BUGAW NG MGA NENE HULI SA ANTIPOLO HOTEL

ARRESTEDHAND12

(NI KIKO CUETO)

ANTIPOLO City — Timbog ang isang babae na itinuturong bugaw umano sa pitong dalagita sa Bgy. Mambugan.

Sa imbestigasyon ng PNP Women and Children’s Protection Center, inilalako umano ng bugaw ang pitong dalagita sa isang hotel.

Unang nagpanggap ang isang pulis na kukuha ng babae. Nang i-aabot ang bayad ng nagpanggap na customer, agad inaresto ng Luzon Field Unit PNP-WCPC ang target nilang babae sa hotel.

Nabatid na ang mga nasagip na mga babae 13-17 taong gulang.

“Iyung sistema niya, may kakilala siyang estudyante, tina-transact niya sa mababang presyo pero ang presyo niya sa asset namin ay napakataas. Basta may pera, businessman man o empleyado ng gobyerno, yon ang mga parokyano niya,” sinabi ni P/Lt.Col. Samuel Mina, hepe ng Luzon Field Unit ng PNP-WCPC.

Ayon naman sa PNPWCPC, sa social media ang unang transaksiyon ng suspek, saka ipaparada ng suspek ang mga bata sa mga customer at doon pagpipilian.

“Through Facebook talaga, o social media account ang contact system niya,tapos magmi-meetup sa isang lugar doon niya ipapakilala sa would be kustomer niya ang mga alaga niya, and then that’s the time na pipili ang mga customer,” sinabi ni Mina.

Nagbabala naman ang PNP sa ganitong kalakaran lalo ngayong summer vacation at walang pasok sa eskuwelahan.

“Iyung ung iba, nag-iipon ng pang enroll sa eskuwela, mga rason na dapat na obligasyon ng mga magulang. Madali silang maimbita ng inom-inom, saka mga party-party na sa bandang dulo ay may kasabay na transaksiyon,” sinabi ni Mina.

Ayon sa WCPC, umaaligid ngayon ang mga bugaw sa mga eskuwelahan.

Payo rin nila sa mga kabataan, mamili ng kaibigan at mag-ingat din sa mga dadaluhang kasiyahan.

Please follow and like us:
Read More