9-ANYOS BUGBOG-SARADO SA LIVE-IN PARTNER NG NANAY

agusan del sur12

(NI ANNIE PINEDA)
KRITIKAL ang kalagayan ng isang batang babae matapos himatayin sa tindi ng bugbog na inabot mula sa kanyang stepfather sa Purok-5, Barangay Del Monte, sa bayan ng Talacogon, Agusan Del Sur.

Huling iniulat na agaw-buhay ang biktima na tinukoy lang si alyas Diding, 9, habang ang suspek ay ang ka-live in ng kanyang ina na si Bulam Kembriya, 42, residente ng nasabing lugar.

Napag-alamang nagreklamo sa Talacogon Municipal Police Station ang lola ng biktima na si Ernita Estrilla at isinalaysay na kahit maliit ang pagkakamali ng bata ay lagi itong sinasaktan ng stepfather.

Kamakalawa ay dumanas ng matinding pananakit ang bata hanggang mawalan ito ng malay kaya isinugod sa Davao Regional Center habang tumakas naman ang kanyang stepfather.

Please follow and like us:
Read More

CAFGU SA BRIGADA ESKWELA, BRUTAL NA PINATAY

agusan del sur12

(NI NICK ECHEVARRIA)

BRUTAL na pinatay ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isang Cafgu na bahagi ng Brigada Eskwela ng Departmen of Education (DepEd) sa Agusan del Sur noong May 30.

Sa naantalang ulat ng 401st Infantry Brigade ng Philippine Army, nakilala ang biktima na si  Felipe Amado, 42, isang Manobo, ng Barangay Lydia, La Paz sa nabanggit na lalawigan.

Naganap ang karumal-dumal na pagpaslang sa naka-off duty na Cafgu sa nabanggit na Barangay na tumutulong lamang sa isinasagawang Brigada Eskwela sa Lydia Elementary School.

Sa salaysay ng isang alyas Dindo, sakay sila ng dalawang motorsiklo pabalik sa nasabing barangay matapos manguha ng mga dahon ng niyog na gagamitin sa ginagawang pansamantalang classroom ng mga magbabalik eskwela nang harangin sila ng limang armadong NPA.

Armado ng AK-47, M-16 at M-14 rifle, tinutukan sila ng limang mga armadong rebelde at sinabing si “Iping” (alyas ng biktima) lang ang kailangan ng mga ito, kaya naman mabilis ng tumakbo palayo si alyas Dindo habang pinaputukan ng mga NPA.

Una umanong binaril sa paa ang biktima at saka tinadtad ng bala sa kanyang baywang at kili-kili, pinagsasaksak din ito sa tiyan at hindi pa nakuntento ang mga rebelde binali pa ang leeg at binalatan ang kaliwang kamay ng biktima.

Kinondena naman ng militar ang patraydor at walang awang pagpatay ng mga NPA sa biktima na tahasang paglabag umano sa International Humanitarian Law.

“We deeply mourn for his tragic death. We will seek for justice in behalf of his family  and we’ll provide all necessary assistance due them. This should be a clear eye-opener to everyone that these terrorist NPAs are just plain criminals and murderers, so stop supporting them in any ways” pahayag ni Col. Allan Hambala commander ng 401st Brigade.

 

Please follow and like us:
Read More

MAYORAL BET HULI SA ARMAS

agusan del sur12

ARESTADO ang isang tumatakbo sa pagka-alkade sa Agusan del Sur at apat na iba matapos masamsaman ng mga armas at bala.

Si Jupiter Abulog, tumatakbong mayor ng Rosario, Agusan del Sur, ay dinala ng mga pulis matapos isagawa ang search warrant na inisyu ng Regional Trial Court branch 7.

Nakuha kay Abulog ang anim na kalibre. 45 pistola, isang kalibre .40 pistol, isang M16 rifle at mga bala at magazine.

Samantala, sa Surigao del Sur, arestado rin sina Reynold Sinzo, Jonalito Tello, at

Ronald Ruba matapos makipaghabulan sa mga pulis dahil sa umano’y  pananakot at tangkang pagnakaw sa isang barangay captain.

Dalawang kalibre .45 pistola, apat na kalibre .45, steel magazine, ilang bala ang nakumpiska sa mga ito.

Huli rin si Christopher Sullano sa Madrid, Surigao del Sur matapos masamsaman ng isang kalibre .45

pistol, isang Elisco M16A1 rifle, at iba’t ibang mga bala.

Please follow and like us:
Read More

3 PUPUNTA SA LAMAY PATAY SA AKSIDENTE

accidentsign1

(NI BONG PAULO)

PINAGLALAMAYAN ang tatlo katao na dadalo sana ng lamay ng isang alkalde matapos na ideklarang dead on arrival sa ospital nang makasalpukan (head on collision) ng kanilang sinasakyan na SUV ang isang Fuso Forward truck sa national highway na sakop ng Purok 8, Sumilao, Brgy. Bunawan Crook sa bayan ng Bunawan, Agusan del Sur, Biyernes ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Osiag Obenieta, 32, driver, Zoen Guibone at Rey Anthony Roa, parehong taga-Brgy. Bagontaas, Valencia City, Bukidnon at mga sakay ng Nissan Almira.

Sa ulat ni P/Capt. Paul Michael Neffe, hepe ng Bunawan Municipal Police Station, alas-5:45 ng umaga kung saan papunta na sana sa General Luna, Siargao Island sa lalawigan ng Surigao del Norte ang mga biktima upang dumalo sa lamay ni Mayor Jaime Rusillon.

Sinalubong umano ni kamatayan ang tatlo matapos na makaidlip habang nagmamaneho ang drayber na si Obenieta at nasalpok nito ang kasalubong na Forward truck.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulisya, sinabi ng drayber ng Forward truck na malayo pa umano ang Nissan, nakita na nito na papunta sa kanyang direksiyon ang sasakyan dahilan para ito bumusina at tumabi pero sa kabila nito ay dumiretso pa rin sa kanilang direksiyon ang SUV dahilan para magsalpukan ang dalawang sasakyan at nayupi ang Nissan Almira dahilan para mamatay ang mga biktima.

Please follow and like us:
Read More

2 BABAENG BGY OFFICIAL PATAY, KONSEHAL SUGATAN SA AGUSAN AMBUSH

agusan del sur12

NAMATAY ang isang barangay kagawad at ang dating treasurer sa Barangay San Pedro, bayan ng San Luis sa Agusan del Sur samantalang tatlong iba pang sugatan nang pagbabariin ng hindi pa kilalang grupo.

Nakilala ang mga namatay na sina Kagawad Susan Mandumutan, at dating treasurer na si Maricel Quezon.

Ginagamot sa ospital sina Franklin Mandumutan, asawa ng nasawi at incumbent kagawad ng Sangguniang Bayan member, kasama ang kanilang 8-anyos na anak na lalaki at Nore Coguit, 19, anak ng dating konsehal ng barangay.

Sinabi ni P/SSgt. Reynalyn Batol, information officer ng San Luis Municipal Police Station, na papuntang political rally ang mga biktima sakay ng Isuzu Ertiga na minamaneho ni Franklin nang maganap ang insidente, Sabado ng umaga.

Inabangan umano ang mga biktima sa masukal na bahagi ng daan ng barangay bago niratrat ng hindi pa kilalang grupo. Nakatawag pa umano ng tulong si Mandumutan habang sugatan ang kanyang mga sakay.

 

Please follow and like us:
Read More

PAGPASLANG SA KAPITAN INAKO NG NPA

npa

BUTUAN CITY – Inako ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang pag-ambush at patay sa barangay captain sa bayan ng San Luis, Agusan Del Sur Huwebes ng tanghali.

Ayon sa nagpakilalang spokesperson ng NPA na si Ka Omar Ibarra, sinabi nito na sila ang pumaslangkay Rodencio Salamurin, barangay captain ng Barangay San Pedro.

Tinambangan umano ng grupo ang biktima matapos makarating sa kanila ang umano’y pang-eespiya nito sa makakaliwang kilusan gayundin ang pagpatay sa mga sibilyan at paggamit umano ng posisyon upang makakolekta ng buwis para umano sa NPA.

Tatlo raw ang mga dahilan kung bakit pinaslang si Salamurin at kabilang dito ang pang-ingispiya daw nito sa makaliwang kilusan, pagpatay sa mga sibilyan at ang paggamit daw nito sa NPA sa pangongolekta ng buwis.

Ngunit sinabi naman ni Police Senior Insp. Emerson Bajao, hepe ng San Luis Municipal Police Station, hindi ambush ang nangyari.

Galing umano sa kanyang bahay ang biktima at patungo sa bayan para dumalo sana sa isang pagpupulong.

Subalit pinara raw ito ng tatlong armadong lalaking naka-bonnet at saka pinagbabaril.

Share

Please follow and like us:
Read More

6 CAFGU PINALAYA NG NPA

cafgu15

(NI NICK ECHEVARRIA)

PINALAYA na ng mga bumihag na teroristang New People’s Army (NPA) sa isang lugar sa Bgy. San Juan, Bayugan City, Agusan del Sur ang anim na miyembro ng Citizen’s Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) Huwebes ng gabi.

Sa report ni  Maj. Ezra Balagtey, tagapagsalita ng  Eastern Mindanao Command (EASMINCOM), nakilala ang mga pinalayang CAFGU na sina; Jurian Gaviola, Marson Iligan, Bienvenido Lamion, Eddie Tindoy, Sanny Malobay at Hermito Iligan.

Ayon naman kay Capt. Reggie Go, spokesperson ng 4th Infantry Division ng Philippine Army ang anim na pinalaya ay kabilang sa 2 sundalo at 13 mga CAFGU na dinukot ng mga rebeldeng NPA sa Bgy. New Tubigon Patrol Base sa Sibagat, Agusan del Sur noong December 19, 2018.

Ayon sa report dalawa pang sundalo at pitong CAFGU ang ngayon ay nananatiling nasa kamay pa ng mga komunistang grupo.

“The release of the hostages is not an act of peace by the CPP/NPA but an option for survival, continued detention of the hostages impeded their evasion from pursuing Army and PNP troops. Also, feeding number of hostages posed considerable drain on their  food supplies” ayon pa kay Go.

Isinasailalim ngayon sa medical at psychological treatment ang mga pinalayang miyembro ng CAFGU sa utos ni Brig. Gen. Franco Nemesio Gacal ng 4thInfantry Division.

Nanindigan naman si AFP-EASMINCOM commander Maj. Gen. Filemon Santos Jr. na walang mangyayaring Suspension of Military Operations (SOMO) sa ilang  lugar sa CARAGA Region tulad ng kahilingan ng mga NPA kapalit ng pagpapalaya sa kanilang mga bihag.

Naniniwala si Santos na paraan lamang ito ng mga komunistang NPA para palakasin ang kanilang pwersa sa pamamagitan ng recruitment at pag-atake laban sa mga tropa ng pamahalaan.

Please follow and like us:
Read More

BGY KAGAWAD, DINUKOT, ISINAKO 

agusan

(NI JG TUMBADO)

PATAY na nang matagpuan ng mga awtoridad ang isang barangay kagawad na unang dinukot ng isang armadong grupo sa bayan ng Esperanza, Agusan del Sur.

Araw ng lunes nang marekober ang bangkay ng biktima na nakilalang si Randy Insayoy, 31, kagawad ng Barangay Valentina, na nakapaloob sa isang sako at may ilang tama ng saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Lumalabas sa report ng pulisya, sapilitang tinangay ang biktima ng pinaghihinalaang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) noong gabi ng Biyernes, Enero 25, matapos pasukin ng mga ito ang kanilang bahay.

Base sa imbestigasyon, dito ay pinag-initan ang biktima ng mga rebelde dahil ang pamangkin nito na sundalo ay tumatayong ‘guide’ umano ng militar sa ginagawang pina igting na opensiba sa lugar.

Please follow and like us:
Read More

7 MINERO PATAY SA LANDSLIDE

land

(NI JG TUMBADO)

PITONG minero ang patay nang matabunan ng gumuhong lupa ang kanilang bunkhouse sa bahagi ng bundok Manhupaw sa bayan ng Santiago sa kasagsagan ng paghagupit ng bagyong Amang sa probinsya ng Agusan del Sur.

Nakilala ang mga biktima na sina Rene Gan-ungunIligan, Ramil Naño Iligan, Casiano Tagunsulod Iligan, Rex Penig, Tata Salasay, Jay-ay Matanog, Alan Daging at isang nagngangalang ‘Gang-gang’.

Buhay namang nahugot ng rescue unit mula sa pagkakatabon ng lupa na may kasamang putik si Daging na patuloy na ginagamot sa Agusan del Norte Provincial Hospital sa Butuan City.

Batay sa pahayag ni Daging sa pulisya, alas 9 ng gabi ng Linggo habang sila ay kumukubli sa kanilang bunkhouse malapit sa minahan ay biglang gumuho ang itaas na malaking bahagi ng lupa at tuloy tuloy na dumausdos sa kanilang tinutuluyan.

Nabatid na nasa 17 kilometro ang layo ng pinangyarihan mula sa pinakamalapit na barangay ng Poblacion sa Agusan del Norte.

Ayon kay Police Regional Office 13 Director Chief Supt. Gilbert Cruz, nahukay na ang mga labi nina Gan-ungunIligan, Iligan, Tagunsulod at Salasay habang tatlo pa sa kanila ang patuloy na nirerekober sa lugar.

Nagpadala ng karagdagang puwersa ang pulisya at militar upang magbantay ng seguridad sa mga awtoridad na tumutulong sa retrieval operations dahil hindi kalayuan ang kampo ng rebeldeng New People’s Army (NPA) na nasa 25 kilometro lamang sa ground zero.

Please follow and like us:
Read More