ADIK NA BASURERO GINUTOM ANG SANGGOL NA ANAK, IPINAKULONG NG KA-LIVE-IN

KALABOSO ang isang kolektor ng basura matapos ireklamo ng kanyang live-in partner na kanyang binantaan na papatayin habang kinukuha ang kanilang anak na ginutom ng una sa loob ng limang oras kaya nagpapalahaw ng iyak sa Pasig City. Mas nabaon sa kaso ang suspek na si Joseph Baradia, 38, ng Camachile St., Barangay Pinagbuhatan, nang maaktuhan siyang sumisinghot ng shabu ng pulis  mula sa Police Community Precinct (PCP) 8 ng Pasig City Police Station na hiningian ng tulong ng kanyang ka-live-in. Ayon sa babae, ayaw umanong ibigay ni Baradia  sa…

Read More

ADIK NA ANAK NA NAGBANTANG PAPATAYIN ANG INA, IPINAKULONG

KULONG-2

CAVITE – WALANG bakas ng pagsisisi sa mukha ng isang ginang nang makitang nasa likod ng rehas na bakal ang kanyang sariling anak na kanyang ipinaaresto matapos siyang pagbataang papatayin matapos sirain ang kanilang mga gamit sa bahay sa Bacoor City. Nakapiit sa Bacoor Custodial Center ang suspek na si Robinson Digno, 37, binata, walang trabaho, matapos sampahan ng reklamo ng kanyang inang si Helen Digno, 62, isang balo, ng Castillo St, Sitio Malipay, Brgy Molino 4, Bacoor City. Sinabi ni Police Staff Sergeant Mark Francis Cortez, ng Bacoor City…

Read More

25 TULAK, ADIK TIKLO SA QC

QCPD ARRESTED-1.jpg

UMABOT sa 25 katao na pinaniniwalaang mga drug pusher at adik ang nasakote ng iba’t ibang istasyon ng Quezon City Police District (QCPD) sa loob ng dalawang araw. Ayon sa QCPD, ang bagong bilang ng kanilang huli ay bahagi ng tuluy-tuloy na operasyon laban sa iligal na droga sa Quezon City. Ito ay pagtalima ng QCPD sa direktiba ni Director Guillermo Lorenzo Eleazar, hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Tiniyak ng pamunuan ng QCPD na patuloy nitong ikakasa ang operasyon laban sa droga.

Read More

‘ADIK’ TIKLO HABANG UMIIHI

PEDICAB DRIVER-3

NAHULI ang isang beteranong pedicab driver habang siya ay umiihi sa Pasay City nitong Lunes ng madaling araw. Ayon sa pulisya, si Bryan Almadon (38) na residente ng Bakwan, Sto. Niño ay nadakip habang umiihi sa isang gilid sa Primero de Mayo Street, Brgy. 91 nitong 4:30 a.m. ng Nobyembre 27. Nilabag ni Almadon and City Ordinance 1572 o pag-ihi sa pampublikong lugar. Ngunit, nang kapaan ng mga pulis si Almadon ay nakuhaan siya ng isang maliit na selyadong sachet na naglalaman umano ng shabu, ayon sa ulat ng Libertad…

Read More