PHL HIGH SCHOOL FOR SPORTS ISUSULONG  

(NI ESTONG REYES)

IPINAPANUKALA ni Senador Edgardo “Sonny” Angara ang paglikha ng Philippine High School for Sports (PHSS) na magsasanay sa mga kabataang Pinoy bilang future world class athletes.

Ayon kay Angara, maraming magagaling na kabataang atleta sa bansa ngunit kulang tayo sa “elite athletes” na kayang makipagsabayan sa pinakamagagaling sa mundo.

Aniya, kung gusto natin na magkaroon ng world-class athletes, kailangang simulan ang pagsasanay sa murang edad, matutukan at mapopondohan.

“Hindi tayo magkakaroon ng mga gold medalist sa Olympics at wala din tayong pag-asa na magkaroon ng Pinoy sa mga premyadong liga tulad ng NBA at MLB kung hindi natin seseryosohin ang pag-train sa ating mga atleta,” sabi ni Angara.

“We are all waiting for the day when we will be able to watch more of our homegrown athletes competing at the world stage and seeing them bring home glory for the country,” dagdag niya.

Kaya naman inihain ng senador ang Senate Bill 330 na naglalayong lumikha ng Philippine High School for Sports (PHSS), isang educational institution na tututok sa mga sumisibol na kabataaang atleta na magbibigay din sa kanila ng de-kalidad na  secondary education.

Ito ay bilang suporta na rin sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagtatatag ng  pambansang akademya para sa sports para sa high school students sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) nito.

Noong 17th Congress ay isinulong ni Angara ang  Republic Act 11214 o pagbuo sa Philippine Sports Training Center (PSTC) sa ilalim ng superbisyon ng Philippine Sports Commission (PSC).

“Unlike the PSTC, the proposed PHSS will provide student athletes with the same quality education as regular high schools but with special emphasis on developing athletic skills of the students through subjects pertaining to physical education and sports development,” sabi ni Angara.

“The objective of the bill is to prepare students who have shown their early potential of excelling in sports for a sports-related career while undergoing quality secondary education.”

Please follow and like us:
Read More