AFRICAN SWINE FEVER OUTBREAK

AFRICAN SWINE FEVER OUTBREAK

(Ni EDZER LANUZA / Ikalawang Bahagi)

Paano maiiwasan ang ASF?

Depende sa mga bansa kung paano maiiwasan ang ASF, sa pamamagitan ng implementasyon ng tamang mga patakaran sa pag-import at biosecurity measures.

Kabilang din ang wastong pagtatapon ng waste food mula sa aircraft, ships o vehicles na galing sa apektadong mga ­bansa.  Patakaran sa illegal imports ng live pigs at pork ­products mula sa apektadong mga bansa.

Sa panahon ng outbreaks sa  napinsalang mga bayan, nahirapang makontrol ang ASF. Dahil kailangang angkop sa epidemiological situation o ­pagharap sa transmisyon ang pagkontrol sa sakit.

Mahalaga ang maagap na paniniktik sa pagkatay sa mga hayop kasama ang wastong disposal sa katawan at basura, wastong paglilinis at disinfection.

Importante ang pagsosona, pagbubukod, pagkontrol at  paniniktik sa mga lugar na posibleng may ASF at istriktong biosecurity measures sa mga bukirin.

Sa Europe at sa ilang rehiyon sa Asia, ang transmisyon ng ASF ay tila nakadepende sa kakapalan ng populasyon ng baboy ramo at sa interaction sa sistema ng low-biosecurity pig production.

Ang African swine fever na viral disease sa mga baboy at  baboy ramo ay kadalasang nakamamatay. Walang vaccines o lunas dito.  Bunga nito ay ang malalang epekto sa  pananalapi sa apektadong mga bansa.

Hindi madaling kapitan ng ASF ang mga tao

Sa ulat ng U.S. pork industry, ang African swine fever virus ay contagious viral disease na nakakaapekto lamang sa mga baboy, hindi sa tao, kaya di ito isang public health threat o food safety concern.

Ayon naman sa U.S. Department of Agriculture, hindi maaapektuhan ng ASF ang tao kaya’t hindi ito banta sa  kalusugan. Hindi rin ito maisasalin sa tao sa pamamagitan ng contact sa pigs o pork.

Kadalasang mga palatandaaan ng African swine fever ay pareho sa classical swine fever. Ang dalawang karamdamang ito ay karaniwang nakikilala sa laboratory diagnosis.

Kinabibilangan ang mga sintomas ng paglalagnat, kawalang gana, panghihina, abortions, internal bleeding, na may kasamang haemorrhages makikita sa mga tainga at  biyas.

Ang biglaang pagkamatay ay maaaring mangyari. Ang severe strain ng virus ay karaniwang ikamamatay sa loob ng 10 araw. Maaaring walang naipakikitang typical clinical signs ang hayop na infected ng mild strain.

Karaniwang nahahawa ang malulusog na mga baboy at wild boar sa pamamagitan ng:

-Pagdidiit sa infected animals, kabilang ang free-ranging pigs at wild boar.

-Paglunok sa karne o meat products mula sa infected animals – kitchen waste, pagpapakain ng scrap, infected wild boar (kasama ang internal organs ng butchered animals).

– Pagdikit sa anomang kontaminado ng virus gaya ng mga damit, sasakyan at iba pang equipment.

-Kagat ng infectious ticks (garapata).

-Pagkilos ng infected animals, kontaminadong pork products at illegal disposal ng mga patay na hayop ang pinakamahalagang sanhi sa pagkalat ng sakit.

Saan matatagpuan ang ASF?

Ang African swine fever ay endemic o likas sa sub-Saharan Africa. Naging endemic ito sa Sardinia sa loob ng ­maraming dekada. Nagkaroon ng 2007 outbreaks sa Georgia, Armenia, Azerbaijan at sa European part ng Russia, Ukraine, at Belarus.

ASF, panganib sa ­kalusugan ng tao-Russian doctor

Sinasabing hindi mahahawahan ang tao ng ASF.

Pero isang head ng Russian epidemiology service, ang chief state sanitary doctor, ay ­nagbabala kaugnay sa pig phy-siology na malapit sa human physiology.

Ipinahayag sa press-conference sa St. Petersburg ni Gennady Onishchenko, na sa future mutations ng virus maaari ring maging mapanganib ito sa mga tao.

Ayon kay Onishchenko, halos lahat ng viruses ay paminsang nagdaraan sa  mutation processes kung saan nagbibigay sa kanila ng ilang additional functions.

“Kung titingnan ang katotohanan, ang pig physiology ay sobrang malapit sa human physiology, at nagdurusa sila sa karamdamang halos pareho sa atin, walang dahilan para di paniwalaang sa susunod na  round ng mutation ang virus ay maaari ring maging panganib sa mga tao.”

Sa kasalukuyan, sinabi ni Onishchenko nagaganap lang ang ASF sa mga hayop. Ang pinakaepektibong paraan umano para maiwasan ang pagkalat ng sakit ay “very severe quarantine measures”.

Ang ASF ay maaaring maisalin sa direct contact sa infected animals. Kinilala ang baboy ramo ng ilang pangkalahatang tanggapan ng pamahalaan bilang isa sa maraming posibleng salarin sa pagkalat.

Naisasalin din ang ASF sa pamamagitan ng mga insekto gaya ng garapata.

Pero ang virus ay maaari ring mag- survive ng ilang buwan sa processed meat, at ilan pang mga taon sa frozen carcasses, kaya ang meat products ay hinihigpitan sa cross-border transmission.

Pinaniniwalaang unang dinala ng east Africa ang ASF sa Georgia sa pamamagitan ng kontaminadong mga produkto ng baboy.

Noong 2013, isang packet ng sausages na nagtataglay ng virus ang kinumpiska sa Japanese airport mula sa isang ­traveller na nagmula sa China.

Ang China ang sinasabing tahanan ng kalahati sa world’s domestic pigs, at lumilitaw na mabilis itong lumaganap. Ayon sa report, umabot sa 41 outbreaks simula mapansin ito noong 2018.

ASF sa Pilipinas

Para mapaigting ang qua-rantine security at mapigilan ang pagpasok ng pork at pork products na apektado ng kinatatakutang ASF sa bansa, nag-isyu si Department Agriculture (DA) Secretary Emmanuel “Manny” Piñol ng Memorandum Circular No. 07.

Pinamamahalan nito ang courier service companies para pigilan ang pagtanggap ng canned meat at iba pang meat products mula sa ASF-affected countries sa pamamagitan ng shipment.

Ipinagbabawal din ng DA ang importasyon ng live domestic at live pigs at kanilang mga produkto kabilang ang pork meat, at semen na nagmumula sa Belgium, Bulgaria, China, Czech Republic;

Kasama rin dito ang Hungary, Latvia, Moldova, Poland, Romania, Russia, South Africa, Ukraine, Zambia, Mongolia, ­Vietnam, Cambodia, Hong Kong, at North Korea.

Nakasaad sa memorandum: “Furthermore, all arriving agricultural commodities from restricted countries are subject to immediate stoppage, confiscation, and destruction by the Veterinary Quarantine Officers (VQOs) at the border of entry for proper disposal.”

Noong May 29, nakasamsam ang quarantine officers sa Subic Port sa Zambales ng refrigerated container mula sa China na naglalaman ng meat balls nakatago sa likod ng fish tofu.

Please follow and like us:
Read More

AFRICAN SWINE FEVER OUTBREAK

AFRICAN SWINE FEVER-4

(Ni Edzer Lanuza / Unang Bahagi)

NABAHALA ang mga bansa sa buong mundo, kabilang ang Pilipinas, sa pagdaluyong ng African swine fever (ASF) na isang matinding viral disease na nakakaapekto sa alagang baboy at baboy ramo.

Maaaring kumalat ang transboundary animal diseases (TADs) mula sa buhay o patay na mga baboy, domestic o wild, at pork products.

Inilalarawan ng Food and Agricultural Organization (FAO) ang TADs na may malaking epekto sa ekonomiya, kalakalan, at seguridad sa pagkain sa maraming bansa.

Madaling kumalat ang TADs sa iba’t ibang mga bansa. Ang North African countries ang madaling maapektuhan ng iba’t ibang TADs dahil sa geographical location nito.

Ang pagkalat ay nagaganap sa pamamagitan ng kontaminadong pagkain at fomites (non-living objects) gaya ng sapatos, mga damit, sasakyan, patalim, kagamitan at iba pa, at dahil sa high environmental resistance ng ASF virus.

Walang aprubadong bakuna o gamot laban sa ASF (hindi gaya ng classical swine fever (‘Hog Cholera’) na sanhi ng iba’t ibang virus at isang seryoso at karaniwang fatal viral disease sa  baboy.

Ang ASF ay naglalarawan ng mataas na paglalagnat at pagkahapo, ang sakit ay naisasalin mula sa infected pigs sa pamamagitan ng iba’t ibang carrier agents.

Kabilang dito ang mga sasakyang pinaglagyan sa baboy na inihahatid sa iba’t ibang lugar ng dealers. Paglalakbay mula sa farm patungo sa iba pang paghahayupan, at sa farm attendants.

Ang virus ay maaaring naroroon sa mga sukal o basu­rahang ginamit sa pagpapakain sa mga baboy na nawawasak naman sa pagluluto nito sa apoy.

Apat na araw hanggang tatlong linggo matapos ang exposure, ang sakit ay pagsisi­mulan ng lagnat.  Kasunod ay kawalan ng gana sa pagkain, general depression at paglayo sa ibang mga hayop.

Pamumula at panunuyo ng mga mata, pagsusuka, cons­tipation o diarrhea, at pag-uubo at kahirapan sa paghinga. Sa maraming kaso, nagkakaroon ng skin rash.

Ang mucous membrane sa bibig at lalamunan ay maaaring mamaga at magkaroon ng ulcerative. Ang hayop ay nakahiga, atubiling kumilos, sumusuray sa paglakad at nakaarko ang likod. Sa kalaunan, di na makatayo at nagiging comatose.

Sa kasaysayan, ang outbreaks ng ASF ay naiulat sa Africa at ilang mga bahagi sa Europe, South America, at Caribbean.

ANO NGA BA ANG AFRICAN SWINE FEVER?

Ang African swine fever (ASF) ay isang lubhang nakakahawang hemorrhagic viral disease ng domestic at wild pigs, na responsable sa seryosong pagkalugi sa mga ekonomiya at produksyon.

Dulot ito ng isang large DNA virus ng Asfarviridae family, kung saan naisasalin rin sa mga garapata ng genus Ornithodoros.

Bagaman, ang mga palatandaan ng ASF at classical swine fever (CSF) ay halos magkatulad, ang ASF virus ay walang kaugnayan sa CSF virus. Ang dalawang karamdamang ito ay sanhi ng magkaibang viruses.

Ang ASF gayundin ang CSF ay viral diseases na nakakaapekto sa mga baboy lamang. Sa kaso ng outbreak, ang mga sakit ay may epekto sa ekonomiya lalo sa western European countries na isang  malaking pig industry.

TRANSMISYON AT PAGKALAT NG ASF

Ang epidemiology ng ASF ay kumplikado at magkakaiba depende sa kapaligiran,  uri ng sistema sa produks­yon ng baboy, pagkakaroon o kawalan ng garapata, kaasalan ng tao, at  mayroon man o walang wild pigs.

Paano naisasalin ang ASF?

-Sa pamamagitan ng direct contact sa infected domestic o wild pigs;

-Sa indirect contact, sa pamamagitan ng paglunok sa kontaminadong material ha­limbawa,  food waste, pagkain, o basura.

-Nahawahang fomites, o biological vectors kung saan naroroon ang soft ticks bilang parasite mula sa genus Ornithodoros (genus sa soft-bodied tick family).

KLINIKAL NA MGA PALATANDAAN NG ASF SA HAYOP

Ang clinical signs at mortality rates ay maaaring iba-iba base sa kabagsikan ng virus at sa uri o species ng baboy.

Inilalarawan ang acute forms ng ASF ng mataas na lagnat, depresyon, anorexia at kawalan ng ganang kumain, haemorrhages sa  balat (pamumula ng balat sa mga tainga, tiyan at mga binti);

Abortion sa  inahing baboy, cyanosis o pangangasul ng balat, pagsusuka, diarrhoea at pagkamatay sa loob ng 6 hanggang 20 araw. Ang mortality rates ay maaaring mas mataas  o 100%. (May karugtong)

Please follow and like us:
Read More