KIM NINENERBIYOS KAY JULIA

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

SA August 25 na gaganapin ang pinakaaabangang Star Magic Games sa Araneta Coliseum. Sina Kim Chiu at Julia Barretto ang magsisilbing mga Team Captain para sa larong volleyball. Aminado si Kim na kinakabahan siya dahil alam niyang magaling na manlalaro si Julia.

“Na-stress na naman ako, naalala ko na naman. Siyempre una, stress kasi hindi naman ako mega todo player at sa Araneta Coliseum pa gagawin. Katapat namin Team Julia so nervous kasi Julia, varsity na siya before. So ako do’n lang sa mababang paaralan ng Cebu City. ‘Yon lang ‘yung lakas na maibibigay ko so sana maging okay ‘yung game,” nakangiting bungad ni Kim.

Bilang paghahanda ay puspusan ang ginagawang pagwo-workout sa gym ng aktres ngayon. Para kay Kim ay gusto lamang niyang mag-enjoy sa nasabing event ng Star Magic. “Wala namang lumalaban na ayaw manalo. Siyempre gusto naming manalo pero siyempre gusto namin fun at the same time. Siyempre ipupusod ko ‘yung hair, baka may tamaan ang hair ko, baka ito ipangpalo ko ng bola,” natatawang pahayag ng dalaga.

Inaasahan ang maraming mga tagahanga na manonood sa Araneta Coliseum sa Linggo. Mayroong pakiusap si Kim para sa lahat ng magbibigay ng suporta sa kanya-kanyang idolong maglalaro. “Usually basketball lang ang naglalaro but this time sinali na kami.

So sobrang nakakakaba but sana with prayers and strength, may mangyari sa amin, bawal mag-‘Boo!’ Dapat lahat happy lang, dapat fun and games. ‘Yon ‘yung nasa isip nila ‘pag pumasok sila ng Araneta. Sobrang mabubusog sila ‘pag manonood sila kasi may basketball and may volleyball. So we’re all having fun with the game,” pagtatapos ng aktres. -Reports JCC-

Please follow and like us:
Read More

ARANETA, 2020 OLYMPICS CHEF DE MISSION

(NI ANN ENCARNACION)

ISANG dating atleta na naging national football striker ang magsisilbing chef de mission ng Team Pilipinas na sasabak sa 2020 Tokyo Olympic Games.

Ito ay matapos  italaga sa naturang posisyon ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino ang pangulo ng Philippine Football Federation (PFF) na si Mariano “Nonong” Araneta Martes ng umaga.

Inihayag mismo ni Tolentino ang pagkakapili kay Araneta sa harap ng 35 pangulo ng national sports associations (NSAs) sa isinagawang POC general assembly sa Diamond Hotel.

Unang  pagkakataon na uupo sa mataas na puwesto si Araneta na dating miyembro ng national football team noong 1975 hanggang 1985. Naglaro rin siya sa youth team ng Barotac Nuevo at University of the Philippines.

Naging miyembro rin siya ng U-Tex, CDCP at Philippine Air Force squad noong 1977 at 1983 Southeast Asian Games. Kabilang din siya sa 1983 squad na naglaro sa Asian football qualifiers para sa 1984 Summer Olympics.

Optimistiko si Araneta na magiging mabunga ang kampanya ang Pilipinas sa kada apat na taong torneo kung saan huling nakapag-uwi ng medalyang pilak ang weightlifter na si Hidilyn Diaz sa Rio De Janeiro.

Binalewala ni Tolentino ang naging tradisyon na sa POC na ang ikalawang vice president ang itinatalagang CDM sa Olympics.

“I didn’t expect,” ani Araneta sa kanyang bagong posisyon. “Anyway, whatever assignment that is given to us, we have to do our responsibility.”

 

Please follow and like us:
Read More