TABLOID COLUMNIST, 1 PA, PATAY SA AMBUSH

(NI JG TUMBADO)

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng riding in tandem ang isang kolumnista at maging ng isa pa nitong kasama habang sakay sa kotse sa bayan ng Arayat, Pampanga Linggo ng gabi.

Nakasalampak pa sa driver’s seat nito at wala nang buhay bunsod ng apat na tama ng bala ng baril sa ulo at katawan nang datnan ng pulisya ang biktima na si Jupiter Gonzales, kolumnista ng diyaryong Remate at kasamang si Christopher Tiongson, na dead on arrival sa Arayat District Hospital.

Batay sa report kay Police Lt. Colonel Dale Soliba, chief of police ng Arayat, sakay umano ang dalawa sa isang kulay abong Nissan Almera na minamaneho ni Gonzales patungong Olongapo City nang sila ay buntutan at paulanan ng bala ng dalawang armadong lalaki na lulan sa motorsiklo sa bahagi ng Barangay Cacutud, dakong alas 10:30 ng gabi.

Si Gonzales ay nagsusulat bilang kolumnista sa nabanggit na tabloid at kilala bilang kritiko ng ilegal na pasugalan, partikular ang peryahan sa ilang mga lugar sa National Capital Region (NCR) at maging sa Central Luzon.

Kinondena naman ng Presidential Task Force on Media Security ang pagpaslang kay Gonzales na ayon kay Under Secretary Joel Sy Egco ay reresolbahin ang kaso sa lalong madaling panahon.

Kasabay nito, nagtatag na ng Task Force Gonzales ang PTFoMS, katuwang ang Pampanga Provincial Police Office at Arayat Municipal Police upang mabilis na matukoy ang mga nasa likod ng pamamaslang.

Please follow and like us:
Read More

MUNICIPAL TREASURER PATAY SA AMBUSH

(NI BONG PAULO)

PATAY on the spot ang acting Municipal Treasurer ng President Quirino sa Sultan Kudarat nang tambangan ng hindi pa nakilalang mga suspek habang sakay ang biktima sa kanyang sasakyan, sa Purok 1, Barangay Tinaungan, President Quirino, Sultan Kudarat, hapon nitong Miyerkoles.

Kinilala ang biktima na si Rey Torres, 46, residente Barangay Katico ng nasabing bayan.

Sakay ng isang puting van ang biktima na pag-aari ng bayan at pauwi na sa kanyang bahay nang tambangan, alas-4:50 ng hapon.

Ayon kay P/Capt Jessie Silva, hepe ng President Quirino PNP, wala pa silang matukoy na motibo sa ngayon sapagkat magsisimula pa lamang silang kumalap ng ebidensya na makapagtutukoy sa motibo at kung sino ang nasa likod sa pagpatay sa acting municipal treasurer.

Naka-recover ng ilang empty shell at slug ng cal. 45 armas ang SOCO sa pinangyarihan ng pananambang.

Sinabi ni Silva na lahat ng posibleng anggulo ay kanilang titignan upang mabigyan ng hustisya ang kamatayan ng nasabing opisyal.

Wala namang malaman na dahilan ang misis ng pinaslang na acting treasurer dahil wala namang sinasabi ang biktima na may threat ito.

Sa ngayon ay hawak na ng pulisya ang cellphone ng biktima habang dadalhin naman sa PNP crime laboratory office ang mga basyo ng bala para sa ballistic cross examination.

Please follow and like us:
Read More

MAY-ARI NG RADIO STATION, INAMBUS

(NI NICK ECHEVARRIA)

SUGATAN ang isang mediaman makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang pauwi sakay ng kanyang kulay puting Ford Eco Sport (NAT 5458) sa Tagum City, Davao del Norte, Biyernes ng umaga.

Kinilala ng Tagum City Police Station ang biktima na si Paterno Pacquiao, 54, Provincial Information Officer, may-ari ng 99.9 RP FM at nakatira sa Purok White Dove, Brgy. Visayan sa nasabing lungsod.

Nabatid sa imbestigasyon na pauwi na ang biktima galing sa kanyang radio program nang bigla itong dikitan at pagbabarilin ng  hindi pa nakikilalang suspek sakay ng motorsiklo bandang alas-8:06 ng umaga sa nasabing barangay.

Sa kabila ng tinamong sugat sa kanyang katawan, nagawa namang makalayo ng biktima sa lugar ng insidente nang paharurutin nito ang kanyang sasakyan,

Agad namang isinugod ang biktima sa Medical Mission Hospital malapit sa lugar para lapatan ng lunas.

Patuloy na tinutugis ng pulisya ang tumakas na suspek habang inaalam pa ang motibo ng pananambang.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang basyo ng bala at isang deformed na bala mula sa .45 kalibre ng baril.

Please follow and like us:
Read More

INDIAN NATIONAL, BEBOT, PATAY SA TANDEM 

crimeshooting12

(NI NICK ECHEVARRIA)

PATAY ang isang Indian national at ang babaeng angkas nito sa kanyang motorsiklo makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang motorcycle riding criminals sa Oriental Mindoro, Lunes ng umaga.

Naganap ang insidente ng pamamaril sa Brgy. San Antonio, Roxas ng nabanggit na lalawigan bandang alas-10:44, na nagresulta sa pagkamatay ng mga biktima na nakilalang sina, Harbhajan Singh, 40, negosyante at Maria Ana Adame Brucal, 35, , negosyante, kapwa nakatira sa Brgy. Bagumbayan sa nasabi ring bayan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, magkaangkas ang dalawang biktima sa sinasakyang kulay itim na motorsiklo na minamaneho ni Singh galing sa Bayan ng Mansalay patungo sa kabayanan ng Roxas nang ratratin ng riding in tandem pagsapit sa hangganan ng nasabing mga bayan.

Ayon sa report ng Brgy. Captain na si Hermis Catapang sa pulisya, nilapitan umano ng mga suspek ang mga biktima at saka pinagbabaril ng maraming beses, kung saan nagtamo ng mga tama ng bala si Singh sa kaliwang bahagi ng likod at dibdib na naging sanhi ng agarang kamatayan nito.

Namatay naman habang ginagamot sa Oriental Mindoro Southern District Hospital si Brucal matapos magtamo ng bala sa kanyang ulo, kaliwang braso at binti at sa tiyan, habang mabilis namang tumakas ang dalawang suspek patungo sa bayan ng Bongabong, Oriental Mindoro.

Narekober ng pulisya ang anim na basyo ng bala ng kalibre .45 baril at 2 basyo ng 9mm pistol habang ikinasa naman Roxas MPS ang isang manhunt operation para sa posibleng pagkakadakip sa mga tumakas na suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

COURT EMPLOYEE TIGOK SA AMBUSH 

(NI ANNIE PINEDA)

NALILIGO sa sariling dugong  sumemplang ang isang kawani ng korte sa isang munisipalidad matapos tambangan at pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek, sa probinsya ng Leyte.

Kinilala ang biktimangsi Jose Cedric Saavedra, empelyado ng Alangalang Municipal Trial Court at residente ng Sitio Bonol Bgy. Binongtoan Alangalang, Leyte.

Batay sa report ng Alangalang Municipal Police Station, sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo pauwi sa kanilang tahanan nang tambangan ng mga hindi kilalang suspek na lulan din ng motorsiklo.

Pinagbabaril ang biktima na tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan na agad nitong ikinasawi.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang tunay na motibo sa pamamaril at pagkakakilanlan sa mga suspek para sa agaran ikadarakip sa mga ito.

Please follow and like us:
Read More

PATUNGONG RADIO STATION; POLICE CHIEF, 3 TAUHAN NIRATRAT

(NI AMIHAN SABILLO)

MASUWERTENG nakaligtas ang Chief of Police (COP) ng Pinamalayan, habang sugatan ang tatlo nitong tauhan sa isang ambush, Martes ng umaga sa National Highway sa Brgy. Pasi 2, Socorro, Oriental Mindoro.

Sa initial report na nakarating sa Camp Crame mula sa  Pinamalayan Municipal Police Station ni barangay chair Danilo Caspe, ng Brgy Pasi 2, nakarinig sila ng malakas na pagsabog dakong alas-7:45 ng umaga na sinundan ng sunud-sunod na putok ng baril sa naturang barangay.

Target umano ng pag-atake ang mobile patrol car ng Pinamalayan MPS na sinaksakyan nina PCpt. Ruelito Magtibay, DCOP, PCMS Ivan Fortus, PSMS Irene Lazo, PCpl Ivy Carmona, Brgy. Chairman Noli Dela Cruz, ng Brgy. Palayan, Pinamalayan, Oriental Mindoro, at driver na si Pat. Raquel Generoso.

Patungo umano ang grupo sa Pinamalayan para dumalo sa isang radio interview nang atakihin ng mga hindi pa kilalang salarin, nakaligtas naman sa pag-atake ang grupo at derederetsong nakatakbo ang kanilang sasakyan palayo sa ambush site.

Dahil sa insidente, sugatan sina PCMS Ivan Fortus, PSMS Irene M Lazo at PCpl Ivy Carmona, na agarang dinala sa Oriental Mindoro Provincial Hospital.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente, pagtukoy sa mga salarin at pagkakilanlan ng mga ito.

Please follow and like us:
Read More

3 MAGKAKAANAK UTAS SA AMBUSH

(NI BONG PAULO)

PATAY ang tatlong magkakapamilya, kabilang na ang mag-ama, nang tambangan at pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga gunman sa national road sa Barangay Maligaya sa bayan ng Lambayong, Sultan Kudarat, Martes ng hapon.

Kinilala ng Lambayong PNP ang napatay na mag-ama na sina Ton-Ton Ibad, at ang anak nito na si Mike Ibad, pawang residente ng Purok Namnama, Barangay Poblacion Lambayong, habang kinilala naman ang driver na si Baby Nor Sulay Talib, ng Purok Linglingay Poblacion ng nasabing bayan.

Mula umano sa Tacurong City ang mga biktima na dumalo sa pagdinig sa kanilang kaso sa korte at pagdating sa nabanggit na lugar ay pinaulanan ang mga ito ng bala ng baril mula sa kalibre .45, batay sa mga narekober na bala sa crime scene.

Dead on the spot ang tatlong  magkaka-anak matapos na magtamo ng tama sa ulo sa naganap na pamamaril, alas-4:40 ng hapon.

Patuloy pang inaalam ang motibo at kung sino ang may kagagawan sa insidente.

 

Please follow and like us:
Read More

TSERMAN TINADTAD NG BALA  

CRIME12

(NI ANNIE PINEDA)

TADTAD ng tama ng bala ng baril ang isang punong barangay matapos tambangan at pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang mga suspek na nakasuot ng helmet, sa lalawigan ng Cagayan.

Kinilala ang biktimang si Remegio Dela Cruz, 60, ng Barangay Bugnay, sa bayan ng Tuao, Cagayan.

Batay sa report ng PNP Tuao, dakong alas 8:45 ng umaga ng Biyernes nang maganap ang insidente sa nasabing lugar .

Lumabas sa paunang imbestigasyon, kaalis lamang ng kanyang bahay ang biktima at minamaneho ang kanyang Hi-lander na sasakyan na may plakang (UMV-904) patungo sa bayan ng Tuao West para sa pagpupulong.

Bigla na lamang sumulpot ang dalawang motorsiklo na may angkas sa isa at at pawang mga nakasuot ng helmet at jacket saka pinagbabaril ang biktima na tinamaan sa batok at iba pang parte ng katawan.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Dinala naman sa ospital ang biktima pero dineklara na rin itong patay. Nagpapatuloy naman ang ginagawang pagsisiyasat ng pulisya para alamin ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek.

Please follow and like us:
Read More

RETIRED COP BUTAS ANG PANGA SA AMBUSH

(NI NILOU DEL CARMEN)

SUGATAN ang isang retiradong pulis matapos na ito ay tambangan ng dalawang gunman habang ito ay nagmamaneho ng kanyang sasakyan kasama ang pamilya  sa Calamba City, Huwebes ng madaling araw.

Ginagamot ngayon sa Calamba Medical Center ang biktimang si Melvin Polintan Llanes, na nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang pisngi na tumagos sa kanan at tumama sa kanyang balikat.

Batay sa imbestigasyon ng Calamba City police, dakong alas 12:30 ng madaling araw nang pagbabarilin ang sasakyan ng biktima ng dalawang suspek na nakasakay sa tricycle  sa may bahagi ng Villa Càrpio sa Barangay Parian.

Pauwi na sa kanilang bahay ang  biktima at kasama sa loob ng van ang kanyang maybahay at isang anak na babae.

Hindi naman nasugatan sa pamamaril ang dalawa samantalang mabilis na tumakas ang mga suspek.

Kahit sugatan, nagawa namang imaneho pa ng biktima ang kanyang sasakyan patungo sa ospital.

Patuloy pa ang imbestigasyon at pinag-aaralan pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen at kung sino ang mga salarin.

 

Please follow and like us:
Read More

HEPE SUGATAN, INMATE DEDO SA AMBUSH

maguindanao map12

(NI BONG PAULO)

NAPATAY ang isang inmate na isasailalim sa inquest proceedings habang sugatan naman ang hepe ng pulisya makaraang tambangan ang mga ito habang patungo ng korte sa naganap na pamamaril sa Sitio Katulungan, Brgy. Taviran sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, sa lalawigan ng Maguindanao, Miyerkoles ng umaga.

Sa ulat na nakarating kay Police Major Joseph Macatangay, alas-8:30 ng umaga nang patungong Cotabato City ang patrol car ng General SK Pendatun MPS upang isailalim sa inquest proceedings ang inmate na si Nords Kabil Usman na may kasong frustrated murder at kasong paglabag sa pagdadala ng hindi lisensyadong baril.

Pagdating sa Sitio Katulungan, Barangay Taviran ng nasabing bayan ay may isang motorsiklo ang sumunod sa kanila at pagdating sa lugar ay agad na pinaputukan si Usman ng dalawang hindi nakilalang mga suspek gamit ang caliber 45 pistol.

Patay noon din si Usman habang tinamaan din ang hepe ng Gen. SK Pendatun MPS na si Police Captain Romel Enriquez pero hindi naman ito napuruhan at nagawang makaganti ng putok dahilan upang tumakas ang mga suspek sa di natukoy na direksyon.

 

Please follow and like us:
Read More

ASST. CITY PROSECUTOR SUGATAN SA AMBUSH

(NI FRANCIS SORIANO/PHOTO BY AJ GOLEZ)

NASA mabuting kalagayan na ngayon ang assistant chief inquest prosecutor ng Caloocan City matapos tambangan at pagbabarilin sa harapan ng Chinese restaurant malapit sa Caloocan City Hall at East Grace Park, Martes ng hapon.

Kinilala ni PCol Noel Flores, hepe ng Caloocan City Police Station, ang biktima  na si Chief Assistant Inquest Prosecutor Elmer Susano.

Ayon kay Flores, si Susano ay pauwi na ng kanyang bahay lulan ng kanyang Toyota Hilux pick-up truck nang ito ay panandalian huminto sa naturang restaurant para magpatake-out ng pagkain sa B. Serrano Street corner 9th Avenue, dakong 3:00 ng hapon.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nasa loob na ng kanyang sasakyan ang biktima nang ito ay pagbabarilin  ng mga hindi pa kilalang suspek lulan ng dalawang motorsiklo na riding-in-tandem.

Gayunman,  hindi inakala ng mga suspek na bulletproof ang naturang sasakyan ng biktima kaya nagkaroon pa umano ng ilang metro na habulan hanggang sa tuluyang umatras ang mga salarin.

Narekober sa crime scene ang 13 piraso ng empty shells na hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Inamin din ni Susano sa mga awtoridad na bago ang insidente ay nakatatangap na siya ng mga death threats.

Bunsod nito,  nagsasagawa ng mas malaliman na imbestigasyon ang Caloocan PNP kung saan ay nirerebisa na nila ang kopya ng closed-circuit television (CCTV) footage ng insidente para matukoy ang pagkakakilalan ng mga suspek.

Samantala,  matatandaan na noong May 2017 ay inambush din si Assistant City Prosecutor Diosdado Azarcon, kung saan ay napatay ito, makaraan pagbabarilin ng tatlong beses sa ulo ng dawalang motorcycle-riding-in-tandem sa Barangay 63, West Grace Park.

Please follow and like us:
Read More

DATING PANGASINAN REP. ESPINO LIGTAS SA AMBUSH; SECURITY AIDE PATAY

(UPDATE)

SUGATAN ngunit ligtas na sa kritikal na kalagayan si dating Pangasinan governor Amado Espino, Jr., matapos tambangan sakay ng kanyang Toyota Land Cruiser, Miyerkoles ng hapon.

Nabatid na bandang alas-4:30 ng hapon nang pagbabarilin ng grupo ng armado ang sasakyan ni Espino sa Magtaking in San Carlos City.

Isa sa mga aide ni Espino, isang pulis, ang namatay sa ambush habang isinugod naman si Espino  sa Holy Blessed Family Hospital, sa San Carlos City, ayon kay San Carlos City Mayor Julier Resuello.

Nilinaw din ni Resuello na isang aide lamang ni Espino ang nasawi at hindi higit pa rito tulad nang unang naibalita.

Apat sa iba pang aide ni Espino ang kritikal lulan ng backup na sasakyan na Toyota Innova, ayon pa kay Resuello.

Gayong sugatan, nagawa pang isugod ng driver ang dating mambabatas sa ospital na may 150 metro ang layo.

Nabatid pa na nagawang kubabawan ng security aides si Espino habang binabaril ng mga armado.

Nagtamo si Espino ng mga tama ng bala sa braso at katawan at inoobserbahan pa rin ng mga doktor. Patuloy na isinasagawa ang imbestigasyon gayundin ang motibo sa pananambang kay Espino, dating kumatawan sa 5th district ng Pangasinan.

Please follow and like us:
Read More

NIA EMPLOYEE INAMBUS NG TANDEM

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Dead on arrival sa Cadulong Medical Hospital ang isang kawani ng National Irrigation Administration (NIA) nang pagbabarilin ng riding in tandem suspek sa Baranagay, Batulawan, Pikit, North Cotabato, Biyernes ng umaga.

Sa ulat ng Pikit PNP, nakilala ang nasawi na si Bryan Aman Maliganan, 35.

Sakay umano ang biktima ng kanyang motorsiklo galing sa kanilang bahay nang dikitan ng riding tandem suspek at pinagbabaril, alas 7:55 ng umaga.

Naganap ang pamamaril nang huminto ang biktima dahil nagkaroon ng bigat sa daloy ng trapiko.

Patay noon din ang biktima nang magtamo ng tama ng bala sa kanyang batok mula sa caliber .45 pistol base sa nakuha sa crime scene.

Mabilis na tumakas ang mga suspek na lulan ng motorsiklo at walang plaka patungong Barangay Dilanggalen.

Hindi pa batid kung ano ang motibo sa krimen. Ito na ang ikatlong pamamaril na naganap sa loob lamang ng isang linggo.

Please follow and like us:
Read More

TIBO PINATAY SA HARAP NG INA, GF

crimeshooting12

(NI HARVEY PEREZ)

BUMULAGTA ang isang 22-anyos na  ‘tibo’ nang barilin nang  malapitan ng gunman na nakasakay ng motorsiklo, habang naglalakad kasama ang kanyang ina at kasintahan, Martes ng gabi sa Road 10 Tondo, Maynila.

Hindi na umabot nang buhay  sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC), ang biktimang si   Jeeva Revilla, dalaga, saleslady, ng Building 8 Happy Land sa Brgy. 105 Tondo.

Samantalang nakatakas naman ang suspek na inilarawan na nasa edad 30-35, may taas 5’0, naka-long sleeve na polo, maong pants, nakasuot ng kulay itim na sapatos at naka-helmet.

Ayon kay PMMSG Richard Escarlan , imbestigador ng Manila Police District-homicide section, alas  8:15 ng gabi, nang pagbabarilin ang biktima sa harapan ng isang junk shop sa Happy Land.

Nilapitan at saka pinagbabaril ng suspek ang biktima na nasawi dahil sa dalawang tama ng bala sa katawan.

Isinugod sa pagamutan ang biktima ng ng  kanyang kasintahan at ina na si   Eva Revilla, 52, ngunit hindi na umabot nang buhay.

Iniimbestigahan naman MPD-hs ang pagkakakilanlan ng suspek at posibleng motibo ng krimen.

Please follow and like us:
Read More

NEGOSYANTENG MISIS PATAY, MISTER SUGATAN SA AMBUSH

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Dead on arrival sa pagamutan ang isang negosyanteng babae habang sugatan naman ang mister matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Maria Clara Street Poblacion, Kabacan, North Cotabato, madaling araw ng Miyerkoles.

Nakilala ang nasawi na si Jonna Baylin Raquel habang sugatan naman ang asawa nitong si Danny Jarabata Raqcuel.

Sa inisyal na ulat ng Kabacan Police, tinatahak ng mag-asawa ang daan na lulan ng motorsiklo patungo sana sa public market nang dinikitan at pagbabarilin sila ng hindi pa kilalang suspek, alas 4:30 ng madaling araw.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng caliber 45 pistol na ginamit ng mga suspek sa pamamril.

Agad na isinugod sa pagamutan ang mag-asawa pero idineklarang patay si Jonna habang patuloy namang nagpapagamot ang kanyang asawa sa ospital.

Patuloy pa rin hanggang sa ngayon ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

 

Please follow and like us:
Read More

ABOGADO KUMASA SA TANDEM; LIGTAS SA AMBUSH

crimeshooting12

(NI NICK ECHEVARRIA)

HIMALANG nakaligtas  ang isang abogado matapos tambangan at ratratin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng motorsiklo sa labas ng Cebu City Hall of Justice sa Qimonda IT Center, North Reclamation Area, Lunes ng umaga.

Sa imbestigasyon ni P/Master Sgt. Ruth Bonggo ng Waterfrong police station, lumalabas na 11 tama ng bala ang tinamo ng kulay puting Sports Utility Vehicle (SUV) ng biktimang  si Atty. Innocencio dela Cerna, na binuwenas namang hindi man lang nasugatan.

Nabatid na bandang alas-9:00 ng umaga nang bistayin ng bala ng riding in tandem ang nasabing abogado habang papalabas ng hall of justice ng Cebu City sakay ng kanyang SUV galing sa isang hearing.

Bagama’t nakuhang paharurutin ng biktima ang kanyang sasakyan ay hinabol din siya ng mga suspek at walang tigil na pinagbabaril.

Nagawa ring makipagbarilan ng biktima sa mga suspek pagdating sa kanto ng S. Osmena Road at Aviola street matapos nitong ihinto ang kanyang sasakyan sa may gasolinahan saka mabilis na bumaba bitbit ang kanyang baril hanggang sa tumakas ang mga suspek.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang nangyaring insidente para sa pagkakakilanlan at motibo ng mga suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

KONSEHAL ITINUMBA

(NI ANNIE PINEDA)

NALILIGO sa sariling dugo ang isang konsehal nang tambangan at pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang armadong kalalakihan ang sinasakyan nitong van, iniulat kaninang umaga sa lalawigan ng Pangasinan.

Kinilala ang biktimang si Konsehal Virgilio Calizo Jr., residente ng barangay Guebel, San Jacinto.

Batay sa report ng San Jacinto Police Station, dakong alas 8:30 ng gabi ng Sabado nang maganap ang insidente sa Barangay Imelda, San Jacinto .

Lumabas sa paunang imbestigasyon, sakay ang biktima ng van nang biglang dikitan ito ng mga suspek at barilin nang malapitan saka mabilis na nagsitakas.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at katawan ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at inaalam na rin ang motibo sa pamamaril at pagkakakilanlan sa mga suspek.

Please follow and like us:
Read More

‘BAGMAN’ NG SINDIKATO NG DROGA, PATAY SA AMBUSH

negros occidental12

(NI ANNIE PINEDA)

BINAUNAN ng bala sa ulo at katawan ang self-confessed bagman ng Berya Drug Group nang tambangan at pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan, Sabado ng hapon sa Bacolod City.

Kinilala ang biktimang si Ricky Serenio, ng Pulupundan, Negros Occidental.

Agad naman nadakip ang dalawa sa tatlong suspek na kinilalang sina Allan Bustamante, 30, ng Mabuhay 2, Toboso, Negros Occidental; at Joemar Dumip-ig, 30, ng Purok Boulevard, Brgy. 14, Bacolod City at tubong Escalante City.

Batay sa report ng pulisya, naganap ang insidente Sabado ng hapon sa Barangay Pahanocoy, Bacolod City, habang minamaneho ng biktima ang kanyang kulay pula na kotse nang biglang pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng motorsiklo.

Dito, pinaulanan ng bala ng mula sa .45 kalibre ng baril sa ulo, tiyan at katawan ang biktima ng mga suspek saka nagsitakas.

Nadala naman sa Bacolod South General Hospital si Serenio pero nalagutan na rin ito ng hininga.

Namataan ng mga pulis ang mga suspek na armado ng baril kaya hinabol ang mga ito at nauwi sa palitan ng putok ng baril.

Naabutan ng mga otoridad ang dalawang suspek na tinamaan ng bala sa paa at hita at agad na isinugod sa ospital para lapatan ng lunas.

Kuwento ng kapatid na si To Amay Serenio, pauwi na ng Pulupandan ang biktima mula Manville Royale nang matiyempuhan ito ng mga suspek.

Noong Mayo 2017 ay pinaslang ang ama at kapatid ni Serenio matapos itong lumabas sa publiko noong 2016 at isinawalat ang mga sangkot sa iligal na droga.

Buong tapang na ibinunyag ni Serenio ang pangalan ng mga opisyal ng pulis at politiko na tumatanggap ng buwanang payola mula sa kanyang amo na si Berya Tolentino. Pagkatapos ang pagsisiwalat, napunta sa Pulupandan si Serenio nang kupkupin ito ni dating Pulupandan mayor Magsie Peña.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang pagsisiyasat ng pulisya para alamin kung iisa lamang ang utak sa pagpatay sa mag-aamang Serenio.

 

 

Please follow and like us:
Read More

TAUHAN NG BUCOR, ITINUMBA

(NI LYSSA VILLAROMAN)

PATAY ang isang opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) makaraang tambangan ng mga hindi pa nakikilalang armadong lalaki, Martes ng hapon sa Muntinlupa City.

Agad na namatay sa lugar ng pinangyarihan sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima na kinilalang si Ruperto Traya Jr., 53, non-uniformed personnel (NUP), Chief Administrative Officer 3 ng BuCor, residente ng Type B, NBP Reservation, Barangay Poblacion, Muntinlupa City.

Base sa isinumiteng report ni Muntinlupa police chief P/Col. Gerry Umayao, nangyari ang insidente dakong ala-1:40, Martes ng hapon sa harap ng gate ng inuupahang parking lot ni Traya sa 1134 Amparo St., Barangay Poblacion, Muntinlupa City.

Napag-alaman sa imbestigasyon na dumating ang biktima sa lugar at bumaba sa kanyang minamanehong van upang buksan ang gate ng inuupahang parking lot kung saan bigla namang sumulpot ang armadong suspect at walang salitang pinagbabaril si Traya.

Makaraan ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspect lulan ng kanyang minamanehong motorsiklo sa hindi pa mabatid na direksiyon.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang kaso habang inaalam naman kung mayroon nakalagay na closed circuit television (CCTV) camera sa lugar ng pinangyarihan upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspect.

Please follow and like us:
Read More

BABAENG DUMALAW SA PARTNER SA BILIBID, PINASLANG

crimeshooting12

(NI KIKO CUETO)

PATAY sa pamamaril ang isang babae nang tambangan ng riding-in-tandem sa labas mismo ng istasyon ng pulis malapit sa gate ng Bureau of Jail Management and Penology.

Kinilala ang biktima na si Crystal Faith Jastava, 24, residente ng Bago City, Negros Occidental.

Sa imbestigasyon ng pulis, dakong 11 ng umaga noong Linggo nang bumisita ang babae sa kanyang live-in partner na nakulong dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Gumamit umano ang biktima ng pekeng pangalan para makapasok sa BJMP Male Dormitory.

Sinabi ng pulis na may dalawang ID card ang biktima at kabilang na rito ang isang pass sa loob ng BJMP facility.

Nakuhanan naman ng video ang paglabas at pamamaril sa biktima.

Ayon sa pulisya, malaki ang posibilidad na droga na ang nasa likod ng krimen.

 

Please follow and like us:
Read More

2 BABAENG CUSTOMS OFFICIAL SUGATAN SA PAMAMARIL

crime32

(NI LYSSA VILLAROMAN)

SUGATAN ang dalawang babaeng opisyal ng Bureau of Customs (BoC) matapos na silay ay harangin at barilin ng apat na hindi kilalang suspek,  Biyernes ng gabi sa Makati City.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Maricon Manalo, 56, OIC sa Formal Entry Division (BoC) at ng Parkview Homes, Barangay Sun Valley, Paranaque City at Marietta Lasac, 60, Principal Appraiser sa naturang division ng BoC at ng Barangay Sun Valley, Paranaque City.

Ang dalawang biktima ay naka-confine sa Makati Medical Center matapos magtamo si Manalo ng tama ng baril sa kaliwang kamay  samantalang si Lasac ay nagtamo ng bala ng baril sa katawan.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas- 8:30 ng gabi sa panulukan ng Lapu-Lapu Avenue at Victoria St., Barangay Magallanes, Makati City.

Ayon sa pulisya, ang dalawang biktima, kasama ang kanilang staff na si Charlene Salazar, ay sakay ng kanilang sasakyan na isang kulay gray na Toyota Altis na may plakang DAH-4106 pauwi sa kanilang bahay ng mangyari ang insidente.

Pahayag ng mga biktima na habang binabagtas nila ang lugar ay bigla silang hinarang ng isang sasakyan na lulan ng apat na kalalakihan.

Dagdag pa ng mga biktima na pinipilit sila na bumaba ng apat na kalalakihan sa kanilang sasakyan at isa dito ay binasag ang salamin ng bintana ng kotse sa drivers seat kung saan si Manalo ang nagmamaneho.

Agad naming inatras ni Manalo ang kanilang  sasakyan upang makaiwas sa kapahamakan subalit sila ay pinagbabaril ng apat na suspek.

Pagkatapos ng pamamaril ay tumakas ang mga suspek at ang mga biktima naman ay dinala sa nabanggit na ospital ng rescue team.

Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng mga pulis  at inaalam na rin kung may kinalaman sa trabaho nila sa BoC ang naganap na pamamaril sa mga biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

 LALAKI INAMBUS NG TANDEM SA HARAP NG INA

CRIME12

(NI DONDON DINOY)

DIGOS CITY, Davao del Sur–Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Digos City Police Office (DCPO) upang malaman ang motibo ng pamamaril sa isang 30-anyos na lalaki habang ito ay nagmamaneho ng kanyang multicab, alas 4:55 ng hapon ng Linggo.

Kinilala ang nasawi na isang Kevin Zamora, residente ng Brgy. Sinayawan, sa bayan ng Hagonoy, Davao del Sur.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente sa Rizal Avenue kanto ng Mary Crumb Street sa Barangay Zone 1 nitong lungsod.

Pauwi na ang biktima kasama ang kanyang ina na nakasakay sa harapan ng multicab nang bigla na lang dumating ang dalawang lalaking nakasakay ng isang motorsiklo at pinagbabaril si Zamora.

Ayon sa mga nakakita sa insidente tumakas ang mga suspek matapos tadtarin ng bala ang biktima.

Agad binawian ng buhay ang biktima ngunit ligtas naman ang ina nito.

Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang DCPO upang matukoy ang mga suspek at makasuhan sa pamamaslang.

Please follow and like us:
Read More

DUGO NG KAPITAN DUMANAK SA PALENGKE

(NI NILOU DEL CARMEN)

NAGING madugo ang umaga sa Alaminos public market sa Alaminos, Laguna matapos pagbabarilin ang isang barangay captain na nagmamay-ari ng isang puwesto ng tindahan ng karne sa loob mismo ng palengke sa Barangay Poblacion 3, Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ng mga imbestigador ang biktima na si Romeo Sagario, barangay captain ng Barangay San Andres.

Batay sa report, nasa kanyang tindahan ang kapitan dakong alas 4:30 ng umaga,  at abala sa pagtitinda nang humalo sa mga mamimili ang tatlong  suspek.

Bigla na lamang pinagbabaril nang malapitan ang biktima na  nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad ding tumakas ang mga salarin matapos ang pamamaril na nglakad papalayo sa crime scene.

Isinugod naman sa SPC Medical Center sa San Pablo City ang biktima subalit ideneklara itong dead on arrival ng doktor.

Nahagip naman ng mga ligaw na bala ang dalawa pa na sina Rufo at Marites Manalo na tinamaan sa kanilang kamay at paa at ginagamot pa rin sa ospital.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pangyayari at inaalam ang motibo sa krimen at kung sino ang mga salarin.

 

 

Please follow and like us:
Read More

MISIS PATAY, MISTER SUGATAN SA AMBUSH

crimeshooting12

(NI ANNIE PINEDA)

PATAY ang isang misis habang sugatan ang kanyang mister makaraang tambangan ng mga hindi pa kilalang suspek habang sakay ng pick-up, kasama ang anak at isang kaanak, sa Tuguegarao City.

Kinilala ang namatay na si Eunice Aquino Mallorga, sugatan ang mister na si Rex Anthony Mallorga, 2-anyos na anak at isa nilang kaanak na kinilalang si Simon Baloran, pawang residente ng Buntun, Tuguegarao City.

Batay sa report ng pulisya, naganap ang insidente Miyerkoles ng umaga sa highway ng Barangay Dugayong Piat, Cagayan .

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, minamaneho ni Rex Anthony ang pick- na pag-aari ng amo na si Rizal Cagayan Vice-Mayor Joel Ruma, sakay ang kanyang asawa’t anak at si Baloran para sana magpakarga ng gasolina.

Pagsapit sa nasabing lugar, bigla na lamang silang pinaulanan ng bala ng M16 rifle ng mga suspek na lulan ng isang kotse.

Dito, nasapol si Eunice ng mga bala na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan sa kabila ng tama ng bala sa katawan nagawa naman paandarin ni Rex ang pick-up pero nahulog sila sa matubig na palayan.

Tumakas naman ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Sa pagresponde ng mga pulis sa lugar ng pinangyarihan ng insidente, nakapulot sila ng higit sa 30 basyo ng bala mula sa nasabing kalibre na armas.

Kinumpirma naman ni Ruma na mekaniko/driver niya si Anthony simula noong Enero.

Nagpapagaling naman sa isang pribadong ospital sa lungsod ang mga sugatan.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek.

Please follow and like us:
Read More