ANDREA SOBRANG KINILIG SA GINAWA NI SETH

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

SUMUSUNOD si Seth Fedelin sa style ng ilang Star Magic artists dati na may mga ginagawang pakulo para maimbita ang ka-loveteam na gusto nilang maka-date o maging partner sa Star Magic ball.

Actually, isa sa natatandaan naming gumawa ng gimmick noon na mala-proposal na ng kasal ang dating ay si Xian Lim kay Kim Chiu.

Ngayon naman, si Seth sa ka-loveteam nito na si Andrea Brillantes. Halatang hindi naman maitago ni Andrea ang kilig sa ginawang surpresa sa kanya ng ka-loveteam. May pa-balloon at candles na naka-korteng heart na may arrow. Napayakap ito sa ka-loveteam pagkakita sa surpresang inihanda sa kanya.

Sabi nga niya, ngayon lang daw niya naranasan ang ganung klase ng surprise. Sey niya, “First time experiencing a surprise like this!! Thank you potchi! Siyempre, di naman ako tatatanggi maging partner mo sa ABS CBN ball lakas mo sa ‘kin eh.”

Nagkasama lang ang dalawa at naging magka-loveteam sa hit afternoon drama na Kadenang Ginto, pero obvious naman na very close na ang dalawa at may kilig-kiligan sa isa’t-isa.

Sa isang banda, bongga nga ang mga nangyayari ngayon kay Andrea dahil career-wise, kitang-kita na pumi-pick-up na siyang talaga since Kadenang Ginto. Sunod-sunod din ang endorsements niya at ngayon ay nagsisimula ng magpatayo ng bahay for her family. At sa Miyerkules, August 28 ay ipalalabas naman na sa mga sinehan ang horror movie nila ni Khalil Ramos na “The Ghosting.”

SOSYAL NA PARTY NI ANGELU

Sinalubong ni Angelu de Leon sa pamamagitan ng isang sosyal na party ang kanyang ika-40th birthday noong Miyerkules ng gabi.

Hindi raw siya pala-party kaya pinag-isipan at pinagdasal niya pa rin kung magbe-birthday party nga siya ngayong 40 na siya. As a born-again Christian, ang ganda nang sinabi ni Angelu na, “I really felt it in my spirit na I wanna celebrate because I wanna give glory to God, all the years, sabi ko, may mga parte man ng buhay ko that did not start right, I wanted it to end right,”

Isa si Angelu sa mga artistang nasubaybayan namin mula halos sa Ang TV days niya, kasagsagan ng kasikatan niya ng T.G.I.S. Mga love affairs niya and all. At kung may maganda man example ng isang taong sa murang edad ay nadapa, pero hindi hinayaang nasa ganung sitwasyon lang siya ay ang actress.

Naniniwala kaming madaling sabihin ng isang tao na nagbago na siya, na maayos na ang buhay niya, pero lahat yun magmamanifest kung ano ang buhay na nakikita sa kanya. Hindi sa yaman o kasikatan kung hindi isa na rito ang pamilya at mga anak niya.

Sabi nga ni Angelu, kahit siya raw ay nagtataka kung saan nagmana ang dalawang dalaga niyang anak na sina Nicole at Louise. Kumpara sa kanya na bata pa lang ay talagang mas ginusto na ang mag-artista kesa mag-aral, ang mga anak niya, mas gusto raw talagang makapagtapos ng pag-aaral.

Answered prayer rin si Angelu na nang makilala raw niya si Lord, twelve years ago, ipinag-pray niya na sana, hindi na pagdaanan ng mga anak niya ang pinagdaanan niya noon.

Masaya rin si Angelu sa career. Sey nga niya na ipinagpapasalamat na lang niya na until now, hindi siya nawawalan ng trabaho.

“I’m still grateful na kahit paano, hindi ako nawawalan ng trabaho. Nagpapahinga, oo, pero hindi nawawalan. Ever since naman, hangga’t may mga tumatangkilik, I will still be there because at the end of the day, it would be my first love.”

Bukod sa ilang mga kaibigan sa showbiz tulad nina Gladys Reyes, LJ Moreno, John Estrada, Priscilla Meirelles, Maricar de Mesa, si Michael Flores na co-star niya sa T.G.I.S. ang nakita namin sa party ni Angelu.

Imbitado raw lahat ng T.G.I.S. pero halos lahat ay may work na naiintindihan daw niya. This month din ay ika-24th year na ng T.G.I.S. at aware raw sila na ang dami pa rin clamor na magsama-sama silang muli.

At sabi naman ni Angelu, may plano raw ang director nila na si Direk Mark Reyes nga.

PUBLIC SERVICE SHOW NI ARNELLI MORE ON THE POSITIVE AND GOOD

Nag-resigned man sa OWWA si Arnell Ignacio bilang Deputy Executive Director, tila hindi pa rin talaga matalikuran ng versatile actor, comedian, host ang public service.

Si Arnell ang bagong addition sa IBC 13 via his primetime show na, “Arnelli in The Haus” na mapapanood tuwing Huwebes ng 8:30 p.m. at may live streaming sa ibc tv 13 FB page.

Para kay Arnell, ang kaibahan ng show niya sa ibang public service show, para rin daw maiparating ang side ng gobyerno. Madalas daw kasi, kapag may nagrereklamo, ang sisi ay sa gobyerno na agad without really knowing the full story at mga proseso, ang naturang show ang magpi-fix ng gap o misunderstandings sa mga government agencies.

Ayon kay Arnell, marami raw kasing show na mali ang ginagawa. Sa halip na makabuti, nagiging negatibo pa. For once, sa mga O.F.W. na lang, panay ang mga sad flights o negatibo na nangyari sa isang O.F.W. ang hina-highlight gayong napakarami raw maganda at positibo.

Nabanggit nito ang GMA-7’s show na “Tadhana” na nagpi-feature ng mga tunay na buhay ng O.F.W. at si Marian Rivera ang host. Pinuri ni Arnell ang Mister ni Marian na si Dingdong Dantes.

“Kinausap ako ni Dingdong, tinanong niya ko kung ano ang tamang gawin. Kasi, si Dingdong, asawa ni Marian. So, dati may mali sa Tadhana, ngayon, inayos nila, yung ganun.”

 

 

 

 

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

ANDREA OK LANG LIGAWAN NI SETH FEDELIN

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

KABALIGTARAN naman ang mga positive comments ng netizens sa nailabas naming artikulo kay Kathryn Bernardo at Alden Richards ang sa Kapamilya teenstar na si Andrea Brillantes.

Napaka-real kasi ni Andrea. Kaya hindi mo rin talaga masisisi ang mga artista minsan na magsinungaling o hindi magpaka-totoo sa mga sagot nila dahil yung iba, alam na agad ang consequences na hindi nila mapi-please ang lahat. Palaging may masasabi at masasabing nega.

Si Andrea, when asked during her launching as Brilliant Skin Essentials endorser kasama ang owner nito na si Ms. Glenda Victorio kung okay rito o payag na ligawan na ng ka-loveteam na si Seth Fedelin, mabilis na “opo” ang naging sagot niya sa press.

Tila nagulat nga rin si Andrea na sobrang nagpaka-totoo pero hindi naman na nito binawi ang sinabi. Pero yun na, inattack na agad ang teenstar ng mga bashers.

Kesyo ang bata pa raw nito, kesyo kung ano-ano ng hindi magandang salita ang idinikit sa kanya. Just because nagpaka-totoo lang na sumagot?

Sixteen na si Andrea, although bata pa rin talaga, pero hayan at may loveteam na nga na masasabing ang lakas din ngayon.

Sinabi lang naman niyang okay lang na ligawan siya, pero hindi niya sinagot na okay na siyang makipag-relasyon. In fact, ang sagot nga niya sa pangungulit ng press kung may something na sila ng ka-loveteam, “ngayon po, mas kinikilala pa namin ang isa’t-isa, mas nagiging close po.”

At ang focused niya raw talaga, yung career niya na nagiging mainit dahil na rin sa role niya bilang si Cassy sa Kadenang Ginto at ang makapagpatayo raw siya ng bahay.

At 16, alam ba ng mga bashers na si Andrea na ang breadwinner sa pamilya niya?

 

 

Please follow and like us:
Read More

SETH: SPECIAL SA AKIN SI ANDREA!

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

ISANG ang tambalan nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin sa mga sinusubaybayan ngayon sa telebisyon. Kasamahang bida ng dalawa sa teleseryeng ‘Kadenang Ginto’ sina Francine Diaz at Kyle Echarri. Para kay Seth ay isang malaking karangalan para sa baguhang katulad niya na makatambal si Andrea.

“Kaming dalawa naman po ni Andrea, masaya po ako na siya po ‘yung katrabaho ko. Kumbaga parang thankful ako na binigyan ako ng ganitong opportunity. Tapos nakakakaba din kasi siya, Andrea na,” bungad ni Seth.

May ilang mga tagahanga ang nagsasabing posibleng magkaroon ng espesyal na ugnayan sina Seth at Andrea sa totoong buhay dahil talagang bagay na magkasama ang dalawa.

“Ang sagot ko po diyan is si Andrea po mahalaga sa akin. Kumbaga kaibigan ko po. Special sa akin si Andrea. Kumbaga, gusto ko pa siya kilalalanin. Gusto ko pang ‘Sino ba ‘to?’ ‘Ano pang mga ano nito?’ Pero kung dadating man do’n hindi po natin alam di ba? Kaya ngayon po gusto ko pang kilalanin,” makahulugang pahayag ng aktor.

Aminado ang binatilyo na talagang noon pa man ay gusto na nito si Andrea. “Siyempre naman po kahit sino naman pong kaedad ko. Kahit mga kaklase ko crush siya eh. Kaya humahanga ako sa kanya kasi ang ganda niya, sa galing niya sa trabaho,” pagtatapat ni Seth.

Ayon naman kay Andrea ay hindi siya kaagad naniwala noon na crush siya ng baguhang aktor. “Kasi noong una, nagkita kami tahimik siya. Tapos hiyang-hiya siya, kaya di ako naniniwala no’ng una nang sinabi niya. Sabi ko ‘Weh! Di nga?’ Gano’n-gano’n lang, siyempre ngayon mas nakikilala pa po namin ang isa’t isa. Gusto ko pong mas makatrabaho siya nang mas matagal. Kaya ayoko po muna madaliin ang mga bagay,” nakangiting pahayag ni Andrea. -Reports from JCC-

 

 

Please follow and like us:
Read More

ANDREA: AYAW NAMIN NA NAG-AAWAY SILA!

andrea22

(NI BOY ABUNDA)

KAMAKAILAN ay sabay na pumirma ng kontrata sa ABS-CBN ang mga bida ng teleseryeng ‘Kadenang Ginto’ na sina Andrea Brillantes at Francine Diaz. Masayang-masaya ang dalawa dahil sa tiwala at suportang ibinibigay ng Kapamilya network sa kanila.

“Sobrang kinakabahan ako hindi ko po alam kung bakit. Ito po ‘yung second time ko na nag-contract signing. Noong una ten years old ako, sobrang saya ko lang, hindi ako kinabahan and carefree ko lang. Tapos ngayon hindi ko alam kung bakit ako kinabahan,” nakangiting pahayag ni Andrea.

Tinaguriang Gold Squad ang mga tambalan sa nasabing serye na sina Kyle Echarri at Francine, Seth Fedelin at Andrea. “Excited po ako na kinikilig and kinakabahan kasi first time ko po. Sobrang saya ko kasi ang first time ko po na pagpirma dito sa ABS-CBN. Kasama ko pa po ang squad ko,” pahayag naman ni Francine.

Naging malapit na magkaibigan sina Francine at Andrea dahil halos araw-araw nagkakasama sa trabaho. Kahit nagbabangayan ang kanilang mga karakter sa serye ay ramdam umano ng dalawa ang init nang pagtanggap sa kanila ng mga tagahanga lalo na sa social media. “Siyempre ayaw namin na nag-aaway sila. Kasi kami po, sobrang friends naman po kami. Kaming lahat maayos kaya ayaw namin na mag-away sila kasi walang point,” giit ni Andrea.

“More on love po sana. Kasi kami po, sobrang okay kami. Kaya sana sa mga supporters po namin, sana okay sin sila,” dagdag naman ni Francine.

Nilinaw rin ng dalawa na walang nangyayaring kompetisyon sa pagitan nila pagdating sa trabaho.
“Wala po,” sabay na sambit nina Andrea at Francine.
“Mas nagtutulungan po kami,” pagtatapos ni Andrea. -Reports from JCC-

Please follow and like us:
Read More

FOR MOTHERLAND: KAHIT MAY SAKIT BUMOTO

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

NAKAHABOL naman pala sa botohan si Kris Aquino last Monday kahit masama ang kanyang pakiramdam.

Nag-post siya bandang gabi ng larawan niya na nakalagay ang kamay sa dibdib at sa darili ay makikita ang indelible ink na senyales na bumoto siya.

“Yesterday we expressed love for all our mothers for guiding us, nurturing us, and loving us… today let’s honor our MOTHERLAND by voting, and help in tho the shaping & protecting of the Philippines’ destiny.

“Kagaya ng pakiramdam ng bawat anak, na ayaw mapahiya o maging pabigat sa nanay, na ang hangarin ay pwede syang ipagyabang ng kanyang ina dahil napalaki syang mabuti, masipag, matulungin, matalino, at mapagkakatiwalaan, ganun sana ang adhikain nating lahat tungkol sa Philippines. To make the country we love proud that we are her children,” ang caption ni Kris sa kanyang larawan.

Noong maaga pa kasi ay nagpahayag si Kris sa kanyang IG na hindi siya makaboboto dahil nilalagnat siya.  She also expressed her dissapointment na hindi niya maiboboto ang mga sinusuportahang kandidato for senators.

Pero mukhang gumanda na ang pakiramdam ni Kris later in the day kaya pinilit niyang bumoto at hinangaan naman siya rito ng kanyang followers.

“Good example Ms Kris! Kahit may sakit ka, bumoto ka pa rin!” komento ng isang netizen at marami pang similar comments.

ANDREA NAGLULUKSA

Nagluluksa si Andrea Brillantes dahil sa pagpanaw ng kanyang itinuturing na lolo. Ipinost ng young actress sa kanyang Instagram ang kanyang pagdadalamhati at ramdam na ramdam mo ang sakit ng kanyang kalooban sa kanyang mga pahayag.

“To the best lolo and one of my number 1 fan (dahil isa dun si mami susan) , thank you sa pag tayo bilang tatay saakin at sa mga kapatid ko kahit hindi man kita kadugo naging tunay na lolo ka parin samin.

“Maraming salamat sa walang kapaguran na pag alaga sa aming lahat. Isa ka sa pinaka matatag at matapang na kilala ko kaya salamat sa pagiging isang good role model sakin, Isa ka sa mga dahilan kung bakit ako matatag ngayon.

“Salamat dahil lagi kang naniniwala sakin at lagi mo kong sinusupportahan sa mga pangarap ko… promise mas pag iigihan ko ang trabaho ko at tutupadin ko ang mga pangarap natin.

“Mamimiss ko mga kakulitan natin daddy jun.. mamimiss ko din mga jokes mo, ngiti mo, adventures natin pero alam ko na nasa mas mabuting lugar ka ngayon.

“Proud ako sayo dahil lumaban ka till the end i love you Daddy jun thank you for everything,” ang caption ni Andrea na ramdam na ramdam namin ang sinseridad.

Kalakip ng caption ay mga larawan ng kanyang “daddy Jun” at nakapa-touching ng isang picture na tinabihan pa niya ito sa hospital bed noong buhay pa.

Umapaw naman ang simpatiya at “condolences” messages ng kanyang mga kaibigan and supporters sa comments section.

Please follow and like us:
Read More