MALAWAKANG BALASAHAN NAKAAMBA SA AFP

AFP LOGO

TIYAK ng magkakaroon nang malawakang balasahan sa hanay ng Armed Forces of the Philippine top key positions kasunod nang pagkakatalaga kay Lt. Gen. Felimon T. Santos bilang  bagong AFP chief of Staff .

Bukod sa nabakanteng posisyon ay malaki rin ang epekto nang nakatakdang changing guard ang pagreretiro ng dalawang pinuno ng AFP major Services.

Kabilang sa apektado posiyon ng naka-ambang shake-up sa Sandatahang Lakas ang Eastern Min-danao Command na nabakante matapos na italaga ni Pangulong Rodrigo Roa Dutere si Eastmin-com Commnader Lt. Gen. Felimon T. Santos bilang AFP chief.

Habang nitong nakalipas na Disyembre ay nabakante rin ang puwesto ng Southern Luzon Comand nang italaga  si Lt. Gen. Gilbert Gapay bilang Philippine Army chief at pansamantalang pahaha-wakan ito kay Maj. Gen. Arnulfo Marcelo Burgos bilang SOLCOM Officer in charge.

Si Gen. Burgos ay sinasabing ini-endorso ng AFP Board of General para sa SOLCOM post.

Nakatakda ring mabakante ang posisyon ng Philippine Air Force chief dahil sa napipintong pagrere-tiro ni PAF Commander Lt. Gen. Rozzanao Briguez ngayong  Enero 17.

Habang magreretiro namang ngayong Pebrero 3, 2020 si Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Robert Empedrad at matunog na hahalili sa kanya ang pinaka-qualified at most senior Navy Officer Rear Admira Giovanni Joby Bacorrdo.

Nilinaw naman ni AFP Spokesman B. Gen. Edgard Arevalo na walang epekto ang nakaambang re-shuffle o reposition ng top key position dahil may  acting commanders naman na handing mag-take-over sa mga mababakante posisyon.

Ayon kay Arevalo, “Pinagplaplanuhan na naman kung sino ang mga papalit sa kanila kaya ang ating board of gens ay kaka-deliberate lang so meron na tayong siguradong pupunta dyan.”

“Huwag kang mag-alala kasi ang  armed forces very rigid ang ating structure, lagi tayong may deputy either in the absence of the incumbent or for the time being na pinaprocess pa yung kanyang ap-pointment but definitely that will have no serious impact on the armed forces and its operation,” pa-hayag pa ng opisyal. (JESSE KABEL)

Please follow and like us:
Read More

SUNDALONG ATLETA PINAPURIHAN NG AFP

(NI AMIHAN SABILLO)

PINAPURIHAN at pinasalamatan ng Armed Forces (AFP) ang lahat ng sundalong atleta na nakilahok sa Southeast Asian Games na pormal na nagwakas Miyerkoles ng gabi sa isang engrandeng seremonya sa New Clark City sa Tarlac.

Ayon kay AFP Spokesperson B. Gen. Edgard Arevalo na ipinaabot ni AFP Chief of Staff Gen. Noel Clement ang kanyang pagbati sa 127 sundalong atleta na nagbigay ng karangalan hindi lang sa AFP, kundi sa buong bansa sa kanilang mahusay na performance sa palaro.

Sinabi pa ni Arevalo, 27 ginto, 13 silver at 8 bronze medals ang naiambag ng mga sundalong atleta sa Team Philippines na nagkamit ng pinakamaraming medalya at itinanghal na Overall Champion sa palaro.

Dagdag pa ni Arevalo, bilang  pagkilala sa mga sundalong atleta, sila ay pagkakalooban ng “thanksgiving dinner sa December 19.

Nagpasalamat din si Arevalo sa buong sambayanan sa patuloy na pagsuporta sa AFP, na magdiriwang ng kanilang ika-84 na anibersaryo sa Disyembre 17.

 

Please follow and like us:
Read More

PAGAWAAN NG BOMBA, ARMAS NG BIFF, NAKUBKOB NG MILITAR

maguindanao map12

(NI ANNIE PINEDA)

NAKUBKOB ng militar ang kuta ng teroristang Dawlah Islamiyah Terror Group ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na pagawaan ng mga bomba at matataas na uri ng armas, iniulat sa probinsya ng Maguindanao.

Batay sa report ng 601st Brigade na nakubkob ng mga tauhan ng 33rd Infantry Battalion Phillipine Army  ang kuta ng naturang teroristang grupo sa Barangay Kuloy Shariff Aguak Maguindanao, na sakop ng SPMS Box na ginawang taguan ng BIFF at mga kaalyado dayuhang terorista.

Narekober ng tropa ng pamahalaan ang 20 Improvised Explosive Device (IEDs), 5 assault rifles, grenade launcher,B-40 Anti-Tank Rocket, 81 mm mortar projectile tile ,mga sangkap sa paggawa ng bomba at mga bala ng iba’t ibang uri ng armas.

 

Please follow and like us:
Read More

CPP-NPA CHILD WARRIOR PATAY SA SAGUPAAN

(NI JESSE KABEL)

KINONDENA ng liderato ng 4th Infantry ‘Diamond’ Division Philippine Army ang paggamit ng mga batang combatant ng Communist New People’s Army sa kanilang armadong pakikidigma .

Ayon kay MGen Franco Nemesio Gacal, Commander ng  4th ID, inihatid ng CPP-NPA kay kamatayan ang batang rebelde  na kinilalang si , Litboy Talja Binongcasan, 16, mula  Sitio Shiohan, Brgy. Malinao, Gingoog City, Butuan City.

Base  sa impormasyong ibinigay ni Maj. Regie Go ng Division Public  Affair Office chief ng Army 4th ID; unang nakasagupa ng mga operatiba ng 23rd Infantry ‘Masigasig’ Battalion, 402nd Infantry ‘Stingers’ Brigade, 4th Infantry ‘Diamond’ ang isang grupo ng mga armadong miyembro ng NPA sa  Sitio Salvacion, Brgy Manila de Bugabos, Butuan City na naging dahilan ng kamatayan ng batang gerilya.

Nabawi sa pinangyarihan ng sagupaan ang dalawang AK-47 rifle, isang M16A1- rifle, isang M16A1- RMC rifle, limang civilian backpacks, dalawang  bandoleers, anim na magazines para sa  AK-47 rifle, limang  magazines ng M653 rifle at mga subersibong dokumento.

Pinapurihan naman ni MGen Cacal, Commander pinuno ng 4th ID  ang kanyang mga tauhan.

Please follow and like us:
Read More

AFP SA MAKAKALIWANG GRUPO: SA KORTE KAYO MAGREKLAMO

(NI AMIHAN SABILLO)

“SA korte kayo nagreklamo.”

Ito ang payo ni AFP Spokesperson Bgen Edgard Arevalo sa mga makakaliwang grupo na umaangal sa pag-aresto ng AFP at PNP sa kanilang mga kasamahan sa Bacolod City. Ito ay matapos akusahan ng mga militanteng grupo ang pulis at militar ng ‘harassment’ sa kanilang pag-raid sa mga umano’y tanggapan ng Bayan Muna, Gabriela, Anakpawis at National Federation of Sugar Workers noong Oktubre 31.Ang operasyon ay nagresulta sa pagkaaresto ng dose-dosenang mga leader at miyembro ng NPA At pagkakasamsam sa samu’t-saring armas at pampasabog.

Tanong ni Arevalo, paano naging ‘harassment’ ang naturang operasyon, gayung may hawak na search warrant ang mga operatiba na inisyu ng Korte.

Tungkol naman sa sinasabi ng mga militanteng grupo na planted ang 32 baril At 120 bala na nakuha sa mga arestadong suspek, sinabi ni Arevalo na alinsunod sa batas ay nasa kanila ang responsibilidad na patunayan ang kanilang alegasyon.

Iginiit ni Arevalo na walang exempted sa batas, at kahit sabihin ng mga militanteng grupo na sila’y lehitimong organisasyon, sakop pa rin sila ng mga proseso ng korte tulad ng sinumang ordinaryong tao.

TANGGAPAN NG IBON FOUNDATION ‘DI SINALAKAY – NCRPO

Itinaggi ngayon ng NCRPO o National Capital Region Police Office na may nilulutong operasyon ang kanilang mga tauhan sa tanggapan ng IBON Foundation

Ito ay matapos kumalat sa social media ang ulat hinggil sa isasagawang ocular inspection ng mga pulis sa nasabing tanggapan

Batay sa post ng naturang thinktank group, isang Col. Joaquin Alba umano ang nagtimbre sa kanila ng nasabing inspeksyon sa harap ng sunud-sunod na pagsalakay sa opisina ng mga progresibong grupo

Sinabi ni Sinas, wala umanong katotohanan ang naturang ulat lalo’t hindi na konektado sa NCRPO si Alba at wala namang dahilan para puntahan at silipin ang nasabing tanggapan

Sa huli, nanindigan si Sinas na ang kanilang mga operasyon ay nakasalig sa mga hawak nilang impormasyon at dokumento gayundin ay naayon sa mga umiiral na batas.

Please follow and like us:
Read More

SERYE NG PAGPAPASABOG SA BASILAN NAPIGILAN

(NI AMIHAN SABILLO)

NAPIGILAN ng militar ang planong pagpapasabog ng teroristang Abu Sayyaf sa lalawigan ng Basillan.

Ito ay makaraang matunton ng AFP ang pinagkukutaan ng teroristang grupo sa Barangay Calang Canas, Maluso, na naging resulta sa ilang oras na labanan.

Ayon kay Wesmincom Commander Lt.Gen. Cirilito Sobejana, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pagtipun-tipon ng mga bandidong Abu Sayyaf kaya agad naglunsad ng opensiba ang operating units ng 68th Infantry Battalion.

Ang pagtipun-tipon umano ng mga teroristang grupo ay para planuhin ang pagpapasabog sa probinsiya.

Aminado ang heneral na nais na naman magpapansin ng teroristang Abu Sayyaf sa Basilan.

Tiniyak ng heneral na hindi magtatagumpay ang bandidong grupo.
Martes ng madaling araw nang magkasagupa ang militar at nasa 15 armadong ASG members sa Maluso,Basilan.

Sa ngayon hinihintay pa ni Sobejana ang ulat sa Basilan hinggil sa casualties.

 

Please follow and like us:
Read More

9 TERORISTA PATAY SA MAGUINDANAO

maguindanao map12

(NI JESSE KABEL)

SIYAM na terorista ang napaslang ng Philippine Army-at AFP Task Force Central bukod sa tatlong sugatan sa inilunsad na opensiba laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at Abu Torayfie terror group sa Maguindanao.

Sa ulat na ibinahagi ni Army Maj Alvin Encinas, tagapagsalita ng AFP 6th Indantry Division, kabilang sa mga napaslang ng militar sina Abdul Mosaiden, Mohammad Satar, Hamid Ekal, Maula Samad, Esmail Kagui Malang, Muner Akbal, Musanep Kabelan at isang alyas Alimudin.

Ayon kay Encinas, inaalam pa nila nang husto ang mga nakakalap na ulat hinghil sa mga sinasabing casualty at naneyutralisa sa serye ng air at ground assault nitong mga nakalipas na araw.

Base sa intell report ng JTF Central , kabilang sa mga sugatan sina Abdul Mama, Pagayao Sulaiman, at Omar Malayog.

Sa pinakahuling sagupaan sa Barangay Dasawao, Shariff Saydona Mustapha at may isang sundalo ang nasugatan at kinailangan itakbo sa Camp Siongco Station Hospital.

Magugunitang noong nakalipas na linggo ay nasawata ng JTF Central ang planong paglulunsad ng terorismo ng BIFF at Abu Toraypie groups naglunsad ng tactical operation ang AFP sa Barangay Dasawao, na ikinamatay nu Army Sergeant Ahmad Mahmood.

Ayon kay Western Mindanao Command, chuef Lt. Gen. Cirilito Sobejana,

“Deliberate offensives against terrorists continue, inflicting more casualties and impeding any hostile plans of terrorists as military troops attempt to penetrate enemy strongholds in Maguindanao.”

 

Please follow and like us:
Read More

MISIS PATAY, MISTER, APO SUGATAN SA AIR STRIKE

maguindanao map12

(NI ANNIE PINEDA)

PATAY ang isang misis habang sugatan ang kanyang asawa at kanilang apo makaraan bumagsak sa kanilang bahay ang airstrike ng militar laban sa teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao at Cotabato.

Kinilala ang namatay na si Misbah Masla, habang sugatan ang mister nitogn si Ali at kanilang apo na si Edwin Masla, 10-anyos , kapwa ng Sitio Butilen Barangay Kabasalan, Maguindanao.

Batay sa ulat ng 6th Infantry Division spokesperson, dakong alas 3:30 kaninang madaling araw (July 25), nagpakawala ang mga tauhan ng Philippine Air Force (PAF) ng airstrike, laban sa grupo ni Abu Toraife.

Subalit, bumagsak ito sa tahanan nina Masla, na agad ikinamatay ng misis habang dinala naman sa Cruzado Medical Clinic ang maglolo para lapatan ng lunas.

Ayon sa pag-imbestiga ng 602nd Army Brigade na naka-base sa Cotabato, ang tinamaang bahay nina Masla ay bahay umano ng miyembro ng BIFF.

Isinagawa ang airstrikes at ground assaults pagkatapos ang berepikasyon ng intelligence information na si Commander Abu Toraife at Salahuddin Hassan, kasama ang ilang dayuhang terorista, ay namataan sa naturang barangay.

Ang pag-atake ng militar sa barangay ay upang sirain ang pagawaan ng bomba ng BIFF.

Nagpapatuloy naman ang operasyon ng militar sa lugar.

 

Please follow and like us:
Read More

MILITAR ALERTO VS INDON, SINGAPOREAN TERRORISTS

marines

MATAPOS ang bakbakan sa pagitan ng military at bandidong Abu Sayyaf, sinabi ni 33rd Infantry Battalion commander Lt. Col. Harold Cabunoc na marami pang banyagang terorista ang nakapasok na sa Mindanao, partikular sa Maguindanao.

Ito ay matapos ilabas ang report na posibleng Indonesian suicide bombers ang nasa likod ng pagsabog sa isang simbahan sa Jolo noong Linggo ng umaga.

Sinabi sa lalawigan na tinututukan din nila ang pagtugis sa Indonesian terror group na Indong-Indong.

Napag-alaman na layunin ng nasabing grupo na nag-o-operate sa General Salipada K Pendatun at Liguasan Marsh na maghasik ng kaguluhan at mas painitin ang away pamilya o rido ng mga armadong grupo upang magpatayan ang mga ito.

Dagdag pa nya, sinasanay rin nila sa paggawa ng bomba ang kanilang mga nire-recruit na mga kabataan o indibidwal.

Maliban sa mga teroristang Indonesians na nakapasok sa Maguindanao, binabantayan din nila ang isa pang Singaporean terrorist na si Jaoia na pinaniniwalaang may alyansa sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

Please follow and like us:
Read More

BAKBAKANG MILITAR VS MAUTE NAGPAPATULOY

lanao

(NI JESSE KABEL)

TATLONG sundalo na ang nasusugatan sa nagpapatuloy na bakbakan nang salakayin ng Philippine Army ang kuta ng nalalabing Maute-ISIS terror group sa pangunguna ni Abu Dar  isang  most wanted terrorist leader  Huwebes ng umaga na ikinasawi rin ng ilang terorista  sa Sultan Dumalondong, Lanao Del Sur.

Sa initial na impormasyong ibinahagi ni  Army Col Romeo “Omet” Brawner, pinuno ng 103rd Infantry Brigade,  bandang alas 6:00 Miyerkoles ng  hapon ay sinimulan na nilang gapangin ang pinagkukutaan ni Abu Dar sa Brgy Sumalindao bayan ng Sultan Dumalondong.

Bandang alas 8:10 Huwebes ng umaga ay nagsimula na ang bakbakan nang pasukin  ng mga sundalo ang kanilang target na binubuo ng may 30 miyembro ng  Maute-ISIS.

May tatlong sundalo na ang inulat na nasugatan habang nagpapatuloy ang pagtugis ng militar .

Ayon kay Col Gerry Besana Western Mindnao Command spokesman hangang kahapon ay nagpapatuloy pa ang bakbakan at pinaniniwalaang marami na rin ang nalagas at sugatan sa hanay ng mga terorista.

Please follow and like us:
Read More

HINDI BARIL ANG POKUS NG AFP VS CPP-NPA – MADRIGAL

Lt Gen Benjamin Madrigal

KAILANGAN palakasin ang kakayahan ng administrasyon Duterte sa pagsusulong at pagpapairal ng kapayapaan at kaunlaran upang tuluyang matalo ang Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA).

Ito ang idiniin ni Lt. Gen. Benjamin Madrigal sa kanyang talumpati matapos manumpa bilang bagong Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff.

Ayon kay Madrigal, hindi pakikipagbarilan sa CPP-NPA ang pokus ng laban ng pamahalaan sa komunistang rebelde bihasa na ang mga sundalo sa larangang iyan, kundi sa pagsusulong at pagtitiyak ng kapayapaan at kaunlaran ng mga lalawigang pinamumugaran ng mga komunista.

Ngunit, idiniin niya na “kailangan pang palakasin ang kakayahan ng pamahalaan” sa larangan ng pagsusulong at pagtitiyak ng kapayapaan at pagpapaunlad sa mga lalawigan upang tuluyang magwagi ang pamahalaan sa CPP-NPA.

Pumalit si Madrigal kay General Carlito Galvez sa puwesto na nagretiro na sae dad na 56.

Sina Madrigal at Galvez ay sabay na nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) noong 1985.

Please follow and like us:
Read More

AFP NATAKASAN NG NPA

AFP LOGO

WALANG nahuli kahit isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nang salakayin nito ang kampo ng mga rebelde sa Nueva Ecija kamakalawa.

Pero, nasamsam ng pangkat ng AFP ang sari-saring klaseng armas ng NPA sa bundok ng Caraballo sa bayan ng Carrangalan, ayon sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.

Ang mga nasamsam ay maraming M-16 rifles, samu’t-saring magazine, mga improvised explosive device (IED), mga gamit sa paggawa ng IED at communication radio, banggit sa ulat. Nakalagay ang mga ito sa dalawang drum.

Nadiskubre umano ng tropa ng AFP ang nasabing kampo ng mga rebelde matapos magka-engkwentro sa nasabing bayan ang dalawang pangkat kamakailan, sabi sa ulat.

Natunton umano ang kuta ng NPA batay sa impormasyong ibinigay ng isang residente sa Carrangalan, patuloy ng ulat.

Please follow and like us:
Read More