SUPREME COURT TINANGGALL ANG AMUSEMENT TAX PRIVILEGE

CHAIR LIZA.jpg

Noong Setyembre 12, 2019, Huwebes nang gabi ginanap ang Sine Sandaan event sa New Frontier Theater, Araneta City, QC, bilang hudyat ng pagdiriwang ng 100 Years of Philippine Cinema.

Kinabukasan, Friday the 13th, nag-umpisa ang 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino, kung saan certified blockbuster ang gay comedy nina Paolo Ballesteros, Christian  Bables at Martin del Rosario.

Punong-abala rito ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pinamumunuan ni Liza Diño-Seguerra.

Nobyembre 30, Bonifacio Day, ang 37th Luna Awards sa Maybank Performing Arts Theater, kung saan kaagapay ang FDCP ng Film Academy of the Philippines (FAP).

Inisnab ng bagong FAP Director-General na si Vivian Velez ang awards night. How ironic na sa Centennial celebration, may ganyang ganap!

Lalong naging ironic ang paglabas ng hatol ng Korte Suprema noong Disyembre 10 patungkol sa pagkolekta ng FDCP ng mga amusement tax.

Ang hatol na ito ay pagkumpirma sa desisyon ng Mataas na Hukuman noong 2015.

Ang mga pelikulang Pilipinong may gradong A o B mula sa Cinema Evaluation Board (CEB) ay hindi na makatatanggap ng mga amusement tax privilege mula sa FDCP.

Pero ang bagong taon ay may hatid na bagong pag-asa.

Inilunsad ng FDCP ang FilmPhilippines, isang film incentive campaign para hikayatin ang mga international film production na magtrabaho sa Pilipinas.

Makatutulong ang FilmPhilippines sa pagpapaunlad ng industriya ng Pelikulang Pilipino at turismo.

Sinimulan ng FDCP ang 2020 sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga aplikasyon para sa Film Location Incentive Program (FLIP) at International Co-Production Fund (ICOF).

Ipagpapatuloy rin ng FDCP ang mga programa nito na International Film Studies Assistance Program (IFSAP), FDCP Film School, First Cut International Lab at mga region-centric film lab tulad ng SOVOLAB, Visayan Visions, at Luzon Panorama upang makapagbigay ng Film Development Support;

Philippine Embassies Assistance Program (PEAP), Film Cultural Exchange Program (FCEP), at International Film Festival Assistance Program (IFFAP) na may layuning ipalaganap ang Pelikulang Pilipino sa ibang bansa;

Sinesaysay Documentary Lab and Showcase, CineMarya Women’s Short Film Festival, SineKabataan, at PlayLab Animation Lab para gawing mainstream ang mga alternative form at format ng audiovisual content;

CineLokal program, International Distribution Initiatives, Festival Partnership Program, at Pista ng Pelikulang Pilipino na tumutulong sa distribution at exhibition ng mga pelikula;

Film Industry Conference at FDCP Project Market para suportahan ang pagpapaunlad ng industriya ng pelikula;

At ang patuloy na pagdiriwang ng Isang Daang Taon ng Pelikulang Pilipino. (JERRY OLEA)

Please follow and like us:
Read More