4 CHINESE FUGITIVES ARESTADO NG BI

(NI FRANCIS SORIANO)

HIMAS- rehas ngayon ang apat na Chinese national mula People’s Republic of China (PROC) matapos na maharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 at habang ang iba ay inaresto sa kanilang bahay sa Bonifacio Global City (BGC), ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI).

Ayon sa ulat na isinumite ni BI acting port operations division chief Grifton Medina kay Immigration Commissioner Jaime Morente, inaresto si Liang Yang, 29, noong Biyernes

pagbaba sa airport lulan ng Xiamen Air dahil sa kasong forgery.

Dagdag pa sa ulat na kinasela na ng Chinese embassy ang passport nito at may kasalukuyang arrest warrant mula sa municipal public security bureau of Qinhuangdao City sa Hebei province, China.

Samantala, kinilala naman ni BI acting intelligence chief Fortunato Manahan Jr, ang tatlo pang naarestong suspek noong September 23 na sina Shi Chun Tan, Cai Rong Li and Li Shao Bai sa isang condominium tower sa BGC.

Ayon kay Medina,  inaresto ang mga suspek sa request ng Chinese government matapos din ikansela ang kanilang pasaporte at i-blacklist sa muling pagpasok ng bansa.

“We were informed that these three nationals are wanted for kidnapping and obstruction of justice, hence they will be deported for being undesirable aliens,” ani Manahan.

 

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKI HULI SA PUSLIT NA .22 KALIBRE SA NAIA 

naia3

(NI FROILAN MORALLOS)

NASAKOTE ng mga kinatawan ng Philippine National Police – Aviation Security Group PNP-AVSEGROUP)  ang isang papaalis na pasahero dahil sa tangkang pagpuslit nito ng isang .22 caliber pistol palabas ng bansa.

Kinilala ng Aviation police ang naturang pasahero na si Leandro Gatdula.

Naharang ito ng mga tauhan ng Office for Transportation Security (OTS), personnel sa security check counter sa departure area , bago siya makasakay sa kanyang Incheon, South Korea Asiana Airlines flight.

Ayon sa pahayag ng X-ray scanning operator na tauhan ng Office for Transportation Security (OTS), mayroon siyang napansin na imahe ng baril sa loob ng bagahe nitong suspek.

Agad niya ipinarating sa opisina ng Aviation police at sa ikinasang interception operation ng mga ito, bumungad sa kanila ang anim na piraso ng bala, magazine at baril sa loob ng bagahe ni Gatdula .

Si Gatdula ay nahaharap sa kasong kriminal dahil sa paglabag ng R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act , at sa ngayon nasa kustodiya itong  suspek sa aviation police para sa karagdagan na imbestigasyon .

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

KAWANI NG CAAP PINIGIL SA DALANG GRANADA SA AIRPORT

grenade12

(NI FROILAN MORELLOS)

INARESTO ng mga tauhan ng Aviation Police ang isang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport NAIA) terminal 2, makaraang mahulihan ng granada noong Biyernes ng hapon  habang pasakay sa kanyang flight palabas ng Metro Manila.

Nabatid sa report ng  Office for Transportation (OTS), ang nasabing MK2 grenade ay itinago ni Deogracias Pulmano sa loob ng kanyang backpack , at nadiskubre matapos dumaan sa x-ray scanner sa initial screening inspection.

Ayon sa impormasyon, si Pulmano, sinasabing kawani ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP),  ay isang domestic passenger. Hindi rin maipaliwanag ng Aviation police ang destinasyon nito.

Napag-alaman mula sa ilang tauhan ng (OTS) , agad inalerto ng Aviation Security Group nang lumabas ang imahe ng isang granada sa x-ray monitor.

Agad naman nagpadala ang pamunuan ng Aviation police ng K9 unit sa terminal 2 para suriin ang nasabing bagay. Doon ay nakumpirma na isang live grenade ang nasa bag nito.

Walang maipakitang papeles o dokumento ang suspect sa dala nitong granada.

Ayon naman sa CAAP , mayroon silang kawani na nagngangalang Deogracias Pulmano, ngunit sa kasalukuyan ay inaalam pa ng mga ito kung saan siya nakadestino.

Tiniyak naman ni Manila International Airport Authority general manager Ed Monreal sa riding public at sa airport users na ginagawa ng MIAA ang lahat para maging ligtas ang naturang paliparan.

 

Please follow and like us:
Read More

5 BIKTIMA NG TRAFFICKING NAPIGIL

arrestwomen12

(NI MINA DIAZ)

HINDI nagawang makalusot ng limang kababaihan sa mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport (CIA) sa Angeles City, Pampanga matapos matuklasang hindi dokumentadong overseas Filipino workers (OFWs) ang mga ito nang tangkaing umalis ng bansa na nagkunwaring mga turista.

Sinabi ni BI port operations division chief Grifton Medina, ang mga pasahero na pawang kababaihan ay naharang sa dalawang magkahiwalay na insidente noong Mayo 8, ng mga enforcement officer habang pasakay ng kanilang mga flight sa Malaysia at United Arab Emirates.

Nabunyag na ang tatlong babae ay papunta ng Kota Kinabalu kung saan sila ay tinanggap upang magtrabaho bilang mga entertainer sa nightclub habang ang dalawa ay papuntang Lebanon na magtatrabaho bilang kasambahay.

Ayon sa BI, ang tatlo ay naengganyong magtrabaho dahil sa isang job offer na kanilang natanggap sa online, at nakilala ang isang ‘Danilo’ sa isang mall sa Quezon City, kung saan sila ay nagbayad ng P10,000 para sa kanilang recruitment. Inamin nila na inalok silang magtrabaho sa isang pub sa Kota Kinabalu, at ang kanilang mga dokumento ay ibibigay sa kanila sa Hong Kong.

Samantalang ang dalawa ay nagpakita ng mga pekeng visa sa UAE.

Sa ginawang interogasyon inamin nila na inalok silang magtrabaho sa Beirut, at iniutos ng kanilang recruiter na huwag ibunyag ang kanilang tunay na patutunguhan.

“Obviously these women have been victimized by unscrupulous human trafficking syndicates that prey on the poor. We must pursue cases against these illegal recruiters to protect our fellow Filipinos from exploitation in foreign lands,” wika ni Medina.

Sinabi ni Medina na sa panahon ng Inter-Agency meetings, nalaman na ang ilang mga biktima ay humahantong sa prostitusyon, o mas mababang sahod na lihis sa pamantayan ng industriya.

“Illegal recruiters will put their victims in a tight spot. The victims, knowing that they entered through illegal means, would be forced to agree to the unfair work conditions given to them and would even be asked to pay via salary deduction hefty sums for their recruitment,” ibinahagi pa ni Medina.

Dahilan ito upang alertuhin ni BI Commissioner Jaime Morente ang lahat ng kanyang tauhan sa mga daungan sa labas ng Maynila na bantayan ang iba pang mga biktima ng trafficking na maaring magtangkang umalis sa pamamagitan ng parehong pamamaraan.

Naniniwala si Morente na ang “mga sindikato ng trafficking ay maaaring inilipat o ibinaling  ang kanilang operasyon sa iba pang mga international airport dahil sa maraming interception sa NAIA (Ninoy Aquino International Airport).”

Lahat ng limang pasahero ay dinala sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa karagdagang imbestigasyon at tulong.

Please follow and like us:
Read More

COAST GUARD, IMMIGRATION HANDA NA SA HOLY WK

ports

(NI DAHLIA S. ANIN)

NAKA-HIGHTENED alert status na ang lahat ng paliparan at pantalan sa buong bansa bilang paghahanda sa parating na Semana Santa.

Inaasahan na ng Manila International Airport Authority ang pagdagsa ngayong weekend ng mga pasahero sa NAIA hanggang sa matapos ang Semana Santa.

Bunsod nito ay hindi muna papayagan ang mga airport personnel na mag-leave, ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal.

Maging ang mga empleyado ng Bureau of Immigration ay kanselado na rin ang mga leave at dadagdagan pa ang mga Immigration Officers sa NAIA.

Plantsado na rin ang seguridad sa paliparan, at tiniyak na bagamat may nakaambang brownout ay hindi nito maaapektuhan ang airport, dahil ang supply ng kuryente ay nanggagaling umano sa Pasay at Parañaque. Nakaantabay din ang generator para sa hindi inaasahang brownout.

Maging ang Philippine Coast Guard ay may nakahandang plano na din sakaling mawalan ng kuryente. Naka-hightened alert na rin ang Philippine Coast Guard (PCG), at mahigpit ang pagbabantay sa mga pantalan, at tinututukan nila ang mga kolorum vessels.

Huhulihin nila ang mga bangkang gagamitin na hindi naman pampasahero, ii-impound ang mga ito at sasampahan pa ng kaso ang mahuhuli nila.

Pinayuhan din niya ang mga pasahero na huwag tangkilikin ang mga kolorum na sasakyang pandagat.

Nagtalaga rin  ang mga opisyal ng mga Malasakit Centers sa mga airports at seaports na tutugon sa ibang pangangailangan ng mga pasahero.

 

Please follow and like us:
Read More

AIRPORT EMPLOYEES, OFFICIALS WALANG DAYOFF SA HOLY WK

airport123

(NI DAVE MEDINA)

KANSELADO ang lahat ng day off at vacation leave ng mga kawani at opisyal sa mga paliparan sa bansa simula sa Lunes ng papasok na linggo hanggang sa April 25.

Ito ay makaraang ialerto ng  Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang 44 na commercial airport sa ilalim ng hurisdiksyon dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa pag-uwi sa mga probinsya.

Sa ilalim ng Oplan Biyaheng Ayos, nagdagdag din ng mas malakas na seguridad, maasahan at kumportableng serbisyo sa lahat ng 44 commercial airport sa buong bansa mula Abril 8 hanggang 25.

Inatasan din ng CAAP ang 12 area manager na magtalaga ng mas maraming service at security personnel sa itatagal na panahon sa paggunita ng Semana Santa.

Noong Abril ng nakalipas na taon, umabot sa 5,508,498 domestic passenger at 3,036,274 international passenger ang dumating at umalis sa pagdaan sa NAIA.

Please follow and like us:
Read More