METROBANK KAKASUHAN NG OBSTRUCTION OF JUSTICE

(NI NICK ECHEVARRIA)

KAKASUHAN ng Philippine National Police (PNP) ng obstruction of justice ang management ng Metrobank dahil sa pagpigil na makapasok agad ang mga pulis sa isa nitong branch sa Binondo, Maynila matapos  holdapin ng pitong armadong kalalakihan Huwebes ng umaga.

Ito ngayon ang pinatitingnan ni PNP Chief General Oscar Albayalde sa kanilang mga imbestigador.

“We will check on that kasi technically, baka pwede kami makapag-file ng case of obstruction of justice” pahayag ni Albayalde sa media sa Camp Crame.

Ayon kay Albayalde, ang ganitong uri ng gawain saan mang pribadong establisimyento, maging sa mga malalaking malls at hotels mangyari ang krimen, ay pag-abala kung hindi man pagkakait sa kakayahan ng mga pulis na imbestigahan ang insidente.

Nilinaw ni Albayalde na kapag may nangyaring krimen sa isang lugar, ikinukonsidera itong “crime scene” kung saan kailangang makapasok kaagad ang mga imbestigador ng PNP.

Nauna nang iniulat ni P/BGen. Vicente Danao Jr., hepe ng Manila Police District (MPD) na pinigilan ng manager ng hinoldap na sangay ng Metrobank ang mga nagrespondeng police personnel sa crime scene para mag-imbestiga.

Nakapasok lamang umano ang mga rumespondeng pulis sa lugar, matapos ang dalawang oras  dahilan kung bakit wala man lang naaresto sa pitong suspek kasama na ang dalawang bantay sa labas.

Ayon kay Albayalde, mahalaga ang oras sa dagliang ikalulutas ng alin mang krimen, saan man ito nangyari.

 

Please follow and like us:
Read More

PULIS NA MAY KAANAK NA TATAKBO SA ELEKSIYON, BINALASA

pnp

(NI NICK ECHEVARRIA)

IPINATUPAD ni Philippine National Police (PNP) Chief P/General Oscar Albayalde ang limitadong pagbalasa sa 1,370 mga pulis na may kaanak o kadugo sa isang kandidato na tumatakbo kaugnay sa 2019 midterm election.

Kabilang ang 121 mga Provincial Directors, City Directors, Mobile Force commander at Chief of Police na may dalawang taon nang nanunungkulan sa kanilang assignment sa ipinag-utos na “limited reshuffle policy”.

Layunin ng hakbang na matiyak na walang papaboran o kikillingan ang kapulisan sa mga kandidato  sa mga  lugar na may kamag-anak silang tumatakbo partikular sa local elections na bahagi ng administrative measure na ipinatutupad ng PNP.

“As non-partisan and deputized law enforcement agency of the Commission on Elections, we strongly and firmly remain faithful to our apolitical mandate to ensure and protect the will of the electorate towards honest, orderly and peaceful elections,” ayon sa ipinalabas na statement ni Albayalde.

Kasabay nito, binigyan ni Albayalde ng resignation orders ang limang police personnel na naghain ng certificate of candidacy para kumandidato.

Batay sa talaan ng Directorate for Personnel and Records Manangement (DPRM), umaabot sa 1,858 na PNP personnel ang may kamag-anak o may relasyon sa mga pulitiko  ngayong  eleksyon subalit 1,370 lamang sa mga ito ang naka assign sa political jurisdiction ng mga kandidato habang ang natitirang 488 ay nailipat na sa ibat-ibang assignments.

Kabilang sa mga nalipat ng bagong assignment ang 26 na Police Commissoned Officer at 1344 na mga Non Commissioned Officer habang  kakandidato naman bilang Vice Mayor at Municipal councilors sa Bukidnon, Surigao Del Norte, Northern Samar, Lanao Del Sur at Zamboanga Del Sur ang limang resigned personnel ng PNP.

 

Please follow and like us:
Read More

MGA BATA PINABABANTAYAN VS MOMO CHALLENGE

momo1

(NI DAHLIA S. ANIN)

VIRAL ngayon sa socila media ang iba’t ibang challenge na nauuso at sinusunod ng kahit na sino, kaya naman nanawagan ang mga otoridad sa mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak habang gumagamit ng gadgets at i-monitor kung ano ang kanilang pinapanood.

Taong 2016 ng unang lumabas ang Blue whale challenge na nagviral din dahil sa mga task nito na humahamon sa mga player na gumawa ng mga task na palala ng palala hanggang sa umabot sa pagpapatiwakal.

Ngayon naman ay kumakalat ang MOMO challenge tampok ang nakakatakot na itsura ng isang babae. Ayon sa mga ulat nagsimula ito sa isang messaging app at sa pamamagitan ng chat uutusan nito ang mga biktima lalo ang mga bata na gumawa ng mga bagay na makakapanakit sa sarili nila at sa kanilang kapwa.

Kumakalat na din daw ito ngayon sa youtube at iba pang social media apps. Isinisingit daw ang mensahe ni MOMO sa mga akala mong inosenteng video na pinapanood ng mga anak niyo.

Sa isang panayam kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, hinikayat niya ang mga magulang na mahigpit na bantayan ang kanilang mga anak. Gabayan sila lalo na pag sila ay nasa eskwelahan at isama sa pagtuturo ang mga ganitong bagay upang maiwasan ang suicidal thingking ng mga kabataan o sumunod sa mga challenges na ginagawa sa pamamagitan ng internet.

Idinagdag pa ng police chief na ang mga uito ay humihikayat sa mga bata na saktan ang kanilang sarili na maaring maging dahilan upang makagawa sila ng krimen.

Sa pahayag naman ng Youtube, wala daw silang nakitang video na nagpopromote ng Momo Challenge, ngunit ang mga video na humihikayat ng mga delikado at mapanakit na challenge ay taliwas sa kanilang patakaran kaya naman nanawagan sila sa publiko na ireport ang mga videos na makikitaan ng mga ganitong karahasan.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More