POKPOK NG MGA INTSIK SA SUBIC

ANG TOTOO

MULA nang nag­lipana ang mga Intsik sa Subic dahil sa malawakang Online Gambling Operations dito, naglipana na rin ang mga “pokpok” na parausan ng mga ito. Ito Ang Totoo: pala-palapag at meron pang buong hotel mismo ay ginagamit sa Online Gambling na ang mga em­pleyado ay pawang mga Intsik mula sa Tsina. Meron pang dating eskuwelahan na ginawa nang sugalan at pati mga dapat opisina ay sugalan na, tirahan pa ng mga intsik na hindi matiyak kung lahat ay dokumentado. Mga Pinoy na residente mismo ang lumapit sa atin upang…

Read More

SPECIAL TREATMENT NI DUTERTE SA MGA CHINESE 

ANG TOTOO

KAPAG ang Pinoy ay nangibang bansa, lahat ng mga batas at alituntu­nin ay kailangang sundin at sinusunod niya. Ito Ang Totoo: kapag lumabag ang Pinoy sa mga batas at alituntu­nin ng pinuntahang bansa, kalaboso kung hindi deportation ang bagsak niya. Dito sa Pilipinas, ina­agawan ang mga Pinoy ng mga dayuhang intsik hindi lamang ng trabaho kundi pati negosyo. Umaayon tayo kay Senador Panfilo Lacson na hindi dapat payagan ang mga dayuhan, partikular ang mga Intsik, na kumpitensiyahin ang mga Pinoy sa mga Small at Medium Scale na negosyo. Ito Ang…

Read More

HINDI SAPAT ANG PAKAWAY-KAWAY LANG 

ANG TOTOO

MALAMANG nangyayari ito hindi lamang sa ilang bayan ng lalawigan ng Zambales kundi pati sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Ito Ang Totoo: maganda at nararapat lang na may kanya-kanyang “traffic enforcers” ang bawat bayan sa bansa. Pero nararapat din na alam ng mga “traffic enforcer” ang kanilang ginagawa. Halimbawa, sa ba­yan ng Castillejos, Zambales, may mga “traffic enforcer,” naka-uniporme pa, kahit hindi kagandahan at ayos ang pagkakasuot. Sa may tapat ng palengke at kurbada ng daan ang “bottle neck” sanhi ng mga dami ng tao, mga tricycle at iba…

Read More

ANG UTANG NG MANILA TIMES COLLEGE SA SUBIC 

ANG TOTOO

UUBRA kaya si Subic Bay Me­tropolitan Authority (SBMA) Chair & Administrator Wilma T. Eisma sa ipinapasarang Manila Times College ni Dante Ang? `Ito Ang Totoo: mahigit P60-M na ang sini­singil ng SBMA kay Dante Ang “as of July 2018” kaya August 3, 2018, “binawi” nang SBMA ang may 2.5 ektaryang lupain at mga gusali sa dalawang lugar ng Subic Freeport. Gayunman, pinagbigyan ng SBMA ang Manila Times na tapusin ang “school year” para sa kapakanan ng mga mag-aaral. Ngayong tapos na ang “school year” at para­ting na ang pasukan, makapagbubukas…

Read More

SERYOSOHIN ANG INSPEKSIYON NG MGA GUSALI 

ANG TOTOO

LAHAT ng edad 27 pababa na naka­tira ngayon sa Gitnang Luzon, partikular sa Olongapo, Subic, Clark at Pampanga ay hindi pa nakaranas ng malalakas na pag­lindol gaya ng dala ng pagsabog ng bulkang Pinatubo noong 1991. Ito Ang Totoo: ang pagyanig nitong 5:11 PM noong Lunes ay pinakamalakas na lindol na naranasan sa nakalipas na 28 taon, kung pagbabatayan ang rekoleksiyon ng mga noo’y nasa mga nabanggit na lugar na. Sa Olongapo, maraming pinsala ang SM Mall, bagama’t walang nasawi, may mga nasugatan dala ng panic, ang iba’y sa mga…

Read More

IHANDA ANG MGA DATING MANGGAGAWA NG HANJIN

ANG TOTOO

HALOS 30,000 mang­gagawang Pilipino ang na­wa­lan ng trabaho sa kaduda-dudang pagkabangkarote ng Korean company na Hanjin, ang dating pinakamalaking investor sa Subic Bay Freeport. Ang Totoo: nakabuo na ng “consortium” ang mga bangkong pinagkakautangan ng Hanjin at may isinumite na itong “rehab plan” para sa kompanyang pinag-iinteresan ngayon ng limang dayuhang kompanya. May mula Denmark, 2 sa U.S., isang Korean at isang sikreto raw pero pinaniniwalaang Japan. Mapapansin na wa­lang kompanyang mula China, kahit gaano kasipsip sa Intsik si Pangulong Duterte, hindi niya maisisiksik ang mga ito, pero huwag tayo…

Read More

HALIMBAWA NG SIPAG AT GALING NG PILIPINO ANG U.S. BASE WORKERS

ANG TOTOO

TAMAD daw ang mga Pilipino, sabi ng isang kinatawan ng Pilipinas sa Tsina. Ang Totoo: ang pahayag ng naturang Pinoy na kinatawan ng bansa sa Tsina ay pagtatanggol sa pagtanggap ng mga manggagawang Intsik sa Pilipinas kahit kulang pa nga para sa mga Pilipino ang trabaho rito. Mali na hayaang agawan ng trabaho ng mga Intsik ang mga Pilipino, tamad man o hindi ang mga ito, kasing mali ng pagsasabi na tamad ang mga Pilipino. Ang Totoo: kilala at subok ang mga Pilipino, hindi lamang sa kasipagan, pati sa kahusayan.…

Read More

TAUNANG BUHOL-BUHOL NA DALOY NG TRAPIKO 

ANG TOTOO

BUHOL-BUHOL na daloy ng trapiko na naman ang maaasahan sa mga lansangan tungo sa mga lalawigan sa para­ting na Semana Santa o Mahal na Araw. Ang Totoo: sa mga panahong ito lang nag­luluwag ang daloy ng trapiko sa kamaynilaan, lalo na sa EDSA. Pero sa labas ng Metro-Manila, maraming “EDSA” ang nararanasan kapwa ng mga mananampalataya at mga walang sampalataya, mga bakasyunista, gimikero at gimikera  lang. Sa paborito ng marami na Subic Bay Freeport (SBMA maling sabi ng marami), natiyempong under construction ang maraming lansangan na sa haba ng panahon…

Read More

KIKILOS PA KAYA SI DUTERTE PARA IPAGTANGGOL ANG PANATAG SHOAL? 

ANG TOTOO

PINALAYAS na naman ng mga Intsik sa Panatag (Scarborough) Shoal kamakailan ang mga kababayan nating mangingisda dahil nga inaangkin ng Tsina ang naturang teritoryo ng Pilipinas, kasama na ang malawak na karagatan sa paligid nito. Ang Totoo: hindi pala inaangkin, INANGKIN na ng Tsina. Katunayan, kontrolado nila ang Panatag Shoal habang ang pamahalaan natin ay nakanganga at ang mga tagabantay ng karagatan o Coast Guard ay kukuya-kuyakoy at ang Philippine Navy ay kunwari parang walang alam sa nangyayari. Hindi naman sikreto na OK lang sa Pangulo ang ginagawa ng Tsina,…

Read More

TSINO O AMERIKANO SA HANJIN? 

ANG TOTOO

NAG-UUNAHAN ang mga Intsik at Amerikano sa Hanjin na napipintong iwan ng mga Koreano dahil sa pagka-bangkarote nito. Ang Totoo: kama­kailan, may malalaking eroplano -chartered plane – na lumalapag at bumababa sa malimit tahimik na Subic International Airport. Ayon sa isang opisyal ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na humiling huwag mapangalanan, mga Amerikano ang laman ng naturang eroplano at Hanjin ang pakay ng mga ito. Samantala, may mga Intsik umano na umupa ng mga speedboat ng pang ilang buwan sa isang Hotel Resort dito sa Subic at araw-araw nagpaparoo’t…

Read More

PRES. DUTERTE ‘DI NA BA IIMBESTIGAHAN ANG PAGKA-BANGKAROTE NG HANJIN?

ANG TOTOO

HINDI “overnight” o biglaan ang pagsasara ng Hanjin Shipyard sa Subic Bay Freeport. Ang Totoo: napakahina naman ng mga kinauukulan kung hindi nila nakita noong 2018 pa na magsasara ang bangkaroteng Hanjin na kompanyang Koreano na ­gumagawa ng mga dambuhala, hindi lang naglalakihang barko. Ang ating punto, dapat napaghandaan ang pagsasara ng Hanjin na noo’y halos may 30,000 manggagawang Pilipino. Hindi na bale ang mga bangko, nasa magandang posisyon ang mga ito para mabawi ang perang ipinautang sa Hanjin, ang mga manggagawa, nganga sa kakahabol sa separation pay na kakapiranggot…

Read More

DAPAT KUMILOS SI DUTERTE PARA SA MGA MANGGAGAWA NG HANJIN 

ANG TOTOO

MAY 288 milyong piso umano ang nakalaan para sa mga manggagawa ng Hanjin Subic na hindi pa nababayaran ang “separation pay,” tiniyak ito ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Administrator Wilma T. Eisma. Ang Totoo: ang problema ay kung kailan mababayaran ang may 3,000 manggagawang tinanggal sa trabaho ng Hanjin nitong kalagitnaan ng Pebrero, ikaapat na grupo nang mahigit 20,000 manggagawang Pilipino na nawalan ng trabaho sa pagka-bangkarote ng kompanyang Koreano. Napapaiyak na lamang ang mga manggagawa na lumapit sa atin, lahat baon na sa utang, ang mga anak ay…

Read More

SERYOSOHIN ANG LABAN SA SUNOG SA BUNDOK

ANG TOTOO

HABANG tinitipa natin ang kolum na ito, tanaw sa kabilang ibayo ng Subic Bay ang may ilang oras nang nananalasang sunog sa bundok sa isang bahagi ng bayan ng Subic. Ang Totoo: kapag tag-init, kahit papasok pa lamang, malimit ang sunog sa mga bundok sa iba’t ibang panig ng bansa. May iba dala ng kapabayaan ng mga walang pakundangang nagtatapon ng upos ng sigarilyo, meron ding kapabayaan ng mga ang libangan ay umakyak ng bundok at kung minsa’y nagkakampo pero ang pinaglutuan ng kung ano, naiiwang may ningas pa. Marami,…

Read More

CCTV SA PAGRESOLBA SA SYTIN MURDER

ANG TOTOO

MALAKING bahagi ang Closed Circuit Television o CCTV sa pagresolba sa pagpatay sa negosyan-teng si Dominique Sytin sa tapat ng Lighthouse Hotel sa Subic noong nakaraang Nobyembre. ANG TOTOO: ayon kay Subic Bay Metropo¬litan Authority (SBMA) Chair & Administrator Atty. Wilma T. Eisma, hindi matutukoy ng mabilis ang katauhan ng gunman at iba pang suspects kung hindi sa mga CCTV sa iba’t ibang bahagi ng Subic Bay Freeport. Naaresto na ng Phi¬lippine National Police (PNP) ang suspected gunman noong ika-5 ng Marso na si Edgardo Guib na, ayon kay PNP…

Read More

PANG-AAPI SA MGA NADISKARIL NA HANJIN  SUBIC WORKERS

ANG TOTOO

AKALA natin pangangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawang nawalan ng trabaho sa kaduda-dudang nabangkaroteng Hanjin Shipyard sa Subic Bay Freeport. Ang Totoo: tuluyan nang tinanggal sa trabaho ang natitira pang may 3,000 Pinoy na manggagawa na ngayo’y kasama na ng mahigit 20,000 iba pa bago matapos ang 2018. Pawang ilan daang maintenance workers na lamang ang naiwan sa Hanjin Shipyard habang hinihintay na maibenta ito para mabayaran ang mga bangkong pinagkakautangan at malamang, kikita pa ang kumpanyang Koreano. Pero ang mga manggagawang nawalan ng trabaho, ngayon pa lang nakanganga na.…

Read More

POSTE NG KURYENTE MISMONG SA MGA DAAN

ANG TOTOO

MAHIRAP unawain kung bakit may mga poste ng kuryente sa mga highway na nilaparan ng Dept. of Public Works & Highways (DPWH). Iniinspeksyon at inaaprobahan ng DPWH ang mga natatapos na kalsada ng mga kontraktor pero nakapapasa pa rin ang mga daang may poste ng kuryente. ANG TOTOO: mapanganib para sa mga motorista at commuters ang mga bumubulagang poste ng kuryente, lalo na sa mga highway. Malimit ang dahilan kaya dahil may poste ng kuryente sa daan mismo ay kapag may “road-widening,” hindi na iniuusog ang mga poste ng kuryente.…

Read More

TSINO O AMERIKANO SA HANJIN? 

ANG TOTOO

NAG-UUNAHAN ang mga Intsik at Amerikano sa Hanjin na napipintong iwan ng mga Koreano dahil sa pagka-bangkarote nito. Ang Totoo: ilang araw na, na may malala­king eroplano -chartered plane – na lumalapag at bumababa sa malimit tahimik na Subic International Airport. Ayon sa isang opisyal ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na humiling huwag mapangalanan, mga Amerikano ang laman ng naturang eroplano at Hanjin ang pakay ng mga ito. Samantala, may mga Intsik umano na umupa ng mga speedboat ng pang ilang buwan sa isang Hotel Resort dito sa Subic…

Read More

SI ALYAS JIMMY AT ONLINE GAMBLING SA SUBIC 

ANG TOTOO

KUNG si Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman at Administrator Wilma T. Eisma ang tatanungin, ayaw niya ng Online Gambling sa mga hotel ng Subic Bay Freeport. Ang Totoo: kinakapos na ng matutuluyan ang mga turista, local o dayuhan, sa Subic dahil sa pangmatagalang kontrata ng Online Gambling sa mga kuwarto ng hotel, kung hindi pala-palapag, buong hotel na, at may binili pa, ang Hotel Buma, para sa operasyon ng Online Gambling at tirahan ng mga dayuhang Intsik na ipinasok sa bansa para sa naturang sugal. Katwiran kasi ng kunwari…

Read More

TAMANG LUGAR NG PAGMAMANEHO SA HIGHWAY 

ANG TOTOO

MAPAGANIB ang bara-barang pagmamaneho ng sasak­yan, kahit na sa anong lansangan. Ang Totoo: kaya nga may mga patakaran at batas sa tamang pagmamaneho ng mga sasakyan ay para maiwasan ang aksidente, magkaroon ng kaayusan at mapangalagaan ang mamamayan. Sa napakagandang tanawin na Subic-Clark-Tarlac Expressway o SCETEx, maraming motorista na hindi mawari kung saan at paano nagkalisensiya sa pagmamaneho. Marami ang nagbababad sa “left lane” o “inner lane” na ang tamang gamit ay sa pag-“overtake” lamang. May mga SUV, jeepney, malaki at maliit na kotse, van at pati government at military/police…

Read More

BILYONG PISONG HALAGA NG BILARAN NG PALAY, PARKING AT TINDAHAN

ANG TOTOO

BILYON-BILYONG piso na ang ginagastos ng pamahalaan sa mga “road –widening” sa iba’t ibang panig ng bansa. Ang Totoo: mahalaga ang “road-widening” o pagpapaluwag ng mga daan dahil kailangan ito tungo sa pag-unlad. Lahat ng sektor ng lipunan ay nangangailangan ng ma-tinong lansangan. Kailangan sa agrikultura ang daan mula sa pagtatanim hanggang sa bentahan ng mga ani. Kailangan ang daan sa kalakalan, mapa-produkto o serbisyo. Ang mga manggagawa ay paroo’t parito sa mga pabrika, opisina at tahanan, at maging sa panahon ng pagpapahinga o bakasyon, daan pa rin ang tatahakin.…

Read More

ANG MUKHA NI MOCHA SA JOBS CARAVAN 

ANG TOTOO

HABANG nakaantabay tayo sa gagawing aksiyon ng Malacañang, kung meron man, sa paglipana ng Online Gambling sa Subic Bay Freeport, balikan natin ang isyu ng pagkabangkarote ng Hanjin Shipyard dito rin sa Subic. Kahit kasi bilyon-bilyong dolyares ang kinita ng Koreanong kumpanyang Hanjin sa paggawa ng naglalakihang mga barko, nakapagtatakang nabaon ito sa utang at hinahabol na ng mga bangkong pinagkautangan. Ang Totoo: mahigit 20,000 na ang nawalan ng trabaho at ang natitirang 3 libo ay nanganganib ding matulad sa mga nauna nang pinagtatanggal sa trabaho. Nitong nakaraang Sabado ay…

Read More

OK BA PANGULONG DUTERTE ANG ONLINE GAMBLING SA SUBIC?

ANG TOTOO

SUBUKAN ninyong mag-check-in sa Buma Hotel at Hotel Inter-Park dito sa Subic Bay Freeport at sigurado ang sasabihin sa inyo ng front desk na walang bakante – fully occupied. Ang Totoo: okupado naman talaga, pero hindi ng mga turista kundi ng operasyon ng Online Gambling. Sa halip na matuluyan ng mga turista, mapalokal o banyaga, wala nang makapag-check-in sa Buma Hotel at Hotel Interpark dahil ang naturang mga hotel ay hindi na nag-ooperate bilang hotel. Sa Buma Hotel at Hotel Interpark nakalatag-pala-palapag ang mga computer na ginagamit ng mga Intsik…

Read More

ONLINE CASINO SA SUBIC DAPAT BUSISIIN 1

ANG TOTOO

NAKATENGGA ang Casino sa Subic Bay Yacht Club, ayaw kasi payagan ng Subic Bay Metropolitan Authority  (SBMA) na mag-ope-rate. Ang Totoo: utos ng Malacañang kaya binawi ng SBMA ang LoNO o Letter of No Objection nito sa pag-o-operate ng naturang Casino. Nakahanda na ang pasilidad matapos ang matagal, bukod sa magastos, ring renobasyon na ginawa sa Yacht Club para maiporma ito bilang Casino. Hindi malinaw ang dahilan, at nai-intriga na ang pamunuan ng SBMA dahil sa pagbabawal sa pag-operate ng Casino sa Yacht Club. Hindi kaya Malacañang ang dapat ma-intriga?…

Read More