AKYAT BAHAY NAPATAY NG BIKTIMANG PULIS

DEAD MAN

ISANG tama ng bala ang tumapos sa buhay ng isang kaanib ng Batang City Jail (BCJ) na binaril ng isang miyembro ng Manila Police District (MPD) matapos maaktuhang bitbit ang Apple Ipad na pag-aari ng anak ng  huli sa kanilang inuupahang apartment sa Tondo, Maynila.

Inilarawang nasa 25-30 taong gulang, 5’5 – 5’6 ang taas, nakasuot ng asul na pang-itaas at itim na short pants at mat tattoo sa katawan na “BCJ” ang lalaking nasawi sa Mary Johnston Hospital.

Sa pahayag ni P/SSgt Jeffrey Camacho, ng MPD-Station 10, umuwi siya sa kanilang inuupahang apartment na nasa ika-3 palapag sa 1053 Carmen Planas St., Tondo bandang alas-5 ng hapon ng Linggo upang makipagsaya sa kaniyang pamilya para sa fiesta ng Sto. Niño.

Ilang hakbang na lang siya sa pinto ng kanilang bahay nang makita niyang lumabas ang hindi kilalang lalaki na hawak ang gadget na Apple Ipad ng kanyang anak kaya’t kaagad niya itong hinarang subalit mabilis na tumakbo ang lalaki paakyat sa 4th floor kaya’t nagkaroon ng habulan.

Nang abutan, ayon kay Camacho, bigla na lang siyang hinalihaw ng patalim ng lalaki at masuwerteng hindi siya timaan kaya naman napilitan siyang paputukan ito ng kanyang baril at tinamaan sa tiyan.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang lalaki subalit hindi na umabot na buhay.

Kusang-loob na sumuko sa kanyang mga kapwa pulis si Camacho na isinailalim sa imbestigasyon. (Rene Crisostomo)

Please follow and like us:
Read More

BEBOT NA AKYAT-BAHAY TIKLO SA TANOD

ARRESTED WOMAN

CAVITE –  “Lalabas lang ako ng bahay.” Ito ang sagot na pinagdudahan at naghatid sa kulungan sa isang 32-anyos na babae nang hindi nito nasagot ang tanong kung kaninong bahay siya galing sa bayan ng Rosario sa lalawigang ito.

Nakakulong ngayon sa Rosario Municipal Police Station ang suspek na si Lea Gonzales, single, ng Brgy. 7, Dalahican, Cavite City, dahil sa reklamo ni Lilibeth dela Cruz, 50, isang balo, ng Brgy. Bagbag 2, Rosario, Cavite.

Sa ulat ni Corp. Lynard Pareja ng Rosario Municipal Police Station, dakong alas-4:00 nitong Huwebes ng hapon nang sitahin ng nagpapatrulyang mga barangay tanod na sina Raul Garica, 53, at Chris Dawis, 21, ng Brgy. Bagbag 2 ng naturang bayan, ang suspek habang tila nagmamadaling papalabas ng gate ng biktima.

Ngunit ikinatuwiran ng suspek na lalabas lamang siya sa kanilang bahay dahil may bibilhin sa tindahan na pinagdudahan ng dalawang tanod kaya tinanong kung ano ang pangalan ng nakatira sa kanilang bahay ngunit mali ang isinagot nito dahilan upang imbitahan sa tanggapan ng barangay.

Dito nabuking ang suspek dahil kilala ng mga tanod ang nagmamay-ari ng bahay at nang inspeksiyunin ang suspek ay nakuha rito ang dalawang celphone at wallet na naglalaman ng P5,400.

Nabatid na wala sa kanilang bahay si Dela Cruz at nakapasok ang suspek sa loob nito sa pamagitan ng pagsira ng bakod. (SIGFRED  ADSUARA)

Please follow and like us:
Read More

NOTORYUS NA AKYAT BAHAY NADAKIP

arrest12

INARESTO ng mga tauhan ng Manila Police District-Sta Mesa Police Station ang isang lalaking sinasabing notrosyu na miyembro ng akyat bahay sa isinagawang anti-criminality operation sa Sta. Mesa, Manila kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Ace Nebres, 36, ng 1042 Caimito St., V. Mapa, Sta Mesa, na naaresto bandang alas-8:30 matapos matiyempuhan sa labas ng kanyang bahay ng mga operatiba ng Sta Mesa Police.

Nang arestuhin, nabawi mula kay Nebres ang isang patalim kaya’t sasampahan siya ng kasong concealing of deadly weapon.

Nabatid na si Nebres ay may standing warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Michelle Divina-Delfin, ng Metropolitan Trial Court branch 8 kaugnay sa kasong theft na may piyansang P10,000 para sa pansamantalang paglaya ng akusado na kilala sa kanilang lugar bilang talamak na mandurukot at akyat bahay. (RENE CRISOSTOMO)

Please follow and like us:
Read More

BAHAY NG INDONESIAN SA EXCLUSIVE VILLAGE, NILIMAS NG KAWATAN

crime robber12

(NI NILOU DEL CARMEN)

NILIMAS ng mga kawatan ang bahay ng isang Indonesian national sa isang ekslusibong subdivision sa Sta. Rosa, Laguna, Biyernes ng hapon.

Namasyal lamang ang pamilya ng biktimang si Suswadi Budi, 50, tubong  Binjai, Indonesia, subalit pag-uwi nila sa kanilang bahay sa Valenza Crown Asia sa Barangay Sto. Domingo ay nadatnan nila na bukas na ang bahay at nagkalat ang ibang mga gamit na hindi nadala ng mga salarin.

Kasama sa nawala ang mga dokumento at personal na gamit  ng mag-anak kabilang ang  mga ATM cards, mga Id card, driver license at kanilang mga  passport.

Natangay din ang isang laptop at mga alahas na nagkakahalaga ng  P36,000, at iba’t-ibang pera na 23,000 Thailand Baht,  1-million Indonesian Rupiah, 1, 150 US dollar, at 50 Euro.

Kinakalap na ng mga pulis ang mga kuha ng CCTV sa lugar at inaalam na rin kung paano nakapasok ang mga magnanakaw sa naturang exclusive subdivision.

 

Please follow and like us:
Read More

4 AKYAT-BAHAY TIMBOG SA P13-M NAKAW SA QC

(NI LILY REYES/PHOTO BY ARCHIE CRUZ POYAWAN)

NASUKOL ng mga operatiba ng Kamuning Police Station (PS10) ng Quezon City Police District (QCPD) ang apat na miyembro ng bigtime Akyat –Bahay gang  na tumangay ng P13 milyon halaga ng salapi at mamahaling alahas sa Quezon City.

Kinilala ni  PLt.Col Louise Benjie Tremor, hepe ng QCPD-PS10,  ang mga  naarestong suspek  na sina sina Jimwell Bondoc, 27, ng No. 917 R. Papa St., Sampaloc, Manila;  Eric Eulogio, 44,  ng No. 54 Isocrates St., Vista Verde, Cainta, Rizal;  Pierre Lance Lansang, 28,  ng No. 32 Gold Land Mansion, 5th Ave., Brgy. Socorro, Cubao at April Kyle Gonzales, 21, ng No. 067, Zone-6 Brgy. San Miguel, Hagonoy, Bulacan.

Napag-alaman na  ang grupo ay nag- ooperate  sa mga condo  at nambibiktima ng mga negosyante.

Sa imbestigasyon ay  napag-alaman na  noong nakalipas na Hulyo  28 ay  nabiktima ang negosyanteng si Bernard Cloma, 51, PR Agent at may –ari ng  Unit 2630 at  renter  ng  unit 2316 Tower C, Condominium    Mother Ignacia Ave., Brgy. South Triangle.

Si Cloma ay ninakawan ng nasabing Akyat–Bahay gang ng mga alahas, salapi at mamahaling kagamitan na nagkakahalaga ng P13 milyon  at ito ay nadiskubre lang noong Hulyo 29, ng alas 2:00 ng madaling araw.

Agad naman ipinagbigay-alam ni Cloma na siya ay nilooban at ninakawan at sinalakay kung kaya  agad na namang isinagawa ang follow up operation  at sinalakay ang condo na inuupahan ng mga suspek na naging sanhi ng  pagkakaaresto sa kanila.

 

 

Please follow and like us:
Read More

PARI ‘DI PINATAWAD; OPISINA NILIMAS NG KAWATAN

crime robber12

(NI KOI HIPOLITO)

DUMULOG sa tanggapan ng Muntinlupa City Police Community Precinct (PCP-6) ang isang pari para ireklamo ang pagnanakaw at panglilimas sa kanyang pera at mga personal na gamit ng mga hindi pa kilalang suspek na Akyat Bahay sa loob ng kanyang opisina sa Inang Awa Parish Compound, Philippine Jesuit Prison Service Office, New Bilibid Prison Reservation, Poblacion sa Muntinlupa City, dakong alas- 6:00 ng gabi nitong Huwebes.

Nakilala ang biktima na si Reverent Priest Eli Rowdy Lumbo, Executive Director, at residente sa nasabing lugar.

Ayon sa report ng biktima sa mga  imbestigador, nadiskubre umano niyang sira ang lock ng pintuan ng kanyang opisina at nakakalat ang kanyang mga gamit. Nawawala rin ang kanyang pera na halagang P251, 718.00 cash money at dalawang laptop na nagkakahalaga ng P25,000.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang mga otoridad para sa mga suspek na tumangay sa pera at mga gamit ng biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

2 TEACHER BIKTIMA NG AKYAT-BAHAY

akyat15

(NI NICK ECHEVARRIA)

ISINARADO at siniguradong naka-lock ng dalawang guro ang pintuan ng kanilang inuupahang kwarto sa Blk. 19B Welfareville Compound, Bgy. Addition Hills, Mandaluyong City, bago umalis patungo sa paaralan na kanilang pinapasukan noong Huwebes ng umaga bandang alas-5:45.

Ito ang pahayag ng dalawang teacher na sina Lurita Sabulao y Esquierdo, 29, at Theresa Karla Abucot, 28,  nang magtungo sa himpilan ng pulisya sa nabanggit na lungsod para magreklamo.

Ayon sa salaysay ng mga biktima, nagulat na lamang si Lurita ng i-chat siya ng isa nilang kapitbahay habang nasa paaralan at itanong kung naiwan nilang nakabukas ang kanilang pintuan mahigit isang oras pa lamang ang nakalilipas.

Agad ipinaalam ni Lurita sa kasamahang si Theresa ang pangyayari na mabilis namang umuwi ng bahay  na inabutang  nakabukas ang kanilang pintuan at nakakalat ang kanilang mga gamit.

Nadakip naman kaagad ang dalawang akyat bahay  na sina, Al Vadehueza, 24,  at Abel Aniceto, 25, sa isang follow up operations makaraang malinaw na mahagip ng CCTV ang isa sa kanila na bitbit ang backpack ni Theresa.

Kabilang sa mga nabawing ninakaw na gamit ang isang laptop na nagkakahalaga ng P18,000 at ilan pang mga personal na kagamitan ng dalawang biktima, subalit hindi na nabawi ang P8,000 cash mula sa dalawang suspek na nakakulong ngayon sa Mandaluyong City Police.

 

 

Please follow and like us:
Read More