PEKENG PARI LAGANAP

antipolo

(NI KIKO CUETO)

NANAWAGAN ang Archdiocese of Antipolo sa publiko na mag-ingat laban sa dumaraming nagpapanggap na pari na nanghihingi ng pera para umano sa simbahan mula sa mga deboto.

Ito ay matapos silang makatanggap ng mga reklamo kaugnay sa nasabing raket.

Sinabi ni Antipolo Bishop Francisco de Leon, marami na sa kanilang mga parishioner ang nabiktima.

Ito ang dahilan sa kung bakit nagkakaproblema umano sa kanilang simbahan.

Sa report, madalas na nagsasagawa ng house blessing umano ang mga pekeng pari at nanghihingi ng pera o gift card.

Hinimok din ng obispo ang mga parishioner na agad na mag-report sakaling tangkaing biktimahin sila ng mga pekeng pari. 

 

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

ATE NA MAY DIPERENSIYA SA ISIP, GINILITAN NG KAPATID

(NI KEVIN COLLANTES)

PINAGSASAKSAK at ginilitan ng leeg ng isang lalaki ang kanyang ate, na may diperensiya sa pag-iisip, matapos umano siya nitong pagmumurahin at batuhin ng remote control sa loob ng kanilang tahanan sa Antipolo City, Martes ng gabi nang utusan niya itong patayin na ang telebisyon.

Dead on arrival sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center ang biktimang si Rodelyn Magas, 50, habang nakapiit na si Roberto Magas, 48, matapos maaresto ng mga awtoridad.

Lumilitaw sa ulat ng Antipolo City Police, dakong alas-7:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa loob ng tahanan ng magkapatid na Magas sa Lopez Ville Subdivision, Barangay Mayamot, Antipolo City.

Bago ang krimen ay inutusan umano ni Roberto si Rodelyn na patayin na ang telebisyon ngunit ikinagalit umano ito ng biktima at pinagmumura ang nakababatang kapatid at saka binato ng remote control.

Napikon naman ang suspek sa ginawa ng kanyang ate kaya’t kaagad itong kinaladkad patungong garahe at saka pinagsasaksak sa dibdib at ginilitan pa ng leeg.

Sa tulong ng mga rescue team ng Barangay Mayamot ay isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit hindi na ito umabot nang buhay habang nadakip naman ng mga tauhan ng Police Community Precinct 1 (PCP-1) at sasampahan ng kaukulang kaso sa piskalya ang suspek.

Sa imbestigasyon, nakumpirma ng mga awtoridad mula sa mga kaanak na ang biktima ay dumaranas ng malalang karamdaman sa pag-iisip simula pa noong taong 1998.

Lumala pa umano ang kondisyon nito nang sumailalim sa brain surgery may tatlong buwan na ang nakakalipas.

Lagi rin umano itong sanhi ng gulo at away sa kanilang pamilya, na ayon sa kanyang mga kaanak, ay maaaring siyang nagtulak sa suspek upang patayin ito.

Please follow and like us:
Read More

GINANG NATUSTA SA NASUNOG NA BARUNG-BARONG

(NI KEVIN COLLANTES)

ISANG ginang ang binawian ng buhay nang makulong sa nasusunog niyang barung-barong sa Barangay Sta. Cruz, Antipolo City, Linggo ng madaling araw.

Patay na ang biktimang si Marystel Sotongon, 38, nang matagpuan ng mga kapitbahay at mga tauhan ng Antipolo Fire Station, na nagtulung-tulong upang apulain ang sunog sa tahanan ng biktima sa Sitio Alimogmog, Barangay Sta. Cruz.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, dakong alas-12:30 ng madaling araw ay nasa kasagsagan nang mahimbing na pagtulog ang biktima nang sa hindi pa batid na kadahilanan ay bigla na lang sumiklab ang apoy sa kanyang barung-barong.

Nang makita ng mga kapitbahay ang sunog ay nagtulung-tulong silang kumuha ng tubig upang apulain ito at iligtas ang biktima na nakulong sa loob.

Dumating din agad ang mga tauhan ng Antipolo City fire station sa pangunguna ni FO1 Porferio Robles, ngunit nang matagpuan nila ang biktima ay wala na itong buhay.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy ang pinagmulan ng apoy, gayundin ang mga halaga ng mga ari-ariang tinupok nito.

 

Please follow and like us:
Read More

P200-K DROGA NASAMSAM SA ANTIPOLO

(NI KNOTS ALFONTE)

HINDI na nakaporma pa ang isang lalaki nang silbihan ng arrest warrant sa kasong RA 10591 na inisyu ni Judge Cynthia Marino-Ricablanca ng RTC Branch 27 Sta. Cruz, Laguna.

Kinilala ang suspek na si Bryan Dela Paz, 33, isang construction worker, ng Sitio Broadway, Brgy. Dela Paz, Antipolo City.

Ayon sa report na nakarating kay Rizal Police Provincial Director P/Col Renato Sanao Alba mula kay Antipolo City Chief of Police P/LtCo Alvin Consolacion, dakong ala-1:20 ng tanghali ng Martes nang dakpin ang naturang wanted person  ng pinagsanib na Inteligence /unit ng Antipolo Police at SWAT team sa pangunguna ni PMAJ. Joel Custodio. Nakuha kay Dela Paz sa dalang sling bag nito ang mga sachet ng pinaghihinalaang shabu na aabot sa market value na P200,000 at isang cal. 38 revolver.

Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong sa Antipolo jail at sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 (comprehensive dangerous drugs act of 2002).

 

Please follow and like us:
Read More

RAPE SUSPECT NAGPASAGASA SA TRAK

(NI KNOTS ALFORTE)

NAMATAY noon din ang isang rape suspect na pinili pang mamatay sa halip na harapin ang kasong statutory rape na isinampa laban sa kanya sa Sen. Lorenzo Sumulong Highway,Brgy San Jose, Antipolo City, kahapon ng tanghali.

Kinilala ang biktima na si Manuel Saturay.

Ayon sa report ni Antipolo City Police Chief P/Lt.Col Alvin Consolacion kay Rizal Police Provincial Director P/Col. Renato Sanao Alba, dakong alas-11:50 ng tanghali, habang naglalakad sa gilid ng hi-way sa tapat ng Antipolo Justice hall ay bigla na lamang tumagilid ang biktima dahilan para mahigop ang katawan nito ng dumarating na trak.

Katatapos lamang umanong humarap sa piskalya ng nasawi.

Please follow and like us:
Read More

2 KIDNAPER PATAY, MAG-ASAWANG NEGOSYANTE NAILIGTAS

crime32

(NI KEVIN COLLANTES)

PATAY ang dalawang lalaking kapwa hinihinalang kidnapper habang nailigtas naman ng awtoridad ang mag-asawang umano’y dinukot ng mga ito sa isang engkwentro na naganap sa Antipolo City, nitong Sabado.

Hindi pa batid ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga napatay na suspek, na itinuturong kabilang sa apat na lalaki na dumukot sa mag-asawang negosyante na sina Henry Alfonso, 52, at Florida Alfonso, 55, kapwa residente ng Sta. Cecilia, Mission Hills Subdivision, Barangay San Roque, Antipolo City.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, nabatid na bago ang engkwentro ay nakatanggap sila ng ulat na may mga indibidwal na dinukot ng apat na armadong lalaki, dakong alas-11:45 ng hatinggabi, sa La Veranda, Sumulong Highway, Barangay Sta. Cruz, Antipolo City.

Lumilitaw na sakay umano ang mga biktima ng isang silver na Honda CRV , na may plakang NBC-2943 at bumabagtas sa naturang lugar, patungong Antipolo City Proper nang bigla na lang silang harangin ng mga suspek, na lulan naman ng isang kulay gray at puting van.

Bumaba umano ng van ang apat na armadong lalaki at saka sapilitang tinangay ang mga biktima, patungong area ng Baras, Rizal.

Kaagad namang nagkasa ng checkpoint ang Antipolo City Police, at mga tauhan ng PNP-Anti-Kidnapping Group at Highway Patrol Group, sa Barangay Inarawan, at pagsapit ng 3:15 ng madaling araw ay nasabat ang mga suspek.

Tinangka ng mga pulis na pahintuin ang sasakyan ng mga suspek.

Gayunman, sa halip namang sumuko ay kaagad na nagpaputok ang mga suspek sa direksiyon ng mga pulis, habang tinatangkang tumakas.

Nakaramdam ng panganib, napilitang gumanti ng putok ang awtoridad na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa sa mga suspek, ngunit nakatakas ang dalawang iba pa.

Nasagip naman ng awtoridad ang mga biktima, na iniwanan ng mga suspek sa kanilang get-away vehicle, habang tumatakas.

 

Please follow and like us:
Read More

PULIS MAYNILA, TIMBOG SA KIDNAPPING

arrested124

(NI JULIE DUIGAN)

DAHIL sa bisa ng arrest warrant, naaresto Martes ng umaga, ang isang pulis Maynila, sa kasong Kidnapping at Serious Illegal Detention, apat na taon na ang nakakaraan sa Antipolo City .

Si P/Staff Sgt. Alejandro Ruz  ay inaresto alas-9:30 ng umaga , sa harap ng Manila Police District –Ermita Police Station 5 .

Dahil sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Ma.Consejo Gengos-Ignalaga ng Regional Trial Court Br.B -98 ng Antipolo City, inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Integrity Monitoring & Enforcement Group, Manila Police District-General Assignment Investigation Section at ng MPD-PS 5, si Ruz.

Ang kaso ay naganap umano noong July 30, 2015 .

Si Ruz ay dating nakatalaga sa Manila City Hall  and  Action Special Assistant (MASA) sa ilalim ni Manila Joseph Estrada.

Nasa kustodiya na ng  IMEG sa Camp Crame si Ruz, upang mapanagot sa ibinibintang dito.

 

Please follow and like us:
Read More

4 SA 7 NAKAPUGA, BALIK-PRESO; 1 NAKATAKAS SA ESCORT

huli

(NI KEVIN COLLANTES)

NAIBALIK na ng mga tauhan ng Antipolo City Police sa piitan ang apat sa pitong preso na unang nakatakas matapos na lagariin ang rehas na bakal ng kanilang piitan noong Linggo ng madaling araw, habang isa pang preso ang nakatakas mula sa kanyang police escorts nang tumalon mula sa mobile car habang ibinibiyahe patungo sa presinto, Martes ng gabi.

Kinumpirma ni Antipolo City Police chief, P/Lt.Col. Villaflor Bannawagan na naaresto nang muli ng kanyang mga tauhan ang apat na pugante na sina Edward Magalo, na may kasong illegal drugs; Benedict Belmonte at Russel Martinez, na may kasong robbery at Dominic Gabanez, na may kasong carnapping, sa isinagawa nilang follow-up operations nitong mga nakalipas na araw.

Patuloy pa rin naman aniyang tinutugis ang tatlo pang pugante na sina Adrian Demetrio at Angelo Roberto, na kapwa may kasong paglabag sa Republic Act 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002); gayundin si Murphy Sison, na may kaso ring Robbery.

Ang mga bilanggo nakatakas sa piitan dakong alas-3:30 ng madaling araw noong Linggo, sa pamamagitan nang paglagare sa rehas na bakal ng bilangguan ng Police Community Precinct 2.

Kaagad namang sinibak ni Bannawagan ang hepe ng PCP-2 at ang natakasang duty jail officer habang isinasagawa pa ang imbestigasyon sa insidente.

Samantala, iniulat na rin ng Antipolo City Police, na isa pa ng preso na nakilalang si Marvin Nuñez, ang nakapuga mula sa kanyang police escorts, nang tumalon sa sinasakyang mobile car habang ibinibiyahe pabalik sa piitan matapos na isailalim sa inquest proceedings Martes ng gabi.

Lumilitaw na bago nakatakas ay isinakay umano ng Intel operatives ng PCP-2 sa kanilang mobile si Nuñez, at pitong iba pang preso, at dinala sa piskalya upang isailalim sa inquest proceedings, bago idiniretso sa Antipolo City Police para sa CIRAS requirements ng mga ito.

Gayunman, habang ibinibiyahe na ang mga preso pabalik sa PCP-2 ay bigla na lang umanong tumalon si Nuñez mula sa mobile car, pagsapit sa Sitio Maagay 1 Padilla, sa Barangay Inarawan, at kumaripas ng takbo dakong alas-8:30 ng gabi.

Hinabol ito ng mga police escorts ngunit bigo silang maaresto itong muli.

Naglunsad na ang mga awtoridad ng manhunt operation para madakip muli si Nuñez at maibalik sa piitan.

 

Please follow and like us:
Read More

GERMAN NATIONAL, LIVE-IN PARTNER PATAY SA AMBUSH

crime145

(NI KEVIN COLLANTES)

PATAY ang isang German national at kanyang live-in partner nang tambangan at paulanan ng bala ng riding-in-tandem habang pauwi na ng kanilang tahanan, sa Antipolo City, nitong Sabado.

Away sa lupa ang isa sa mga motibong tinututukan ngayon ng pulisya.

Ayon kay Rizal Police Provincial Office (RPPO) Director P/Col. Lou Evangelista, dead on the spot ang mga biktimang sina Conrad Heinrich, German national, at partner nito na si Remedios Kauth, residente ng Golden Hills Subdivision, Barangay San Roque, Antipolo City.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan ang mga ito mula sa mga suspect na tumakas matapos ang krimen.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, dakong alas-2:40 ng hapon nang maganap ang pananambang sa Golden Hills Subdivision, sa Barangay San Roque, hind kalayuan sa tahanan ng mga biktima.

Sakay umano ng Isuzu Trooper na may plakang XLN-109 ang mga biktima, at pauwi na sa kanilang tahanan nang pagsapit sa naturang lugar ay bigla na lang silang parahin ng mga suspek na magkaangkas sa hindi na-plakahang motorsiklo.

Nang mag-menor ang sasakyan ay kaagad nang niratrat ng mga salarin ang mga biktima na nagresulta sa kanilang agarang kamatayan.

Please follow and like us:
Read More

PULIS ITINUMBA NG TANDEM SA ANTIPOLO

police

(NI TJ DELOS REYES)

TODAS ang isang pulis matapos pagbabarili ng riding in tandem sa mismong loob ng subdivision na tinitirhan nito Lunes ng umaga sa lungsod Antipolo.

Kinilala ang biktima na si PO3 Jose Jello Changcoco, 48, anyos nakatalaga sa Angono Police Station at residente ng #802 Pearlene St Crisrimar Village Brgy. San Roque ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Aldrin Tangi, dakong 6:20 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Gate 2 ng Cristimar Village ng nabanggit na barangay.

Papasok na si Changcoco sa kanyang trabaho at papalabas ito ng gate ng kanilang subdivison sakay ng kanyang pulang Hyundai Getz nang pagbabarilin ng mga suspek na nakasakay sa motrosiklo.

Nagawa pang maiatras ng pulis ang sasakyan nito palayo sa gunman dahilan upang mataranta ang mga suspek at mabilis na pinaharurot ang kanilang motorsiklo patungo sa direksyon ng Sitio Ligtasan.

Sinubukan pang isugod sa Unciano Medical Hospital si Changcoco subalit idineklara itong dead on arrival sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan.

Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya sa pangyayari at inaalam ang motibo sa pananambang.

Please follow and like us:
Read More