CHECKPOINT DINEDMA; 3 PATAY SA PULIS

(NI JG TUMBADO)

UTAS ang tatlong lalaki matapos makipagbarilan sa mga pulis sa lalawigan ng Abra.

Ayon kay Police Col. Alfredo Dangani, Provincial Director ng Abra, naganap ang engkwentro alas 2:00 ng madaling araw ng Huwebes sa Zone 7, Baranggay Anggad, Bangued, Abra.

Haharangin ng mga pulis na nagmamantine sa checkpoint ang papalapit na isang tricycle pero sa halip na huminto ay tumakas ang mga sakay nito patungo sa Barangay Cosili.

Hinabol ng mga pulis ang tatlong suspek na nauwi sa running gunbattle ang hot pursuit operation hanggang sa mapatay ang mga ito.

Tinutukoy pa rin ng pulisya ang pagkakakilanlan sa tatlong napaslang na lalaki at inaalam na rin kung may grupo ba silang kinabibilangan.

Please follow and like us:
Read More

MAYORALTY CANDIDATE ARESTADO SA RAMBOL SA ABRA

abra12

(NI NELSON S. BADILLA)

INIMBITAHAN ng pulisya ng Bangued, Abra ang isang kandidato sa pagkaalkalde na si Ryan Luna at mga tauhan ng kanyang kampo at mga tagasuporta ni Mayor Dominic Valera makaraang pumutok ang rambol sa magkalabang grupo habang nagaganap ang halalan sa nasabing lalawigan.

Ayon sa ulat na ipinarating sa pulisya, sinuntok ni Luna ang isang tagasuporta ni Valera na nauwi sa suntukan at batuhan ang mga tauhan at tagasuporta ng dalawang kampo.

Tahasang itinanggi ni Luna ang paratang.

Aniya, sinita lang niya ang isang opisyal ng barangay sa ginagawa nitong labag sa Omnibus Election Code.

Hindi malinaw sa ulat kung ano ang eksaktong isyung pinag-ugatan ng rambol.

Ayon sa pulisya, hindi nagtagal ang rambol dahil agad silang inimbitahan sa himpilan ng pulisya, kabilang na si Luna, upang ayusin ang sigalot at huwag nang maulit ang rambol.

Please follow and like us:
Read More

OPISYAL NG INDIGENOUS PEOPLES NIRATRAT SA ABRA

katutubo12

(NI JG TUMBADO)

TODAS ang isang opisyal ng National Commission of Indigenous Peoples (NCIP) makaraang pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin sa kanyang tahanan sa Abra, Sabado ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Crispin Abbago, 43, administrative aide IV ng naturang komisyon, at residente ng San Gregorio sa bayan ng La Paz.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, pinagbabaril si Abbago habang isinasara nito ang pintuan ng kanilang kusina.

Nakapasok umano ang gunman sa compound ng bahay ni Abbago at nang makalapit ay sunud-sunod itong pinaputukan.

Dead on the spot ang naturang opisyal bunsod ng tatlong tama ng bala sa katawan habang ang suspek ay tumakas lulan sa isang motorsiklo.

Narekober naman ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen ang isang 5.56 mm na baril at tatlong basyo nito.

Kasalukuyan pa ring inaalam ng pulisya kung ano ang motibo sa likod ng paglikida sa biktima.

Please follow and like us:
Read More

ASSET NG MILITAR NILIKIDA

npa

(NI CARL REFORSADO)

NILIKIDA umano ng mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang isang 64-anyos na asset ng military matapos itong pagbabarilin habang nag-aani ng mga tanim na kamatis kamakalawa sa bayan ng Pilar sa lalawigan ng Abra.

Dead on the spot dahil sa mga tama ng kalibre .45 baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Modesto Pacsa Carsola Sr., may-asawa at aktibong informant ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Base sa ulat na ipinadala ng Abra Police Provincial Office (PPO) sa Camp Crame, dakong alas-7:00 ng umaga ng maganap ang pamamaril sa biktima 500 metro ang layo sa bahay nito sa Sitio Kabayugan, Barangay Gapang, Pilar, Abra.

Kasalukuyang nagha-harvest ng kanyang mga tanim na kamatis ang biktima ng dumating ang dalawang suspek at agad pinagbabaril si Carsola.

Ang mga putok ng baril ay narinig ng asawa ng biktima na si Hipolita Carsola na agad tinungo ang pinagmulan nito at doon ay nakita niya ang duguang asawa na nakahandusay habang ang dalawang suspek ay naglalakad lang na paalis na ng lugar.

Ayon sa pulisya, posibleng pinatay ng mga suspek ang biktima dahil sa pagigigng asset nito ng militar, kaya patuloy ang kanilang imbestigasyon upang makilala ang mga salarin at mapanagot sa batas dahil sa ginawa nilang pamamaslang sa biktima.

Please follow and like us:
Read More