TRIKE NAKALADKAD NG PICK-UP, 7 PATAY

accident12

AGUSAN del Sur – Nauwi sa burol ng pito katao ang masaya sanang outing ng isang pamilya nang kaladkarin ng kasalubong na pick-up truck ang sinasakyan nilang tricycle sa bayan ng Prosperidad sa lalawigang ito, nitong Sabado ng umaga.

Ayon sa report ng Prosperidad Emergency Rescue Team at Agusan Provincial Police Office, lulan ng tricycle ang siyam katao na patungo sana sa beach nang makasalubong nila ang isang pick-up truck na tinatahak ang direksyon patungong Davao City.

Base sa pagsisiyasat, bigla umanong kumabilang linya ang tricycle saktong parating naman ang humahagibis na pick-up truck at hindi naiwasan ang sasakyan ng mga biktima.

Katwiran ng driver, nagawa niyang makapagpreno ngunit dahil sa bilis ng pangyayari ay nahagip pa rin niya ang tricycle at tuluyang nakaladkad ng ilang metro hanggang sumadsad sa palayan.

Kasalukuyang kinukuha pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga namatay habang nilalapatan ng lunas ang dalawang sugatan.

Kasalukuyang nasa custodial facility ng Prosperidad Police Station ang driver ng bus habang patuloy ang pagsisiyasat sa insidente. (JESSE KABEL)

Please follow and like us:
Read More

DRIVER TODAS SA TRUCK VS BUS

TRUCK VS BUS

DAVAO City – Patay ang isang 38-anyos na truck driver makaraang sumalpok sa pampasaherong bus ang minamaneho niyang sasakyan at mahulog sa ilog mula sa tulay sa Brgy. Camachiles, Matanao, Davao del Sur, noong Biyernes ng gabi,

Ayon kay Corporal Niel Arvin Babaylo, traffic police investigator ng nasabing bayan, kinilala ang biktimang namatay na si Edgardo Gascon Provido, may asawa at residente ng Kalawag 1, Isulan, Kudarat.

Isinugod naman sa Davao del Sur Provincial Hospital ang pasahero ng truck na si Alexander Fernandez, 39, may asawa, at residente sa Sultan Kudarat.

Kinilala naman ang driver ng Mindanao Star bus na mula sa Davao City, na si Allan Soriano Omboy, 46, may asawa at residente sa Makilala, North Cotabato.

Sinabi ni Babaylo, maswerteng nakaligtas sa sakuna ang 20 pasahero ng nasabing bus.

Lumitaw sa imbestigasyon ng mga awtoridad, pumasok sa linya ng bus ang truck kaya ito nabangga at nawalan ng kontrol sa manibela si Provido kung kaya’t nahulog sa ilog na 10-metro ang lalim mula sa tulay.

Dinala na sa puneraya sa kalapit na bayan ng Bansalan, ang labi ng namatay na driver habang nasa kostudiya naman ng Matanao Police Station ang driver ng bus. (DONDON DINOY)

Please follow and like us:
Read More

WING VAN SWAK  SA BANGIN, 2 PATAY

AKSIDENTE BANGIN

AKLAN – Patay ang isang driver at pahinante nito makaraang mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang wing van na may kargang animal feeds, iniulat nitong Miyerkoles ng umaga sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga namatay na sina Juan Noli Francisco, 55-anyos, driver, residente ng Brgy. Caano, Kalibo, Aklan, at Ronald Mirano, ng Brgy. Bulabud, Malinao, Aklan.

Batay sa report ng Nabas Police Station, dakong alas-5:50 ng hapon noong Martes nang mangyari ang insidente sa Brgy. Libertad, Nabas, Aklan.

Lumabas sa imbestigasyon, minamaneho ni Francisco ang wing van truck kasama ang kanyang pahinante at may kargang animal feeds na nakapangalan sa L.A. Dry Goods Marketing.

Pagdating sa nasabing lugar, bigla na lamang nahulog ang truck at tumaob dahilan nang matinding pinsala ng mga sakay nito.

Agad dinala sa Ibajay District Hospital ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente. (ANNIE PINEDA)

Please follow and like us:
Read More

MAGTIYUHIN TODAS SA BUS

accident12

QUEZON –  Patay ang magtiyuhing sakay ng isang motorsiklo matapos banggain at araruhin ng pampasaherong bus sa Quirino Highway sa bayan ng Tagkawayan sa lungsod na ito, noong Lunes ng hapon.

Kinilala ang mga namatay na sina Celso Postre Jr., 35, driver ng motorsiklo, at Christopher Postre, 21, kapwa residente ng Del Gallego, Camarines Sur.

Base sa report ni P/Capt. Milo Tabernilla, hepe ng pulisya, dakong ala-1:00 ng hapon nang mangyari ang insidente sa Brgy. Bagong Silang.   

Ayon sa ulat ng pulisya, inagawan ng linya at sinalubong umano ng AB Liner Bus ang motorsiklong sinasakyan ng dalawang biktima na patungo sa Barangay Tabugon para magtupada.

Nasugatan ang magtiyuhin sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan na nagresulta sa kanilang pagkamatay.

Agad namang naaresto ang driver bus si Armando Ricarte, 37-anyos at residente ng Gen. Vicente St., Lopez, Quezon.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa lock-up jail ng Tagkawayan police station at sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property. (NILOU DEL CARMEN)

Please follow and like us:
Read More

TRUCK BUMALIKTAD 1 PATAY, 3 SUGATAN DAHIL SA ZERO VISIBILITY SA ASHFALL

accident12

CALAMBA City – Patay ang isang driver habang tatlo ang sugatan makaraang bumaliktad ang isang truck sa lungsod na ito  nitong Lunes ng madaling araw nang suungin ang zero visibility  na highway bunsod ng ash fall dahil sa pagsabog ng bulkang Taal.

Binawian ng buhay bunsod nang pagkakaipit sa kanyang truck ang biktimang si Gilbert Briones, resi-dente ng Sto. Tomas, Batangas.

Habang sugatan naman ang tatlo pang sakay ng truck kabilang ang mga pahinanteng sina Jovin Daen at Reymar Daen at ang misis ng biktima na si Charity Flores.

Batay sa report ng Calamba City police, patungo sa direksyon ng Maynila ang truck nang bumaligtad ito sa kurbadang highway sa Barangay Paciano Rizal dakong ala-una ng madaling araw.

Ayon sa mga imbestigador, madulas ang kalsada dahil sa ash fall mula sa bulkang Taal.

Posiblen rin umanong hindi napansin ng driver ang kurbada dahil madilim ng paligid na noon ay halos zero visibility sa Laguna. (NILOU DEL CARMEN)

Please follow and like us:
Read More

2 MOTORCYCLE RIDER PATAY SA PAG-OVERTAKE

accident12

CAVITE – Dahil sa pag-overtake sa sinusundang sasakyan, namatay ang dalawang motorcycle ri­der  matapos sumemplang ang kanilang motorsiklo sa magkahiwalay na aksidente sa lalawigan.

Dead on the spot ang biktimang si Gery Domantay habang idineklarang dead on arrival sa Dr. Poblete Memorial Hospital si Leo Dechavez, 29, gardener,  ng Pier Barangay Manggahan, 1, Alfonso, Cavite.

Sa ulat, minamaneho ni Domantay ang kanyang Honda motorcycle habang binabagtas ang kahabaan ng Governor’s Drive na  sakop ng Barangay Mabuhay, Carmona, Cavite dakong alas-8:10 ng umaga kahapon nang maganap ang aksidente.

Nag-overtake umano sa kasunod na motorsiklo kaya nasakop nito ang kabilang linya ng kalsada kung saan nakasalubong nito ang isang Foton truck na minamaneho ni John Madrasa kaya’t sumalpok ang motorsiklo.

Kaagad na nasawi ang biktima habang sumuko sa pulis si Madrasa.

Samantala, minamaneho naman ni De Chavez ang kanyang motorsiklong Mitsukoshi habang binabagtas ang kahaban ng Marahan-Alfonso Cavite Road patungo sa south direction ng Kaytitinga Drive nang pagsapit sa isang palikong bahagi ay tinangka nitong mag-overtake sa isang Chevrolet Trailblazer subalit nakasalubong naman nito ang isang  Honda Civic (URI 892)  dahilan upang bumangga  ang sasakyan ng biktima na tumilapon mula sa kanyang motorsiklo halos 5 metro  ang layo.

Isinugod pa sa ospital si De Chavez Subalit hindi rin ito umabot nang buhay. (Sigfred Adsuara)

Please follow and like us:
Read More

RIDER NA PROMODISER, TEPOK SA SALPOK

accident

CAPIZ – Binawian ng buhay ang isang promodiser makaraang sumalpok ang minamaneho niyang mo-torsiklo sa concrete barrier, iniulat nitong Sabado ng umaga sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktimang si Christian Horario, 26-anyos, residente ng Brgy. Calapawan sa bayan ng Panay.

Batay sa report ng Pilar Municipal Police Station, nangyari ang insidente sa Brgy. San Fernando sa bayan ng Pilar.

Lumabas sa imbestigasyon, galing sa bayan ng Carles at patungo sa Roxas City ang biktima ngunit hindi napansin ang concrete barrier sa daan.

Bunsod nito, sumalpok ang motorsiklo at tumilapon ang biktima sa kabilang kalsada.

Agad dinala ang biktima sa Bailan District Hospital ngunit idineklarang patay na. (ANNIE PINEDA)

Please follow and like us:
Read More

RIDER NAGULUNGAN NG BUS, TODAS

accidentsign1

PATAY ang isang motorcycle rider makaraang magulungan ng isang bus sa kahabaan ng Ortigas Ave. (east bound) sa harap ng Meralco sa Brgy. Ugong, Pasig City noong Martes ng gabi.
Kinilala ang biktimang sakay ng kanyang Suzuki motorcycle nang mangyari ang insidente, na si Exequiel Raffer Leonardo, 41-anyos, namatay habang nilalapatan ng lunas sa Pasig City General Hospital (PCGH).
Nabatid sa paunang imbestigasyon ng Pasig City Police Station (CPS), nasa parehong direksyon sa east bound ng Ortigas Ave. patungong Junction-Tikling, ang biktima at ang Zhongtong public utility vehicle na minamaneho ni Ricardo Cruz Erilla, 45, bandang alas-11:52 ng gabi.
Nang sumapit ang dalawang sasakyan sa lugar ng insidente, kung saan nasa kaliwang bahagi ng bus ang rider, bigla na lamang umano itong nagpa-gewang-gewang hanggang sa sumemplang ito sa likurang bahagi ng kaliwang gulong ng bus at nagulungan na nagresulta sa kanyang kamatayan. (NICK ECHEVARRIA)

Please follow and like us:
Read More

KARAMBOLA SA CARDONA: TRAK NAWALAN NG PRENO, 9 PATAY

NAWALAN ng preno ang isang trak at bumulusok hanggang sumalpok sa  pampasaherong jeep at isa pang trak kung saan siyam katao ang iniulat na nasawi sa Cardona, Rizal, Martes ng umaga.

Pabulusok at nakakurbada ang bahagi ng pinangyarihan ng aksidente nang mawalan umano ng preno ang trak sa Barangay Looc, ani SSgt. Ladiboy Tamares.

Samantala, nahulog naman aniya sa bangin ang isa pang trak at tumama sa ilang bahay.

Kabilang sa mga nasawi ang driver ng ikalawang truck at ilang bystander na bumibili lang ng pandesal at nagja-jogging, dagdag sa ulat ng pulisya. Inaalam pa aniya ang lagay ng iba pang mga isinugod sa ospital.

Patuloy na iniimbestigahan ang aksidente.

Please follow and like us:
Read More

KAWANI NG DEPED, 1 PA, PATAY SA ROAD MISHAP

accident12

(NI BONG PAULO)

DALAWA katao, kabilang ang isang empleyado ng Department of Education, ang nasawi matapos masangkot sa magkahiwalay na aksidente sa bayan ng Kabacan at Kidapawan City, North Cotabato.

Sa bayan ng Kabacan, patay ang isang 51-anyos na lalaki matapos mabundol ng sasakyan sa National Highway Barangay Osias, alas 4:14 ng madaling araw ng Biyernes.

Kinilala ang nasawi na si Dante Ponteres Espilita, Deped staff at nakatira sa bayan President, Roxas.

Sa ulat ng PNP Traffic section, binabaybay ng biktima ang daan na lulan ng motorsiklo patungong Davao at pagsapit sa lugar ay binangga ito ng isa pang sasakyan na nakarehistro sa pangalan ng isang Mitchell Honor Ruiz.

Dahil sa lakas ng impact nagtamo ng iba’t ibang sugat sa katawan ang guro na agad isinugod sa pagamutan pero idineklarang patay ng mga doktor.

Habang iniwan na lamang ng suspek ang kanyang sasakyan at tumakas.

Sa Barangay Sibawan Kidapawan City, dead on arrival din sa pagamutan ang motorista habang sugatan naman ang dalawang angkas nito matapos ding magsalpukan ang dalawang motorsiklo mag-aalas 10 ng gabi, ng Huwebes.

Kinilala ang nasawi na si Jonnie Bolud, 22, ng Magpet habang sugatan naman ang dalawang angkas nito na pawang mga menor de edad.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, binabaybay ng dalawang motorsiklo ang magkabilang lane ng Highway nang biglang napatungo ang Rusi motorcycle na minamaenho ni Bolud sa kabilang lane dahilan ng pagkabangga sa kasalubong nitong motorsiklo na minamaneho ni Roel Dangin, 40, magsasaka na residente ng Barangay Imamaling, Magpet.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang mga sugatang biktima pero kalaunan ay idineklarang patay ng attending physician si Bolud.

 

Please follow and like us:
Read More

PULIS NAKATULOG SA PAGMAMANEHO, PATAY

accident12

(NI ANNIE PINEDA)

POSIBLE umanong nakaidlip ang isang kawani ng Philippine National Police (PNP) dahilan para sumalpok ito sa puno habang minamaneho ang kanyang motorsiklo na naging dahilan ng kanyang kamatayan, sa lalawigan ng Pangasinan.

Kinilala ang biktimang si Patrolman Ervin Ocampo, ng Bgy. Laois, Labrador Pangasinan.

Batay sa report ng pulisya, naganap ang insidente sa Tarlac-Pangasinan highway sa Brgy. Buer, Aguilar, Pangasinan.

Sa inisyal na imbestigasyon, pauwi na ang biktima sa kanilang tahanan habang minamaneho ang kanyang motorsiklo nang bigla na lamang itong bumangga sa puno ng na nasa gilid ng kalsada.

Isinugod ito sa Blessed Holy Trinity Hospital, Mangatarem, Pangasinan pero idineklara na rin itong patay ng doktor sanhi ng matinding pinsalang tinamo sa ulo at katawan.

Paniwala ng mga awtoridad, maaring nakaidlip sa daan ang biktima at hindi na nito napansin ang malaking puno dahilan para sumalpok ito.

Please follow and like us:
Read More

LOLA SUGATAN SA JEEP

accident

(KEVIN COLLANTES)

Sugatan ang isang 73-anyos na lola nang masagi ng isang pampasaherong jeepney habang tumatawid sa kalsada sa Barangay Sto. Niño, Marikina City nitong Martes.

Nilapatan na ng lunas sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center ang biktimang si Angelica Rodriguez, 73, ng naturang lungsod, habang nakapiit naman sa Marikina Custodial facility ang suspek na si Mark Anthony Solivas, 19, jeepney driver, na sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in serious physical injury.

Sa ulat ng Marikina City Police, lumilitaw na dakong 1:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa Shoe Avenue, malapit sa kanto ng Sumulong Highway sa Barangay Sto. Niño.

Nabatid na tumatawid ang biktima sa Shoe Avenue nang mahagip ng unahang bahagi ng pampasaherong jeepney na may plakang DHU-828 at minamaneho ni Solivas.

Kaagad namang isinugod sa pagamutan ang biktima habang naaresto ang suspek.

Please follow and like us:
Read More

KOTSE SUMAMPA SA RAILINGS SA MAKATI

accident12

Isang kotse umangat ang unahang bahagi at sumampa sa railings matapos bumangga sa center island ng Chino Roces Avenue malapit sa kanto ng Dela Rosa Street sa Makati City.

Ayon kay Col. Rogelio Simon, chief of police ng Makati City police, isag 28-anyos na law student ang nagmamaneho ng kulay puting Toyota Altis na may plakang ABE 2883.

Inaalam pa ng Makati police kung nakainom ang driver ng kotse.

Hindi agad naialis sa lugar ang naaksidenteng sasakyan at kinailangan pang linisin ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ang kalsada bunsod ng tumakas na gasolina.

Please follow and like us:
Read More