PNP OFFICIAL INAMBUS PAGLABAS NG HEADQUARTERS

(NI JG TUMBADO)

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng hindi pa natutukoy na salarin ang isang police official sa Calamba City, Laguna, Linggo ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Police Lt. Ramil Gonzalez, sa ilang tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Batay kay Police Major Dexter Domingo, deputy chief of police ng Calamba City, pinagbabaril si Gonzales ilang saglit nang makalabas ito ng Provincial Police Headquarters sa Camp Vicente Lim sa Barangay Mayapa makaraang dumalo ito sa Officer’s Basic Course training pasado alas 8:30 ng gabi ng Linggo.

Naisugod pa sa Global Care Hospital si Gonzales subalit binawian din ng buhay sa kalagitnaan ng operasyon.

Sinabi ni Domingo na may “person of interest” na sila kaugnay ng krimen subalit tumanggi na itong pangalanan habang nasa proseso pa sila ng imbestigasyon.

Inaalam din ng mga awtoridad kung ano ang dahilan ng paglikida sa police official.

Please follow and like us:
Read More

2-ANYOS, SUNDALO, CAFGU PATAY SA AMBUSH

shooting incident123

(NI ANNIE PINEDA)

PATAY ang tatlo katao na kinabibilangan ng paslit, kasapi ng Philippine Army (PA) at miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) matapos tambangan at pagbabarilin ng mga pinaniniwalaan kasapi ng Abu Sayyaf Group, nitong Lunes, kasabay ng selebrasyon ng Eid’l Adha ng mga Muslim sa Talipao, Sulu.

Kinilala ang mga nasawi na sina Private First Class Joie Halasan, ng 2nd Special Forces Battalion; Aldazier Hassan ng CAFGU, at Abdukalim Sahisa, 2-anyos habang ginagamot naman sa ospital ang isang 11-anyos na bata.

Batay sa report ng pulisya, naganap ang insidente sa Barangay Kagay, Patikul-Talipao, Sulu.

Lumabas sa pagsisiyasat, sakay ng motorsiklo sina Halasan at Hassan habang binabagtas ang kahabaan ng Patikul-Talipao nang bigla na lamang silang hinarang ng armadong teroristang grupo at pinaulanan ng bala mula sa matataas na kalibre na armas.

Agad namatay ang sundalo at cafgu habang nadamay naman ang dalawang bata na mabilis isinugod sa ospital pero nalagutan din ng hininga ang paslit habang patuloy na inoobserbahan ang 11 anyos.

Matapos ang pamamaril tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Nagpapatuloy ang ginagawang operasyon ng mga otoridad laban sa teroristang grupo.

Please follow and like us:
Read More

EX-REPORTER NG ABS-CBN, 1 PA PINATAY SA BARMM

crimeshooting

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Kapwa bumulagta ang dalawa katao, kabilang na ang isang dating reporter ng ABS-CBN na kawani ngayon ng Bangsamoro Regional Human Rights Commission (BRHRC), at ‘habal-habal’ drayber matapos barilin ng riding in tandem assassins sa Ramon Rabago Avenue, Barangay Rosary Heights 4, Cotabato City,  sakop ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ni Police Major Ramil Villagracia ang biktimang si Archad Ayao, 28, ng Teksing, Old Market area, Barangay Poblacion 6, Cotabato City at kasalukuyang empleyado ng Bangsamoro Regional Human Rights Commission (BRHRC) at Pio Orteza, 42, “habal-habal” drayber, at nakatira sa Purok Dimasiray, Rosary Heights 4, Cotabato City.

Ayon sa ulat, angkas si Ayao sa motorsiklo na minamaneho ni Ortiza at tinatahak ang Don Ramon Rabago Avenue sa harap ng Cotabato City Engineering District Office nang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang gunman na nakabuntot sa kanila alas-6:10 Miyerkoles ng gabi.

Kapwa nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang dalawa.

Ang insidente kung saan naganap ang krimen ay 50 metro lamang ang layo mula sa Police Station 2.

Naisugod pa ng mga rumespondeng pulis ang mga biktima, pero kapwa idineklarang dead on arrival.

Malaki naman ang paniniwala ng kaibigan na Ayao na posibleng may kinalaman sa kanyang trabaho ang pagpatay sa kanya.

Napag-alaman na hawak ng biktima ang mga maseselang dokumento sa kaso ng human rights sa limang mga lalawigan sa BARMM — Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.

Please follow and like us:
Read More

POLICE INTELLIGENCE OFFICER NILIKIDA NG TANDEM

carmen

(NI BONG PAULO)

PATAY ang isang 32-anyos na pulis makaraang pagbabarilin ng gunman na sakay ng motorsiklo sa Barangay Manapan, Carmen, North Cotabato.

Kinilala ang nasawi na si P/Corporal Reshemer Langurayan Dolano, miyembro ng intelligence at residente ng Barangay Kilala ng nasbaing bayan.

Ayon sa ulat, alas-7:15 ng umaga habang sakay sa kanyang kulay asul na multicab pabalik sa kanilang himpilan matapos ang mag-imbestiga ng carnapping incident.

Sinabi sa report na sinundan ito ng riding in tandem na may takip sa mukha sakay sa XRM na motorsiklo at pinagbabaril ang biktima.

Naisugod pa sa Carmen Municipal Hospital ang biktima pero ideneklara na itong dead on arrival sa tinamong anim na tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan.

Please follow and like us:
Read More

AWOL PULIS-MPD DEDO SA AMBUS

DEAD MAN

TINADTAD ng bala ang isang absent without leave (AWOL) na pulis ng Manila Police District (MPD) hanggang mamatay kahapon ng hapon sa Maynila.

Kinilala ni MPD direktor na si Senior Supt. Vic Danao Jr. ang biktima na si PO3 Rodrigo Asuan Jr., residente ng Balut, Tondo.

Ani Danao, pinagbabaril si Asuan ng isa sa dalawang lalaking nakasakay sa morosiklo sa harapan ng T. Paez Elementary School na nasa kanto ng Younger at Rodriguez Streets sa Balut.

Bumagsak si Asuan mula sa kanyang motorsiklo dahil sa maraming balang tumama sa kanyang likuran.

Hanggang ngayon, wala pang inilalabas ang MPD hinggil sa posibleng dahilan ng pag-ambus kay Asuan.

 

Please follow and like us:
Read More