ANTAS NG TUBIG SA ANGAT DAM, NORMAL NA

(NI DAHLIA S. ANIN)

DAHIL patuloy na pag-uulan, daragdagan ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon ng tubig sa Metropolitan Waterworks Sewerages System (MWSS) dahil naabot na ng Angat dam ang normal operating level nito.

Ayon kay NWRB executive Director Sevillo David Jr. mula sa dating 36 cubic meter per second (cms) ay itataas na ito sa 40 cms.

Inaasahang tataas pa ang antas ng tubig sa Angat dam dahil sa bagyo at sa pagtataya ng Pagasa, ngayong Setyembre ay mararansan ang near-normal rainfall na siyang magpapataas sa antas ng tubig sa mga dam.

Matatandaan na noong Hunyo mula sa regular na alokasyon sa MWSS na 46cms ay ibinaba sa 40cms at muling binawasan kaya naging 36 cms dahil sa patuloy na pagbaba ng tubig sa Angat dam.

Isang malawakang water interruption din ang ipinatupad ng mga water concessionaire na inalmahan ng mga konsumer.

Sa huling tala ng monitoring ng Pagasa, umabot na sa 180.75 meters ang lebel ng tubig sa Angat mula sa 179.96 noong Lunes.

Tumaas din ang antas ng tubig sa Ipo dam sa 101.09 mula sa 101.05 at ang La Mesa dam na mula sa 76.88 ay tumaas sa 77.11 meters.

 

Please follow and like us:
Read More

KAHIT MAULAN, WATER LEVEL SA ANGAT DAM PABABA PA RIN

(NI ABBY MENDOZA)

BAGAMAT nakararanas ng pag-uulan sa ilang bahagi ng Bulacan, hindi pa rin ito nakatutulong para mapataas ang antas ng tubig sa Angat Dam at sa katunayan ay bumaba pa ito.

Ayon sa Pagasa Hydrology Division, sa loob mg nakalipas na 24 oras ay bumaba pa ang water level sa Angat dam na nasa 161.22 meters habang

nananatiling mataas umano ang demand sa tubig kaya bumababa ang water level at hindi pa rin sapat ang mga nararanasang pag-uulan.

Una nang sinabi ng Pagasa na sa buwan pa ng Setyembre nila inaasahang      tataas ang tubig sa Angat dam kung saan may mga parating na malalakas na bagyo.

Naragdagan naman nang bahagya ang water level ng La Mesa dam na nasa 73.92 meters habang nabawasan din ang water level ng Ipo, Pantabangan, at Caliraya samantalang naragdagan naman ang water level ng Ambuklao, Binga, San Roque, at Magat.

Please follow and like us:
Read More

TUBIG SA ANGAT DAM BUMABA MULI

(NI DAHLIA S. ANIN)

BAHAGYANG bumaba ngayong araw ang antas ng tubig sa Angat dam habang tumaas naman ang tubig sa La Mesa dam, ayon sa PAGASA.

Mula sa 161.56 meters nitong Lunes ng umaga, bumaba ito sa 161.46 meters.

Bumaba rin ang antas ng tubig sa iba pang dam sa Luzon tulad ng Binga dam mula 569.85 ay bumaba ito sa 569.67 at ang Caliraya dam na bumaba sa 287.00 mula sa 287.24 nitong Lunes.

Sa kabilang banda, tumaas naman sa 73.72 ang antas ng tubig sa La Mesa dam, mula sa 73.44 kahapon, Lunes.

Gayundin ang Ipo dam na naging 100.66 mula sa 100.61, pati ang Ambuklao dam na mula sa 744.26 ay nagibg 744.50 meters.

Ang lebel ng tubig sa San Roque dam ay tumaas din sa 230.82 mula sa 230.69 at ang Magat dam na tumaas sa 180.94 mula sa 180.46.

Please follow and like us:
Read More

TUBIG SA ANGAT DAM TUMAAS SA CRITICAL LEVEL

(NI DAHLIA S. ANIN)

MAS mataas na sa kritikal level ang antas ng tubig sa Angat Dam matapos ang tuluy-tuloy na pag ulan na dala ng Bagyong Falcon.

Sa tala ngayong araw ng ala 6:00 ng umaga, umakyat na sa 160.16 meters ang lebel ng tubig sa dam mula sa 158.29 meters nitong Huwebes ng umaga.

Umaray ang ilang konsumer noong mga nakaraang araw dahil sa halos 19- oras na water interruption ang ipinatupad ng Maynilad at Manila Water

Nagpaalala naman ang National Water Resources Board (NWRB) na mag-ipon pa rin ng tubig ang mga residente hanggang sa tuluyan ng makarecover ang Angat dam.

Tumaas din ang lebel ng tubig sa Ipo dam mula 100.43 meters umakyat na ito sa 100.93 meters, pati ang La Mesa dam 72.27 meter sa 73.09 meters.

Gayundin ang Ambuklao mula 742.22 meters tumaas ito sa 743.11. Ang Binga dam din ay tumaas sa 568.34 mula sa 567.92. Mula naman sa 188.91 meters tumaas sa 189.02 ang Pantabangan dam.

Tumaas din ang antas ng tubig sa Magat dam mula sa 180.36 meters umangat ito sa 180.60 meters at ang Caliraya dam mula sa 286.62 naging 286.35 meters.

Please follow and like us:
Read More

WALA NA NAMANG TUBIG!

WATER MANILA

MULI na naman mararanasan ng maraming residente sa Metro Manila at karatig lalawigan ang kawalan ng supply ng tubig na nagsimula na nitong Martes.

Ayon sa National Water Resources Board (NWRB) napagkasunduan na hindi na paabutin sa 160 metro o critical level ang antas ng tubig sa Angat Dam, ang pangunahing pinagkukuhanan ng tubig ng mga water concessionaire sa Kamaynilaan.

Naririto ang listahan ng mga apektadong lugar, base sa anunsiyo ng Manila Water nitong Martes:

MAKATI

Walang tubig 6 p.m. hanggang 2 a.m. sa susunod na araw
– Rizal
– East Rembo
– Pembo
– West Rembo

Walang tubig 5 p.m. hanggang 5 a.m. sa susunod na araw
– Carmona
– Kasilawan
– La Paz
– Olympia
– Singkamas
– Poblacion (San Miguel Village, P Gomez [right], A. Bonifacio, Pertierra, Quintos, Osemna, Angono, Cardona, Antipolo, A Mabini [right], Zamora streets)
– Tejeros
– Valenzuela

Walang tubig 7 p.m. hanggang 5 a.m. sa susunod na araw
– Bel-Air
– Cembo
– Guadalupe Nuevo
– Guadalupe Viejo
– Pinagkaisahan
– Pio del Pilar
– Pitogo
– Poblacion (Jacobo, Gen Luna, Manalac, Osias, R. Palma, P Burgos, Ilaya, Gabaldon, Villena, Matidle, Gloria, Enriquez, Alfonso, Don Pedro, Dona Carmen, San Juan, San Lucas, San Marcos, Guerrero, M Eduque, Salamanca, DM Rivera, San Mateo, A Mabini [left] and Pagulayan streets)
– San Antonio
– San Lorenzo
– South Cembo
– Sta. Cruz
– Urdaneta

MANDALUYONG

Walang tubig 2 p.m. hanggang 5 a.m. sa susunod na araw
– Addition Hills
– Barangka Drive
– Barangka Ilaya
– Barangka Itaas
– Barangka Ibaba
– Buayang Bato
– Highway Hills
– Hulo
– Malamig
– Mauway
– Plainview
– Pleasant Hills
– San Jose
– WackWack East
– Greenhills

Walang tubig 4 p.m. hanggang 5 a.m. sa susunod na araw
– Iba pang barangay sa Mandaluyong City

MAYNILA

Walang tubig 5 p.m. hanggang 5 a.m. sa susunod na araw
– Lahat ng barangay na sakop ng Manila Water maliban sa Barangays 892 hanggang 905

Walang tubig 4 p.m. hanggang 5 a.m. sa susunod na araw
– Punta, Sta. Ana at lahat ng lugar na sakop ng Manila Water (Barangays 893 hanggang 905)

MARIKINA

Walang tubig 2 p.m. hanggang 5 a.m. sa susunod na araw
– Bahagi ng Marikina Heights (Empress Subdivision, East Drive, Tanguile, Apitong, La Milagrosa, Monserrat, SNED, Upper Ordonez, bahagi ng Narra, bahagi ng Ipil, bahagi ng General Ordonez, bahagi ng Dao)
– Bahagi ng Fortune (Meteor Homes, Champaca, upper Balite, Pugad Lawin, Santan, Villa Grande Subdivision)
– Bahagi ng Concepcion Dos (Rancho Subdivision 1-4, SSS Village, Scarlet St., Purple St., Lilac St. [mula Rainbow St. hanggang Quiling Malaki Creek], Rimview Park Subdivision)
– Bahagi ng Parang (Magsaysay St.)

Walang tubig 8 p.m. hanggang 5 a.m. sa susunod na araw
– Barangka
– Calumpang
– Concepcion Uno
– Industrial Valley Complex
– Jesus Dela Pena
– Malanday
– Nangka
– San Roque
– Santa Elena
– Santo Nino
– Tanong
– Tumana
– Natitirang bahagi ng Marikina Heights, Fortune, Concepcion Dos, at Parang

PASIG

Walang tubig 2 p.m. hanggang 5 a.m. sa susunod na araw
– Oranbo
– San Antonio (Ortigas CBD)
– Ugong (Valle Verde 1 at 4)

Walang tubig 7 p.m. hanggang 5 a.m. sa susunod na araw
– Bagong Ilog
– Kapitolyo
– Pineda
– San Antonio (maliban sa Ortigas CBD)
– Ugong (Valle Verde 2, 3, at 5)
– Bagong Katipunan
– Bambang
– Caniogan
– Dela Paz
– Kapasigan
– Malinao
– Manggahan
– Maybunga
– Palatiw
– Pinagbuhatan
– Rosario
– Sagad
– San Jose
– San Miguel
– San Nicolas
– Santolan
– Sta. Cruz
– Sta. Lucia
– Sta. Rosa
– Sto. Tomas
– Sumilang

Walang tubig 6 p.m. hanggang 3 a.m. sa susunod na araw
– Buting
– Kalawaan
– San Joaquin

PATEROS

Walang tubig 6 p.m. hanggang 3 a.m. sa susunod na araw
– Aguho
– Magtanggol
– Martirez Del 96
– Poblacion
– Santa Ana
– San Pedro
– San Roque
– Santo Rosario
– Kanluran
– Silangan
– Tabacalera

QUEZON CITY

Walang tubig 5 p.m. hanggang 5 a.m. sa susunod na araw
– Milagrosa
– Ramon Magsaysay
– Alicia
– Santo Cristo
– Bagong Pag-asa
– Old Capitol Site
– Vasra
– Project 6
– Culiat
– New Era
– Bahay Toro
– Tandang Sora
– Pasong Tamo
– Loyola Heights
– Amihan
– Escopa 1
– Escopa 2
– Escopa 3
– Escopa 4
– IVC
– Marilag
– Xavierville
– Pansol
– Krus na Ligas
– UP Campus
– Matandang Balara
– Sauyo
– Holy Spirit
– Batasan Hills

Walang tubig 12 p.m. hanggang 5 a.m. sa susunod na araw
– Central
– Malaya
– Pinyahan
– Sikatuna Village
– San Vicente
– Teachers Village East
– Teachers Village West
– UP Village
– Botocan

Walang tubig 5 p.m. hanggang 4 a.m. sa susunod na araw
– Bungad
– Paltok
– Nayong Kaunlaran
– Sta. Cruz
– Phil Am
– West Triangle
– South Triangle
– Laging Handa
– Paligsahan
– Roxas
– Obrero
– Kamuning
– Sacred Heart
– Pinagkaisahan
– Immaculate Concepcion
– Kaunlaran
– San Martin de Porres
– Horseshoe
– Valencia
– Mariana
– Damayang Lagi
– Kristong Hari
– Kalusugan
– Bagong Lipunan
– Tagumpay
– White Plains
– San Roque
– Villa Maria Clara
– Masagana
– Ugong Norte
– Bagumbayan
– Duyan Duyan
– Quirino 2-A
– Quirino 2-B
– Quirino 2-C
– Quirino 3-A
– E Rodriguez
– Mangga
– East kamias
– West Kamias
– Pinyahan
– Silanagan
– Claro
– Socorro
– Bagumbuhay
– Dioquino Zobel

Walang tubig 2 p.m. hanggang 5 a.m. sa susunod na araw
– Valencia

SAN JUAN

Walang tubig 2 p.m. hanggang 5 a.m. sa susunod na araw
– Addition Hills
– Greenhills
– Little Baguio

Walang tubig 4 p.m. hanggang 5 a.m. sa susunod na araw
– Batis
– Isabelita
– Kabayanan
– Maytunas
– Onse
– St. Joseph
– Sta. Lucia
– Tibagan

Walang tubig 5 p.m. hanggang 4 a.m. sa susunod na araw
– Pasadena
– Balong Bato
– Salapan
– Corazon de Jesus
– Progreso
– Ermitano
– Batis
– Pedro Cruz
– Rivera
– San Perfecto

TAGUIG

Walang tubig 6 p.m. hanggang 3 a.m. sa susunod na araw
– Calzada
– Ibayo-Tipas
– Ligid-Tipas
– Napindan
– Palingon
– Santa Ana
– Tuktukan
– Ususan

Walang tubig 6 p.m. hanggang 2 a.m. sa susunod na araw
– Katuparan
– North Signal Village
– Pinagsama
– Fort Bonifacio
– Western Bicutan (AFPOVAI Area)

Walang tubig 2 p.m. hanggang 6 a.m. sa susunod na araw
– Western Bicutan (maliban sa AFPOVAI Area)
– Central Signal Village
– South Signal Village

RIZAL

Angono (mula 12 p.m. hanggang 6 a.m. sa susunod na araw)
– Mahabang Parang

Angono (mula 3 p.m. hanggang 11 a.m. sa susunod na araw)
– San Roque (Unamonte)

Angono (mula 8 p.m. hanggang 5 a.m. sa susunod na araw)
– Bagumbayan
– Kalayaan
– Poblacion Ibaba
– Poblacion Itaas
– San Isidro
– San Pedro
– San Roque (maliban sa Unamonte)
– San Vicente
– Sto. Nino

Antipolo (mula 4 p.m. hanggang 1 a.m. sa susunod na araw)
– San Jose (Lower Masikap, Friendship Village, along Cemez Road)

Antipolo (mula 12 p.m. hanggang 6 a.m. sa susunod na araw)
– Bagong Nayon
– Beverly Hills
– Cipang
– Dalig
– Dela Paz
– Inarawan
– Mambuhan
– Mayamot (maliban sa Imelda Ave. hanggang masinag)
– San Isidro
– San Jose (maliban sa Lower Masikap, Friendship Village, along Cemez Road)
– San Juan
– San Luis
– San Roque
– Sta. Cruz

Antipolo (mula 2 p.m. hanggang 6 a.m. sa susunod na araw)
– Cupang: Purok 1 at 5 (Starlight Street), Sitio Tamenggo
– Mayamot: Soliven Ave (mula Quiling Malaki Creek hanggang Sumulong Highway), Greenheights, Newtown 1-A, PLI Homes, Adelfa Street, Ilang-Ilang St, F. Oldan St., F. Oldan Loop, San Juan St., Sumulong Highway mula F. Oldan Street hanggang Soliven Ave.

Antipolo (mula 11 p.m. hanggang 6 a.m. sa susunod na araw)
– Mayamot (Along Marcos Highway mula Imelda Ave. hanggang Masinag)
– Muntindilaw

Binangonan (mula 3 p.m. hanggang 11 a.m. sa susunod na araw)
– Bilibiran (Bagong Nayon)
– Darangan (Mabuhay Homes, Bagumbayan, Upper Kasinay, Lower Kasinay)
– Pag-asa (Manila East, San Clemente 1 and 2, Graceville)
– Palangoy (Quarry Road)
– Pantok (Mabuhay Homes)

Binangonan (mula 10 p.m. hanggang 11 a.m. sa susunod na araw)
– Batingan
– Bilibiran (along National Road)
– Calumpang
– Darangan (along National Road)
– Ithan
– Layunan
– Libid
– Libis
– Limbon-limbon
– Lunsad
– Macamot
– Mahabang Parang
– Mambog
– Pag-asa (along National Road)
– Palangoy (along National Road)
– Pantok (along National Road)
– Pila-pila
– San Carlos
– Tagpos
– Tatala
– Tayuman

Cainta (mula 11 p.m. hanggang 6 a.m. sa susunod na araw)
– San Isidro (along Imelda Ave and along Marcos Highway)
– Sto. Domingo (along Imelda Ave)

Cainta (mula 12 p.m. hanggang 6 a.m. sa susunod na araw)
– San Juan (Valleyview, Apple Village, Igorot, Easter Heights, Sitio Dilain, Legaspi Compund, Palmera Homes)

Cainta (mula 7 p.m. hanggang 5 a.m. sa susunod na araw)
– San Andres
– San Juan

Cainta (mula 8 p.m. hanggang 5 a.m. sa susunod na araw)
– San Isidro (maliban sa Imelda Ave and Marcos Highway)

Cainta (mula 9 p.m. hanggang 5 a.m. sa susunod na araw)
– San Roque
– Sta. Rosa
– Sto. Domingo (maliban sa Imelda Ave)
– Sto. Nino

Rodriguez (mula 2 p.m. hanggang 4 a.m. sa susunod na araw)
– Bahagi ng Burgos (Dela Costa 5 and Curayao)

Rodriguez (mula 9 p.m. hanggang 4 a.m. sa susunod na araw)
– Bahagi ng Manggahan (Monte Brisa Phase 3 at La Mar Subdivision)
– Bahagi ng San Jose (Ipil, Lawaan, Narra, Alibangbang, Sampaguita, Kalantas, Mediterranean Heights, Phase 1 & 2, Abatex, Litex Ville, Monte Vista, Kasiglahan Village Phase 1A, 1C, 1E, 1G, 1K, 1K1, 1K2)

Rodriguez (mula 12 p.m. hanggang 5 a.m. sa susunod na araw)
– Bahagi ng San Isidro
– Bahagi ng San Jose

Rodriguez (mula 9 p.m. hanggang 6 a.m. sa susunod na araw)
– Balite
– Geronimo
– San Rafael
– Rosario (maliban sa Fiorenza Subdivision)

Barangay Manggahan (maliban sa Monte Brisa 1-3 at La Mar Subdivision)
– Bahagi ng San Isidro (Centella, Eastwind, Eastwood Greenvoew, – Eastwood Residences Phase 1-5)
– Bahagi ng Burgos (Sorrento, metro Royale, King David, Monta Villa 1&2, Montana Village, Daang Bakal, Daang Tubo, Marang Road, Lakad Compound, Sta. Maria Street, Baltazar, Manahan)

San Mateo (mula 9 p.m. hanggang 6 a.m. sa susunod na araw)
– Lahat ng barangay na sakop ng Manila Water maliban sa ilang bahagi ng Sta. Ana (Pelbel St., B. Mariano, at Cristi Libis)

Taytay (mula 12 p.m. hanggang 6 a.m. sa susunod na araw)
– Dolores (maliban sa Lower Dolores at Golden City)

Taytay (mula 8 p.m. hanggang 5 a.m. sa susunod na araw)
– Dolores (Lower Dolores at Golden City)
– Muzon
– San Isidro

Taytay (mula 7 p.m. hanggang 5 a.m. sa susunod na araw)
– San Juan
– Sta. Ana

Teresa (mula 12 p.m. hanggang 6 a.m. sa susunod na araw)
– May-iba
– Poblacion
– Calumpang
– San Gabriel
– Dulumbayan (Sitio Ibabaw 1 at 2)

Teresa (mula 12 m.n. hanggang 5 p.m. sa susunod na araw)
– Prinza

 

Please follow and like us:
Read More

ANGAT DAM RE-‘RESCUE’ NA SA KAKULANGAN NG LA MESA DAM

ANGAT2

(NI ABBY MENDOZA)

NASA critical low level na ang level ng tubig sa La Mesa Dam subalit walang dapat na ipangamba ang mga residente ng Metro Manila dahil nanatilimg mataas ang tubig sa Angat Dam na siyang main supplier ng tubig sa Metropolis.

Ayon kay PAGASA hydrologist Jason Bausa sa huling monitoring ay nasa 68 meter level na lamang ang tubig sa La Mesa Dam, low critical level na ito dahil amg critical level ay 69 meters.

Ang mabilis na pagbaba ng tubig sa La Mesa Dam ay dahil umano sa mataas na demand at sa nararanasang matinding init.

Hindi naman dapat na mangamba ang mga residente ng Metro Manila dahil ang pangunahing pinagkukunan ng tubig na Angat Dam ay nanatiling nasa 200.93 meters, 20 metro pa amg taas mula sa kritika level na 180 meters.

“Kaya malaki po ang tulong ng Angat Dam” pahayag ni Bausa kung saan wala umanong nakikitang problema ang PAGASA sa supply ng tubig hanggang sa Hunyo dahil sakali namang bumaba ang level sa Angat Dam ay maaring kumuha ng supply sa ibang dam.

Tiniyak naman ni  National Water Resources Board (NWRB) Executive Director Dr. Sevillo David Jr na bukod sa pagsusupply ng tubig sa Metro Manila ay kakayanin din ng supply sa Angat ang pangangailangan para sa irigasyon sa Pampanga at Bulacan.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More