelings niya sa pag-amin ni Maine at aniya ay sobrang saya niya. “Masaya po ako ako. I’m very, very, very happy, I’m
contented,” sey ni Arjo.

When asked kung napag-usapan ba nila ang bagay na ito bago
ilabas ni Maine sa kanyang blog at ayon kay Arjo ay hindi raw at
personal decision daw ito ng dalaga. Kahit nga sa gitna ng kaligayahan niya ngayon ay may mga
bashers pa rin, ayon sa aktor ay hindi raw ito mahalaga. “I am, very, very happy and I think, that’s what matters now.

My career, ABS-CBN is taking care of me, my personal life is good, my family is fine, they’re all very good, so I’m very happy. Kontento po ako ngayon, sobra,” pahayag pa ni Arjo. At kahit nga maraming bashers, talaga namang ipinaglaban din ni Arjo si Maine at sey nga niya nang mahingan ng komento tungkol dito, “as I’ve said last time, she’s worth fighting for, so dedma na lang siguro. I’m happy nga, eh, tulad nga po ng sinabi ko kanina,
kontento na po ako.I’m just really happy, and I see her happy, and I think it’s all that matters to me.”

Diretsong natanong din si Arjo kung siya baa ng dahilan ng pagkabuwag ng AlDub (Alden Richards and Yaya Dub) loveteam, at ayon sa aktor, “ay hindi ko po alam ‘yun, but I’m on a personal side. ‘Yun
lang po ang masasabi ko.”

Samantala, sobrang proud si Arjo sa Bagman kung saan ay gumaganap siya bilang isang ordinary ngunit madiskarteng barbero na kumakayod para sa pamilya subalit naipit sa isang illegal na gawain
para mabuhay ang kanyang pamilya.

Sobrang intense raw ng mga eksena ni Arjo and the whole series itself, ayon na rin sa direktor ng serye na si Shugo Praico at  mga co-stars ng aktor na sina Yayo Aguila, Allan Paule, Chanel Latorre at
Raymond Bagatsing.

“Everything is surreal, everything is overwhelming,” pagtatapos ni Arjo. Ang Bagman ay may 12 episodes at ang first six episodes nito ay magiging available sa iWant nang libre simula Marso 20. Tatlong
episodes naman ang mapapanood sa Marso 27, at ang huling tatlong episodes naman sa Abril 3.

 

 

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

ARJO KAY MAINE: SHE’S WORTH FIGHTING FOR!

arjomaine12

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

EXCLUSIVELY dating na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde ngayon. Nagsimulang makaranas ng online bashing ang aktor sa social media mula nang maugnay sa dalaga. Para kay Arjo ay wala nang makapipigil sa
kanyang tunay na hangarin kay Maine dahil pareho silang masaya rito.

“Masaya po ako, we’re exclusively dating. Nando’n pa lang po kami. She’s worth fighting for. I’m just really happy and I see her happy. I think that’s all that matters to me,” bungad ni Arjo.

Hanggang maaari ay gusto na lamang daw gawing pribado ni Arjo kung ano man ang tunay na namamagitan sa kanila ni Maine. “Having the freedom of posting doesn’t make us post even more. Kasi for us, I don’t think
basehan ‘yung relationship, ang pag-post nang pag-post (sa social media). We want it private as much as we can. Di ko naman sinasabing private tayo. But of course, ang sa amin, what you see is what you get
naman,” paliwanag ng aktor.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto muling makatrabaho ng binata si Maine. Matatandaang unang nagkasama ang dalawa sa pelikulang ‘Jack Em Popoy: The Puliscredibles’ na kalahok sa Metro Manila Film Festival
2018. Sa nasabing proyekto rin nagkakilala at naging magkaibigan sina Maine at Arjo. “Of course. I would love to work with her. Pero now, huwag po muna, saka na po when the time is right. But of course, I’m
looking forward to working with her, definitely,” pagtatapos niya. -Reports from JCC-

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

ARJO ATAYDE BIDA SA BAGONG ACTION SERIES

red(NI ISAH V. RED)

SOBRANG mapagpakumbaba itong anak ng aktres na si Sylvia Sanchez. Labis ang papuri ng mga manunulat kay Arjo Atayde sa prescon ng Bagman nung Miyerkoles ng gabi sa ABS-CBN kasama ang iba nyang co-stars na
ipapalabas on line via iWant, and digital service ng Kapamilya.

In all humility, sinabi ni Arjo na natutwa sya at napapansin ng mga manunulat ang mga ginagawa nya sa mga serye, pati na rin ang mga kasama nyang artista sa lahat ng seryeng nilabasan nya.

Nguni’t hindi nya tahasang inaamin na talagang magaling syang actor, Napapanood pa rin ang binata sa Kapamilya series na The General’s Daughter kung saan puring-puri sa kanya ang co-star at batikang artista na si Maricel
Soriano. Sabi nya patungkol sa papel na ginagampanan nya sa Bagman,”Wildest role I’ve ever done.”

Si Arjo, dito sa serye na dinirek ni Shugo Praico at prinodyus ni Lino Cayetano,  ng Rein Entertaiment para sa Dreamscape Digital, isang barbero (Benjie Malaya)
na nahikayat na maging isang bagman ng isang politico. Kung baga, kapit na sa patalim ang karakter na ginagampanan ni Arjo dahil sa mga pangangailangan nito.

Kung ano ang kahihinatnan ng barbero sa kanyang bagong papel bilang bagman ang siya dapat na sundan sa panonood ng Bagman  simula sa Myerkoles (March 20) sa iWant for free. Anim na episodes kaagad ang
mapapanood ninyo at sa March 27 (Sabado) ang huling tatlong episodes ang inyong mapapanood.

Kasama ni Arjo sa seryeng ito sina Raymond Bagasing, Yayo Aguila,
Allan Paule, at Chanel Latorre. Sabi ni Arjo wala naman raw syang balak na maging isang action star.
“Whatever the management gives me to play in a series, I do it and I give my all. If I am doing an action series, it’s because iWant has given me the opportunity to play the lead role in Bagman.”

Sabi ng isang manunulat, napaka swerte naman nitong si Arjo. Hindi lang syan maswerte bilang isang actor, maganda rin ang tinatakbo ng kanyang love life.

Si Arjo ngayon ang sinasabing constant date ni Maine Mendoza, popular na pangalan sa kabilang istasyon. Sinasabing namatay na raw ang AlDub dahil sa pagkaka-link ni Arjo kay Yaya Dub. Pakiusap ni Arjo na sana naman maunawaan ng mga fans ni Maine ang personal nyang mga choices sa buhay. “Let’s respect her personal
choices and be happy for her for finding the things that make her happy.”

GERALD SANTOS IS BACK FOR GOOD  FROM UK

Nakabalik na pala itong si Gerald Santos mula sa UK kung saan sya’y gumanap na Thuy sa Miss Saigon UK/International Tour. Dalawang taon ding nawala si Gerald sa local music scene.

Sa May 4, magkakaroon sya ng homecoming concert sa The Theatre at
Solaire na pinamagatang  Gerald Santos: The Homecomong Concert. Si Gerald ay nakapagperform ng 553 bilang Thuy, ang karakter na ipinagkatipan ng mga magulang nya at ni Kim. Nguni’t umibig si Kim sa
isang sundalong Amerikano at nang ito ay bumalik para hanapin sya, napilitang syang kitlin ang buhay ni Thuy na handang patayin ang sundalong Amerikano para mapigilan ang nagbabadyang pagsami ni Kim sa
kanya.

Natapos na ang kontrata ni Gerald kay Cameron Mackintosh, ang producer ng Miss Saigon. Sabi nya sa mga manunulat na pumunta sa kanyang homecoming presscon sa Oriental Palace sa T. Morato ilang oras lumagag
ang eroplanong sinakyan nya mula UK, nag-apply na raw sya ng working visa sa UK at hinihintay na lang nya ang resulta. Baka daw itong linggong ito ay mayroon ng sagot.

Dagdag pa nya, meron na ring syang agent sa U.K. na maghahanap ng mga posibleng papel na gampanan nya sa West End. Nakasama na sa Miss Saigon Tour sina Aicelle Santos who played Gigi
(runner up nya sa Pinoy Pop Superstar nung 2006), Joreen Bautista na nag-alternate na Kim at si Leo Valdez bilang The Engineer. Mga panauhin din nya ang mga ito sa kanyang homecoming concert pati na si
Jake Zyrus. Gerald Santos: The Homecoming Concert is presented by Mediabiz Entertainment Production, Echo Jam and Twin M Productions International, in cooperation with Solaire Casino and Resort, Star
Events and Globaltronics. Tickets are available at TIcketWorld (02) 891 9999.

Please follow and like us:
Read More

MAINE NO BOYFRIEND SINCE BIRTH BEFORE ARJO

maine1

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

MUKHANG hindi na rin siya nakatiis, sinagot na ni Maine Mendoza ang lahat ng mga kumakalat na tsismis sa social media na ang nagsasabi naman ay mga fans din niya na aywan nga ba kung nabubuhay sa ilusyon o ano. May nagsasabing totoo ang relasyon nila ni Alden, iyon nga lang may pumipigil. May nagsasabi pang ang totoo ay kasal na silang dalawa, kaya in the end sila pa rin ang makatutuluyan.

Malinaw ang sinabi ni Maine. Wala pa siyang nagiging relasyon before, at lalong hindi totoong nabuntis siya, pero aminadong minsan malaki ang tiyan. Sinabi rin niyang walang ibang nanligaw sa kanya, kaya wala siyang “sinasagot”.

Parang sinabi rin ni Maine na ang kanilang relasyon ngayon ni Arjo ay first time niya.

Hindi naman kami makapaniwala sa sinabi ng iba na magiging masama ang epekto ng mga ganyang pag-amin kay Maine, dahil sa isang social media platform, umabot sa 66.5 thousand ang nag-post ng pabor sa kanya. Iyon namang mga nag-post tungkol sa Aldub, at doon sa sinasabi nilang ika-190 weeksary ng love team ay umabot lamang sa 54 thousand. Ibig sabihin mas marami pa rin ang interesado kay Maine lang.

Siguro kaya naman ganoon ay dahil walang nangyayari sa kampo ni Alden. Ano naman ang mapag-uusapan tungkol sa kanya kasi eh wala naman siyang inaaming girlfriend niya. May sinasabi silang gagawin niyang pelikula na hindi si Maine ang leading lady, pero mukhang hindi naging interesado ang publiko doon sa sinabing makakatambal niya na dati na niyang leading lady, na ang huling pelikulang ginawa ay flop.

Siguro kung may bago ngang development sa kampo ni Alden, baka nga mas mapag-usapan naman siya.

 

Please follow and like us:
Read More

WHY ARJO? WHY NOT?–MAINE

arjomaine1

(NI GORGY RULA)

PASABOG ang ipinost ni Maine Mendoza sa kanyang blog nung kamakalawa lang.

Kasabay ng pagdiriwang ng kanyang 24th birthday, isang mahabang emote ang inilagay niya sa kanyang blog tungkol sa kanila ni Arjo Atayde.

Napakalinaw ng paliwanag ni Maine kung anong namamagitan sa kanila ni Arjo at kung ano ang kalagayan nila ni Alden Richards bilang loveteam sa Eat Bulaga.

Si Arjo ang unang nag-break ng news na exclusively dating sila ni Maine, at pinatotohanan ito ng huli.

Malinaw na ipinaliwanag sa mga fans na sana maging positibo lang at maging masaya sa kanilang idolo.

Isa na nga rito ay ang matinding bashing na ibinabato sa kanila, kay Arjo, pati sa pamilya nito.

Sabi ni Maine; “It has to stop. You may not be required to love the people around the person you idolize but I don’t think it’s too much to show them at least some respect.”

Bakit nga ba si Arjo?

“Why not?” bahagi ng sagot ni Maine sa kanyang blog.

Sabi pa niya?  “You may have listed a long list of reasons why I shouldn’t but we all know it’s made out of hatred, anger and disappointment.

“I choose not to judge his character for whatever he’s done in the past because that does not define him as a person.

“I was raised to never judge a person, to always see the goodness of people no matter how other people see them. As for Arjo, I choose to go out with him multiple times so I’d get to know him better. I don’t see anything wrong with that. I welcomed him to my life, just like what I’d do to other people.”

Malinaw ding ipinaliwanag ni Maine na talagang magkaibigan sila ni Alden. Nakikita naman ang masaya nilang samahan sa Eat Bulaga.

In fairness din kay Alden, noong nagsimulang ma-link sina Maine at Arjo, lagi namang sinasabi ng Pambansang Bae na masaya siya para sa kanyang ka-loveteam.

Hanggang sa kasalukuyan ay talaga namang magkaibigan sina Alden at Maine, at masaya sila sa ikaliligaya ng bawat isa.

Sa blog pa ring iyun ni Maine, ibinahagi niyang pormal na humarap si Arjo si pamilya ng dalaga.

“He went to our house  in Bulacan to personally talk to my parents and tell them that he has nothing but good intentions for their daughter,” sabi ni Maine.

Kaya obvious na nag-aakyat ito ng ligaw, na sa totoo lang, deserved naman ito ni Maine.

Maganda at masaya ang friendship nila ni Alden, kailangan din naman ng lalaking magpapatibok ng puso niya.

Hopefully, si Alden ay magkakaroon na rin, at sana tanggapin naman ito ng fans nila.

Masaya sina Alden at Maine sa mundo nila ng AlDub.

Nakikita ring masaya si Maine at Arjo sa kanilang mundo. Sana nga tanggapin na ito ng lahat ng mga nagmamahal kina Alden at Maine.

Sabi pa uli ni Maine; “Sadly, I cannot stay as Yaya Dub forever. This is Maine, the real me.  And this is real life. And I cannot go on with my life behind a fictional character.

“The world is big, there are so many things to do, so many places to go and so many people to meet. There are things beyond our control and sometimes we just have to let life happen and move forward.”

At ang bahagi ng mahabang mensahe niya sa mga fans; “Please do not ever let your world revolve around the loves of the people you idolize. Never let the virtual world turns you into ‘another person’.”

Ang ganda, at naging totoo lang si Maine sa lahat.

Ayaw na niyang magkunwari  pa, at baka lalabas pang nakipaglokohan lang siya sa mga tao.

 

THE FAMILY AND HER MANAGEMENT TRUST MAINE KUNG SINO MAN ANG DINI-DATE NIYA

 

Kahapon lang ay napasama ako kay Manay Lolit Solis sa isang ka-meeting niya sa Coffee Project sa Quezon City, nakita namin doon ang manager ni Maine sa Triple A o All Access to Artists, Inc. na si Rams David.

Kinulit-kulit ni Manay Lolit si Rams tungkol kay Maine.

Ang isa sa nilinaw sa amin ni Rams ay mga kabarkada raw ang kasama ni Maine na pumunta ng Taiwan. Pa-birthday daw niya iyun sa sarili kasama ang mga kaibigan, at sumama rin doon si Arjo.

Biyahe raw iyun ng grupo, hindi lang silang dalawa.

Hiningan namin ng pahayag si Rams kaugnay sa isyung ito nina Maine at Arjo.

Sabi niya;”Nirerespeto ko kung ano man ang personal na nangyayari at desisyon ni Maine.

“Si Maine ay nagtatrabaho po nang maayos bilang artista.

“Sa labas po, kung ano ang ikaliligaya niya na hindi ikapapahamak ng bata, she can do it. Kasi we trust her.

“The management, and I’m sure the family trust her kung sino man niyang lumalabas, nagdi-date, out of town, out of the country. Which is right now, she’s with the company of friends na nagbabakasyon kasi birthday niya, baka puwede naman ibigay na natin kay Maine yun, as a gift na maging masaya yung bata.

“Iyun din ang wish namin sa kabila..kay Alden. I’m sure si Alden ay may sarili ring buhay. Let us respect kung ano man yung desisyon din nung tao para sa sarili niyang buhay.

“Alden is working hard. Hanga ako kay Alden. He is part of Sunday Pinasaya, at sobrang appreciation meron kami lalo na ako, kasi he makes it a point na nandun siya pag Sabado to rehearse. At tuwang-tuwa siya  pag maganda ang nagawa niya every Sunday.

“For me, ang artista kung ano ang ginagawa niyang tama, at marespeto kang tao,  that’s it . Kung ano man magpapaligaya sa ‘yo outside showbiz, kung wala kang tatapakan at masasaktan, you can do it.

“Sa nagmamahal sa kanila maraming salamat

“Sa mga nasaktan, salamat sa pagsuporta sa kanila. At humingi kami ng pang-unawa sa kung anong present na situation nila ngayon.

“Di ba masarap ang pakiramdam  kung makita mong masaya ang isang taong minamahal mo?”

 

Please follow and like us:
Read More

ARJO INANGKIN NA SI MAINE

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

“Miercoles de Ceniza” na. Miyerkules ng Abo. Simula ng panahon ng Kwaresma. Simula ng panahon ng pagsisi at pangangako ng pagbabagong buhay para sa maraming Katoliko na bumubuo ng mahigit na 87 porsiyento ng ating bansa.

Ibig naming sabihin, aminin na ninyo ang lahat ng katotohanan. Huwag na iyong puro na lang kayo pra la la, na kahit na hindi totoo, iyon ang sinasabi ninyo dahil sa “give”.

Marami kaming naririnig, at sinasabi sa amin sa social media na kami raw ay kontrabida at nagpapalabas pa ng “fake news” nang sinasabi naming naniniwala kaming mag-syota na nga sina Maine Mendoza at Arjo Atayde. Ngayong lumabas na ang totoo, sino ang nagsusulat ng “fake news”?

Ngayon napilitan na rin si Maine na aminin mismo, “nagpunta si Arjo sa bahay namin sa Bulacan para kausapin ang aking mga magulang, at humingi ng permiso na makapanligaw sa akin”. Inamin din naman niya na nag-warning ang mga magulang niya kay Arjo, pero napatunayan noon ang kanyang malinis na hangarin, kaya maski sa mga magulang ni Maine, legal ang panliligaw ni Arjo.

Kung ang mga magulang ni Maine ay payag sa panliligaw ni Arjo, sino naman iyang mga umaapela pang iyan na gustong mabuhay sa kanilang ilusyon?

“Hindi naman puwedeng Yaya Dub na lang ako forever,” sabi pa ni Maine. Maliwanag sa kanyang statement na gusto na niyang mabuhay nang tama. Aba eh hindi ba naman totoong 2017 pa inamin na ni Maine na hindi nanliligaw sa kanya si Alden at wala silang relasyon? Bakit hanggang ngayon pinepeste ninyo si Maine? Bakit hindi si Alden ang tanungin ninyo kung sino ba ang nililigawan niya? Bakit hindi siya nanligaw kay Maine. Baka naman iba ang gusto ni Alden, tapos binuburo ninyo si Maine.

Si Arjo naman ay naglabas din ng isang statement kung saan tinawag niya si Maine na “my Maine”. Maliwanag ha, inaangkin na ni Arjo si Maine na sa kanya na. Mag-syota na sila. Huwag na kayong aapela pa. Puro “fake news” na lang ang pinagsasabi ninyo. Huwag na kayong maniwala sa inyong mga panaginip. Wala na iyang Aldub. Love team na lang iyan. Huwag na ninyong ipaglaban pa ang inyong mga pra la la. The end na iyan, at magsisi na kayo sa inyong pambobola sa publiko.

 

SANA MAY SUMIKAT PA KAGAYA NI RUDY FERNANDEZ

 

Natuwa naman kami nang makita namin ang picture ng libingan ni Rudy Fernandez, isa sa ating mga action superstars noong araw, puno iyon ng bulaklak bilang pag-alala sa kanyang birthday noong Linggo, ng kanyang pamilya, particularly ng kanyang asawa, ang aktres na si Lorna Tolentino.

Isa iyang si Rudy sa mga artistang nagtindig ng industriya, at nagsikap hanggang sa marating niya ang kasikatang kanyang tinamo. Noong panahong iyon, sinasabing si Rudy lamang ang number two kay FPJ, kaya nang halos magkasunod na nawala ang dalawa, bumagsak ang action pictures.

Marami ang nagtatangkang buhaying muli ang mga action movies. Bakit nga ba hindi eh iyong action pictures ng mga dayuhan kumikita nang malaki. Dito lang naman sa atin humina iyan nang halos magkasunod ngang mawala sina FPJ at si Rudy Fernandez.

Pero sana nga makabawi naman ang industriya ng ating pelikula. Sana may gumawa pa ng mga mahuhusay na pelikulang kagaya noong araw. Sana rin may mga artista pang sumikat kagaya ni Rudy Fernandez na totoong minahal ng masa.

Iyong iba naman kasi hindi talagang sumikat eh. Pasikat lang.

 

 

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

ALDUB FANS NABUHAYAN NG LOOB SA TWEET NI ALDEN

alden22

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

NAKAAALIW  talagang magbasa minsan ng mga comments ng mga fans. Given na given na sa amin na isa sa mga passionate o minsan over na mag-isip at analyze ay ang mga fan ng AlDub nila Alden Richards at Maine Mendoza.

Eh, nag-post si Alden sa Twitter account niya nang, “Relax… God is watching.” Yun na, kanya-kanya ng interpretasyon sa apat na words lang na tweet niya ha.

May nagpalagay agad na ang tweet daw ni Alden na yun ay para sa Aldubnation na mag-relax lang, kung may mga hindi man gustong isyu na lumalabas ngayon like Maine and Arjo Atayde, sa tweet ni Alden, may mga nabuhayan ang dugo at inisip na there’s something pa rin between Maine and Alden.

May nagsabi naman na “pa shade, hindi na lang diretsuhin. Kaya maraming delulus.” Ibig sabihin, hindi raw kasi malinaw ang mga post ni Alden kaya yung iba, can’t help na mag-ilusyon pa rin sa kanila ni Maine.

Pero ang maganda sa nabasa namin, mukhang hindi nga kasi tumitigil ang pangba-bash ng iba dahil sa pagka-against sa Maine and Arjo in real-life naman. Na kung tutuusin, labas na si Alden sa ArDub pero pilit pa rin isinisisi kay Alden ang kung anuman meron sa dalawa.

Dahil daw sa simpleng tweet ni Alden, may mga fan na kumalma na. Sabi ng isang netizen, “Kaya I’m a fan. Hindi patola. He has mastered the art of deadmalogy!”

Sayang nga lang at sa ginanap na NDAA 2018 National Digital Arts Awards sa PICC noong Martes ng gabi ay hindi na namin nahintay si Alden na isa sa mga performer.

Eh, ‘di sana, mas bongga at naitanong namin dito kung ano ang pinanggagalingan ng tweet niya na yun at kung ano talaga ang totoo sa KathDen movie.

 

****

NAMANHID ANG ANIT NI THEA DAHIL SA SABUNOT NI KRIS

 

Isang Linggo na lang at magwawakas na ang afternoon prime na “Asawa Ko Karibal Ko” ng GMA-7, after nga raw, plano muna ni Kris Bernal na harapin ang mga pinut-up niyang negosyo. Aminado itong talagang nakukuha ang oras at isip niya raw rito.

Kaya timing din daw na magtatapos na ang isa sa highest rating afternoon prime ng GMA-7 na AKKK at sasabayan na rin daw niya ng travel papuntang Japan kasama ang 2 years non-showbiz boyfriend.

 

Kasabay ng pagtatapos ng AKKK, matatapos na rin ang mga pisikalan nila ni Thea Tolentino na ayon sa dalawa, nagiging totohanan daw talaga.

Naglitanya nga si Thea na manhid na raw ang anit niya dahil sa mga sabunot na natatanggap niya sa serye nilang Asawa Ko Karibal Ko.

“Nagkakasakitan talaga kami, naaawa na nga ako sa kanya,” sabi naman ni Kris.

Ngayong isang Linggo na lang ang serye nila at magpi-finale na, tinanong namin kay Kris kung ano ang pinaka-mahirap na pinagawa sa kanya.

Ayon dito, “Kasi, sanay na ko lagi ng mga ganyang eksena. Iyakan, mga confrontation, api-apihan. Pinakamahirap siguro yung asawa mo, transgender.

“Hindi mo alam kung ano ang magiging reaction mo so for me, yun ang pinaka-mahirap imagine. Isipin mo ba na ang asawa mo, lalaking-lalaki, tapos ngayon, babaeng-babae?”

Intense nga raw ang scene kapag nalaman niya na asawa pala niya dati ang hindi niya inakalang transgender pala na karibal niya which is, played by Thea nga.

Sa totoong buhay, umamin si Kris na may napagdudahan din siya na naging karelasyon niya.

“Hindi naman bading, pero napa-isip lang ako na may chances na– jowa ng bading. Ewan ko, may pakiramdam lang din ako, tapos nakuwento-kuwento lang din.”

After na raw ng relasyon nila nang malaman niya, pero hindi na rin naman daw niya kinumpirma. Bukod pa rito, hindi na rin naman daw isyu sa kanya kung may jowa o naging jowang bading ang nakarelasyon niya.

“Eh kasi, maiintindihan ko rin naman. Malay mo, may pangangailangan,” ang bonggang sagot niya.

Kung during the relationship daw niya malaman na may kasabay siyang dyino-jowa ng boyfriend niya na bading, siguro raw ay makikipag-hiwalay siya. Pero humirit pa rin ito na depende rin daw kung mahal niya.

“Depende e, kasi kung love ko, tinutuloy ko. Pero kung ayaw niya sa akin at siya mismo ang may ayaw sa akin, okay lang. Maintindihin kasi ako. Pero kung gusto pa namin parehong ituloy ang relationship, okay lang din.”

At dahil sa mga rebelasyon na yun ni Kris, isa ang sigurado, mamahalin siya ng LGBTQ community, huh!

Sa mga naging ex-boyfriend naman niya, may ilang short-lived lang, pero pinaka-matagal daw ay si Carl Guevarra.

 

 

Please follow and like us:
Read More

RELASYONG MAINE-ARJO BUKING SA SOCIAL MEDIA

maine22

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

AY naku, ano man ang sabihin nila Tito Kc, maliwanag na talaga ang relasyon nina Maine Mendoza at Arjo Atayde. Aba ngayon ang lumalabas ay intimate pictures na noong dalawa na kung makikita mo, hindi ka na magtatanong kung ano nga ba ang relasyon nilang dalawa. Hindi na mukhang “exclusively dating” lang.

Hindi lang kagaya noong dati na puro third party lang ang naglalabas ng mga pictures nila together. Naunang naglabas si Arjo sa kanyang social media account. Hindi nagtagal naglabas na rin ng pictures si Maine na magkasama silang dalawa. Tapos ngayon ang sinasabi pa sa mga tsismis, lumabas ang mga bagong pictures na isang “dummy account” na ang totoong may ari ay si Maine din.

Maliwanag kung ganoon na kahit na nga sabihing hindi naman sila magka-love team, at walang pag-asang maging magka-love team sila dahil sila ay nasa magkalabang network, desidido sila sa kanilang relasyon. Para bang kaso nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Pero ano malay ninyo kung may isa rin sa kanilang lumipat kagaya ng ginawa ni Matteo, na lumipat sa Viva para lang makasama si Sarah?

Kami, talagang natutuwa sa ganyang mga love affairs. Kasi hindi ginagawa lang eh. Totohanan iyan. Hindi kagaya noong iba na aamin lang na mag-syota sila dahil may ipalalabas na pelikula, at pagkatapos naman noon ay wala rin. Hindi nagliligawan para lamang mapataas ang kanilang career. Nagkaroon sila ng relasyon dahil gusto nila at masaya sila sa isa’t isa.

Basta ganyan namang sitwasyon, huwag na kayong kokontra. Kung sa bagay kahit na sa mga istorya ni Walt Disney, basta nagkagustuhan na ang prinsipe at ang prinsesa, nang-aasar na ang mga bruha. Huwag naman kayong maging bruha.

 

Please follow and like us:
Read More

ARJO, MAINE LABING-LABING NA SA AURORA BOREALIS?

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

MABILIS ang mga ispekulasyon na magkasama na sa US ang “mag-syotang” sina Maine Mendoza at Arjo Atayde matapos na i-post ng huli sa kanyang social media account ang isang picture na nagpapakita sa kanyang girlfriend na nakatawa sa isang restaurant. Wala namang sinabing magkasama na sila. Nagpunta sa New York si Maine para sa promo ng isang lipstick, samantalang si Arjo naman ay naging participant sa isang concert, pero sinasabing baka nga nagkita na sila.

Nauna riyan, sinasabing balak ng dalawa na magpunta sa Alaska para masaksihan ang Aurora Borealis o iyong tinatawag na  ‘Northern Lights’.

Eh ano naman, nai-inggit kayo kaya namba-bash na naman kayo.

 

NABAWASAN NA NAMAN NG VILMANIANS

 

“Nabawasan na naman ang mga Vilmanians,” ang text sa amin ng isa naming kaibigang writer din, kasi pala namatay na noong Lunes ng hapon ang aktres-singer at producer na si Armida Syguion Reyna. Noong nabubuhay pa siya, sinasabi niyang ang napipisil niya sa mga artista ay sina Congresswoman Vilma Santos, si Susan Roces, Maricel Soriano at Dawn Zulueta.

Sa mga singers, pinupuri niya ni Lea Salonga, at noong iyon nga ay unang lumabas sa Miss Saigon, talagang dumayo siya sa London para mapanood iyon.

Si Armida ay nanungkulan din bilang chairman ng MTRCB, noong panahong presidente si Joseph Estrada, kahit na sinasabi niyang bilang alagad ng sining ay tutol siya sa anumang uri ng sensura. Noong kanyang panahon ay bina-bash siya ng ilang lider relihiyoso, na nag-rally pa sa harap ng kongreso laban sa kanya sa pamumuno ni Eddie Villanueva nang mapahintulutan ang isang pelikula ni Priscilla Almeda, iyong kontrobersiyal na Sutla.

Pero mahigpit din naman siya. Maraming mga pelikulang hindi rin niya pinalusot dahil sa labis na pagpapakita ng sex, kabilang na riyan ang pelikulang Toro. Nang mawala siya sa MTRCB, pinalitan ang title ng pelikula at ginawang Live Show, na nakalusot naman sa board sa ilalim ng pamumuno ni Nick Tiongson. Napilitan ding mag-resign si Tiongson dahil sa pressure naman ng simbahan sa presidente noon na si Gloria Macapagal Arroyo ng arsobispo ng Maynila, Jaime Cardinal Sin.

Pero bago namin makalimutan, nasabi nga pala ng kumedyanteng si Joey de Leon na “wala nang maka-quorum sa mah-jong ang ermat ko, kaya nag-last jai alai na kagabi. I love you Ma”.  May halo pa ring pagpapatawa si Joey nang ibalitang yumao na nga ang kanyang inang si Mrs.Emma Manahan Reyes de Leon sa edad na 93.

Nag-host pa rin si Joey ng kanilang noontime show, katunayan ng kasabihang ano man ang mangyari sa buhay ng isang artista, “the show must go on”.

 

MAG-ALAGA NA LANG NG ANAK ANG LAOS NA KOMEDYANTE

 

Hindi matanggap talaga ng isang kumedyante na laos na siya ngayon. May panahon kasing masyado siyang in-demand. Hits ang kanyang mga pelikula kahit na walang kuwenta, at araw-araw siyang nasa telebisyon. Ngayon hindi na ganoon. Iyong pelikula nga niya aywan kung magtatagal sa sinehan eh.

Pero mayroon talagang saturation point ang career ng mga kumedyante. Basta nagawa mo na ang lahat at hindi na natatawa sa iyo ang mga tao, it’s time to say goodbye. Dapat na nga siguro siyang mag-retire at asikasuhin na lang kung anong negosyo mayroon siya. Pwede rin siyang mag-alaga na lang ng anak niya

 

 

Please follow and like us:
Read More

ALDEN WALANG PANAHON SA MAINE-ARJO ROMANCE

AKO PA BA NI ROSE GARCIASA February 17 pa ang aktuwal na kaarawan ng muling tumatakbo para sa pagka-Senador na si Jinggoy Estrada. Pero nagkaroon na ito ng advance birthday celebration with the entertainment press kunsaan, present din ang anak niya na si Vice Mayor Janella Estrada at tumatakbo ngayon sa pagka-Mayor ng San Juan.

Dumating din ang kaibigan at tumatakbong Congressman din ng San Juan na si Edu Manzano.

Katulad ng tumatakbong Senador rin na si Bong Revilla, halatang hindi pa rin ganoon ka-kumportable si Senator Jinggoy kapag ini-interview. Hindi naman nakapagtataka dahil apat na taon din silang nakulong sa Crame at hindi biro ang pinagdaanan.

Pero ang napansin namin, mas straightforward sila ngayong sumagot. At sa part ni Senator Jinggoy, mas light at mabiro rin.

“Unang-una, yung pag-iikot ko sa buong bansa, may natutuwa at marami sa ating kababayan ang natutuwa sa pagpunta ko sa kanilang bayan at probinsiya. Pero kung ako ang tatanungin niyo kung ano ang nararamdaman ko sa darating na election, ako e, ninenerbiyos.

“Alam niyo naman ang ginawa sa amin noong nakaraang administrasyon, talagang napagkaisihan kami. Dinungisan ang aming pangalan. Kaya kailangan sigurong magsipag sa darating na kampanyahan.”

Katulad din ng nararanasan ng kanyang kaibigan na si Senator Bong, marami pa rin daw pangba-bash at pangbu-bully na natatanggap si Senator Jinggoy.

Sabi nga niya, “ Marami pa rin kasi, ayaw nilang tumigil. May iba-ibang sector who’s trying to pull us down. Modesty aside, kahit papaano, pumapasok kami sa survey, bagamat sa ginawa nila sa amin.

 

“Binabalik nila ang mga isyu laban sa amin.”

 

May kaso pa rin daw siya na still pending, pero umaasa siyang maaayos na ito. Nirerespeto rin daw niya ang opinyon ng iba laban sa kanya dahil to each his own opinion naman.

“Pero ‘wag naman yung below the belt,” saad niya.

Natawa naman ito nang tanungin kung sakali at gagawa ng pelikula, sino ang napipisil niyang maging leading lady.

“Wala na ‘kong kilala, Ha ha ha! Kilala ko, mga Sharon Cuneta.”

Pero kilala raw niya yung mga loveteams tulad nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

“Eh, panahon ko sila Sharon,” natawang sabi pa rin niya.

Pinilit namin itong magbanggit kahit isang napipisil lang niya na gusto niyang maging leading lady. Nangingiti ito habang nag-iisip.

“Eh, baka sabihin parang anak ko na,” sey niya kung sino man ang naiisip.

“Yung nakikita ko sa TV, maganda… actually, maraming maganda.”

Nang may magbanggit ng pangalan ng Kapuso star na si Kim Domingo, biglang may naalala ito at nabanggit kung paano niya nakilala ang sexy star.

“Yung dumalaw sa amin sa Crame,” tahasang sabi niya.

“Sexy pala, e,” sey niya.

Pero nilinaw rin niya na kasama ito ng manager na si Lolit Solis nang dumalaw sa kanila noon ni Bong sa Crame.

“Alam niyo, kaming dalawa lang ni Bong ang araw-araw nagkikita. At saka, mga asawa namin.”

 

Natatawang biro pa niya, “Alam niyo, dalawang tao lang ang masaya noong nakulong kami. Sina Lani (Mercado) at Precy (Ejercito) alam nila kung nasaaan kami.”

Sa ngayon, wala pa muna raw sa plano ni Senator Jinggoy ang magbalik sa showbiz tulad ng umarteng muli sa pelikula o mag-produce. Ang pulitika muna ang focused niya. Pero, sinigurado naman nito na hindi mawawala ang interes niya sa showbiz.

“Of course naman, of course naman, once an actor, always an actor,” lahad niya.

 

 

ALDEN WALANG PANAHON SA MAINE-ARJO ROMANCE

 

May mga nagtatanong kung ano raw ang pinaka-pinagkaka-abalahan ng Pambansang Bae na si Alden Richards ngayon aside of course, sa araw-araw nitong Eat Bulaga at tuwing Linggo na Sunday PinaSaya.

Kung pina-follow ng karamihan si Alden sa mga social media accounts niya, doon makikita kung saan ngayon naka-concentrate ang actor– ito ay ang pagiging businessman niya.

Very obvious kung gaano ka-kuntento at ka-positibo si Alden sa buhay niya ngayon. Para bang ngayon niya ine-enjoy talaga ang bunga ng mga pagsisipag, lagare at talaga namang pagsusumikap niya ng halos kulang sampung taon sa showbiz.

Hindi maikakaila ang excitement na ni Alden sa nalalapit na pagbubukas ng sarili niyang branch ng McDo sa Sta. Rosa, Laguna. Bukod pa sa mga nauna na niyang restaurant, tulad ng ilang branch ng Concha’s Garden.

Pero dahil hindi pa naman nagsisimula sa alam naming may naka-plano namang talagang teleserye sa kanya ang GMA network this year, aside pa sa alam namin na may gagawin din siyang pelikula this year, ngayon nagagawa ni Alden na matanggap ang mga inquiries sa kanya noon pa sa ilang out-of-town shows at out-of-the country shows.

Yung sa ibang bansa, plantsado na kasi yun sa second quarter ng taon.

Kaya balanse ang mga ginagawa ni Alden ngayon since he also needssome time for his businesses na hindi biro ang laki tulad nga ng sariling McDo branch.

Naisip tuloy namin ang twitter post niya last month na, “It’s all about balance…”

Sa sobrang pagka-positibo ng mindset ni Alden ngayon with regards to work and businesses, sorry na nga lang siguro sa ilang bashers o fans daw na kahit kung tutuusin, wala ng kinalaman si Alden sa isyu between Maine Mendoza and Arjo Atayde, pero pilit pa rin siyang idinadawit at bina-bash, e, never itong pumatol.

Sa halip na mag-tweet o pumatol, mababasa pa sa mga tweet niya ay puro pasasalamat at positivity.

Pero may tweet ito na general lang kaya o may pinaghuhugutan na, “You don’t need approval” sa pinost na quote na, ‘Be a good person, but don’t waste time to prove it.’

Please follow and like us:
Read More

PELIKULA NI ROBIN, ARJO LAGAPAK SA TAKILYA

robin200

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

MALAS ba ang taon ng “baboy” sa industriya ng pelikulang Pilipino? Aba hindi naman daw ganoon sabi ng aming kaibigang si Madam X, basta huwag lang bababuyin ang pagkakagawa at pagpo-promote ng pelikulang Pilipino.

Naitanong namin iyong kaibigan naming manghuhula at feng sui guru dahil mukhang baboy na baboy ang pelikulang Pilipino sa takilya simula noong pumasok ang taong ito. Unang bagsakan pa lang eh, na-tokwa iyong pelikula ni Jose Manalo, na pagkatapos ng ilang araw pinalitan noong Jack Em Popoy na kumita na noong festival. Inalat din nang husto iyong pelikula nina McCoy de Leon at Elisse Joson. Kasi masyado naman silang tiwala na kaya na ng mga baguhang ganyan na magdala ng pelikula. Ang gustong mapanood ng mga tao stars.

Isipin ninyo, may balita pang mga senior citizens daw na libre na ngang pumasok sa sine, nag-walk out pa sa kalagitnaan ng pelikula “dahil wala raw silang nakitang artista”.

Ito namang linggong ito, balibag si Robin Padilla. Balibag din ni Arjo Atayde. Pero hindi dapat na magsaya ang mga “dilaw” na nag-boycott kay Robin, o iyong Aldub na nag-boycott kay Arjo dahil sa tingin namin talagang hindi kikita iyan kahit na hindi sila nag-boycott.

Iyon din namang pelikula nina Gelli de Belen at Ariel Rivera, mukhang ilang piso lang ang kinita. Kasi piso na nga lang sinikreto pa eh.

Kung kami ang tatanungin, palpak kasi ang promo ng kanilang mga pelikula. Basta na lang sumulpot nang ni hindi nabalitaan ng mga tao na ginagawa pala o kung papaano ginawa. Noong araw, nagsisimula pa lang ang pelikula, may press visit na sa first shooting day. Maya’t maya nai-interview ang mga artista kung ano na ang nangyayari sa pelikula. Eh ngayon parang ayaw pang ipakausap sa press ang mga artista eh, kaya pagkatapos ng presscon, itinatakbo na papalabas ng mga handlers nila.

Iyong iba namang producers, ni ayaw gumastos sa ads. Ipinalalabas na lang ang kanilang ad layout nang libre sa Facebook. Mabuti nga hindi pa nabubuko ng Facebook na ginagamit sila sa free rides eh, kung hindi aalisin iyan ng Facebook. Hindi rin kaya ng mga bloggers lang. Sino ba ang seseryoso sa sinasabi ng mga taong hindi naman nila kilala at umaakto pang akala mo kritiko ng pelikula? Ano ba ang nalalaman ng mga iyan?

Habang pati promo ay kinukuripot nila, kagaya rin ng production budget ng mga ginagawa nilang indie, hindi kikita ang mga pelikula nila.

*****

Buntis na naman pala si Andi Eigenmann, at ang tatay ay ang boyfriend niya ngayon si Philmar Alipayo. Si Andi naman mismo ang naglabas ng balitang iyan at mukha ngang magli-live in na sila nang tuluyan ng kanyang boyfriend, dahil may sinasabi siyang lilipat na sila sa kanilang bagong bahay.

Iyong anak na panganay ni Andi, si Ellie, ay anak naman niya kay Jake Ejercito.

Please follow and like us:
Read More

MAINE MAGPAPA-BLOCK SCREENING PARA KAY ARJO

maine

suri(NI The First NOEL FERRER)

NOONG una ay usap-usapan kung dadalo ba mamayang gabi si Maine Mendoza sa premiere night ng pelikula ng ka-exclusive date niyang si Arjo Atayde. Maganda naman kasing gesture yung makita sila sa publiko na magkasama na at walang itinatago.

Ngunit may mas maganda pa palang gagawin si Maine bilang pagsuporta sa partner niya. Magpapablock screening pala ito, hindi lang minsan kundi maraming beses kasama ang iba’t-ibang grupo.

Sabi tuloy ng mga kasama natin sa panulat, “Bongga, hindi sa libreng premiere night pupunta pero tutulong pa sa box office results ng pelikula ng mahal niya.”

So, kahit na wala si Maine, may sarili siyang ayuda kay Arjo. Ang asawa ni Joross ay aattend. Ang long time girlfriend ni Ketchup ay exempted naman dahil nagdadalantao. Si Luis Manzano kaya aattend for Jessy?

Abangan natin, kasabay ng pag aabang kung aattend si Presidente Digong sa premiere ng BATO.
And I thank you!

Please follow and like us:
Read More

ARJO PIKON NA SA MGA BASHERS

(NI GORGY RULA)

MAAARING napuno na rin si Arjo Atayde dahil sa mga natatanggap nyang bashing, kaya nagsalita na rin siya sa relasyon nila ni Maine Mendoza.

Ayaw lang niya sanang isakay ito sa promo ng pelikula nilang ‘Tol na magsu-showing na sa January 30, pero patuloy ang pangungulit sa kanya tungkol sa kanila ni Maine.

Deretsahan namin siyang tinanong kung sila na ba ni Maine.

Kaagad namang sumagot si Arjo ng; “No, but we are exclusively dating, and I’m the happiest right now. Hanggang dun na lang po muna.”

Sinundan namin ng tanong kung ano ang nagustuhan niya kay Maine.

“Everything. I’m just really happy,” matipid niyang sagot.

“Yes,” lang din ang sagot niya nang tinanong uli namin kung si Maine nga ba ang nagpapasaya sa puso niya.

Mukha namang in love na in love ang Kapamilya actor, pero ayaw lang niya masyadong pag-usapan ang relasyon nila ni Maine dahil personal na raw nila iyun, Hindi raw nila hinahalo sa trabaho.

Hindi nga nila pinag-uusapan ang kanilang showbiz career, at wala rin sa isip niyang magbida silang dalawa sa isang pelikula.

“This is the personal level. This is not the showbiz thing.

“This is on the personal level. We haven’t talked about that. If ever…thank You Lord. But, if we don’t, it doesn’t really matter. Because what matters to me is the personal side, and that’s all I can say,” saad ni Arjo.

Tinanong nga rin siya kung posible rin bang magsama sila ni Alden Richards sa isang movie project.

“I’m open to working with anyone. I already said this a lot of time. Wala po akong pinipiling artista.

“If the production thinks or the bosses think that the character fits the role, that’s how I am.

“I’ve been working my ass for seven years, and I’ve been working all these actors left and right, and I have no say, and I’m just very thankful dahil ang mga binibigay sa akin na makatrabaho ko mahuhusay.

“So, I’m learning that way and I’m happy,” hanash ni Arjo.

Ang isa lang sa ikinapikon nang husto ni Arjo ay ang natatanggap niyang bashing, pati si Maine at lalo na ang kanyang pamilya.

Kaya nagsalita na rin ito para sa mga bashers na balak niyang idemanda kapag ma-trackdown lang daw niya kung sino ang mga ito.

Matatanggap naman daw ni Arjo kung siya lang ang inaalipusta sa social media, pero kung pati si Maine, lalo na ang pamilya niya, ibang usapan na raw iyun.

Hinahamon niya ang mga ito na sabihin lang ito sa harapan niya.

“For me, to insult me is fine. I’m a very passive person. But to insult my family and Maine…sabi ko nga sa social media, I let it go wala akong kalaban diyan eh. Do it in front of me, I’m sure I’m gonna hit the hell out of you.

“I don’t know how to get mad. I don’t know how to disrespectful people. I despise disrespectful people.

“If they disrespect me, it’s fine ‘tho. But for my family to get affected, for Maine to  be disrespected like anything, that’s not okay with me.

“But infront of me, try it. I dare you guys. I dare you!” deretsong pahayag ni Arjo.

Kaya nga naiyak na si Ria Atayde sa interview sa kanya ni Kuya Boy Abunda dahil matindi na ang natatanggap nilang bashing, meron pang death threats at pagbintangan pa silang ginagamit si Maine para lang magkatrabaho.

Kaya sabi pa ni Arjo; “I’m tracking you guys down.

“I’m connected with the police…to the people who are insulting me directly, I’m gonna sue you. I’m not scared of anyone.

“Please respect my family, or Maine if you guys don’t wanna be… they’re very disrespectful.”

* * * *

 

Sa January 30 na pala ang showing ng ‘Tol at makakasabay nito ang isa pang comedy film na Sikreto ng Piso.

Pero may isa pang pinipilit na tapusin, ang biopic ni Gen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa na sa araw ding iyun ang tinatarget na showing.

Nung Miyerkules, January 23 ang last shooting day  na kinunan sa Mandaluyong.

May presscon na nga sila kinabukasan. Kaya aalamin pa kung nagpakalbo ba talaga si Robin.

Sa mga huling post niya kasi may buhok pa rin siya.

Ang isa sa nakakaaliw sa pelikulang ito ay merong mga gumanap bilang si Pres, Rodrigo Duterte at si Bong Go.

Ang pagkakaalam ko, si Beauty Gonzales ang gumanap na asawa niya, pero may ilan pang kilalang personalidad na mapapanood sa pelikulang iyun.

Kaya matindi ang bakbakan ng tatlong pelikulang sabay sabay na magsu-showing sa January 30.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

ARJO NAG-PALPITATE KAY MARICEL

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

Noong Lunes ay nagsimula na sa Primetime Bida block ng ABS-CBN ang teleseryeng The General’s Daughter na pinagbibidahan ni Angel Locsin. Kabilang din na nasabing proyekto si Arjo Atayde na gumaganap bilang mayroong autism. Ayon sa aktor ay talagang pinaghandaan niya ang kanyang karakter para sa bagong serye.

“Si direk Manny (Palo) actually, sabi niya there’s one restaurant somewhere around the area na kids who have the same condition and at the same time are serving there at a certain time. So I observed and talked to them. Thankfully, the owner actually was open to the idea. Sinamahan din ako ni direk Manny,” kwento ni Arjo.

Bukod sa pagpunta sa restawran ay kinailangan din ng aktor na manood ng mga pelikulang may kaugnayan sa kanyang bagong karakter. “I also watch a ton of movies, and so much videos of behaviors on YouTube. That was my assignment to myself. ‘Yon na ‘yung pampatulog ko every night. I was studying the character from head to toe if I can,” kwento ni Arjo.

Nakaramdam umano ng kaba ang binata nang unang makaeksena sina Angel at ang beteranang aktres na si Maricel Soriano. “I don’t know it was possible on the first day on the set, I was close to palpitate already. ‘Nay Maricel and Angel on the set, I was so pressured. But thankfully, everything became good naman. But then again, it’s still not easy doing it. There’s a lot of preparation, observation and research,” pagbabahagi niya.

Samantala, napahanga naman ang Diamond Star sa pagiging magaling na aktor ni Arjo nang magkaeksena ang dalawa. “I’m very impressed to Arjo, kasi may autism siya dito. From 1 to 10, 10. Kasi bihira ako makatrabaho ng napakahusay, saludo ako. Mahusay siya na sobra akong tinatablan ‘pag umaarte,” nakangiting pahayag ni Maricel.

 

 

Please follow and like us:
Read More