AMIT, CENTENO NANALASA SA 2019 WPA WOMEN’S 9-BALL

(NI LOUIS AQUINO)

KATULAD  ni Rubilen Amit, pasok na rin si Chezka Centeno sa round of 32 ng 2019 WPA Women’s World 9-ball Championship na ginaganap sa Jinghai International Holiday Hotel & Resort sa Sanya, China.

Ang panalo ng 20-anyos na si Centeno laban kay Melanie Suessenguth ng Germany, 7-3, ay matagumpay na bounce-back mula sa pagkatalo kay No. 15 Kristina Tkach ng bansang Russia, 7-5, kamakalawa.

Si Centeno, ranked No. 25 sa mundo Centeno ay kapapanalo lang ng gintong medalya sa 30th Southeast Asian Games noong nakaraang linggo.

Ang 38-anyos naman na si Amit, gold medallist din sa nakaraang SEAG, ay nauna nang nakapasok sa round of 32 ay ranked No. 3 sa mundo.

Walang hirap na tinalo ni Amit ang mga nakalabang sina Sweden’s Monika Margeta at Poland’s Ewa Bak na kapwa dinomina niya sa 7-1 para makasama sa susunod na round,

Maganda rin ang ipinakita ng dalawang Filipino female cue artists na sina Floriza Andal at Iris Ranola.

Nagwagi si Andal laban sa world No. 8 na si Chou Chieh Yu ng Taiwan, 1-7, sa lower bracket ng Group B.

Nauna nang ginulat ni Andal ang world No. 45 na si  Tina Vogelmann ng Germany, 7-2, ngunit nabigo sa 2015 runner-up na si Jasmin Ouschan ng Austria, 6-7.

Sumuko naman si Ranola laban sa runner-up noong nakaraang taon na si Wang Xiaotong ng China, 1-7, sa Group G.

Samantala, tuluyan nang nagpaalam sa 2019 Men’s World 9-Ball Championship sa Doha, Qatar ang Filipino cue artists na sina 2017 champion Carlo Biado, Filipino-Canadian Alex Pagulayan, Johann Chua at Jeffrey Ignacio.

Please follow and like us:
Read More

WORLD POOL ASSOCIATION; AMIT, N0.3 NA!

(NI ANN ENCARNACION)

INOKUPAHAN ni Southeast Asian Games multi-gold medalist Rubilen Amit ang pangkalahatang ikatlong puwesto sa World Pool Association (WPA) ranking matapos ang magkasunod nitong pagtatapos sa ikalawang puwesto sa sinalihang tournaments sa Japan at China.
Mula sa ika-10 puwesto ay nagawang umakyat sa world ranking ang 37-anyos at Accounting graduate na si Amit makaraang makatipon ng kabuuang 10573, 5323 mula sa pagsungkit sa ikalawang puwesto sa Japan Open at 5250 sa China Open.
Dalawang Chinese ang kumuha sa una at ikalawang puwesto nang makatipon si Han Yu ng 12180 puntos (4180+8000) at Siming Chen ng 10720 puntos (6720+4000).
Naghahanda ngayon ang two-time world billiards 10-ball champion noong 2009 at 2013 na si Amit para sa 30th Southeast Asian Games kung saan ang kababayang si Chezka Centeno ang defending champion.  Ann Encarnacion

Please follow and like us:
Read More