GINANG NILOOBAN, NIRATRAT NG 4 NAKA-HELMET

crimeshooting

(NI ANNIE PINEDA) PATAY  ang isang ginang matapos itong pasukin sa loob ng kanyang bahay ng apat na armadong kalalakihan na nakasuot ng helmet, sa Agusan del Norte. Kinilala ang biktimang si Lilian Catingog, 44, residente ng Sitio Macasihi, Brgy. Camagong Nasipit, Agusan del Norte. Batay sa report ng Nasipit Police Station, dakong alas 8:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima. Bigla na lamang pumasok ang apat na suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima na tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan na agad…

Read More

7-ANYOS NI-RAPE, PINATAY

(NI ANNIE PINEDA) KALUNUS-LUNOS ang sinapit ng isang grade 2 pupil na batang babae na natagpuang naaagnas na bangkay na pinaniniwalaan ginahasa saka pinatay ng suspek, iniulat kaninang umaga sa Agusan del Norte. Ayon sa Buenavista Municipal Police Station, nitong nakaraan Linggo ay ipina-blotter ng lola ang 7-anyos na biktimang apo na nawawala sa Purok 4 , Bgy. Manapa, Buenavista, Agusan del Norte. Bandang alas 3:00 ng hapon ng Miyerkoles nang matagpuan sa madamong bahagi, may 1-kilometrong layo sa bahay ng mag-lola. Nakitaan ng sugat sa katawan ang biktima at…

Read More

MOTOCROSS CHAMP PATAY SA ENSAYO

(NI BONG PAULO) KARIT ni kamatayan ang sumalubong sa isang 18-anyos na kampeon sa motocross racing matapos pumalya ang pinag-eensayuhang motorsiklo nito dahilan ng pagkakadisgrasya AT pagkamatay sa Motocross Racing ground sa Brgy. Poblacion sa bayan ng Carmen, Agusan del Norte. Kinilala ang biktima na si Jhonkim Portes Peligrino, residente ng Purok 16, Brgy. San Vicente, Butuan City. Nabatid na ang biktima ay bantog na kampeon sa mga motocross racing sa kanilang lugar. Ayon sa nanay ng biktima na si Zenaida Peligrino, nag-practice umano ang kanyang anak para sa patimpalak…

Read More

BABAENG LOTTO TELLER, HINOLDAP, PINATAY

crime robber12

(NI KIKO CUETO) AGUSAN DEL NORTE – Pinagnakawan,  pinatay at hinihinalaang ginahasa pa ang isang 33-anyos na teller ng maliit na lottery outlet sa Barangay Manapa, bayan ng Buenavista. Ayon sa report, papunta ang biktima sa opisina ng nasabing loterya para mag-remit ng pera. Hindi pa nakalalayo ang biktima ay pwersahang dinala umano ang biktima sa isang liblib ng lugar kung siya ninakawan at pinaniniwalaang ginahasa bago pinatay. Matapos patayin ay kinuha pa ng hindi pa nakikilalang salarin ang perang dala ng biktima na nagkakahalaga ng mahigit sa P1,000. Ito…

Read More

SA LOOB NG 24-ORAS: 3 INILUWA NG ‘KILLER RIVER’

agusan

(NI BONG PAULO) TATLO katao ang natagpuang bangkay at palutang-lutang sa Agusan River, partikular sa barangay Pagatpatan, Butuan City sa lalawigan ng Agusan del Norte nitong Linggo at Lunes. Unang natagpuan ang magkapatid na sina Nigel Batuig, 9, at ang 11-anyos na ate nito na si Patricia Batuig. Ang isang bangkay naman na hindi pa nakikilala ay natagpuan naman alas-5:30 ng umaga ng Lunes ng isang mangingisdang si Roderick Racaza. Nakita nitong nakasabit sa water lily ang bangkay ng lalaki na wala pang pagkakakilanlan. Kaagad namang rumesponde ang mga tauhan…

Read More

MUNICIPAL COUNCILOR TIMBOG SA DROGA

ARRESTED

(NI JG TUMBADO) ARESTADO ang isang konsehal sa bayan ng Buenavista, Agusan del Norte dahil umano sa pagkakasangkot nito sa malawakang illegal drug trade sa nabanggit na lugar. Dinakip ng mga awtoridad ang suspek na si Ronilo Bohol, 50, sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Emmanuel E. Escatron ng Butuan City Regional Trial Court (RTC)-Branch 2. Ayon kay Police Brigadier General Gilberto Cruz, Police Regional Office 13 Director, alas 2:40 ng madaling araw ng Linggo nang salakayin ng pinagsamang puwersa ng Buenavista Municipal Police Station, Provincial Intelligence…

Read More

2 SA 16 BIHAG NG NPA, LAYA NA

npa

DALAWA na naman sa 16 na tropa ng gobyerno na dinukot ng rebeldeng New People’s Army noong Disyembre 18 ang pinalaya na sa bukiding bahagi ng Agusan del Norte, Lunes ng hapon. Ito ay kinabibilangan ng mga CAFGU (Citizen Armed Force Geographical Unit) members na sina AJ Reginal ng 29th Infantry Battalion (IB) at Bernabe Salahay ng 23rd IB. Ayon kay NPA-Northerneastern Mindanao Region spokesperson Ka Sandara, ang pangalawang round ng pagpapalaya sa kanilang mga bihag ay bahagi ng tatlong rounds na kanilang gagawin sa dahilang magkaiba ang kinalalagyan ng kanilang…

Read More

DRIVER NA NAKASAGASA SA VOLUNTEER DOCTOR SUMUKO

hitandrun

(NI NICK ECHAVARRIA) SUMUKO sa pulisya ang driver ng sasakyan na sangkot kaugnay sa naganap na hit-and-run noong February 7  na ikinamatay ng biktimang si Dr. Zuriel G. Arambulo ng Department of Health, nakatalaga sa mga barrio sa  Santiago, Agusan del Norte. Si Charlie Cayetano Prior, dating spiritual adviser sa Butuan City hall, ay sumuko para harapin  ang insidente ng hit-and-run na kanya umanong kinasasangkutan  sa kahabaan ng national highway, Zone 2, Bgy. Poblacion 2, ng nabanggit na lugar, alas-8:50 ng gabi. Naisugod pa ang biktimang si Dr. Arambulo sa…

Read More

VOLUNTEER DOCTOR DEDO SA HIT AND RUN

hitandrun8

(NI JG TUMBADO) PATAY ang isang 32-anyos na doktor makaraang mabundol ng isang humaharurot na SUV sa bayan ng Santiago, Agusan del Norte Huwebes ng gabi. Hindi na umabot nang buhay habang isinusugod sa Cabadbaran District Hospital ang biktima na nakilalang si Dr. Zuriele Arambulo. Lumalabas sa imbestigasyon ng Santiago police, nakababa na umano ang biktima ng sinakyang pampasaherong bus subalit bigla itong nahagip ng isang SUV habang tumatawid sa kalsada. Sa lakas ng pagkakabangga ng naturang sasakyan ay tumilapon umano ng ilang metrong layo ang biktima bago bumagsak sa…

Read More

BF PUMATAY NG GF SUMUKO

agusan

BUTUAN CITY – Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa sinasabing suspek na pumatay sa kanyang karelasyon sa Nasipit, Agusan del Norte makaraan sumuko sa mga awtoridad. Ayon kay PO3 Elmer Haranay, pursigido ang pamilya ng biktimang si Aimee Tampan, 34, na sampahan ng reklamo ang sumukong suspek na si Remare Bitangcor. Sa ngayon, hinihintay na lang ng pulisya ang resulta ng autopsy report para malaman ang sanhi ng pagkamatay ng biktima. Batay sa ulat, natagpuang walang malay si Tampan makaraan ang kanilang pagtatalo nitong Huwebes. Agad tumakas ang suspek…

Read More