NCAA JUNIORS BASKETBALL: ARELLANO PINIGIL NG LSGH

(PHOTO BY MJ ROMERO)

PINUTOL ng CSB-La Salle Greenhills ang five-game winning streak ng Arellano sa 74-66 panalo Martes sa NCAA Season 95 juniors basketball tournament sa Filoil Flying V Centre, San Juan.

Pinasan ni RC Calimag ang Greenies sa kanyang 19 points, four rebounds, at two assists habang nagambag ang kanyang mga teammate na sina Kobe Palencia ng 17 points; Jiam Quiambao, 13 points, at Gian Arciaga, 10 points.

Maaga pa ay kinontrol na ng LSGH ang game nang magtala ng 10-puntos na kalamangan, 58-48, na nagawang hadlangan ang ilang pagtatangkang makahabol ng Arellano.

Nanguna para sa Braves si Rodman Templonuevo sa itinalang 16 points at six boards, habang si Adrian Rellama ay nagdagdag ng 13 points, six rebounds, three assists, at two steals.

Magkasalo ngayon sa second place ang LSGH at Arellano na parehong may 5-2 panalo-talo.

 

Please follow and like us:
Read More

NCAA SEASON 95 PUNO NG PAGBABAGO 

MARAMING pagbabago ang magaganap sa pagbubukas ng Season 95 ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa Linggo sa Mall of Asia Arena.

Sinabi ni NCAA Season 95 host Arellano chairman Francis Paulino Cayco, ang mga pagbabagong ito ay simula ng commemoration ng 100th year ng liga.

Mayroong temang “Kaisa sa Pagkakaiba,” layon ng liga na isulong ang pagkakaisa sa kabila ng matinding kompetisyon sa 10 member schools nito.

“Why did we choose this as the theme?” ani Cayco. “Ang NCAA ay para sa lahat. Wala tayong pinipili — bukas ang liga para sa lahat ng pwedeng makasali dito, bukas ang liga sa lahat ng klaseng tao.

“‘Pag nakita niyo ang composition ng mga teams, ng mga officials, iba-iba ang pinanggalingan. With diversity, there is strength, and therefore it will work for the benefit of the league.”

Ayon pa kay Cayco, gumawa rin ng bagong rules at tournament schedules ang NCAA  Management Committee dahil na rin sa nalalapit na paghohost ng bansa sa 2019 Southeast Asian Games sa Nobyembre-Disyembre.

Ginawa na rin regular sport ng liga ang lawn tennis na susundan ng cheerleading sa susunod na season.

Sisimulan na rin ang bagong sport na “HADO” — isang high-tech game ng dodgeball kung saan magbabatuhan ng “virtual fireballs” ang magkalabang teams– na ipapakilala sa Pilipinas sa pamamagitan ng inter-school tournament.

Ang mananalo ay pupunta sa Japan para maging representante ng bansa sa international HADO Finals.
“Instead of bringing in e-sports, we were very fortunate enough to stumble on what we call techno sports,” ani Dino Laurena ng ABS-CBN Sports. “This is an augmented reality sport, and it has the physicality of a traditional sport.”

“It’s easy enough to learn, and we’re going to bring the HADO gaming set-up so that each of the school communities can see and try for themselves,” dagdag ni Laurena.

Sa halip naman na courtside reporters, mga campus correspondent mula sa member-schools na ang magko-cover sa NCAA games. Ang exclusive stories sa kanilang teams at mga atleta ay ilalabas sa social media at ABS-CBN Sports’ online platforms, at maging ang kanilang vlogs ay ipalalabas sa TV in between games.

Sisimulan ang Season 95 men’s basketball ng paghaharap ng Colegio de San Juan de Letran  at Season 94 finalist Lyceum of the Philippines University sa ala-2 ng hapon, na susundan ng laban ng hosts Arellano at three-time defending champion San Beda University sa alas- 4 ng hapon.

Please follow and like us:
Read More