IPINAGKASUNDO BA NI INA ANG BINATANG ANAK SA DALAGA NI AIKO?

Aiko Melendez-Ina Raymundo

ANG GARA NI VINIANAG-VIRAL kamakailan ang larawan nina Aiko Melendez at Ina Raymundo kasama ang kani-kanilang anak na sina Martina Jickain, 13, at Jacob Paturnak, 15, respectively. Kuha ang larawan mula sa dinaluhan nilang wedding reception na ipinost ng dalawang aktres sa kani-kanilang social media account.

Umani na agad ito ng katakot-takot na reaksyon ang nasabing larawan at pinagma-match ng mga netizens ang dalawang bagets at komento nila, the two look good together.

“Bagay!” ang iisang komento ng netizens.

Last Wednesday, sa set visit ng seryeng Prima Donnas ng GMA-7 ay nahingan namin ng reaksyon si Aiko tungkol sa pagma-match sa mga anak nila ni Ina at natatawa na lang ang aktres.

Kwento ni Aiko, kasal ng sister niya ‘yun and since family friend nga si Ina ay invited ito sa wedding.

“Nagkataon na nandu’n ‘yung anak ko siyempre, dahil wedding ng kapatid ko. Tapos si Ina, dinala niya ‘yung son niya. Sabi ko, ‘magpa-picture lang tayo.’ Wala lang ‘yun, parang walang malice.

“Tapos, pinagpe-pair na pala ng mga tao. Sabi ko kay Ina, “Ina, ‘yung pinost natin, nag-viral, baka mamaya, seryosohin ng tao. Lugi ako dahil bata pa ‘yung aking babae.’ Tapos, tawa siya nang tawa,” kwento ni Aiko.

Actually ay bagay talaga tingnan ang dalawang bagets at parehong gwapo’t maganda. May nagsasabi na nga ngayon pa lang na future heartthrob ang anak ni Ina habang si Martina naman ay kamukha ni Aiko na very pretty rin.

Sabi nga namin ay pwedeng maging loveteam ang dalawa if ever na mag-aartista ang mga ito, pero ani Aiko ay wala raw hilig mag-artista si Martina at sports daw ang hilig nito’t gustong maging athlete.

Samantala, sa Prima Donnas ay ginagampanan ni Aiko ang papel na kontrabida bilang si Kendra. Pinagbibidahan ito ng tatlong Kapuso young stars na sina Jillian Ward, Athea Ablan at Sofia Pablo na napapanood sa afternoon slot ng GMA-7.

 ALAM NG ANAK NI KATRINA HALILI NA MAY IBANG DYOWA ANG TATAY NIYA

Alam naman pala ni Katrina Halili noon pa na magkakaroon na ng panibagong baby si Kris Lawrence na ama ng kanyang anak na si Katie.

Kamakailan ay nanganak ng baby boy ang non-showbiz girlfriend ni Kris at ayon kay Katrina, nagpaalam naman daw sa kanya ang ex-bf.

“Kasi di ba, laging pumupunta si Katie sa kanya, sinusundo niya, nagpaalaam siya sa akin, kasi, parang sabi niya, ‘yun nga, ayaw naman niyang ma-felt bad na kapag nandu’n daw ‘yung girlfriend niya, tapos si Katie, nandu’n, so pinaalam niya na may girlfriend siya and may (coming) baby,” kwento ni Katrina sa set visit pa rin ng Prima Donnas.

Ano ang na-feel niya nang magpaalam sa kanya si Kris na magkakaanak na ulit ito?

“Wala, happy ako. Sabi ko, ‘congrats.’ Matagal na (kaming wala), 7 yrs na, move on na tayo,” she said.

Okay din naman daw kay Katie na may bago na itong kapatid at nakita na nga raw nito ang baby brother.

Ang maganda raw nito, hindi na siya kinukulit ngayon ni Katie na magkaroon ng kapatid.

“At least, meron na siyang kapatid. Nasagot na ng Papa niya,” natatawa pang sabi ni Katrina.

Seven years old na si Katie at seven years  na rin daw siyang walang love life.

“Hindi ko ‘to gusto. Feeling ko, totoo ‘yung kasabihan na kapag okay ang career, minsan, hindi ok ang lovelife. Feeling ko sa akin, kasi ‘yung iba, okay naman na may lovelife at career. So, okay lang.”

At least daw ay nakakapag-focus siya kay Katie lang at sa kanyang work. Kung dadating daw ang love life ay kusa na lang daw itong dadating.

Samantala, sa Prima Donnas for a change ay mabait naman at inaapi ang role ni Katrina at sey nga niya, hiniling niya talaga ang papel na ito since parati na nga lang siyang kontrabida in the past.

In fairness ay nae-enjoy naman niya ang kanyang role pero ‘yun nga lang, lagi siyang iyak nang iyak sa mga eksena.

Ngayong Biyernes ay magaganap na ang isang pinakaabangang tagpo sa Prima Donnas at ito ay ang pagkikita finally ng tatlong magkakapatid na Donnas (Jillian Ward, Althea and Sofia) at ng kanilang ina na si Lilian (Katrina). Abangan ang madamdaming eksena na ito at ihanda na ang mga tissue.

Please follow and like us:
Read More

JACK RUSSEL TERRIER ANG CO-LEAD NI SARAH G.

ANG GARA NI VINIAFor the first time ay walang leading man si Sarah Geronimo sa kanyang bagong movie na Unforgettable at sa halip ay aso ang kanyang kasamang bida, ang Jack Russel Terrier na si Milo.

Pero walang problema kay Sarah kung wala siyang leading man dahil aniya ay liberating daw sa pakiramdam at para maiba naman na hindi naka-depende sa loveteam kungdi sa ganda talaga ng story.

In fact, matagal na palang dream ni Sarah na makagawa ng isang full length dog movie and finally ay natupad na ngayon.

Conceptualized and co-directed by the multi-awarded and internationally acclaimed director Jun Lana (Die Beautiful, Bwakaw) and award-winning filmmaker Perci Intalan (Bwakaw, Distance, Dementia), ginagampanan ni Sarah sa Unforgettable ang role na Jasmine, a young woman on a journey to Baguio na ang goal ay dalhin ang asong si Happy sa kanyang lolang may sakit dahil naniniwala siyang magiging instrument ang alaga sa paggaling nito.

“It’s a different role. Very challenging for me,” Sarah said in an interview after winning the Best Actress award from the PMPC Star Awards for her role in “Miss Granny”.

Ang isa pang dapat abangan sa pelikula ay ang mga amazing tricks na ginawa ni Milo who also starred in Vice Ganda’s box office hit, “Fantastica”.

In fairness naman sa doggie co-star ni Sarah, sikat na rin ito, huh! Viral ang kanyang mga videos sa internet at nakapag-guest na siya sa iba’t ibang TV shows showcasing his abilities.

Ilan sa nakakamanghang tricks ni Milo ay umarteng patay, mag-alis ng medyas ng kanyang master, magmasahe at magdasal bago kumain at marami pang iba.

Kaya naman hindi kataka-takang lagi raw nae-excite si Sarah (who is also a dog lover by nature) na pumunta sa shooting para makita si Milo.

Showing na sa mga sinehan ang Unforgettable sa October 23 at kasama rin sa movie sina Regine Velasquez, Anne Curtis, Cherie Gil, Tirso Cruz III, Yayo Aguila, Ara Mina, Kim Molina, Meg Imperial and Gina Pareño.

oOo

REGINE NA-DISCRIMINATE SA NEW YORK

Nakatutuwa ang bagong vlang video ni Regine Velasquez na ipinost niya sa kanyang You Tube vlog kung saan ay ikinuwento niyang na-discriminate raw siya sa isang Louis Vuitton store sa New York, way, way back.

Kwento ni Asia’s Songbird, may gusto raw siyang bilhin na LV shoes kaya pumasok siya sa store noong nasa NY siya. Pero hindi raw siya pinapasok.

“Sa umpisa pa lang, sinabi agad sa akin, wala akong size. Sabeeh?” kwento ni Regine. “Sabi ko, “can I at least, try them all?” Sabi ng guy, “no.” Sabe talaga! Gano’n! Na-discriminate agad ang lola n’yo. So, na-depress ako nang very very light,” patuloy ni Songbird.

At dahil depressed siya, nagpunta raw siya sa katapat na store na puro branded shoes din ang ibinebenta at nagwala raw siya ro’n.

“Ang ending ko, ang inuwi ko ay 20 pairs of shoes. Kasi na-depress ako,” sey niya.

Bale ba ay na-discriminate rin daw siya at first sa store na ‘yun dahil walang pumapansin sa kanya pero ‘yung ibang customers ay ina-assist.

Until may lumapit daw na guy sa kanya at tinanong if she needed help.

“So, lahat ng itinuro ko, binili ko talaga. So, ang happy niya. Super happy siya. Samantalang ‘yung mga bwisit na ibang nandu’n, nagtitinginan sila kasi ‘yung mga nagsusukat do’n, wala namang binili, teh,” kwento pa ni Songbird.

At hindi pa du’n natapos ang kwento. Nang marami na raw siyang bitbit ay bumalik siya sa LV store at dahil nakita raw ang marami niyang dala, pinapasok na raw siya sa loob. Saka pa lang daw niya nabili ang gusto niyang shoes.

Habang nagkukuwento siya ay hawak-hawak niya ang LV shoes na pinangarap niyang mabili. Ang nasabing vlang video kasi ay closet tour ng bahay nila at makikita ang katakot-takot na collection niya ng shoes and dresses na rin.

Pati ang mga netizens na nanood ng video ay naaliw kay Regine base na rin sa kanilang komento. Puring-puri nila ang pagiging totoo ni Songbird na wala raw kaere-ere at pretensyon.

Please follow and like us:
Read More

CATRIONA GRAY KINONDENA ANG GINAWA SA TRANSWOMAN

ANG GARA NI VINIAHindi rin napigilan ng ating Miss Universe na si Catriona Gray na mag-react sa nangyari sa transwoman na si Gretchen Diez na pinagbawalang gumamit ng comfort room for women sa isang mall at dinala pa sa police station.

Tulad din ng ibang netizens and celebrities, kinondena rin ni Catriona ang ginawa sa transwoman at sey niya sa kanyang mahabang post sa Instagram account, ang naturang insidente raw ay nagpapatunay na kailangan na talagang i-implement ang SOGIE (Sexual Orientation and Gender Identity and Expression) Equality Bill.

“LGBTQ+ rights are HUMAN rights – mga karapatang pangkaligtasan at kalayaan mula sa diskriminasyon, karahasan at pagmamalupit batay sa pagkakakilanlan.

“The incident happened in a city that has an existing anti-discrimination bill. Ibig sabihin, walang saysay ang isang bill na hindi maipatupad sa isang komunidad.

“Kasabay ng hinihinging pagpasa ng #SOGIEEQUALITYBILL, dapat din tayong humiling ng mga sumusunod bilang isang komunidad:

“1. ‘Accessible forms of information for the public such as educational drives, programs and awareness campaigns”: para mas maintindihan natin ang mga pangangailangan ng LGBTQ+ community at para malaman natin ang mga bagay na maaari pa nating magawa bilang mga kaalyado o mga taong may awa sa kapwa.

“2. ‘A SOGIE workplace policy’: para sa lahat ng mga pampublikong tagapaglingkod at mga taong may impluwensiya sa komunidad.

“Gusto ko ring pagtuunan natin ng pansin ang katotohanang wala dapat makaranas ng anumang uri ng pagpapahiya at pang-aabuso (emotional, physical o sexual), LGBTQ+ man o hindi.

“The whole arguement of shifting the blame to the victim for reasons of being trans to justify abuse – is still victim blaming and IS NOT RIGHT,” ang parte ng mahabang post ni Miss U 2018.

Pagtatapos pa ni Catriona, “ang LGBTQ + ay nakikipaglaban para sa kanilang mga karapatan – ang karapatan sa kaligtasan, proteksyon at pagkakapantay-pantay – ay laban din natin.”

As we all know, si Catrina ay strong supporter din ng LGBTQ kaya naman inaasahan na naming magsasalita siya talaga sa insidenteng ito.

Please follow and like us:
Read More

SUREWINNER SI PRES. CABRERA NG ANG PROBINSIYANO SA SAN JUAN CITY?

Tigil na sa showbiz si Edu Manzano once na manalo bilang Congressman ng San Juan dahil unfair ANG GARA NI VINIAnaman daw sa mga tao na pagkatapos siyang iboto ay hahatiin pa niya ang oras niya sa pagsisilbi.

“Ang laki ng utang na loob ko sa ating industriya and I’d like to think I served it well,” pahayag ni Edu sa presscon nila nina Sen. Jinggoy Estrada at ang anak nitong Mayoralty candidate na si Janella Ejercito.

“Napaka-unfair sa mga tao na ibinoto ka, na ang dami mong ginawang pangako, na let’s say, dahilan kung bakit ka tumatakbo, and then, makikita kang ilang araw sa isang linggo, nagte-taping ka,” say pa niya.

Napag-usapan na rin daw nila ito ni Jinggo na kung sakali ring mananalo si Janella as Mayor ay bibigyan siya ng office sa San Juan City Hall at magpu-full time siya talaga bilang public servant.

Nakatakda na rin niyang bitiwan ang FPJ’s Ang Probinsyano kung saan ay kasalukuyan siyang napapanood. Hanggang March na lang siya or baka nga raw mapaaga pa.

Actually, marami silang mawawala sa serye na pawang mga tumatakbo ngayong eleksyon na ang iba ay very close pa kay Coco tulad nina JHong Hilario, Mark Lapid at Lito Lapid.

Aminado naman si Edu na naging malaking bagay sa kanya ang pagkaka-cast niya sa FPJAP para mas makilala siya sa San Juan kahit pa nga kontrabida ang kanyang role.

But of course, hindi naman daw masasabing sure winner siya dahil may kalaban din naman siya.

“Kailangan talagang ipakita sa mga tao na at the end of the day, sila ang bida. And sa politics, kung dalawa kayong kandidato, 50-50% (ang chances), kung tatlo kayo, 33-33-33%.

“So, ako, tumakbo ka na parang 10 ang kalaban mo, para at least, hindi ka magiging kampante,” sey ni Doods.

oOo 

IPINAGLIBAN ANG STREAMING DAHIL SA VERY FOR ADULTS CONTENT

Pinaghandaan talaga ng tatlong bida ng “Project Feb. 14” drama series ng IWant na sina Jane Oneiza, McCoy de Leon at JC Santos ang maseselang eksena nila na talaga namang nakaka-shock.

Walang halong exaggeration, nakakagimbal ang materyal kaya nga sa 6 na episodes nito ay maglalabas sila ng warning sa pagsisimula ng bawat episode na maselan ang kwento at kinakailangan ng tamang paggabay ng nakatatanda.

Napanood na namin ang buong 6 na episodes sa screening heldl last Tuesday at talaga namang na-shock pa rin kami. Kakaibang Jane, McCoy at JC talaga ang mapapanood na lahat ay bigay-todo sa kanilang mga mapangahas na eksena.

Ang IWant ay online streaming app ng ABS-CBN at dahil nga sa online ito mapapanood, walang censorship kaya tumodo rin talaga ang direktor na si Jason Paul Laxamana na siya ring sumulat ng script.

At bilib naman kami sa tatlong lead stars dahil naibigay nila nang buong ningning ang hinihingi sa kanila.

Sabi nga ni McCoy, talagang wala silang limitations habang ginagawa ang proyekto at pati ang inhibitions ay inalis din nila completely.

“Kasi, nun’g pinitch nga sa amin ni direk, na-explain niya na ganito, kaya sinet ko na po ‘yung sarili ko na walang limitations,” sabi ni McCoy.

“Tapos ‘yung tiwala po sa mga bumubuo, unang-una po kay direk. Tapos ‘yung Dreamscape, ‘yung alaga rin sa amin na. . .kasi hindi naman po nila ibibigay sa amin ito kung ikakasama namin kaya kung ano po ‘yung ibinigay nila, binigay lang po namin ni Jane kung ano ‘yung kailangan ng karakter,” sabi ni McCoy.

May mga topless scenes ang young actor, endless kissing scenes with Jane at talagang sey ni McCoy, hindi raw siya talaga nagdi-dinner bilang paghahanda para naman maganda ang katawan niya sa screen.

Inalis din daw nila ang ilangan ni Jane at nagtulungan na lang sila para maibigay nila ang dapat na ibigay.

Ang ‘Project Feb. 14” ay isang nakakagimbal na love story tungkol sa magkasintahang nagkasundong wakasan ang kanilang mga buhay sa mismong Valentine’s Day.

Mapapanood ang “Project Feb. 14” nang libre sa IWant sa iOS o Android app o sa web browser sa iwant.ph simula sa Feb. 16. Hindi na ito sa Feb. 9 katulad ng unang naibalita.

Sa statement na inilabas ng iWant and Dreamscape Digital, which produced the six-part series,  ipinaliwanag nila ang desisyon sa pag-urong ng streaming date.

“’Project Feb 14,’ an iWant Original series will not stream on Feb. 9 as originally scheduled.

“iWant recognizes the sensitivity of the topics tackled in the series, including mental health problems, assault, and abuse, and deems it necessary to implement certain measures to safeguard the advocacy of the series in promoting mental health awareness.

“The new streaming date of ‘Project Feb 14’ will be on Saturday, Feb. 16 exclusive on iWant,” saad ng official statement. (ANG GARA NI VINIA)

Please follow and like us:
Read More

BIMBY MAG-AASAWA LANG ‘PAG PATAY NA SI KRIS   

KRIS and BIMBY

Kilalang-kilala na talaga ni James “Bimby” Aquino-Yap ang kanyang inang si Kris Aquino. Imagine, sabihin ba naman ng bagets na hihintayin na lang daw muna niyang matsugi ang kanyang ina bago siya magpakasal dahil baka mag-drama raw sa simbahan.

Si Kris mismo ang nagkuwento nito sa kanyang mga followers sa Instagram.

“Bimb promised he’ll wait for me to die before he gets married because he said I’m going to pull a “drama queen” moment in the church, sobbing hysterically then I’ll have a “heart attack” or I’ll pay someone to tamper w/ the bridal car so he’ll feel jilted. My bunso knows me inside out,” ang post ni Kris sa kanyang IG stories.

Well, 11 years old pa lang si Bimby now kaya matagal pa naman for sure ang hihintayin ni Kris bago mag-asawa ang kanyang bunsong anak.

Sinabi rin ni Kris sa na “boring person” na raw siya ngayon.

“Naubod na lahat ng pagka-naughty soon as Bimb & I could converse as equals when he was 8 years old. Tumitiklop ako sa kanya,” saad ni Kris sa IG.

We beg to disagree dahil up to this day, she still remains as one of the most controversial figure in showbusiness na lahat pa rin ng sabihin at gawin niya ay nagiging “news.”

oOo

JENNYLYN MERCADOKumpirmado na ang pagbabalik ni Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado sa Kapamilya. Pero bago mag-isip ng kung anuman ang iba, sa Star Cinema lang po siya nagbabalik because she’s doing a movie again for the 2nd time sa naturang produksyon na ipalalabas sa 2019.         Ini-reveal na sa katatapos lang na ABS-CBN’S “Family is Love” trade launch ang pelikulang gagawin ni Jen na may titulong Heart of Mine kung saan ay makakasama niya sina Richard Gutierrez and JM de Guzman.

Actually, few weeks ago pa nag-hint ang manager ni Jen na si Becky Aguila na may project na gagawin si Jen sa Star Cinema sa kanyang Facebook account though hindi pa niya kinumpirma at wala pa ring detalye.

It will be Jen’s first movie both with Richard and JM. Na sa tinagal-tagal niyang kasama ang una sa GMA-7 ay ni hindi pa sila nagkasama kahit sa drama series kungdi nang minsang mag-guest ang aktres sa serye ni Chard noon.

Ayon kay tita Becky, sobrang excited ni Jen sa project dahil bukod sa first time nga niyang magiging leading man ang dalawang aktor, napakaganda pa ng materyal kaya naman tinanggap nila agad.

Hopefully ay sa December na ang simula ng shoot though hindi pa kumpirmado kung sino ang magdidirek.

Matatandaang ang unang ginawa ni Jen for Star Cinema ay ang hit movie na Just The 3 of Us with John Lloyd Cruz in 2016.

For sure ay marami na naman ang magtatanong kung may balak bang lumipat si Jen sa Kapamilya network, pero uunahan na namin kayo sa sagot.

May existing exclusive network contract ang Ultimate Star sa GMA-7 at lagi niyang sinasabi na sa ngayon ay walang-wala sa isip niya ang lumipat ng istasyon. She’s been a loyal Kapuso artist for 15 years now simula nang manalo siya sa Starstruck Season 1 noong 2003.

oOo

RAYVER CRUZ-JANINEHindi sure si Rayver Cruz kung makakasama siya sa girlfriend na si Janine Gutierrez sa US ngayong Disyembre dahil nga baka hindi siya payagan ng GMA-7 since mayroon siyang ongoing drama series, ang Asawa Ko, Karibal Ko with Kris Bernal and Thea Tolentino.

Nakatakda kasing magbakasyon si Janine kasama ang mga kapatid at amang si Ramon Christopher Gutierrez sa US bilang katatapos nga lang ng serye niyang Victor Magtanggol.

Halatang-halatang masayang-masaya si Rayver sa nangyayari sa kanyang buhay ngayon sa career at sa love life man.

But when asked kung kaylan ang kasal, aniya ay malayo pa raw. Mga bata pa nga naman sila at marami pang gustong gawin sa buhay lalo na nga’t kalilipat lang ng aktor sa GMA-7.

 

Please follow and like us:
Read More