REBEL RETURNEE ITINUMBA

crimeshooting12

(NI KEVIN COLLANTES)

ISANG dating rebelde na matagal na panahon nang nagbalik-loob sa pamahalaan ang pinagbabaril at napatay ng dalawang hindi kilalang lalaki sa Antipolo City, nitong Huwebes.

Dead on the spot ang biktimang si  Rodel Agudes, residente ng naturang lugar, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang nakatakas naman ang dalawang hindi kilalang salarin sa pagtawid sa ilog.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, dakong alas-7:00 ng umaga nang maganap ang krimen sa Barangay Calawis, Antipolo City.

Ayon sa testigo, sakay siya ng kanyang motorsiklo at binabagtas ang Ampia Road patungong Calawis proper, nang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril.

Pagsapit niya sa lugar ay namataan niya si Agudes na duguang nakahandusay at wala nang buhay sa kalsada habang ang dalawang suspek ay mabilis na tumatakas patawid sa ilog, patungong direksiyon ng San Mateo, Rizal.

Kaagad namang inireport ng testigo sa mga pulis ang insidente.

Ayon sa mga kaanak, ang biktima ay isang dating rebelde na nagbalik-loob sa mga awtoridad at kusang sumuko sa 16 Infantry Battalion, may walong taon na ang nakalilipas, ngunit palaisipan pa sa mga imbestigador kung posibleng may kinalaman ito sa krimen.

Patuloy naman ang isinasagawang pagsisiyasat ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan sa mga salarin, gayundin ang kanilang motibo sa pagpatay.

 

Please follow and like us:
Read More

AWOL NA PULIS TIMBOG SA DROGA

(NI KNOTS ALFORTE)

MAITUTURING na malaking isda sa Antipolo City ang pagkakadakip sa isang Awol na pulis habang gumagamit ng droga kasama ang iba pang parokyano sa bahay nito sa  Purok Sumulong Brgy. Dela Paz, Antipolo City.

Hindi na nakapalag si Robert Lauigan, alyas Don Robert Charlie Lauigan, 53, nang salakayin ang kanyang hideout.

Ayon sa report kay Rizal Police Provincial Director P/Col Renato Sanao Alba ni Antipolo Chief of Police P/Lt.Col Alvin Consolacion, dakong alas-2:15 Miyerkoles ng hapon nang isagawa ang operasyon ng Police Antipolo at SWAT team sa bisa ng warrant of arrest sa suspek.

Naaktuhan ito na gumagamit ng shabu at ang kanyang mga parokyano sa kanyang bahay. Kinilala ang mga nahuling ka-jamming na sina Mark Sison, 22, Armida Manalastas, 24, at Monica Morales, 27, pawang ng Brgy. Dela Paz,  Antipolo City.

Nakuha sa kanila ang umaabot sa 50 gramo ng shabu na may street value na P350,000, isang 9MM Cal. pistol at isang 38 cal. revolver at mga bala nito at  isang fragmented hand grenade.

Dinala na sa Antipolo lock-up jail ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165.

Please follow and like us:
Read More

INTEL COP, BINUGBOG, TINANGAYAN NG BARIL

crime08

(NI KEVIN COLLANTES)

ISANG Intel cop ang sugatan nang bugbugin at tangayan ng service firearm ng dalawang lalaking hinihinalang holdaper habang nagsasagawa ng surveillance sa serye ng robbery at carnapping incidents sa Barangay Mayamot, Antipolo City nitong Linggo.

Nasa mabuti nang kalagayan sa Antipolo District Hospital ang biktimang si Patrolman James Sangao, 29, miyembro ng Intel operatives ng Antipolo City Police.

Samantala, arestado at sasampahan ng patung-patong na kaso sa piskalya ang mga suspek na sina Gerald Fabros at Elvis Mendoza, residente ng naturang lugar.

Ayon sa Antipolo City Police, dakong 6:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa Marcos Highway, Ma. Corazon, sa Barangay Mayamot.

Nauna rito, nagsasagawa umano ng surveillance ang biktima sa lugar nang matiyempuhan ng mga suspek at kaagad na binugbog.

Dahil dalawa ang nakalaban, nadaig ng mga suspek ang biktima at tinangay ng mga ito ang kanyang service firearm na isang .9mm pistol Beretta na may serial number na M01144Z bago mabilis na tumakas.

Naisugod naman ng mga concerned citizen sa pagamutan ang biktima para malapatan ng lunas.

Kaagad namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga kasamahan ng biktima, na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.

Nabawi rin ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang baril ng biktima at nang kapkapan ang mga ito ay nakumpiskahan pa ng apat na pakete ng hinihinalang shabu.

 

Please follow and like us:
Read More

PDEA DETAINEE NANG-AGAW NG MANIBELA SA SLEX

pdea

(NI NILOU DEL CARMEN)

NASAWI ang isang PDEA detainee habang sugatan ang tatlong agent  matapos bumaligtad ang sinasakyang kotse ng mga ito sa South Luzon Expressway, Miyerkoles ng umaga.

Batay sa report ng PRO Calabarzon, nagkagulo sa loob ng sasakyan matapos agawin ng detainee ang manibela sa nagmamanehong operatiba dakong alas 9:12 ng umaga.

Kinilala ang nasawing detainee na si Gerry del Rosario, naaresto sa Antipolo City dahil sa  kasong illegal na droga.

Sugatan naman ang mga agent na sina Deo Tabor, na siyang nagmamaneho, Rey Ricohermoso at Rodrigo Ramirez, pawang miyembro ng PDEA Antipolo Provincial Office.

Sugatan din ang isa pang detainee na  asawa ng nasawi na si Catherine Del Rosario na kasama rin sa sasakyan.

Patungo sa PDEA Regional office sa Calamba City ang grupo sakay ng kotseng Toyota Camry mula sa Antipolo City nang habang nasa bahagi ng SLEX Carmona  ay agawin ng suspek ang manibela.

Nawala sa kontrol ang sasakyan at bumangga muna sa konkretong pader sa gilid ng expressway bago bumaligtad.

Idineklarang dead on the spot ang suspek habang agad ding isinugod sa ospital ang apat.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis sa pangyayari.

 

 

(Nilou Del Carmen)

 

Please follow and like us:
Read More

NIGERIAN DRUG SYNDICATE TIMBOG SA ANTIPOLO

nigerian12

(NI KNOTS ALFORTE)

NAHULI na ang isang sindikato na pawang mga Nigerian-Filipino  na nag-ooperate sa iba’t ibang lugar, sa Sumulong highway, Brgy. Dela Paz, Antipolo City.

Kinilala ang anim na suspek na sina Okeke Nosike Brian,  Ezeani Eneka Catherine,  Hara Del Rosario,  Gerry Del Rosario, at Nigerian Filipino na sina Roberto Eusebio at Harap Sarip,

Ayon sa nakarating na report kay Rizal Police Provincial Director P/Col Lou Frias Evangelista ni P/Lt.Col Bannawagan Antipolo COP sa pinagsanib na PDEA mula sa Bicol region 5 , isang buy bust operation ang kanilang isinagawa sa Sumulong highway sa tapat ng Robinsons Place,  Brgy. Dela Paz, Antipolo City. Agad na umaksyon ang grupo ng pinagsanib na PDEA at Rizal Police at hindi na nakaporma pa ang kanilang target at nahuli ang anim na suspek na pawang mga miyembro ng Nigerian-Filipino drug syndicate.

Nakuha sa kanila ang dalawang piraso ng tape -sealed plastic bag na naglalaman ng white crystalline na pinaghihinalaang shabu na aabot sa 500 grams at may halagang P2.5 milyon, P1,000 at 1 unit black Honda sedan.

Kasalukuyang naka-detain na ang anim na Nigerian-Filipino sa kustodiya ng PDEA Rizal at inihahanda na ang mga kasong isasampa.

 

Please follow and like us:
Read More

DAYUHAN PINATAY, ITINAPON SA KALSADA

crime500

(NI KEVIN COLLANTES)

PATAY na ang isang di kilalang lalaki, na sinasabing isang dayuhan, nang matagpuan ng mga concerned citizen na nakahandusay sa gilid ng kalsada sa Antipolo City, nitong Linggo.

Ang hindi kilalang biktima ay inilarawang mestiso, nasa pagitan ng 35 hanggang 45 ang edad, may taas na hanggang 5’10”, nakasuot ng bull cap na may markang vintage, gray na maong shorts, at long sleeved na polo shirt.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung posibleng biktima ng salvage ang biktima, na ang bibig at mga kamay ay nakabalot ng duct tape.

Lumilitaw sa ulat ng Antipolo City Police na dakong alas-7:15 ng umaga nang madiskubre ng mga concerned citizen ang bangkay ng biktima sa gilid ng Taktak Road, sa Barangay Dela Paz at kaagad na inireport sa mga awtoridad.

Ayon sa pulisya, posibleng sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lamang ang bangkay nito sa naturang lugar upang iligaw ang imbestigasyon sa kaso.

Nakatakda pa rin umano nilang isailalim sa awtopsiya ang bangkay upang matukoy ang dahilan nang pagkamatay nito.

Masusi naman nang iniimbestigahan ng mga awtorida ang krimen, upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at ng suspek sa krimen, gayundin ang motibo sa likod ng pagpatay.

 

Please follow and like us:
Read More

LADY BRGY TREASURER TINAMBANGAN

crimeshooting12

(NI KEVIN COLLANTES)

SUGATAN ang isang barangay treasurer nang tambangan at pagbabarilin ng motorcycle riding criminals matapos kumuha sa bangko ng perang pasuweldo sa mga barangay officials sa Antipolo City, nitong Biyernes.

Ang biktima ay nakilalang si Belinda Manahan, barangay treasurer ng Barangay San Luis, Antipolo City, habang nakatakas ang mga hindi nakilalang salarin, lulan ng kanilang motorsiklo.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, dakong alas-11:00 ng umaga nang maganap ang pananambang sa C. Lawis Extension sa Barangay San Luis.

Bago ang krimen ay nagtungo ang biktima at kanyang driver, na hindi na ipinabanggit ang pangalan, sa Landbank upang kunin ang pasuweldo para sa mga barangay officials sa kanilang lugar.

Sakay ng isang Toyota Revo, binagtas nina Manahan at ng driver ang naturang lugar upang bumalik sa barangay ngunit lingid sa kanila ay may mga nag-aabang sa kanilang riding in tandem.

Nang malampasan nila ang mga ito ay kaagad na silang binuntutan at pinaulanan ng bala, sanhi upang masugatan ang biktima.

Masuwerte namang hindi tinamaan ang driver kaya’t pinaharurot ang behikulo upang makatakas at isinugod ang biktima sa RPH Cabading Hospital, kung saan ay nasa maayos na itong kondisyon.

Hindi na rin naman sila hinabol ng mga salarin, na tumakas na lamang patungo sa Empress Road.

Ayon sa pulisya, inaalam na nila ang pagkakakilanlan ng mga salarin sa pananambang.

Hinala ng mga awtoridad, panghoholdap ang motibo ng pananambang ngunit iniimbestigahan pa nila ito.

 

Please follow and like us:
Read More

TRIKE DRIVER BINARIL; LASING NA PULIS HULI

arested12

(NI KNOTS ALFORTE)

ISANG tricycle driver ang binaril ng umano’y pasaherong pulis habang nagmamaneho sa Antipolo City.

Kinilala ang biktima na si John Paul Obar, 20, ng Olalia Ave. Brgy. Dela Paz, Antipolo City.

Ayon sa report na nakarating kay Rizal Police Provincial Director P/Col Lou Frias Evangelista, mula kay Antipolo City Chief of Police P/Lt.Col Villaflor Bannawagan, dakong ala-1:30 ng madaling araw ng Biyernes, minamaneho ni Obar ang kanyang tricycle para ihatid ang kanyang pasahero mula Assumption Hospital patungong Cogeo ng lalaking nagpakilalang pulis at lasing na lasing.

Sa hindi pa batid na dahilan, bigla na lamang umanong bumunot ng baril at derektang ipinutok sa kanya ng suspect ang baril. Mabuti na lamang umano at hindi tinamaan ang driver na agad nakatakbo para humingi ng tulong.

Saktong nagpapatrolya ang mga PNP Antipolo sa lugar kaya mabilis na nahuli ang suspek na lasing.

Kinilala itong si Police Corporal Jay Mar Espiritu, 32, kasalukuyang nakatalaga sa Camp Karingal, Quezon City.

Nakuha naman ang baril na ginamit na Glock 17.

Nakakulong sa Antipolo jail ang suspect at inihahanda ang posibleng kasong kakaharapin.

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKI TUMAMBAY NANG MAY BARIL ARESTADO

arrested76

(NI KEVIN COLLANTES)

KALABOSO ang isang lalaki nang maaktuhan ng mga awtoridad na may bitbit na baril sa labas ng kanilang tahanan sa Barangay Cupang, Antipolo City, nitong Biyernes.

Ito ay isang malinaw na paglabag sa ipinatutupad na gun ban ng Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng midterm elections na idinaos noong Mayo 13.

Dakong alas-11:20 ng gabi nang maaresto ang suspek na si Luisito Mabaza, sa kanyang tahanan sa Purok 6 Zone 8, Bayabas Street, Barangay Cupang, dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (illegal possession of firearms) in relation to Omnibus Election Code (gun ban).

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, nabatid na bago ang pag-aresto ay nakatanggap sila ng sumbong mula sa isang concerned citizen na namataan si Mabaza habang may bitbit na baril sa gilid ng kalsada.

Kaagad namang nagtungo sa lugar ang mga awtoridad upang beripikahin ang ulat at dito nila namataan ang suspek na may nakasuksok na baril sa beywang habang nakatayo sa gilid ng kalsada.

Sinita ng mga pulis ang suspek ngunit nagtatakbo ito papasok sa loob ng bahay upang umiwas sa pag-aresto.

Hinabol naman siya ng mga awtoridad at kaagad na pinosasan saka binitbit sa presinto para idetine at sampahan ng kaso sa piskalya.

Narekober ng mga awtoridad mula sa suspek ang isang kalibre .45  pistola na may serial number 1692470, dalawang magazine at 11 live ammunition.

 

Please follow and like us:
Read More

2 KARNAPER ARESTADO SA ENTRAPMENT

arrested12

(NI KEVIN COLLANTES)

KALABOSO ang dalawang lalaking umano’y karnaper nang maaktuhang nagbebenta ng nakaw na motorsiklo, sa isang entrapment operation sa Marikina Heights, Marikina City.

Ang mga suspek na sina Jayson Enotacio, 30, construction worker, ng Barangay Cupang, Antipolo City at Ralph Alvin dela Cruz, 29, sales assistant, ng Barangay Marikina Heights, ay kapwa nakapiit sa Marikina City Police at sasampahan ng mga kasong paglabag sa Presidential Decree 1612 (Anti Fencing Law) in relation to Anti-Carnapping Law, paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,  at Batas Pambansa 6 (illegal possession of bladed weapon), in relation to Omnibus Election Code, sa piskalya.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director P/BGen. Christopher Tambungan, nabatid na dakong alas-5:15 ng hapon nitong Huwebes, nang maaresto ang mga suspek ng mga tauhan ng Anti-Carnapping Unit at Intelligence Branch ng Marikina City Police Station, sa isang entrapment operation sa Champagne Street, Marikina Heights.

Nauna rito, nakatanggap ng confidential information ang mga operatiba ng Intelligence Branch dakong alas-2:30 ng hapon, na may dalawang lalaki ang nagbebenta umano ng nakaw na motorsiklo sa lugar, sa halagang P10,000.

Nang beripikahin, nadiskubre ng mga awtoridad na ang naturang motorsiklo ay posibleng ang nawawalang motorsiklo ni Nilda Tribaco, 57, negosyante, ng Barangay Cupang, Antipolo City, na iniulat na nawala dakong alas-8:00 ng umaga noong Abril 24.

Ipinarada lamang umano ni Tribaco ang kanyang Honda TMX 125 motorcycle sa parking area ng isang gasolinahan sa 224 Sumulong Highway, sa Barangay Mayamot, nang mawala ito.

Kaagad namang nagkasa ng entrapment operation ang mga awtoridad at isang pulis ang nakipag-transaksiyon kay Enotacio, para bilhin ang motorsiklo.

Nagkasundo ang mga pulis at mga suspek na magkita sa naturang lugar para sa transaksiyon, at nang makumpirma na ang ipinagbibiling motorsiklo ay ninakaw mula kay Tribaco ay kaagad nang dinakma ng mga pulis ang mga suspek.

Nadagdagan naman ang mga kasong isinampa ng mga awtoridad laban sa mga suspek, nang makumpiskahan si Enotacio ng isang pakete ng shabu, habang si dela Cruz naman ay nakuhanan ng isang balisong.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

PULIS, 2 PA, PATAY SA DRUG BUST

BARIL-9.jpg

NAUWI sa engkuwentro ang ikinasang buy-bust operation ng mga pulis matapos manlaban ang mga inaarestong drug suspects sa Antipolo City, Martes ng gabi.

Kinilala lamang sa mga alyas na ‘Echay’ at ‘Laon’ ang mga nasawing suspects gayundin ang pulis na si Patrolman Ariel Dapyawen na namatay sa ospital.

Isa pang pulis, si Police Staff Sgt. Joseph Monjardin ay ligtas na sa ospital matapos tamaan ng bala sa tiyan.

Nabawi sa pinangyarihan ng krimen ang isang shotgun at kalibre 38 na umano’y armas ng mga suspek.

Sinasabing nagkasa ng buy bust kina Echay at Laon na umano’y kilalang mga drug pusher sa lugar.

Please follow and like us:
Read More

LOLO TINAGA SA ULO NG ‘PRANING’ NA KAPITBAHAY

ARRESTED-3

(NI KEVIN COLLANTES)

SUGATAN ang isang lolo nang pagtatagain ng isang lalaking umano’y may diperensiya sa pag-iisip, sa harap ng kanyang tahanan sa Antipolo City  nitong Huwebes.

Ang biktimang si Arsenio Padaong, 69, ng Sitio Riverside, Tagbac, Barangay San Jose, ay nagtamo ng dalawang taga sa ulo at kanang hita habang arestado naman ang suspek na si Jaime Barrera de Lumen, kapitbahay ng biktima.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, sa Rizal Police Provincial Office, dakong 10:30 ng umaga nang maganap ang krimen sa harapan mismo ng inuupahang tahanan ng biktima.

Nabatid na nakaupo lamang at nagpapahinga ang matanda nang bigla na lang lapitan ng suspek at pagtatagain, gamit ang isang itak na may habang 26 na pulgada.

Nakita naman ng ilang kapitbahay ang pangyayari kaya’t dinaluhan ang matanda, na kaagad namang nalapatan ng lunas.

Tumawag rin sila ng mga pulis na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek at pagkarekober ng itak na ginamit nito sa krimen.

Ayon sa pulisya, ang suspek ay sasampahan ng kasong frustrated murder at paglabag sa Batas Pambansa 6 (illegal possession of bladed weapon) in relation to Omnibus Election Code (Gun ban).

 

Please follow and like us:
Read More

AMBULANSYA VS DUMP TRUCK SA KARAMBOLA: 13 SUGATAN

accidentsign1

(NI KEVIN COLLANTES)

LABING-TATLO katao ang nasugatan nang mag-karambola ang anim na sasakyan sa Barangay Sto. Niño, Marikina City Miyerkoles ng gabi.

Naisugod at nalapatan ng lunas sa Amang Rodriguez Medical Center ang mga biktimang sina Sherwin Santos, 27; Liezl Sumulong, 34; Maria Jericka Dheigh Sebastian, 35; Lito Yu, 31; Aldrin Jude Angara, 35; Michelle Escovel, 39; Manilyn Hitosis, 40; Mark Hitosis, 35; George Hitosis, 76; Jesus Luquias, 64; John Michael Aldea, 24; Renz Hernandez, 21; at Josue Abel Vallecera, 31, habang arestado naman ang dump truck driver na si Anthony Donayre, 36.

Batay sa ulat ng Marikina City Police sa Eastern Police District (EPD), dakong alas-8:40 ng gabi nang maganap ang karambola sa Sumulong Highway, kanto ng Gil Fernando Avenue, sa Barangay Sto. Niño.

Nauna rito, bumibiyahe umano ang Foton mini dump truck (IO A380) na minamaneho ng suspek sa south direction ng Gil Fernando Avenue habang binabagtas naman ng isang Nissan Urvan na ambulansiya (FOC 153) ang west direction ng Sumulong Highway.

Gayunman, pagsapit ng dalawang behikulo sa intersection ng Sumulong Highway kung saan pareho silang tatawid, ay bigla na lang nabangga ng dump truck ang kanang tagiliran ng ambulansiya.

Dahil sa impact ng pagkakabangga, nahagip ng ambulansiya ang isang tricycle (2296 NW), dalawang motorsiklo na ang isa ay may plakang ND 19371, na nagresulta sa pagkakasugat ng mga driver nito, at isang Mitsubishi Montero (NIC 938), na pawang nakatigil sa stop light at patungong east direction.

Tumaob pa ang ambulansiya kaya’t nasugatan rin ang siyam kataong sakay nito.

Kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries and damage to property ang kasong isasampa ng pulisya laban sa driver ng truck.

Please follow and like us:
Read More

TIYUHIN KAKASUHAN SA RAPE-SLAY NG PAMANGKIN

antipolo rape slay12

(NI KEVIN COLLANTES)

NAHAHARAP na sa kaso sa piskalya ang isang tricycle driver na itinuturong suspek sa panggagahasa at pagpatay sa sarili niyang pamangkin sa Antipolo City nitong Huwebes ng hapon.

Ayon kay P/Supt. Villaflor Bannawagan, hepe ng Antipolo City Police, lahat ng ebidensiya at pahayag na kanilang nakalap hinggil sa kaso ng panggagahasa at pagpatay sa 16-anyos na si Rona May Castillo, Grade 10 student, at residente ng Old Boso-boso, Barangay San Jose, Antipolo City, ay nagtuturo sa kanyang tiyuhin na si Jimmy Castillo, kaya’t wala na silang iba pang suspek sa krimen.

Lumitaw aniya sa imbestigasyon nila na dating nakikitira si Rona May sa bahay ng tiyuhin dahil malapit umano ito sa kanyang pinapasukang paaralan at may isang buwan pa lamang ang nakakalipas nang bigla umanong umuwi ang bata sa kanilang tahanan.

Ayon aniya mismo sa ama ng biktima, kapansin-pansing naging malulungkutin ang bata, nang bumalik ng kanilang tahanan at tila may problemang hindi masabi.

Hinala ng mga awtoridad na muling bumalik si Rona May sa bahay ng tiyuhin upang kuhanin ang mga naiwan niyang gamit at dito na isinagawa ang muling paggahasa at pagpatay sa kanya.

Batay aniya sa pahayag ng mga testigo sa krimen, dakong 4:00 ng hapon ng Huwebes, bago iniulat na nawawala si Rona May, ay nakita pa ito sa bahay ng kanyang tiyuhin, na mariin namang pinabulaanan ni Castillo.

Nang mag-imbestiga rin umano ang mga pulis sa silid na dating tinutuluyan ni Rona May ay kapansin-pansing magulo ito at tila may panlalabang naganap doon.

Ani Bannawagan, posibleng nanlaban ang biktima nang halayin siya kaya’t pinatay ng suspek at itinapon na lamang ang bangkay sa talahiban.

Kumpiyansa si Bannawagan na hindi magsisinungaling ang mga testigo nila dahil boluntaryo anilang nagtungo ang mga ito sa kanilang tanggapan upang magbigay ng pahayag.

Hindi rin umano nagtutugma ang mga alibi ng suspek at pabagu-bago ang pahayag kaya’t lalong tumibay ang mga ebidensiya laban sa kanya.

Mismong ang ama ni Rona May, na kapatid ni Castillo, ay naniniwala rin aniyang ang kapatid ang may kagagawan nang pagkamatay ng kanyang anak.

Maging ang mga opisyal ng barangay sa lugar ay naniniwala rin na dati nang nagahasa si Rona May na posibleng dahilan nang pananamlay nito at pag-alis sa bahay ng tiyuhin.

Sa ngayon aniya ay iniimbestigahan na rin ng mga pulis kung posibleng may iba pang suspek sa krimen, matapos na matukoy na halos gabi-gabi ay nakikipag-inuman ang suspek sa kanyang mga kabarkada sa kaniyang tahanan.

Kaugnay nito, sinabi ni Bannawagan na nakumpirma sa resulta ng awtopsiya ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na positibong ginahasa si Rona May bago pinatay.

Lumitaw rin aniya na binagsakan ng bato ang ulo ng biktima at dahil magdamag ang bangkay sa talahiban kaya’t posibleng nakain rin ng hayop ang bahagi ng mukha nito, sanhi upang magkaroon ito ng tapyas.

“Positive na ginahasa. Ang yung damage nya sa ulo niya ay nabagsakan ng bato, kaya nagka-damage. Magdamag na naiwan doon kaya parang nakain ng hayop ang bandang part ng mukha niya,” ani Bannawagan, sa panayam sa radyo.

Huwebes nang unang iulat na nawawala si Rona May matapos na pumasok sa paaralan.

Bangkay na ito nang matagpuan ng isang magsasaka nitong Biyernes sa talahibang bahagi ng Barangay Calawis sa Antipolo City.

May tapyas ang bahagi ng mukha nito, nakabukas ang mga butones ng blouse at walang saplot pang-ibaba.

Paniwala rin ng mga awtoridad na sinakal ng kanyang ID lace ang biktima, na nagresulta sa pagkamatay nito.

 

Please follow and like us:
Read More

16-ANYOS NI-RAPE, SINAKAL, TINAPYASAN NG MUKHA

antipolo12

(NI KEVIN COLLANTES)

ISANG 16-anyos na babaeng estudyante ang natagpuang patay, may tapyas sa mukha at hinihinalang ginahasa rin dahil sa wala itong saplot na pang-ibaba nang madiskubre, sa isang talahiban sa Antipolo City.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, dakong 2:00 ng hapon nang madiskubre ang bangkay ng biktimang si Rona May Castillo, Grade 10 student, at residente ng Old Boso-boso, Barangay San Jose, Antipolo  City,  sa isang talahiban sa Sitio Binayoyo, Barangay Calawis.

Nangunguha lamang umano ng mga talahib sa lugar ang isang magsasaka nang una nitong mapuna ang bag ng biktima sa lugar.

Laking pagkabigla naman ng magsasaka nang pagbaba pa nito sa mabundok na bahagi ng talahiban ay bumungad sa kanya ang paa ng dalagita kaya’t kaagad na inireport sa kanilang barangay.

Ayon naman kay SPO3 Edwin Caimoso, deputy commander ng Police Community Precinct 2 (PCP-2) ng Antipolo City Police, wala pa silang natutukoy na cause of death ng biktima, ngunit posible aniyang pagsakal sa pamamagitan ng kanyang ID lace ang ikinamatay nito.

Sinabi naman ni Barangay Chair Allan Abonio na malaki ang posibilidad na ginahasa ang biktima dahil nakabukas ang unipormeng pang-itaas nito nang matagpuan at nawawala rin ang saplot na pang-ibaba ng biktima.

Mistula rin aniyang kinain ng hayop o hinampas ng matigas na bagay ang mukha ng biktima dahil natapyas umano ito.

“Wala na ring saplot pang-ibaba, so kaya malakas yung paniniwala namin na talagang rape victim ‘yung bata. Parang lamog yung mukha ng bata. Tsaka parang may mga putik. Parang kinain ng hayop o parang pinukpok siya,” ani Abonio, sa panayam sa telebisyon.

Lumilitaw na Huwebes pa nang iulat na nawawala ang dalagita matapos na pumasok sa paaralan ngunit hindi na nakauwi pa hanggang sa matagpuang bangkay.

May tatlong persons of interest naman na hawak ang mga tauhan ng PCP-2, kabilang ang tiyuhin ng biktima, na sinasabi umano ng ilang testigo na huling nakitang kasama ng biktima, bago ito natagpuang patay at hindi rin nagtutugma ang alibi niya sa mga pangyayari.

Mariin namang itinatanggi ng tiyuhin na may kinalaman siya sa krimen at iginiit na parang anak na niya si Castillo dahil dati aniya itong tumira sa kanyang tahanan.

Depensa pa ng tiyuhin, may kasama siyang gurong babae nang huli niyang makita si Castillo noong Huwebes habang naglalakad na pauwi mula sa paaralan.

Kinawayan pa aniya niya ito, ngunit hindi naman siya pinansin kaya’t inisip umano niyang tila may problema ang dalagita, kaya’t dumiretso na lamang sa Sitio Cabading sakay ng kanyang motorsiklo.

Nagulat na lang umano siya kina-Biyernes-an nang kumatok sa kanilang tahanan ang nakababatang kapatid ni Castillo at sinabihan siyang i-text ang ama ng biktima dahil hindi pa umuuwi ang kanyang ate.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang krimen.

Please follow and like us:
Read More

LUSOT SA NAKAW; LALAKI HULI SA TANGKANG RAPE

arrested

(NI KEVIN COLLANTES)

 

PINAGNAKAWAN na na ay tinangka pang gahasain ng isang lalaki ang isang teenager habang mahimbing na natutulog sa loob ng tahanan nito sa Antipolo City nitong Huwebes ng madaling araw.

Kaagad namang inaresto ng mga awtoridad ang suspek na si Harold Alejandro, nasa hustong gulang, at residente ng naturang lugar, bunsod ng reklamo ng isang 18-anyos na dalaga, na hindi na pinangalanan pa ng mga awtoridad para sa proteksiyon nito.

Batay sa reklamo ng biktima sa Antipolo City Police, lumilitaw na dakong 3:40 ng madaling araw nang pasukin at umano’y pagnakawan ng suspek ang silid ng biktima sa loob ng kanilang tahanan sa Zapanta Compound, Barangay San Isidro, Antipolo City.

Nang makuha ang wallet at cellphone ay tinangka pa umano ng suspek na gahasain ang mahimbing na natutulog na dalaga.

Mabuti na lamang at naalimpungatan ang dalaga nang maramdamang may lalaking nakadagan sa kanya.

Ayon sa dalaga, isang kamay ng suspek ay may hawak na patalim na nakatutok sa kanyang leeg habang ang isa pang kamay ay abala naman sa paghuhubad ng kanyang damit na pang-itaas.

Hindi naman nasiraan ng loob ang biktima, na kaagad na nanlaban at humingi ng tulong sa kanyang mga kasambahay.

Dito na naalarma ang suspek kaya’t hindi na itinuloy ang masamang balak at sa halip ay kumaripas na lamang ng takbo upang tumakas habang nagsumbong naman ang biktima sa kanyang ina.

Nang malaman ang nangyari, kaagad nang humingi ng tulong sa mga pulis ang ginang, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa isang follow-up operation.

Nabawi naman ng mga awtoridad mula sa suspek ang mga ninakaw niya gayundin ang patalim na ginamit sa krimen.

Nakakulong na ang suspek sa presinto at sasampahan ng kasong robbery with attempted rape.

 

Please follow and like us:
Read More

SUICIDE SA KADENA NG ASO

antipolo

(NI KNOTS ALFORTE)

PATAY ang isang Korean national matapos itong magbigti sa inuupahan na bahay sa Antipolo City Miyerkoles ng umaga.

Dakong alas 10:30 ng umaga nang madiskubre ni Raymond Soriano, 53, ang nakabigting bangkay ni Kim Buuyong, ng Blk. 2 Lot 44 Carter St. Cuesta Executive Village, Brgy Dalig Antipolo City

Ayon sa inisyal na imbestigasyon,  nakita pang buhay ng ilang kapitbahay si Buuyong habang nakaupo sa terrace ng inuupahang bahay.

Ilang oras pa ang lumipas nang makita na lamang nila itong nakabigti  sa ikalawang palapag ng kanyang terrace gamit ang isang wire at kadena ng aso na nakapulupot sa kanyang leeg. Problema sa sakit ang tinitingnang motibo sa pagpapatiwakal ng biktima.

 

 

Please follow and like us:
Read More