15 SUGATAN SA SALPUKAN NG TRUCK, JEEP

(TEKSTO/PHOTO BY JUN V. TRINIDAD)

QUEZON – LABING-LIMA ang sugatan sa aksidenteng banggaan ng cargo truck at pampasaherong jeep sa Maharlika Highway sa bayan ng Pagbilao, noong Sabado.

Batay sa ulat ng pulisya, nag-overtake sa unahang sasakyan ang cargo truck na minamaneho ni Edward Garay sa isang bahagi ng Maharlika Highway sakop ng Barangay Silangang Malicboy, bandang alas-2:00 ng hapon.

Dahil pumasok sa kabilang linya, huli na nang makita ni Garay ang kasalubong na pampasaherong jeep na minamaneho naman ni Fernando Arevalo na nagresulta sa direktang salpukan ng dalawang sasakyan.

Nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawang tsuper at 13 pasahero ng jeep.

Dinala ang mga biktima sa MMG Hospital, Saint Anne Hospital at Quezon Medical Center sa Lucena City.

Please follow and like us:
Read More

LALAKI NASABUGAN NG IMPROVISED WATER TANK

(NI JULIE DUIGAN)

INOOBSERBAHAN sa Manila Doctors Hospital ang isang lalaki nang sumabog ang ginagawa nitong  improvised water tank sa Ermita, Manila, Biyernes ng gabi.

Nakilala ang biktimang si Ricky Gallego, na nagtamo ng mga sugat sa katawan dulot ng pagsabog.

Base sa  ulat na nakarating kay P/Lt.Col. Igmedio Bernaldez ,Station Commander ng Ermita Police Station (PS5) ng Manila Police District (MPD), bandang  alas-6:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa 2nd floor ng  fire exit, ng Gedesco Building,  sa 1564 A. Mabini St.,sa panulukan  ng Pedro Gil St. sa Ermita.

Nabatid sa pulisya, bago ang pagsabog ay gumagawa ang biktima ng improvised water tank sa gusali.

Lingid sa kaalaman ng biktima, may residue at fumes pa pala ng fruit extract distillate ang drum, kaya’t habang ipinapasok niya ang isang sinunog na PVC  pipe sa container, ay bigla na lang itong sumabog.

Minalas namang tamaan ang biktima na nagresulta sa pagkasugat nito.

Dahil dito agad rumesponde ang mga awtoridad sa lugar at isinugod sa pagamutan ang biktima.

Please follow and like us:
Read More

RIDER PATAY, SAKAY SUGATAN SA SINALPOK NA VAN

motoraccident12

(NI KOI HIPOLITO)

NAMATAY habang nilalapatan ng lunas sa San Juan De Dios Hospital ang isang motorcycle rider at patuloy naman ginagamot ang pasahero nito matapos na makasalpukan ng isang closed van, Huwebes ng madaling araw, sa NAIA Road, Pasay City.

Nakilala ang mga biktima na sina Alquin Alcantara, 37, at Jay Fontiliar, 24, parehong nagtatrabahao bilang mga cargo handler at residente ng Fenencia Homes, San Antonio Valley 1 ng Paranaque City, habang kinilala naman ang suspek na si Gerald Repuya, 20, residente ng Purok 3, Talisay, Oas, Albay.

Ayon sa report na ipinadala sa opisina ni Pasay City acting chief of police P/Col. Bernard Yang,  lulan umano ng  Suzuki motorcycle (2180-NH) ang dalawang biktima na minamaneho ng rider na si Alcantara galing ng South bound direction nang mag-overtake umano ito sa sinusundan na mga sasakyan subalit hindi nito napansin ang nakasalubong na closed van (CAK-3344) na minamaneho naman ni Repuya at nahagip ang kaliwang bahagi ng motorsiklo.

Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon at bumagsak ang mga sakay nito.

Sinubukan pang iligtas si Alcantara sa nasabing ospital subalit namatay din bandang alas-7:54 ng umaga.Patuloy na inooserbahan si Fontiliar dahil sa mga tinamong sugat sa iba’t ibang parte ng katawan.

 

Please follow and like us:
Read More

2 PATAY, 11 SUGATAN SA NAHULOG NA TRAK SA BANGIN

accidentsign1

(NI JESSE KABEL)

PATAY ang dalawa katao habang 11 iba pa ang malubhang nasugatan nang mahulog ang isang dump truck sa bangin sa Paracelis, Mt. Province, Miyerkoles ng gabi.

Ayon kay Police Staff Sgt. Glen Edchamag  Paracelis Municipal Police Station , may hawak ng kaso, kabilang sa nasawi ang pitong taong gulang  na si Lorea Balkanao at Lolita Bakilan.

Kasalukuyang nilalapatan pa ng lunas ang 11 iba pa na napag alamang pawang nakisakay lamang sa cargo truck.

Sinasabing nawalan ng kontrol ang  driver sa minamanehong truck hanggang sa umatras ito at nagtuluy-tuloy na bumulusok sa may 30 metrong lalim na bangin.

Nabatid na mula sa Tabuk City, Kalinga, ang truck na kumuha ng mga semento at buhangin ay papunta sa Barangay Bunot , Paracelis.

Napag-alamang nakisakay lamang ang mga biktima na nagkataong papunta rin sa Paracelis.

Lumitaw sa pagsisiyasat sa driver ng dump truck na bago pa siya bumiyahe ay naramdaman na niyang parang may problema ang kanyang truck subalit itinuloy pa rin niya ang biyahe hanggang sa bigla itong nawalan ng kontrol sa manibela.

 

Please follow and like us:
Read More

4-ANYOS PATAY SA POLICE CAR

accident12

(NI KOI HIPOLITO)

NAMATAY habang nilalapatan ng lunas ang isang batang lalaki sa Pasay City General Hospital (PCGH) matapos aksidenteng mahagip ng isang mobile patrol car bandang alas-4:20 ng hapon nitong Miyerkules sa Kapitan Ambo St., Barangay 78 Zone 10 ng Pasay City.

Nakilala ang biktima na si Camilo Asis, anak ni Anabel Cagoco, 43, mga residente sa nabanggit na lugar.

Nakilala ang pulis na nagmamaneho ng mobile patrol car na si P/Cpl. Ramil Avecilla II, na nakadestino sa Baclaran Police Community Precint ng Pasay City Police Station.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, lulan ng Mitsubishi Montero J-18 patrol car ang suspek para magsagawa ng pagpapatrulya sa lugar subalit hindi umano nito napansin ang bata na bigla na lamang umanong tumawid sa kalsada kaya’t nahagip ng sasakyan na minamaneho ng suspek.

Naisugod pa ang biktima sa pagamutan subalit binawian din ng buhay sanhi ng mga tinamong sugat sa katawan, ayon kay Dr. Enrico Castibolo, dakong 5:23 ng hapon ng parehong araw.

Mahaharap naman ngayon sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homecide sa Station Traffic Enforcement Unit (STEU) ang pulis.

 

Please follow and like us:
Read More

GINANG PUPUNTANG DOKTOR NABUNDOL, PATAY

accident12

(NI SIGFRED ADSUARA)

NASAWI ang isang 66-anyos na ginang na  magpapa-check up lang sana sa doktor  nang mabundol habang tumatawid sa tapat ng ospital sa  Bacoor City, Cavite.

Namatay habang ginagamot sa Metro South Medical Center ang biktimang si Amelia Reyes, isang balo at  negosyante ng Blk 10 Lot 7 George town Heights Brgy. Molino IV, Bacoor City, Cavite

Kasong reckless imprudence resulting in homicide ang isinampang kaso laban sa driver ng isang kulay blue na closed van  Isuzu Elf na may plakang RNN 699 na si  Elmer Ginete, 45,  ng 141 Brgy. III Tanza, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt Edison Fetalculin ng Bacoor City Police Station, dakong alas-6:25 Martes ng umaga nang maganap ang insidente kung saan tumatawid ang biktima sa tapat ng Metro South Medical Center sa Molino-Paliparan Road sa  Brgy Molino 4 , Bacoor City, Cavite.

 

Please follow and like us:
Read More

3-ANYOS NA NENE PATAY SA UV EXPRESS

accident12

(NI CHERK BALAGTAS)

ISANG tatlong taong gulang na batang babae ang namatay matapos bundulin ng isang UV Express habang naglalaro sa kalsada sa Lungsod ng Caloocan, Miyerkoles  ng hapon.

Naisugod pa sa Nodado Hospital ngunit hindi na rin umabot nang buhay si Michelle Nogalisa, ng Franville II Subdivision, Barangay 175, Camarin.

Nasa kustodiya na rin ng pulisya ang driver ng UV Express na isang Toyota Hi- Ace van na si Jorge Tacuge, 31, may asawa at residente ng Laforteza Subdivision ng nasabi ring lugar.

Sa ulat ng Caloocan City Police, ganap umanong alas-3:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa Franville Road sa loob ng Franville 2 Subdivision, kasalukuyan umanong binabagtas ni Tacuge ang nasabing kalsada mula sa Camarin Road nang hindi niya mapansin ang biktima na nasa gitna pala ng kalsada at naglalarong mag-isa.

Malalalang pinsala sa kanyang ulo at katawan tinamo ng bata na agad namang isinugod ng kanyang mga kaanak sa ospital.

Nahaharap naman ngayon sa kasong homicide through reckless imprudence ang driver ng nakadisgrasyang sasakyan.

 

Please follow and like us:
Read More

BABAE NAHATI ANG KATAWAN, RIDER SUGATAN SA TRAK

quiapo12

(NI HARVEY PEREZ)

KALUNUS-LUNOS ang sinapit ng isang babaeng backrider matapos mahati sa gitna ang katawan nito, habang sugatan naman ang kasama niyang rider matapos masagi ng isang kotse at sumemplang ang motorsiklo at masagasaan pa ng parating na truck, Miyerkoles ng umaga sa boundary ng Quiapo at Sta.Cruz sa Maynila.

Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang  si Ederlyn Buclares, habang sugatan naman ang rider na si Julius Tevar, at  residente ng 2000 A Katamanan Street, Tondo, Maynila. Isinugod ng sumaklolong Binondo Rescue team sa pagamutan ang rider.

Habang naaresto naman at nasa kustodiya  ng Manila District Traffic Enforcement Unit(MDTEU), ang  suspek na si Reynan Fajardo, truck driver at residente ng Nueva Ecija.

Nabatid sa ulat ng  Manila Police District-Police Station 3, Sta. Cruz Police Station (PS-3) , naganap ang insidente  dakong alas- 5:41 ng umaga nang maganap ang aksidente sa Quezon Boulevard, sa Quiapo.

Binabagtas umano ng mga biktima ang Quezon Boulevard sakay ng isang kulay orange na Honda Click 125 motorcycle,  nang masagi ng isang kotse dahilan para sumemplang ang dalawa.

Nagkataon na bumagsak ang dalawa  sa direksiyong daraanan ng 14 -wheeler truck, na may plate number na WLQ 197, at minamaneho ni Fajardo, dahilan upang masagasaan ang mga biktima.

Patuloy naman inaalam ng pulisya ang  pagkakilanlan ng tumakas na driver.

Please follow and like us:
Read More

MAG-ASAWANG TANDEM SINALPOK NG MULTICAB; MISTER PATAY

accident12

(NI JESSE KABEL)

PATAY ang isang rider habang sugatan naman ang kanyang misis na naka-backride nang salpukin sila ng kasalubong na multicab sa Sitio Nasipit, Barangay Talamban, Cebu City, ayon sa pulisya nitong Martes.

Habang sugatan din ang driver ng nakasalpukang multicab at arestado ng mga tauhan ng Cebu City Police Station kasunod ng insidente.

Ayon kay Police Major Joven Taneo, Talamban Police Station chief, hindi na umabot nang buhay sa ospital ang driver ng motorsiklo na si Ronald Heyrana, 49, habang ang misis nito ay naka-confine dahil sa tinamong mga sugat.

Inilagay naman sa hospital arrest ang 35-anyos na si Alex Alegabres ang  driver ng multicab pickup.

Sa pagsisiyasat tinatahak ng  motorsiklo ang direksyon papuntang Barangay Talamban habang si Alegabres ay nasa kabilang direksyon.

Lumilitaw na nawalan ng kontrol ang suspek at ang nagmamaneho ng motorsiklo sa kani-kanilang mga sasakyan  sa kurbadong bahagi ng kalsada kaya nagkabanggaan ang dalawang sasakyan.

Mahaharap si Alegabres sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and physical injury at damage to property.

 

Please follow and like us:
Read More

MAGSASAKANG BABAE DEDBOL SA HUMAHARUROT NA VAN

accidentsign1

(NI JUN V. TRINIDAD)

ATIMONAN, Quezon – Isang babaeng magsasaka ang namatay matapos siyang aksidenteng masagasaan ng isang humaharurot na sasakyan sa isang bahagi ng Maharlika Highway sa bayang ito noong Lunes.

Hindi na umabot nang buhay sa Doña Martha District Hospital sa kabayanan ang biktimang si Marlyn Montifalcon, 49, pagkatapos siyang salpukin ng isang humahagibis na Nissan Urvan na minamaneho ni Renato Valdez.

Naganap ang aksidente sa Barangay San Isidro bandang alas-2:30 ng madaling araw.

Sa report ng pulisya, tumatawid ang biktima kasama ang kanyang asawa nang mabangga ito ng sasakyan ni Valdez.

Mabilis na dinala ng tsuper ang kanyang nabundol sa ospital pero dead on arrival ang biktima sanhi ng mga grabeng sugat sa ulo at katawan.

Hindi naman nahagip ng sasakyan ang asawang lalaki ayon sa report.

 

Please follow and like us:
Read More

TINEDYER NA NAKAMOTOR, NATUMBA, TODAS SA TRUCK

accident12

(NI NILOU DEL CARMEN)

KAMATAYAN pa rin ang sinapit ng isang tinedyer  na sa pag-iingat sa pagmomotorsiklo ay sa shoulder na ng highway dumaan subalit aksidente pa rin ang kinasapitan sa Batangas City, Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Aldrin Morante, residente ng nasabing lungsod.

Ayon sa Batangas City police, ang biktima ay nagulungan sa katawan ng isang hindi naplakahan at tumakas na  truck habang nagmomotorsiklo sa national highway, Barangay Sta. Rita Karsada, alas 9:30  ng gabi.

Batay sa report, natumba ang motorsiklo ng biktima habang ito ay tumatakbo sa shoulder ng highway matapos na mawalan ng kontrol dahil sa lubak-lubak at hindi pantay na pagkakasemento.

Sa kasamaang palad, sa gitna ito ng highway bumagsak  kaya nasagasaan ng kasunod na truck.

Nasawi ang biktima habang isinusugod sa St. Pascual De Baylon hospital samantalang pinaghahanap ng mga pulis kung alin ang nakasagasang truck.

 

Please follow and like us:
Read More

3 SAKAY NG MOTORSIKLO PATAY SA BUS

accident121

TOBOSO, Negros Occidental—Patay lahat ang tatlo kataong sakay ng motorsiklo matapos sumalpok sa kasalubong na bus sa Barangay Tabu-ac sa bayang ito, Huwebes ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Junrey Bawaan, Arnel Selma, at isang 15-anyos na lalaki.

Magkakaangkas umano ang tatlong nakamotorsiklo at mabilis ang takbo dahil may hinahabol umanong isang pang motorsiklo.

Nabangga sila ng kasalubong na bus nang makarating sa pakurbadang daan sa naturang barangay.

Dead on the spot si Bawaan, habang sa ospital na binawian ng buhay ang dalawa niyang kasama.

Nakakulong na ngayon sa istasyon ng pulisya ang driver ng bus.

 

Please follow and like us:
Read More

TSUPER NG JEEP PATAY SA AKSIDENTE

accident12

(NI JUN V. TRINIDAD)

SARIAYA, Quezon – Todas ang isang tsuper ng pribadong jeep matapos sumalpok ang kanyang sasakyan sa isang trak sa bayang ito araw ng Huwebes.

Sa spot report ng Sariaya police station, minamaneho ni Leondrino Calizo, 61, ang isang Mitsubishi Fuso Wrangler nang aksidente niyang mabangga ang kasalubong na Isuzu truck wing van sa isang bahagi ng Maharlika Highway sakop ng Barangay Poblacion 1, dakong alas-12:15 ng hatinggabi ng Huwebes.

Agad dumalo ang mga rescuers mula sa lokal na pamahalaan at isinugod si Calizo sa Greg Hospital sa kabayanan subalit hindi na ito umabot nang buhay sa nasabing pagamutan sanhi ng grabeng pinsala sa kanyang katawan.

Halos hindi naman nasaktan ang tsuper ng trak na si Jayson Zamora.

Inaalam pa ng pulisya ang tunay na dahilan kung bakit sumalpok ang jeep sa kasalubong na trak.

 

Please follow and like us:
Read More

PICK-UP SUMALPOK SA TRIKE; DRIVER PATAY, 6 SUGATAN

kidapawan12

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Patay on the spot ang drayber ng pampasaherong tricycle habang anim naman ang sugatan matapos  banggain ng isang pick-up truck sa Barangay Paco KM 114, Kidapawan City, Lunes ng tanghali.

Nakilala ang nasawi na si Bejie Acquisa, 35, may asawa at ng Barangay Del Carmen, President Roxas.

Habang sugatan naman ang mga sakay nito na sina Lenie Bendon Magbanua, 57, Roselyn Acquisa, 33, negosyante at dalawang mga menor de edad na sina Magbanua Acquisa, 5; Brialle Magbanua Acquisa, 3, ng Brgy. Del Carmen, Pres. Roxas, Cotabato; at sina Rodolfo Magbanua, 57, at Ai-Ai Talium, 13, kapwa residente Brgy. Del Carmen, Pres Roxas, Cotabato.

Ang drayber naman ng pick-up truck na kinilalang si Eugene Eugenio Niedo, 47, isang OFW at residente ng Barangay Patindeguen, Midsayap ay hindi naman nasaktan.

Ayon sa ulat ng PNP,alas-12:00 ng tanghali nitong Lunes, tinatahak ng dalawang mga sasakyan ang national highway na nasa magkasalungat na daan at pagsapit nito sa barangay Paco sa harap ng isang simbahan ay nag-overtake ang forward truck sa isa pang sasakyan dahilan para bumangga sa kasalubong na tricycle.

Dahil sa impact, natapon ang dalawa sa malalim na parte ng daan at nasagi pa ng pick-up ang poste ng kuryente.

Agad namang dinala ang mga nasugatan sa pinakamalapit na ospital sa Kidapawan City.

Nasa kostudya na ng City PNP si Niedo habang patuloy ang imbestigayson sa insidente.

 

Please follow and like us:
Read More

TRUCK NG SAN FERNANDO GOV’T TUMAOB; 8 PATAY!

CAMSUR12

(NI JG TUMBADO)

WALO ang patay habang nasa 35 ang nasugatan na pawang sakay sa naaksidenteng utility truck na pag-aari ng lokal na pamahalaan ng San Fernando sa Camarines Sur.

Ayon kay Police Colonel Roderico Roy Junior, director ng Camarines Sur Provincial Police Office, dakong alas-5:20 ng hapon ng Sabado nang madisgrasya ang trak sa bahagi ng Barangay Tagpocol ng nabanggit na bayan.

Lumabas sa paunang imbestigasyon na binabagtas ng trak ang pababang bahagi ng mabundok na daan sa nasabing barangay nang mawalan umano ng preno.

Lima sa mga biktima ang agad na namatay sa aksidente habang sa ospital na pumanaw ang iba pa.

Natukoy ang pagkakakilanlan ng mga kumpirmadong nasawi na sina Ailene Pelaez – Mirasol, 45; Ramona Pelaez – Mirasol, 53; Pedro Pelaez; Victoria Delos Reyes; Shierwin Mendoza, 18; Marvin Chavez; Erwin Mendoza at isang nagngangalang Walastik.

Naisugod na sa ospital ang mga sugatang biktima habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Please follow and like us:
Read More

4 SASAKYAN, BAHAY, INARARO NG LASING NA DRIVER 

accident12

(NI SIGFRED ADSUARA)

PATUNG-PATONG  na kaso ang kinakaharap ngayon ng isang lasing na jeepney driver  nang araruhin nito ang  apat na sasakyan at gate ng isang bahay na nagresulta sa pagkakasugat ng tatlo katao , kabilang ang mag-asawa  sa Bacoor City, Cavite.

Kasong Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property and Physical Injuries, Abandonment of one’s victim and Violation of RA 10586, ang kinakaharap na kaso ng driver ng jeepney na  may plakang DWE 732 na minamaneho ni Michael Camelon, 43, ng Summerpoint Subdivision Brgy. Pasong Buaya 2, Imus City, Cavite.

Isinugod sa Orthopedic Medical Center ang mag-asawang Marvin Palermo, 36, at asawa nitong si Joan, kapwa residente ng Brgy Molino 1, Bacoor City, Cavite dahil sa tinamong bali sa katawan  habang sa South East Medical Center naman ginagamot si Jhonvic Cabocha, 21, ng Brgy. San Nicolas 3, Bacoor City, Cavite.

Nasira naman ang gate ng bahay ni Adora Taguinod, 50, ng 180 Brgy. Molino II, Bacoor City, Cavite,  habang sira rin ang ilang bahagi ng  Euro Motor Rapido na motorsiklo ni King Apolinario Baccol, 24, ng Manggahan, Brgy Molino 2 Bacoor City, Cavite; isang Isuzu Sports Vehicle (DAL 1727) na minamaneho ni Aldrin Gavasan  ng Brgy San Nicolas 3, Bacoor City Cavite at Toyota Vios (AIA 5207) na minamaneho ni Edlaine Jane Quiday, 32 ng Las  Pinas City.

Naaresto at kasalukuyang nakakulong ngayon sa Bacooor City Custodial Center ang driver ng isang jeepney na may plakang DWE 732 na minamaneho ni Michael Camelon, 43 ng Summerpoint Subdivision Brgy. Pasong Buaya 2, Imus City, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt Roy Vincent Reyes ng Bacoor City Police Station, dakong alas- 9:00 Martes ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Molino Road, kung saan sinakop ang Brgy Molino 1 hanggang Molino 2, Bacoor City, Cavite.

Binabagtas ng lahat ng sasakyan ang nasabing lugar nang araruhin ng minamanehong jitney ni Camelon kung saan una nitong natumbok ang Honda Beat na motorsiklong sinasakyan ng mag-asawang Palermo kasunod ang dalawang sasakyan at ang isa pang motor.

Dahil sa aksidente, nasagi rin nito ang tumatawid na si Cobacha at natumbok din nito ang gate ng bahay ni Taguinod.

Lumalabas na lasing ang driver ng jitney matapos na nagpositibo ito nang dalhin sa St. Dominic Hospital para sa alcohol breath test.

Ang driver ay kasalukuyang nakakulong sa Bacoor City Custodial Center.

 

Please follow and like us:
Read More

MINI BUS NANUWAG NG POLICE ASSISTANCE DESK; 2 PULIS SUGATAN

accident121

(NI JG TUMBADO)

DALAWANG bagitong pulis ang sugatan makaraang araruhin ng isang pampasaherong mini bus ang kanilang police assistance desk sa bayan ng Rosales, Pangasinan araw ng Martes.

Nagtamo ng mga galos at sugat sa iba’t ibang bahagi ng  katawan bunga ng aksidente sina Patrolman Vangeline Sacia at Patrolman Allen Sapitula, na naisugod sa ospital.

Bukod sa nabanggit na mesa ay nadamay din sa pagbangga ng mini bus ang nasirang police mobile patrol habang ito ay nakaparada malapit sa kinalulugaran ng dalawang pulis.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Rosales police, nagbabantay sina Sacia at Sapitula sa kahabaan ng national highway dakong alas 2:50 ng hapon nang makita ng mga ito ang paparating na mini bus na gumegewang-gewang sa bahagi ng Don Teofilo Sison Bridge sa Barangay Carmen West hanggang tumbukin na ang kanilang istasyon at mahagip ang mga ito.

Ayon sa 48-anyos na driver ng mini bus na si Jonathan Cacal, nagkaroon ng problema sa preno at manibela na dahilan ng aksidente.

Nangako naman si Cacal na magbibigay tulong pinansyal sa pagpapagamot ng dalawang pulis at maging sa nasirang police car.

 

Please follow and like us:
Read More

GALING SA FAMILY REUNION; LOLO PATAY SA DUMP TRUCK

accidentsign1

(NI BONG PAULO)

PATAY ang isang 78-anyos na lolo makaraang masagasaan ng dump truck matapos dumalo sa kanilang reunion at masangkot sa aksidente sa pathway ng Sitio Traankini, barangay Lamlahak, Lake Sebu, South Cotabato, iniulat nitong Martes.

Kinilala ni Lake Sebu PNP OIC Police Major Nathaniel Panaguiton, ang nasawing biktima na si Teopisto Langub, 78, magsasaka at ng Trento, Agusan Del Sur.

Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na ang biktimang si Langub na dumalo lamang sa family reunion ay nasagasaan ng dump truck, pasado alas-4:00 ng hapon.

Nabatid na ang dump truck na nakasagasa sa biktima ay maghahatid sana ng buhangin para sa gagawing pathway papunta sa Traankini Cold Spring.

Ang biktima ay agad na binawian ng buhay sanhi ng matinding mga sugat na natamo nito. Habang ang driver ng dump truck na nakasagasa na si Alibert Pangan ng Lamfugon, Lake Sebu ay tumakas at inabandona ang dump truck sa national highway barangay Bacdulong sa nasabing bayan.

Please follow and like us:
Read More

2 LOLA, 1 PA PATAY SA KILLER HIGHWAY  SA QUEZON

motoraccident12

(NI JUN V. TRINIDAD)

LUCENA CITY – Dalawa ang patay at isa ang sugatan sa dalawang magkahiwalay na aksidente sa Maharlika Highway sa bayan ng Lopez at Calauag sa lalawigan ng Quezon araw ng Sabado.

Magkasamang tumatawid ang dalawang matanda na sina Estilita de Luna, 70, at Nemia Vejerano, 73, nang bigla silang tumbukin ng rumaragasang motorsiklo na minamaneho ni Roy Afarin sa may bahagi ng Barangay Vinas sa Calauag bandang alas-9:00 ng gabi, ayon sa report ng pulisya.

Nagtamo ng grabeng pinsala sa katawan ang dalawang biktima.

Agad silang isinugod sa Magsaysay Memorial District Hospital sa karatig na bayan ng Lopez subalit hindi na umabot nang buhay si Vejerano sa nasabing pagamutan.

Hindi naman tumakas ang motorcycle rider at sa halip ay siya pa ang nagreport ng insidente sa istasyon ng pulisya.

Sa bayan ng Lopez ay todas din si Michael Bryan Tabuga, 24, habang tumatawid sa Maharlika Highway nang salpukin naman siya ng humaharurot na Mistsubishi L300 van na minamaneho ni Ruel Bismar patungong Bicol.

Agad din na dinala ang biktima sa Magsaysay Memorial District Hospital subalit hindi na rin ito umabot ng buhay sa nasabing ospital.

Nakakulong sa Lopez police jail ang tsuper ng van.

 

Please follow and like us:
Read More

MAG-INA INARARO NG TRUCK, NANAY, PATAY

accidentsign1

(NI JG TUMBADO)

HINDI nakaligtas sa kapahamakan ang mag-ina na kahit pa tumatawid sa tamang tawiran ay nabundol pa rin ng isang pick-up truck sa bayan ng Dumaguete, Negros Oriental.

Batay sa report, tanghali nitong Miyerkoles nang mangyari ang insidente habang magkahawak pa umano ng kamay ang hindi na pinangalanang mag-ina habang maingat na tumatawid sa pedestrian lane.

Subalit sa kalagitnaan ng kanilang paglalakad ay nasagasaan sila ng kulay pulang pick-up na mabilis na bumabagtas sa patawid na mga biktima.

Nabatid sa pulisya na nagulungan ng sasakyan ang mag-ina at namatay sa ospital ang ina at nasa malubha naman ang kalagayan ng bata.

Napag-alamang nagkaayos na ang pamilya ng mag-ina at ang driver ng sasakyan matapos na sagutin nito ang pagpapalibing at gastos sa bata.

 

Please follow and like us:
Read More

GULONG SUMABOG: 2 DEDO

blast12

(NI BONG PAULO)

PATAY ang dalawang drayber matapos pumutok sa mukha nila ang wini-welding na gulong ng truck sa Purok Manisi, Barangay Punong Grande sa bayan ng Banga sa South Cotabato, Martes ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Orly Cabilez Francisco, 42, driver at residente ng New Bunawan, Tulunan, North Cotabato at kasama nito na kinilala naman na si Ivon Niño Asaña Perez, 28, ng Purok Mahinangpanon, Barangay Punong Grande, Banga.

Ayon kay Police Investigator Police Msg. Roldan Apostol, kagagaling lamang sa vulcanizing shop ang nasabing truck nang napansin ni Francisco na may air leak sa tire na lumalabas sa rim dahilan upang  i-welding nito ang rim na tinulungan naman ni Perez.

Uminit ang gulong kaya sumabog ito sa mukha ng dalawang biktima. Kapwa nagtamo ng malalalang sugat sa katawan ang dalawa.

Dead on the spot si Francisco dahil sa head injury habang naisugod pa sa ospital si Perez ngunit hindi na rin umabot nang buhay.

 

Please follow and like us:
Read More

AKSIDENTE SA NLEX; 1 PATAY, 14 SUGATAN

accident12

(NI JG TUMBADO)

ISA ang nasawi habang nasa 14 ang sugatan sa aksidente sa north bound lane ng North Luzon Expressway (NLeX), bahagi ng Lawang Bato Exit, umaga ng Martes.

Wala pang pag kakakilanlan sa namatay habang isinugod naman sa Valenzuela Medical Center ang mga nasugatan.

Batay sa impormasyon, binangga ng H100 van ang metal barrier sa NLEX dahilan para tumilapon ito at bumaligtad.

Sakay sa nabanggit na sasakyan ang mga biktima.

Nawalan umano ng control sa sasakyan ang driver nang biglang sumabog ang isang gulong nito sa likurang bahagi.

Patungo ng Pampanga ang van at galing ng Balintawak nang mangyari ang aksidente.

Isang lane ang pansamantalang isinara para bigyang-daan ang mga rescuer habang bumagal naman ang daloy ng trapiko dahil sa aksidente.

Please follow and like us:
Read More

KOTSE SUMALPOK SA BAHAY; 4 MAG-ANAK SUGATAN

accident121

(NI NICK ECHEVARRIA)

APAT ang sugatan matapos araruhin ng minamanehong kotse ng isang lasing umano na binata ang bahay ng mga ito habang mahimbing na natutulog sa Zamboanga del Norte, Lunes ng madaling araw.

Naganap ang insidente sa Brgy. Banonong, Dapitan City ng nasabing lalawigan samantalang patuloy na inoobserbahan sa Jose Rizal Memorial Hospital ang mag asawang  biktima na   sina Janet Cadano, 30, at Rodel Cadano, 34, at dalawa nilang anak na isang 5 at 9 na taong gulang.

Nakakulong naman ang suspek na si Jules Adriatico Baes, 19, binata, residente ng Barangay Turno, Dipolog City at driver ng kulay itim na Honda Civic na sumagasa sa bahay ng pamilya Cadano.

Ayon kay P/Major Helen Galvez, spokesperson ng Police Regional Office (PRO) 9, nangyari ang insidente ganap na alas 2:15 ng madaling araw sa Road 17 Barangay Banonong ng nabatid na lungsod.

Binabaybay  umano ng nakainom na suspek ang kahabaan ng Sunset Blvd. patungo ng Dapitan City nang biglang mawalan ng kontrol ang  minamanehong sasakyan pagdating sa Lawaan-Banonong national highway at ragasain ang bahay ng mga biktima na nasa tabing kalsada.

 

Please follow and like us:
Read More

RIDER PISAK SA BUS

accident23

(NI JG TUMBADO)

TODAS ang isang motorcycle rider matapos masalpok at magulungan pa ng isang pampasaherong bus ang ulo nito sa E. Aguinaldo Highway, Brgy. Talaba VI, Bacoor, Cavite, araw ng Martes.

Dead on the spot ang biktima na si Jimson Salvador.

Sinabi ni Police Col. William Segun, hepe ng Cavite Police, alas 7:00 ng umaga habang binabagtas ni Salvador ang naturang highway nang may nakasabay itong bus at aksidenteng nasagi.

Dito nawalan ng balanse at tuluyang napatumba ang biktima sa kanyang minamanehong motorsiklo at nagulungan ang ulo nito habang umaandar pa ang bus.

Tinukoy naman ni Segun ang driver ng bus na may plakang DYB 733 na si Cresaldo Ranes na nasa kostudiya na ng pulisya.

Mahaharap ang suspek sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide.

Please follow and like us:
Read More