‘QUACK DOCTOR’ NG ABU SAYYAF, 1 PA HULI NG NBI

(NI HARVEY PEREZ/PHOTO BY MAYA FELIZA)

NADAKIP ng mga ahente ng National Bureau of Investigation(NBI) ang dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na may tig-P600, 000 patong sa ulo, kabilang ang isang ‘hilot’ o quack doctor ng kanilang grupo, sa magkahiwalay na pagkakataon sa Zamboanga City at sa Paranaque City .

Nasakote ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Counter Terrorism Division, ang mga suspek na sina Abdulla Addi Danial alyas ‘Tuma’ at Aluyudan Guru, alyas ‘Abu Tarik’ na kapwa dinakip sa bisa ng warrant of arrest sa kasong kidnapping at serious illegal detention na inisyu ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 266.

Ang dalawa ay ipinrisinta ni NBI Deputy Director Vicente De Guzman III, NBI spokeperson Ferdinand Lavin at CTD chief Raoul Manguerra sa ginanap na pulong balitaan.

Nabatid sa NBI na si Tuma ay nadakip noong Hulyo 31 habang papasok sa isang mall sa Zamboanga City, ng pinagsanib na pwersa ng NBI, Philippine Navy at Special Action Force.

Nalaman na si Tuma ay close associate umano nina ASG leaders Khadaffy Janjalani at Isnilon Japilon at nagsilbing manggamot ng ASG, sangkot sa pagdukot sa anim katao sa Patikul, Sulo noong Agosto 20, 2002 kung saan napugutan ng ulo ang dalawang lalaking hostage at ipinanghingi ng ransom ang apat na babaeng hostage, at positibong itinuro ng witness na perimeter guard. Siya ay nakasuhan, kasama ang namatay na si Galib Andang, alyas ‘Kumander Robot’.

Naging manggagamot gamit ang traditional medicine si Tuma nang mamatay ang dating nanggagamot na si ASG leader Gumbahali Abu Jumdail alyas ‘Dr. Abu’.

Si Tuma ay sangkot din sa kidnapping ng 21 katao na kinabibilangan ng 19 na banyaga at dalawang Pinoy sa Sipadan, Malaysia noong Abril 2000 at pagdukot sa tatlong Indonesian sailor na namatay habang hostage pa ng ASG.

Habang si Abu Tarik ay nadakip na nagtitinda ng medyas malapit sa Baclaran LRT station, sa Paranaque City nitong Agosto 15, sa isinagawang follow-up operations ng CTD, PN at SAF matapos makakuha ng impormasyon kaugnay sa pagkadakip kay Tuma.

Si Abu Tarik ay kinilala ng mga biktima na nagsilbing perimeter guard sa mga hostage mula sa Golden Harvest Plantation. Siya rin ay madalas umanong umuwi sa bayan niya sa Lanao Del Norte dahil malapit siya sa pro-ISIS Maute brothers at namataan din sa meeting ng ASG bago pa maganap ang Marawi siege at gumawa ng paraan para mapasok ng Yakan Group ni Isnilon Hapilon ang Marawi.

Nakatakdang i-turn over ng NBI ang dalawa sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Please follow and like us:
Read More

SUNDALO ‘DEPRESSED’, TUMALON SA BARKO

(NI JG TUMBADO)

DAHIL sa matinding depresyon tumalon sa barko ang isang miyembro ng Philippine Marines habang naglalayag sa malalim na bahagi ng karagatan ng Malamawi Island , Basilan, araw ng Miyerkoles.

Sa impormasyon kay AFP Western Mindanao Command (AFP-Westmincom ) Spokesman Major John Arvin Encinas, ang biktima ay nakilalang si Corporal Jun Malones, miyembro ng Philippine Marines na nakatalaga sa 84th Marine Company ng Marine Corps Assault Battalion  sa lalawigan ng Sulu.

Bandang alas –7:20 ng umaga , ayon sa opisyal nang mangyari ang insidente habang ang biktima ay lulan ng commercial cargo vessel (Queen Shaima-2 ) na naglalayag sa bahagi ng naturang karagatan patungong Zamboanga City.

Laking gulat na lamang ng mga kasamahang pasahero nang biglang tumalon sa barko ang nasabing sundalo na nabigo na nilang mapigilan.

Nabatid sa opisyal na bago ang insidente ay ilang araw ng tulala ang sundalo na inaalam pa kung may problema sa pamilya o may ‘battle fatigue ‘ sa combat operation.

Ang tropa na kinabibilangan ng biktima ay siyang tumutugis sa mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa lalawigan ng Sulu na target malipol ng tropang gobyerno bago magtapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kasalukuyan, ayon kay Encinas, ay nag-deploy na ang Philippine Navy ng search and rescue team upang hanapin ang sundalo.

“ High seas yung area, we are still conducting search and rescue operations,” ani Encinas.

Please follow and like us:
Read More

EX-MEMBER NG ABU SAYYAF HULI MANDALUYONG

arrested12

(NI KEVIN COLLANTES)

ISANG lalaking umano’y dating miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) at wanted sa kasong pagpatay sa Basilan, ang nadakip ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon sa Barangay Barangka Ibaba, sa Mandaluyong City, Linggo ng gabi.

Ayon kay  Eastern Police District (EPD) Director P/BGen Nolasco Bathan, ang suspek ay nakilalang si Imran Sala-In Mutahayin, 24, construction worker, ng Pasig City, at umano’y dating miyembro ng ASG na nakabase sa Basilan.

Batay sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Bathan, dakong alas-8:30 ng gabi nang maaresto ng mga tauhan ng District Special Operations Unit (DSOU), katuwang ang mga operatiba ng Regional Intelligence Unit-NCR at PNP Intelligence Group, ang suspek sa isinagawang pagsalakay sa  E. Pantaleon Street, Barangay Barangka Ibaba.

Hindi na nakapalag pa ang suspek nang silbihan ng Warrant of Arrest na inisyu ng Basilan Regional Trial Court (RTC) Branch 1, laban sa kanya dahil sa kasong pagpatay.

Nabatid na una nang tinangkang arestuhin ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD)-DSOU ang suspek sa Barangay Kalawaan, Pasig City ngunit nagawa nitong makatakas at makapagtago.

Kaagad namang ipinag-utos ni Bathan ang paglulunsad ng manhunt operation laban sa suspek, na kaagad na naaresto matapos ang isinagawang surveillance operation ng mga pulis laban sa kanya.

Please follow and like us:
Read More

SUB-LEADER NG ABU, PATAY SA ENGKUWENTRO

(NI BONG PAULO)

MULING naka-iskor ang mga sundalo matapos mapatay ang isang ring leader ng Abu Sayyaf Group sa ikinasang pagsisilbi ng arrest warrant na nauwi sa engkwentro sa Barangay Parian Baunoh sa bayan ng Lantawan, Basilan, Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang bandido na si Arod Wahing, sub-leader ng ASG na naka-base sa Sulu operation camp na pinamumunuan ni Radulan Sahiron.

Sa ulat na nakarating kay Brig. Gen. Fernando Reyeg, commander ng joint task force Basilan, alas-3:25 nang isilbi ang arrest warrant laban kay Wahing nang manlaban ito sa mga operatiba.

Ani Reyeg, si Wahing ay pinagkakatiwalaang Sulu operator ng Abu Sayyaf at tuluyang nasawi matapos na magtamo ng tama ng bala sa katawan ng kumasa sa isinagawang operasiyon.

Nabatid na nagsasagawa ng joint operation ang militar at Basilan Police sa Barangay Parian Baunoh sa bayan ng Lantawan, para isilbi ang arrest warrant kay Wahing.

Pero sa halip na sumuko ay bumunot ng baril ang bandido dahilan para paputukan siya ng mga otoridad.

Please follow and like us:
Read More

TAWI-TAWI, SULU, BANTAY SARADO SA DINUKOT NG 10 MALAYSIAN

tawitawi12

(NI NICK ECHEVARRIA)

NANINIWALA ang militar na nasa  Sabah, Malaysia pa rin ang mga bandidong dumukot sa 10 Malaysian nationals na naunang napaulat na mga Filipino na mangingisda na lulan ng dalawang fishing boats.

Ito ang pahayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Benjamin Madrigal Jr., kasunod ang utos sa militar na mahigpit na bantayan ang Tawi-Tawi at Sulu.

Sa intelligence report ng AFP,  inilipat umano ng Malaysian kidnappers ang 10 bihag sa mga bandidong Abu Sayyaf, kaya posibleng sa Tawi-Tawi o Sulu dalhin ang mga ito dahil sa mahigpit na pagbabantay ng mga awtoridad ng bansang Malaysia sa kanilang mga boarders.

Sa kasalukuyan, patuloy ang mahigpit na  koordinasyon ng AFP sa Malaysian authorities simula pa nang mapaulat ang kidnapping sa karagatang sakop ng Lahad Datu, Sabah nitong Martes.

 

 

Please follow and like us:
Read More

DUTCH HOSTAGE, MISIS NG SAYYAF LEADER,  PATAY SA ENCOUNTER

abu sayyaf12

(NI AMIHAN SABILLO)

PINATAY ng Abu Sayyaf ang kanilang Dutch kidnap victim na si Ewold Horn, Biyernes ng umaga habang nagtatangka itong tumakas.

Ayon kay Col. Gerry Besana, tagapagsalita ng Western Mindanao Command, si Horn, isang bird watcher, ay pinagbabaril ng kanyang bantay nang magtangka itong tumakas  habang nakikipagbakbakan ang kanyang ASG kidnappers sa mga tropa ng 32nd Infantry Battalion sa Sitio Bud Sub-Sub, Barangay Pansul.

Sinabi naman ni Brigadier General Divino Rey Pabayo, Jr., Joint Task Force Sulu Commander na “Horn was shot by one of his guards when he tried to escape from the Abu Sayyaf during this morning’s gunfight.”

Alas- 7:41 ng umaga nagsimula ang bakbakan nang makaenkwentro ng mga tropa ang tinatayang 30 miyembro ng grupo ni ASG lider Radullan Sahiron.

“After an hour and thirty minutes of gunbattle, troops recovered the remains of Horn and that of Mingayan Sahiron, the second wife of the Abu Sayyaf top leader,” dagdag pa ni Pabayo.

Sa bakbakan na tumagal ng isa’t kalahating oras, anim na ASG fighters ang patay habang walong sundalo naman ang sugatan.

Narekober ng mga tropa pagkatapos ng bakbakan ang mga bangkay ni Horn at Sahiron.

Si Horn ay binihag ng grupo ni Sahiron matapos itong dukutin sa karagatan ng Barangay Parangan, Panglima Sugala, Tawi-Tawi noong February 1, 2012.

 

Please follow and like us:
Read More

SUNDALONG NAKALIGTAS SA GIYERA PATAY SA AKSIDENTE

accident12

(NI JG TUMBADO)

ISANG sundalo na pauwi para sa bakasyon ang nasawi matapos masangkot sa aksidente sa bayan ng Naga, Zamboanga Sibugay, araw ng Huwebes.

Dead on the spot ang biktima na si Sergeant Enerio Sergio Soriano, 34,  nakatalaga sa 18th Infantry Battalion na nakabase sa Basilan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, lulan ang biktima sa kanyang motorsiklo nang sumalpok ito sa isa pang motorsiklo na kasalubong nito sa bahagi ng national highway sakop ng Barangay Aguinaldo dakong alas-7:00 ng umaga.

Sa lakas umano ng banggaan ng dalawa ay kapwa tumilapon ang mga ito ng ilang metro mula sa pinagmulan ng aksidente.

Nasa malubha naman ang kondisyon ng kabanggaan ni Soriano na si Villapna Barong, 63, na patuloy na inoobserbahan sa Zamboanga Sibugay Provincial Hospital sa bayan ng Ipil.

Ayon naman kay Police Major Helen Galvez, tagapagsalita ng Zamboanga Peninsula Police Regional Office, pauwi sana si Soriano sa kanilang lugar sa Barangay Kagawasan sa Pagadian City upang magbakasyon mula sa pakikipag giyera nito sa mga teroristang Abu Sayyaf.

Please follow and like us:
Read More

ASG VS MILITAR: 7 PATAY, 22 SUGATAN

abu sayyaf12

(NI JG TUMBADO)

PITO ang patay kabilang ang apat na miyembro ng ISIS terror link na Abu Sayyaf Group (ASG) at tatlong sundalo sa panibagong engkuwentro na naganap sa Patikul, Sulu araw ng Biyernes.

Bukod sa bilang ng mga nasawi, 9 na terorista at nasa 13 sa panig ng militar ang nasugatan.
Nabatid kay Lt. Col. Gerald Monfort, tagapagsalita ng Joint Task Force Sulu, nakasagupa ng tropa ng 5th Scout Ranger Battalion ang nasa 80 miyembro ng terorista sa pamumuno ni Hatib Hajan Sawadjaan sa bahagi ng Sitio Atol, Barangay Latih bandang 6:50 ng umaga.

Tumagal ng 30-minuto ang bakbakan sa bahaging bundok ng nasabing lugar.

Dinala na ang mga nasawing sundalo sa military station sa Jolo sa pamamagitan ng Air Force UH-1H choppers.
Isinagawa ang combat operations bilang bahagi ng JTF Sulu sa patuloy na pagtugis sa mga teroristang nasa likod ng pag atake sa mga guro sa Barangay Kan-Agi, Patikul nitong nakalipas na Abril 2.

Please follow and like us:
Read More

MALAYSIAN KIDNAP VICTIM BINARIL NG ASG SA PAGTAKAS

abusayaf123

(NI JESSE KABEL)

DAHIL sagabal sa pagtakas, binaril ng mga bandidong  Abu Sayyaf ang isang Malaysian kidnap victim na kabilang sa tatlong hawak nilang bihag habang hinahabol ng mga tauhan ng Philippine Marine Ready Force Sulu (PMRFS) sa Simusa Island, Banguigui, Sulu .

Sa ulat na ibinahagi ni AFP Joint Task Force Sulu, spokesperson  Army Lt. Col Gerald Monfort GSC, bandang alas 4:30 ng hapon na rescue ng mga tauhan ng Philippine Marines (INF) ang sugatan na Malaysian KFR victim na umanoy isa sa tatlong kidnap victim na hawak ng  ASG sa ilalim ng pamumuno ni alyas  Najir Arik sa Simusa Island, Bgy Bahkaan.

Na-recover ang sugatang si Jari Abdulah sa lugar na tinatahak ng mga tumatakas na Abu Sayyaf matapos ang may 15 engkuwentro laban sa Marine Battalion Landing Team3.

Sinasabing tinangka ng kidnap victim na tumakas sa kamay ng mga bandido sa kasagsagan ng sagupaan subalit namataan ito ng ASG at binaril habang tumatakas.

Nabatid na may dalawa pang Indonesian hostage na hawak ang mga bandido sa area ng Sulu.

Agad na nilapatan  ng first aid ng mga sundalo ang sugatang biktima bago itinakbo sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista gamit ang  helicopter ng Philippine Air Force.

Wala namang nasugatan sa hanay ng military na patuloy na tumututugis sa mga tumatakas na ASG na itinuro ng Tausug communities.

Pahayag ni BGen Divino Rey Pabayo Jr, Commander JTF Sulu “The ASG’s act of shooting the hapless kidnapped victim is indicative of their hopelessness and of being desperate as they are now surrounded by our pursuing troops. The AFP in Sulu is now more motivated to hunt down these terrorists.”

Please follow and like us:
Read More

PAGDUKOT SA MGA GURO BIGO; 2 POLICE ESCORT SUGATAN

patikul sulu12

(NI NICK ECHEVARRIA)

SUGATAN ang dalawang police escort makaraang makaengkwentro ang may 15 miyembro ng mga teroristang Abu Sayaff Group (ASG) sa Sulu, Martes ng umaga.

Ayon sa report na nakarating sa Sulu Provincial Police Office (SPPO), nakilala ang mga sugatang pulis na sina P/Msg Alnidzfar Erajio at Pat. Jordan Changlapon na parehong miyembro ng Patikul Municipal Police Station (MPS).

Nabatid na ine-eskortan umano ng mga police personnel ng nasabing police station sa pangunguna ng isang P/SMsg Aguell sa ilalim ng superbisyon  ni P/Cpt Marc Henry Gonzalez, ang grupo ng mga guro ng Department of Education (DepEd) nang tambangan ng mga armadong ASG habang binabaybay ang daan mula sa Jolo patungo sa Bgy. Taung, Patikul ng nabanggit na lalawigan ganap na alas-8:30.

Naganap ang pananambang sa Bgy. Kan Ague, Patikul, Sulu na nagresulta sa pagkakasugat ng dalawang pulis na agad ding naisugod sa pagamutan.

Sinabi naman ni Col. Gerry Besana, tagapagsalita ng AFP-Western Mindanao Command (Wesmincom), na posibleng balak dukutin ng kidnap-for-ransom group ng ASG ang mga teachers.

Mabilis namang rumesponde ang mga pulis ng Patikul MPS kasama ang mga tauhan ng SPPO sa pangunguna ni P/Col. Pablo Labra II sa pinangyarihan ng insidente para tugisin ang mga tumakas na ASG members.

Please follow and like us:
Read More

KUTA NG SAYYAF BINOMBA, MARAMI PATAY

militar

(NI JESSE KABEL)

KASALUKUYANG hinahanap at kinukumpirma ng AFP Joint Task Force Sulu ang ulat na nasa sampung  Abu Sayyaf ang napaslang sa sinagawang aerial bombardment sa laban sa mga teroristang grupo na namataang nagtitipon tipon sa bulubunduking bahagi ng Kabuntakas , Patikul Sulu simula pa noong Biyernes.

Ayon kay Philippine Army  Brig. Gen. Divino Rey Pabayo, commander ng  Joint Task Force Sulu, kasalukuyang nilang sinususyod ang kabundukan at lubahang nahihirapan ang kanyang mga tauhan dahil sa lawak at sukal ng area.

Nabatid na base sa human intel report at impormasyong nakalap mula sa mga civilian asset ay nasa siyam hanggang sampu na ang napapaslang ng military ng simulan ang air at ground strikes.

Ayon kay Pabayo, “may mga report pero hindi pa ma-confirm dahil report lang e, wala pang body count talagang nakuha e, may mga natamaan pero nadala, nabitbit  nila… di namin ma-pinpoint pa e, maraming nagsabi may sampu, may syam, wala pang confirmation

Sinabi pa ni Pabayo na hindi kaagad makadikit ang tropa dahil sa madawag ang lugar at ilang bundok ang kailangan daanan ng tropa na nag iingat dahil sa ulat na nasa 200 ASG ang nagtitipon tipon bago sinagawa ang pag atake.

Sinasabing nagsama ang puwersa nina Radulan Sahiron at Hajan Sawadjaan na pinaniniwalaang naghahanda para sa isang malaking pananalakay o pananabotahe sa inuumpisahang Bangsamoro Transition Government.

Namataan ang pagsasanib ng may 200 puwersa ni Sahiron at Sawadjaan sa bulubunduking bahagi ng patikul kaya isinagawang ‘surgical airstrike’ ng Armed Forces of the Philippines Biyernes ng umaga.

 

Please follow and like us:
Read More

MILITAR NAKASAGUPA SA 20-MINUTONG BAKBAKAN, ASG ATRAS

abu12

(NI BONG PAULO)

PATULOY ngayong tinutugis ng mga sundalo ang mga tumakas na kasapi ng bandidong Abu Sayyaf matapos na maka-engkwentro ng tropa ng pamahalaan ang mga ito sa bulubunduking bahagi ng Barangay Upper Binoang, Talipao, Sulu nitong Sabado ng umaga.

Nagsimulang magkabakbakan ang mga ito alas-6:30 ng umaga matapos na magsagawa ng opensiba ang Task Force Sulu (JTFS) laban sa mga bandidong ASG.

Ang JTFS na kinabibilangan ng special forces ay nagsagawa ng security operation ng makasagupa ang nasa 10 mga Abu sayyaf sa Barangay Upper Binoang sa nabanggit na bayan.

Sinasabing ang mga bandidong Abu Sayyaf na nakasagupa ng militar ay mga tagasunod nina ASG sub-leaders Jaber Susukan at Angag Jaji.

Nagtagal ng 20 minuto ang palitanng putok hanggang sa umatras ang mga kalaban.

Wala namang may nasaktan o nasawi sa hanay ng pamahalaan pero posibleng may mga nasawi o nasugatan naman sa panig ng Abu Sayyaf dahil sa mga bakas ng dugo na natagpuan sa pinangyarihan ng bakbakan makaraang binanatan sila ng 81-millimeter mortar ng mga sundalo habang papatakas ang mga ito.

Nasamsam ng mga sundalo ang mga armas ng ASG na M-16 Armalite rifle, dalawang bandoleers, cellular phone at iba pang mga personal na gamit.

Nitong Biyernes, sinabi ni Brig. Gen. Divino Rey Pabayo, JTFS commander, na naglunsad sila ng pambobomba target ang nasa 200 na ASG sa Sitios Agas-Agas at Limasan, Barangay Kabbon Takas sa bayan ng Patikul.

Ginawa ng opisyal ang opensiba sa lugar matapos na makatanggap sila ng report na ang grupo nina ASG leaders Radulan Sahiron at Hatib Hajan Sawadjaan ay nagpapalakas ng pwersa sa lugar.

 

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

2 ABU PATAY,  CAFGU SUGATAN SA SAGUPAAN

basilan

(NI NICK ECHEVARRIA)

PATAY ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) habang sugatan naman ang isang miyembro ng CAFGU Active Auxilliary (CAA) sa isang sagupaan, Lunes bandang alas-5:30 ng hapon.

Tumagal ng 15-minuto ang bakbakan sa engkwentro laban sa mga teroristang grupo sa  Sampinit Complex, Masola, Isabela City sa lalawigan ng Basilan.

Ayon sa report ni Col. Jerry Besana, tagapagsalita ng Western Mindanao Command ng AFP, naka-engkwentro ng mga nagpapatrulyang grupo ng Special Forces Teams na pinamumunuan nina 1st Lt Butale at 1st Lt.  Mabansag ang hindi mabilang na mga bandidong grupo ng ASG sa ilalim ng hindi pa mabatid na commander nito.

Kaagad ding nagsitakas ang mga terorista na iniwan na lamang ang bangkay ng kanilang kasamahan.

Narekober naman ng mga tauhan ng pamahalaan ang isang M14 rifle sa lugar na pinangyarihan ng engkwentro.

Tinutugis ng mga tropa ng pamahalaan ang mga nagsitakas na Abu Sayyaf habang ang iba naman ay nagsasagawa ng clearing operation sa bisinidad malapit sa pinangyarihan ng sagupaan.

Ayon naman kay Col. Fernando Reyeg, commander ng Joint Task Force Basilan naganap ang engkwentro makaraang magresponde ang kanyang mga tauhan sa report mula sa komunidad kaugnay sa presensiya ng mga armadong bandido sa kanilang lugar na nagresulta sa pagmatay ng isang Abu Sayyaf.

Samantala nauna rito, isang engkwentro din ang iniulat na naganap  bago maghatinggabi noong Feb 24 sa mangrove area Banguingui-Tongkil, Sulu sa pagitan ng mga elemento ng Joint Task Force Sulu (JTFS) laban sa 15 mga tauhan ng ASG sub-leader na si Salip Murah na ikinamatay ng isa sa mga tauhan nito at pagkakabawi sa isang R4 rifle.

Please follow and like us:
Read More

75 PULIS PA SA MARAWI SIEGE NA-PROMOTE

police19

(NI JEDI PIA REYES)

BINIGYAN ng special promotion ang karagdagang 75 pulis na nagpakita ng kanilang katapangan at pagbubuwis ng buhay sa pagsabak sa Marawi siege.

Kinumpirma ng National Police Commission (NAPOLCOM) en banc ang promosyon sa susunod na mataas na ranggo ng mga pulis kasunod na rin ng rekomendasyon ni Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde na magawaran ang mga ito ng meritorious promotion.

Sinabi ni NAPOLCOM vice-chair at executive officer Rogelio Casurao na ang mga nasabing PNP uniformed personnel ay nagtrabaho ng husto para tuluyang mapulbos ang may isanlibong miyembro ng Maute-ISIS group at Abu Sayyaf Group kasama na ang mga lider na sina Isnilon Hapilon at magkapatid na Abdullah at Omar Maute.

Aabot din sa halos 2,000 mga bihag ang nailigtas at hindi bababa sa 400 mga de-kalibreng armas, gayundin ang mga bala at pampasabog ang nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar sa Marawi.

“The courage displayed by these valiant police personnel earned themselves not only the admiration of the members of the PNP but also of the people they had sworn to serve,” ani Casurao.

Nauna na ring kinumpirma ng NAPOLCOM ang special promotion ng may 745 pulis na sumabak din sa giyera sa Marawi.

 

Please follow and like us:
Read More

FOREIGN TERRORISTS NAISPATAN SA KUTA NG ASG

sulu

(NI JG TUMBADO)

KASALUKUYAN umanong kanlong ng Abu Sayyaf group ang ilang foreign terrorists sa Sulu na umanoy nakatakdang maghasik ng panibagong terorismo sa Mindanao.
Ito ang kinumpirma ng Defense Department na nasa dalawang suicide bombers na foreigner ang naispatan umano habang nasa kampo ng ASG sa Sulu.

Ang dalawang Arab-looking suicide bombers ay kasa kasama ng mismong bagong talagang ’emir’ ng ISIS-Philippines na si ASG leader Hatib Hajan Sawadjaan.

Ang nasabing grupo rin ang nasa likod ng naganap na pagpapasabog sa Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu at tangkang pagpapasabog sa isang lugar sa lalawigan ng Basilan.

Samantala, Tiniyak naman ni Interior Secretary Eduardo Año na tuloy ang pagmo-monitor ng pamahalaan sa galaw ng teroristang grupo.

Ipinaliwanag pa ng kalihim na bukod sa nasabing Arab ay may namonitor rin silang ilang Moroccan at Indonesian nationals ang ngayon ay nasa kuta ng Abu Sayyaf bilang mga trainer.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi sila titigil hangga’t hindi nauubos ang pwersa ng Abu Sayaff sa Patikul, Sulu.

Nakipag ugnayan na rin sila kay Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde kung saan sinabi nito na hindi lamang sa Mindanao kundi sa buong bansa dinoble ang pangangalap ng mga impormasyon para hindi makalusot ang mga teroristang grupo.

Please follow and like us:
Read More

SAYYAF MEMBER PATAY NANG UMIWAS SA CHECKPOINT

abu7

(NI JG TUMBADO)

ISA pang Abu Sayyaf member ang napaslang ng mga awtoridad makaraang tumakas ito mula sa isang checkpoint sa bahagi ng Barangay Lapid-Lapid, bayan ng Bongao, Tawi-Tawi Miyerkoles ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Shaifful Julaili.

Batay sa nakarating na report sa Naval Forces-Western Mindanao Command, nakipag barilan si Julaili sa mga tauhan ng 29th Marine Company ng Marine Battalion Landing Team-9, 51st Special Action Force (SAF) ng PNP at Bongao Municipal Police Station na nagmamantine sa checkpoint sa nasabing lugar.

Habang papalapit ang suspek sa checkpoint ay doon bumunot ng baril at pinaputukan ang mga awtoridad  dahilan para ito habulin at mapatay sa running gun battle.

Lumalabas na sangkot si Julaili sa ilang serye ng pagdukot sa Sulu partikular sa Tawi-tawi at Sabah.

Sinabi naman ng militar na mas pinaigting pa ang checkpoint operations para maiwasan ang anumang pag-atake sa ibat ibang bahagi ng Mindanao.

Please follow and like us:
Read More

‘AJANG-AJANG’ MEMBER PATAY SA ENGKUWENTRO

ajang6

(NI JG TUMBADO)

NAPATAY ng pinagsamang puwersa ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Special Action Force (SAF) ang isang miyembro ng kilabot na ‘Ajang-Ajang’ group ng Abu Sayyaf makaraan itong makipagbarilan sa Jolo, Sulu.

Sa report na nakarating kay CIDG Director Chief Supt. Amador Corpus, inilunsad ang manhunt operation laban sa suspek na si Alex Habbibondin alyas Amah Alex sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong murder nito na inilabas ng korte sa Jolo.

Natunton umano ng mga awtoridad ang kinaroroonan ni Habbibondin sa Sitio Barrio Militar kaya agad silang nagkasa ng operasyon Miyerkoles ng madaling araw.

Gayunman, nauwi sa operasyon ang pagsisilbi sana ng arrest warrant matapos manlaban si Habbibondin na dahilan ng pag neutralize sa kanya.

Nakuha sa tabi ng bangkay ng suspek ang isang caliber 357 magnum na ginamit sa pakikipagbarilan sa mga awtoridad.

Nabatid sa report na si Habbibondin ay sangkot sa ilang serye ng engkwentro kasama ang ASG  sa pagitan ng mga military sa Jolo, Sulu noong February 2 at kabilang ito sa mga kasamahan sa ‘Ajang-Ajang’ group na nasa likod ng malagim na pagpapasabog sa Jolo cathedral.

Please follow and like us:
Read More

2 PRO-ISIS GROUPS BINABANATAN NG MILITAR

zamboa

(TEKSTO/PHOTO BY AL JACINTO)

ZAMBOANGA CITY – Kaliwa’t-kanan ngayon ang opensiba ng militar sa dalawang pro-ISIS groups sa Mindanao na kung saan ay walang humpay ang atake ng mga tropa sa Abu Sayyaf sa lalawigan ng Sulu at BIFF naman sa Maguindanao.

Mahigit sa dalawang dosenang sundalo na ang napaslang at sugatan mula nang umpisahan ang opensiba na matinding sagupaan sa Abu Sayyaf sa bayan ng Patikul sa Sulu. Isinabit ng militar ang Abu Sayyaf sa suicide bombings nitong Enero 27 sa our Lady of Mount Carmel Cathedral na inako naman ng ISIS.

 

RESIDENTE LUMIKAS

 

Limang sundalo ang kumpirmadong nasawi Sabado ng hapon at halos dalawang dosenang iba ang sugatan sa labanan konta mahigit 100 Abu Sayyaf. Dahil sa sagupaan ay nagsilikas na ang mga residente sa ilang mga barangay sa Patikul sa takot na maiipit sa gulo.

Walang ulat ng civilian casualties at hindi rin naglalabas ng anumang impormasyon ang Western Mindanao Command. Ngtunit ayon naman sa Joint Task Force Sulu ay may impormasyon sila na isang foreign militant ang napatay sa labanan, ngunit hindi pa matiyak kung anon ang nationalities nito. Sugatan rin umano ang isang Abu Sayyaf commander na si Idang Susukan.

Linggo ng umaga ay namataan sa Zamboanga ang isang convoy ng militar na may dalang mga sealed caskets ng napaslang na sundalo sa Sulu at patungo ang mga ito sa Edwin Andrews Air Base.

Sinabi naman ni Major General Cirilito Sobejana, commander ng 6th Infantry Division, at ng Joint Task Force Central (Mindanao) o JTFC, na binomba nito ang mga bunkers at foxholes ng BIFF sa bayan ng Sultan sa Barongis sa Maguindanao.

 

BUNKERS, FOXHOLES BINOMBA

 

Naglunsad umano ito ng opensiba mula pa kamakalawa matapos na magbigay ng intelligence ang mga dating BIFF members – na sumuko sa militar – ukol sa taguan ng mga dating kasamahan. Binansagan ni Sobejana na DAESH-inspired ang BIFF. Ang DAESH ay ang Arabic name ng ISIS na ang ibig sabihin ay “al-Dawlah al-Islamīyah fī l-ʻIrāq wa-sh-Shām.”

“JTFC launched surgical air, artillery and ground operation to the identified and confirmed targets against the DAESH-inspired terrorist group under Salahudin Hassan. Initial result of the operation is the destruction of suspected 20-capacity bunkers and foxholes of the DAESH Inspired terrorist groups,” ani Sobejana. “The successful operation is a result of positive information and support provided by the former members of BIFF who surrendered to JTF Central.”

Ang opensiba ay ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ng madugong atake sa cathedral.

 

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

GIYERA!

war500

PINALIPAD ang attack helicopters sa Sulu para sa iniutos na ‘all-out-war’ ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Abu Sayyaf na itinuturong nasa likod ng malagim na pagsabog sa Mt. Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu noong Linggo ng umaga.

Isinagawa ang air strike sa liblib na Patikul town at hinihintay ng awtoridad ang feedback mula sa tropa, ayon kay Col. Gerry Besana, spokesperson ng Western Mindanao Command.

Sa panayam, sinabi ni Besana na ito na umano ang all-out-war laban sa teroristang grupo at ang kautusan ng Pangulo na pulbusin ang Abu Sayyaf.

Dalawang pagsabog ang naganap noong Linggo kung saan inako ng Islamic State ang madugong insidente, hindi ito isinaisantabi ng militar ngunit iginiit na ang subgroup ng Abu Sayyaf na Ajang-Ajang ang nasa likod ng twin blasts.

Inilabas ng militar ang surveillance footage kung saan apat na teenagers ang nahagip at isa ang kinilalang si Kamah, umano’y kapatid ng napaslang na Abu Sayyaf leader. Sa footage ay makikitang may iniabot umano si Kamah sa isang kasamahan ilang segundo matapos ang pagsabog.

Naniniwala naman ang Pangulo na suicide bombers ang may gawa ng terorismo base na rin sa mga lasog-lasog na katawan ng isang umano’y babae na nakita sa pinangyarihan ng pagsabog.

Please follow and like us:
Read More

AJANG-AJANG NG SAYYAF INIUGNAY SA JOLO BLAST

sayyaf

(NI DEREK LIPANA)

ITINUTURO ng Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (Wesmincom) ang Ajang-Ajang group na siyang may pakana sa naganap na kambal na pambobomba sa Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu noong lingo ng umaga.

Sinabi ni Col. Gerry Besana, spokesperson ng Wesmincom na ang Ajang-Ajang group ang tinaguriang urban terrosrist ng mga Bandidong Abu Sayaff na nag-ooperate sa mga kabayanan.

Ang pahayag ay ibinase ni Besana sa resulta ng CCTV footage na narekober ng mga awtoridad sa lugar na pinangyarihan ng pagsabog kung saan nahagip ang mga suspek.

Samantala bukod sa Jolo, napapatupad ng mahigpit na seguridad ngayon ang militar sa iba pang mga lugar sa Mindanao kasunod ng naganap na mga pagsabog sa nasabing cathedral.

Ipinahayag ni Maj. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng 6th Infantry Division ng Philippine Army na nagdeploy na sila ng mga armoured personnel carrier sa kanilang area of responsibility sa Maguindanao, para bantayan ang mga matataong lugar partikular ang mga simbahan, palengke at mga mall.

Naniniwala si Sobejana na malaking tulong ang pagpapakita ng pwersa ng militar para magsilbing hadlang sa anumang banta ng terorismo.

Idinagdag pa ng heneral na Malabo ring mag spill-over o kumalat pa sa ibang bahagi ng Mindanao ang nangyaring malagim na trahedya sa Jolo Cathedral.

Sa huling report ng PNP-ARMM nasa 20 ang bilang ng mga namatay sa insidente na kinabibilangan ng 14 na mga sibilyan, 5  sundalo at isang miyembro ng Philippine Coastguard, habang 111 naman ang sugatan, kabilang ang 90 mga sibilyan, 17 mula sa AFP, 2 sa PNP at 2 sa coastguard.

Please follow and like us:
Read More

SAYYAF MEMBER ARESTADO SA ZAMBO

abu

(NI AL JACINTO)

ZAMBOANGA CITY – Inaalam ngayon ng pulisya kung may plano ba ang Abu Sayyaf na maghasik ng lagim o dumukot sa Zamboanga City matapos na madakip ang isang miyembro nito na sabit diumano sa mga kasong kidnapping sa kalapit na Basilan province.

Hindi pa naglalabas ng resulta ng imbestigasyon ang pulisya dahil patuloy pa ang imbestigasyon kay Daud Isnani, 33, na nadakip sa Barangay Talon-Talon ng mga operatiba ng Regional Anti-Criminality Task Group ng Regional Intelligence Division 9 ng pulisya.

Galing umano sa Basilan si Isnani at hinihinalang sa coastal area ito lumusot upang makapasok sa naturang barangay. Nabatid may mga warrants of arrest laban kay Isnani mula Isabela City sa Basilan, ilang milya lamang ang layo mula dito.

Kinumpirma naman ni Chief Superintendent Emmanuel Luis Licup, ang regional police commander, na hawak nga nila ang suspek. May 7 kaso ng kidnappings si Isnani, ayon pa sa opisyal.

“Daud Isnani y Baluan was arrested by virtue of the warrant of arrest for the crime of kidnapping and serious illegal detention issued by 9th RTC Branch 1 in Isabela City on January 28, 2008 with no bail bond recommended,” ani Licup.

Pinuri naman ni Mayor Beng Climaco ang mga parak at sa pagkakadakip sa suspek. “Our authorities are always on alert and so is the community members and we shall not allow lawless elements in our city,” sabi pa ni Climaco.

 

Please follow and like us:
Read More