MATAAS ANG RATING NG UNANG ALL-OUT SUNDAYS

SWAK: Tuwang-tuwa ang mga taga-GMA 7 sa mataas na rating ng All-Out Sundays na nagsimula nung nakaraang Linggo. Ayon sa AGB-NUTAM naka-6.1 percent ito at 5.7 percent ang katapat na ASAP Natin ‘To. Pero ang claim naman ng ABS-CBN 2, ang ASAP naman daw ang nag-rate nang mataas. Ayon sa kanilang survey group na Kantar Media, nakapagtala ng 11.7 percent ang ASAP at 9.7 daw ang AOS. Nasa mga tao na ‘yan kung alin ang gusto nilang panoorin. Ang mahalaga, nag-enjoy ang mga televiewers sa mga magagandang panoorin sa TV…

Read More