LASENGGONG ANAK, TINAGA NI ITAY

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI umubra ang tapang ng isang anak nang sugurin nito ang kanyang ama sa bahay at nagwala, dahilan para tagain ito, sa Roxas City.

Kinilala ang biktimang si Genesis Evangelio, 29, habang sumuko sa pulisya ang suspek at ama nitong si Jaime, 66, at kapwa residente ng Barangay Sinamongan, Pilar, Capiz.

Batay sa report ng Pilar Municipal Police Station, lango sa alak ang biktima nang sugurin nito ang kanyang ama sa bahay at nagwawala. Sa inis ng matandang Evangelio, kumuha ito ng itak at tinaga sa dibdib ang anak .

Kaagad naman dinala sa ospital ang biktima pero dineklara na rin itong patay ng umatending doktor.

Kusa naman sumuko sa pulisya ang suspek at inaantay na lamang ang desisyon ng pamilya kung magsasampa ng kaso.

 

Please follow and like us:
Read More

ASAWA’T ANAK SINASAKTAN; LALAKI BINOGA NG BIYENAN 

crime32

(NI ANNIE PINEDA)

BUTAS ang tiyan ng isang mister makaraan pagbabarilin ito ng kanyan biyenan nang tangkain umanong saksakin ng una ang kanyang asawa na anak ng huli, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Kinilala ang biktimang si Melvin Talimudao, 33, habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Jose Denosta, 67, at kapwa residente ng Purok. Mabuhay, Brgy. Bambad, Isulan, Sultan Kudarat.

Batay sa report ng Sultan Kudarat-PNP, naganap  ang insidente sa bahay ng biktima at asawa nito sa nasabing lugar.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, bago ang insidente, nagtalo ang mag-asawa at tinangka umanong saksakin ng biktima ang kanyang misis sa harapan mismo ng kanilang dalawang anak.

Sa takot ng mga bata, tumakbo ang mga ito sa kanilang lolo (suspek) na kalapit lamang sa kanilang bahay at isinumbong na may hawak na kutsilyo ang kanilang ama at sasaksakin ang kanilang ina.

Mabilis na sumugod si Jose sa bahay ng mag-asawa at naabutan umanong sasaksakin na ng biktima ang kanyang anak, kaya agad niyang ikinasa ang dalang 12 gauge shotgun at binaril si Denosta na tinamaan sa tiyan at balikat na naging dahilan ng agaran kamatayan .

Matapos ang insidente kusa naman sumuko sa pulisya ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

 

Please follow and like us:
Read More

TATAY ‘DI NASARAPAN SA ULAM; MISIS, ANAK SINAKSAK

crime34

(NI ANNIE PINEDA)

KRITIKAL ang mag-ina makaraan pagsasaksakin ng kanilang padre de pamilya habang kumakain nang hindi umano masarap sa nilutong ulam, probinsya ng Cauayan.

Kinilala ang mag-inang Gloria De Guzman, 52, at anak nitong si Angelito De Guzman, 24, binata, pintor, habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Edward Carag, 51 anyos, pawang residente ng Sipat St. Purok 7, Brgy. District 3, Cauayan City, Isabela.

Batay sa report ng PNP Cauayan, nasa hapag-kainan ang tatlo at kumakain nang bigla na lamang uminit ang ulo ng suspek at kumuha ng kutsilyo saka pinagsasaksak ang mag-ina.

Nabatid, na hindi umano nasarapan ang suspek sa pagkain at nagreklamo kung magulo ang bahay na nauwi sa pananaksak.

Kaagad naman dinala sa ospital ang mag-ina at nilapatan ng lunas ang mga tinamong sugat sa katawan.

Nadakip naman ng mga rumespondeng pulis ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong double frustrated homicide.

 

Please follow and like us:
Read More

ANAK KRITIKAL SA SAKSAK NG AMA

aklan12

(NI ANNIE PINEDA)

KRITIKAL sa ospital ang isang anak nang pag-uundayan ito ng saksak ng kanyang sariling ama dahil sa sinitang bitbit na kutsilyo, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Aklan.

Kinilala ang biktimang si Josegani Santillan, Jr, 25, habang nadakip naman ang suspek at ama nitong si Josegani Santillan, Sr., 60, kapwa residente ng Sitio Laguna, Brgy. Union, Nabas, Aklan.

Batay sa report ng Nabas Police Station, pauwi na ang mag-ama galing inuman nang sitahin umano ng batang Santillan ang matanda tungkol sa dala nitong kutsilyo.

Sa halip na itabi ng matandang Santillan ang dala nitong patalim, itinarak niya sa kanyang anak na tinamaan sa tiyan, dibdib, balikat at mga kamay.

Nagtulung-tulong naman magkakapitbahay na dalhin sa Aklan Baptist Hospital ang biktima para lapatan ng paunang lunas at kalaunan ay inilipat din sa Aklan Provincial Hospital at patuloy na inoobserbahan.

Nadakip naman ng mga rumespondeng pulis ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Please follow and like us:
Read More

TAKOT IWAN NG BF, YAYA NANGIDNAP NG ‘ANAK’ 

BACOLOD12

(NI KIKO CUETO)

BACOLOD CITY – Inaresto ang isang 19-anyos na babae nang dukutin ang sanggol ng kanyang amo, para ipakilala bilang anak ng kaniyang nobyo para hindi siya iwan.

Sa imbestigasyon, sinasabing tatlong linggo pa lamang nagsisilbing kasambahay ang babae sa mag-asawang nakatira sa Barangay Alijis sa lungsod na ito.

Pero sa kwento ng pamilya, matagal na umano nilang kilala ang suspek dahil kapitbahay nila ito sa dating tinitirahan sa Barangay Mandalagan.

Dagdag pa ng pulisya, nagpo-post na ang suspek sa social media ng mga retrato kasama ang bata at sinasabing anak niya ito.

Noong una ay hindi naman nag-aalala ang pamilya, hanggang nitong Lunes, kinabahan ang mga ito dahil hindi nakauwi ang suspek at ang kanilang anak.

Lunes ng gabi nang dumulog sa pulisya ang pamilya.

Hinanap ng pamilya ang suspek at kinausap sa Facebook ang nobyo ng suspek.

Napag-alamang taga bayan ng Miag-ao, Iloilo ang nobyo at doon posibleng pumunta ang suspek.

Humingi ng tulong ang Bacolod City Police sa Miag-ao Police at doon nakita ang suspek at ang kanyang kinuhang bata.

Agad namang dinala ang bata at ang suspek sa Bacolod City.

Inamin naman ng suspek ang pagdukot sa bata. Aniya, ginawa niya ito para hindi siya iwan ng kanyang nobyo.

Ipinakilala niya ang bata na anak umano ng nobyo niya para panagutan nito at hindi siya iwan.

Haharap sa kasong kidnapping ang suspek.

Please follow and like us:
Read More